KABANATA 31

2587 Words
Third Person's Point of View The sun was about to shine above the dimly sky. The leaves were dancing through the morning breeze of the wind. Zaera was sitting on the chair at the veranda right next to Zerron whose eyes were fixed in the distance. "Pwede mo na ba akong sagutin, Zerron?" Tanong nito sa mahinahong tinig. Napabuntong hininga si Zaera bago balungan ng tingin si Zerron. "Anong ginagawa mo dito sa bahay? Paano ka nakapasok dito at kung ano ba talaga ang nangyayari? Are you behind of all the messages that I'd received?" Mabilis na dumapo ang panigin ni Zerron kay Zaera. Salubong ang kilay nito. Nakuha ang atensiyon ni Zerron dahil sa sinabi niya tungkol sa mensahe. "Messages? What messages?" Kyuryusong tanong nito. "Mensahe na nagsasabing nasa paligid lang namin ni Zian ang magpapahamak sa amin. Nakatanggap rin ako kanina habang kumakain kami. It says that, we should leave this house because something might happen with us if we're not be able to leave before midnight" Seryosong paliwanag nito kay Zerron na ngayon ay unti-unting nagbago ang ekspresiyon ng mukha. He knew who it is. 'Vigénere' Saad nito sa kaniyang isipan. "Wala akong alam diyan, Zaera" Sagot nito at umiwas ng tingin saka sumandal sa upuan. Although he ordered her to do that. "Sige, tatanggapin ko na wala ka ngang kinalaman sa mensaheng iyon pero sagutin mo ang tanong ko Zerron. Bakit ka lumitaw bigla-bigla sa dis oras ng gabi at....." She swallowed the lump in her throat. She remembered it clearly. "a-at may hawak kang baril?" Halos pabulong nalang ang huling tanong nito. Napayuko siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit niya. She can't stop her hands from trembling. Zerron notices it and he felt guilty. Guilty for some reason. He wanted to hold her hand. Gusto nitong pagaanin ang kaniyang pakiramdam pero alam niyang hindi parin ito makakabuti. He cursed mentally. Hindi kasi nito alam kung ano ang puwede niyang sabihin o ipaliwanag sa katanungan niya. Ano ba ang kaniyang dapat sabihin? Na siya ay miyembro ng isang organisasyon na hindi sakop ng gobyerno? Na namamalakad siya ng kilusan na kahalusan ay tungkol sa ilegal na transakaiyon ang nangyayari? Na siya ay pumapatay ng tao? Habang iniisip nito ang mga sagot na umiikot sa isipan niya ay unti-unti ring sumisikip ang dibdib niya. That realization hit him. "Zerron, don't just give me that stare kailangan ko ng kasagutan" Mariing saad nito habang nakikipagtitigan sa lalaki sa tabi niya. Napayuko si Zerron bago napabuntong hininga. Napalunok siya at napatiim-bagang. Napakuyom rin ang kaniyang kamao. "Wala akong intensiyon na masama, Zaera. I breakthrough the back door at the kitchen and sneak inside the house but I have a purpose of doing that. I did that to protect you both, Zaera" He simply answered before standing up. Tinalikuran niya si Zaera kaya't napatayo rin ito. "Protecting us from what, Zerron?" Hindi nakaimik si Zerron kaya't nilapitan siya ni Zaera at hinawakan sa braso. "Sagutin mo ako, Zerron. Pinoprotektahan mo kami sa ano?" Halos magmakaawa na ang tinig nito. "Protecting you both from everything. Pinoprotektahan ko kayo sa kapahamakan, Zaera. That is the only thing that I can tell you. I'm doing this to protect you both" Seryosong sagot nito sa kaniya. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao nito. "B-Bakit? Miyembro ka ba ng police? Secret Agent ka ba? NBI? FDA? ARMY? Para protektahan mo kami? Just tell me Zerron! Nang maintindihan ko kung bakit may hawak kang baril kanina!" She exclaimed pointing out what she saw earlier. Mabilis na humarap sa kaniya si Zerron. Papasikat na ang araw, unti-unti na ring nagliliwanag ang buong paligid. Napatingala si Zaera at bumungad sa kaniya ang mukha ni Zerron na may bahid ng dugo. May sugat rin ito sa kaniyang pisngi. Medyo napaatras si Zaera ng makita ito. Pinagmasdan niya rin ang buong katawan nito at may mga d**o pang nakadikit sa kaniyang damit. Marumi ang suot nito at may bahid ng dugo ang sleeves. "O-Oh my God! B-Bakit....." Napaturo pa ito kay Zerron. Napaatras ito at napatakip sa bibig niya. Hindi niya manlang napansin ang itsura nito kanina dahil siguro'y masyadong okupado ang isipan niya. "Zaer----" "D-Don't come near me" Pakiusap nito sa mahinang tinig. Napatigil si Zerron sa paglalakad at hinayaan niya munang kumalma si Zaera. Questions in her mind is driving her crazy. Napatitig si Zaera sa mga mata ni Zerron. "B-Bakit?..." Sa halos isang taon nilang magkarelasyon noon ay ang tanging alam lamang nito ay isa siyang business man. Wala ng iba. "Do you really wanted to know the truth?" He asked her while staring at her intently. Humakbang ito palapit sa kaniya. Hindi nakapagsalita si Zaera. Ni hindi manlang ito nakasagot ng Oo o hindi. Nababagabag siya sa nakikita niya. "Zaera, tinatanong kita. Gusto mo ba talagang malaman ang lahat?" He ask her once again. Tanging tango ang isinagot nito sa kaniya. "But promise me that you won't freak out" He ask her sincerely. Nangungusap ang mga mata nito. Tanging tango lang ulit ang isinagot niya bago siya umiwas ng tingin. Umupo muli si Zerron sa upuan. Nanatiling nakatayo lamang si Zaera. "Aside from being a billionaire, a business tycoon and a......jerk" Umpisa niya.. "As a Del Fierro, maraming bagay pa ang nakapatong sa balikat ko. Bukod sa pagpapatuloy ng mga nasimulan ng mga magulang ko, kailangan ko ring ipagpatuloy ang nasimulan ni Lolo Fugere" "N-Nasimulan ni Don Fugere? Is it one of your cacao plantation? Fruit Farm? Casa Del Fierro?" "No. Aside from that" Umupo si Zaera upang makinig sa sasabihin nito. "Empire is what my Lolo used to take good care of since I was a kid. Lolo spend his whole life at Empire at ang buong childhood ko ay inialay ko doon. I've gone into a lot of training courses since I was 10 years old. I never experienced the things that a kid used to do during that age. I never experienced to play along with the kids at the park nor enjoy my childhood days. School at training lang lagi ang ginagawa ko that time" Pagkukuwento nito at sarkastiko siyang natawa. Tumigil ito at tumingin kay Zaera na kunot ang noo. "E-Empire? Ano 'yon?" "Empire is an organization which is not governed by the government. This is an organization where an individual which have enough money and power were able to lead the whole system. We do things both legal and illegal or against the administration and the policy of the government" Paliwanag nito saka sinalubong ang tingin ni Zaera na mataman na nakikinig sa kaniya. "T-Then, anong ginagawa niyo sa organization na 'yan, Zerron?" Halos pabulong nitong tanong kahit pa man may kutob na siya sa organisasiyong tinutukoy ni Zerron. Napayuko si Zerron bago ito napabuntong-hininga. "We kill people" Tila wala siyang ibang naririnig kung hindi ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib. Nabibingi lang ba siya o totoo talaga ang kaniyang narinig. "Z-Zerron, hindi magandang biro 'yan" Tumawa ito pero halata ang kaba sa kaniyang tinig. Zerron diverted his gaze somewhere else. "I'm.....sorry" Dalawang salita na dumurog kay Zaera. Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi nito alam kung ano ang kaniyang magiging reaksiyon. Tila may bumarang kung ano sa lalamunan niya. Hindi na rin nito alam ang dapat pang sabihin. Napahigpit ang paghawak ni Zaera sa laylayan ng damit niya. Her hands began to tremble. "D-Do you kill people too, Zerron?" Napapikit ng mariin si Zerron bago siya tumango. Zaera's face turn pale. Nakaawang rin ang labi nito. Hindi siya nakapagsalita o nakapag-react manlang dahil pinoproseso pa ng utak nito ang lahat ng sinabi ni Zerron. Zaera's Point of View "Y-You killed people?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Ang bilis ng t***k ng puso ko. "S-Sabihin mo sa 'kin, pumapatay ka ng tao para saan?" I stood up and look at him intently. I don't wanna judge him but the fact that I found out that he killed people is seriously killing me right now. Napatayo siya upang hawakan ang balikat ko pero mabilis akong napaatras. "Z-Zaera, I have reasons to do that" Wika nito pero umiling ako. "Zerron! Hindi mo ba alam ang sinasabi mo?! You killed people! Kriminal ka!" Sinalubong ko ang tingin niya at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Napatigil ito sa paglapit sa akin. I saw a hint of guilt and pain in his face. "Alam ko na kriminal ako sa paningin mo ngunit kailangan ko iyong gawin. May mga rason kung bakit ko iyon ginagawa" "Whatever that reason is! You're still a criminal, Zerron!" Hindi ko na mapigilan pa ang mga bagay na lumalabas sa bibig ko. Hindi mapirmi ang kaniyang mga mata habang nakatinigin sa akin. Tumaas-baba ang adam's apple niya na nagpapahiwatig na napalunok ito. "Puwede bang pakinggan mo muna ang paliwanag ko?" Pakiusap nito sa akin. Napayuko ako at napapikit ng mariin. Hindi ko talaga alam kung paniniwalaan ko siya. Gusto ko nalang na hindi makinig sa kaniya pero may parte sa akin na gusto kong marinig ang paliwanag niya. Hindi ko alam. Napailing nalang ako at napahawak sa ulo ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa kaniya. I still need to know everything even though there's a possibility that I'll hear something more disturbing compare to that. "I-Ipaliwanag mo sa akin, Zerron" Tumikhim ito. "We're killing people for some reason, Zaera. We have to kill someone to save someone else's life, we kill people in order to survive, we kill those who are trying to destroy the system, we kill those people who sabotage and betrayed us and we kill those people who tried to harm our family. In short, I was bound to kill anybody just to protect the whole Del Fierro Family, the heirloom, and both of you, Zaera" Paliwanag nito sa akin. Hindi ako nakaimik kaagad. Tumingin siya sa akin. "That is the reason why I am here. Pinoprotektahan ko kayo ni Zian sa mga taong gusto kayong patayin kanina. One of our enemy is after you both.. Kung hindi ko kaagad sila naunahan dito ay malamang nawala na kayo sa buhay ko" Pagpaptuloy nito na ikinalunok ko. I remember what happened earlier. "Y-You mean......" Hindi ko matuloy ang dapat kong sasabihin sa kaniya. "Hindi magnanakaw ang pumasok sa loob ng bahay, Zaera. It was one of the people who wanted you dead especially my son" Mas lalong hindi ko matanggap ang huling sinabi niya. Oh my God! Napahawak ako sa dibdib ko. Para akong hihimatayin sa mga nalaman ko. Nilukob ako ng takot para sa buhay ng anak ko. "Gosh! This is insane!" Saad ko at napahilot sa sintido ko. Mas naging komplikado ang lahat para sa akin. Napatayo ako. So, kung hindi siya nakapunta kanina napatay na kami ng mga taong 'yon?. Ayokong maniwala pero may parte sa akin na nagsasabing totoo ang sinasabi niya. "This is also the reason why I really wanted you both to stay with me, Zaera" Napabaling ang paningin ko sa kaniya. Tinitigan ko ang mukha nito. Ang tanging nakikita ko ay walang iba kung hindi katotohanan. Nakikita ko rin sa mga mata nito ang pakiusap. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo na. The father of my son is a killer. Isang mamamatay tao para sa sariling hangarin at para sa kapakanan ng iba. I should be yelling at him right now. I should be angry with him. Pero bakit ganun? Ginulo ko ang buhok ko. "Ang hirap, Zerron. Nahihirapan akong paniwalaan ang mga sinasabi mo pero kung totoo nga 'yan, hindi ko na alam" Mahinang saad ko saka tumulo na ang luha ko. "All I wanted to ask is why it has to be like this? Bakit pa dumating sa point na magiging ganito ang buhay namin?" Tanong ko. Napayuko siya at napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Wala ka na talagang naibigay sa akin kundi konsumisyon sa buhay. Sinaktan mo na nga ako noon tapos ngayon ilalagay mo rin sa panganib ang buhay ng anak natin? If I knew that this will be our fate sana noon ay hindi na ako nagpabuntis sayo" Puno ng hinanakit kong sumbat sa kaniya. Pumatak ang luha ko ng pumasok sa isipan ko ang mga katakot-takot na bagay na posibleng mangyari. Paano kung bigla nalang kami pasukin sa loob ng bahay habang natutulog kami at papatayin kami. Hindi ko kakayanin 'yon lalong-lalo na kapag mawala sa akin si Zian. Domoble ang takot ko ng sumagi sa isipan ko na hindi na talaga magiging ligtas ang buhay namin. "I'm sorry, Zaera. I'm sorry for being a jerk" Napatingin ako sa kaniya at napansin ko paring nakayuko siya. "You're right, wala nga talaga akong kuwentang tao dahil lahat ay paghihirap nalang ang idinulot ko sa 'yo at kay Zian" Napansin ko ang pagkabasag ng kaniyang boses. "Pero kahit ano pa ang sasabihin mo sa 'kin. Tatanggapin ko 'yon lahat. Hindi ko parin kayo pababayaan ni Zian. I'm sorry if the only thing that I knew on protecting you both means killing somebody else" Sabi nito. Tumingin ito sa akin. Ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direksiyon at napabuntong hininga. Pinunasan ko naman ang pisngi ko. Kinikilabutan ako kapag naririnig ko na papatay siya ng tao. Napakuyom ang kamao ko. "Zaera?" Isang tinig ang narinig ko mula sa labas ng kuwarto ko. Kaagad akong nataranta kaya't hinila ko si Zerron sa isang tabi upang itago siya. "Zaera, ayos ka lang ba?" Si Hather ang tumatawag sa 'kin. Ikinubli ko si Zerron sa may gilid ng sliding door kung saan may kurtina. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko kaya mabilis kong inayos ang sarili ko. Bumungad sa paningin ko sina Hather at Lovern. May pag-aalala sa mga mukha nila. "Ayos ka lang, Zae?" Tanong ni Lovern sa 'kin. Nakatayo pa rin sila sa may b****a ng pinto. Pasimple kong tiningnan si Zerron na tahimik na nagtatago. Pumasok ako sa loob ng kuwarto saka tipid na ngumiti. "Oo, ayos lang. Kayo? Ayos lang ba kayo? Ikaw Hather, nakita mo ba ang m-magnanakaw?" Pasimple akong napalunok dahil sa tanong ko. "We're fine. About the thief hindi ko siya nahuli dahil may humampas sa batok ko so I lost my consciousness. He broke into Lovern's room and fortunately, nahuli naman siya dahil may tumulong na papadaan kanina dito sa subdivision natin" Paliwanag ni Hather sa akin. Napatango nalang ako. I'm sure that person is connected to Zerron. "Mabuti naman" Saad ko. "Ikaw? Ayos ka lang ba talaga? We heard that you're talking with someone" Puna ni Lovern. "A iyon ba? Kausap ko lang si Mama" Deny ko saka napakamot sa ulo ko. Napatango naman sila at saglit pang napatingin sa loob ng kuwarto ko. "Okay, baba ka nalang after mong mag-ayos, Zae. Magluluto muna kami ng breakfast" Sabi ni Hather kaya nakangiti akong tumango. Hinintay ko silang makalabas at isinara ko ang pinto. Inilock ko rin ito. Mahirap na baka bigla silang pumasok dito sa loob. Binalikan ko si Zerron sa labas ng Veranda at nakita kong nakasandal ito sa railings habang malayo ang tingin at naninigarilyo. Tila malalim ang iniisip nito. Tumikhim ako upang makuha ang atensiyon niya. Mabilis siyang tumingin sa akin at pinatay ang sigarilyo. Alam long naninigarilyo na ito noon paminsan-minsan lalo na kapag stress siya sa trabaho at marami siyang iniisip. I'm sure hindi lang trabaho ang problema nito. Napabuntong hininga nalang ako. I still couldn't really digest everything that he said pero isa lang ang nasa isipan ko. Ang kaligtasan ko at kaligtasan ni Zian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD