Zaera's Point of View
"I gotta go now" Sabi nito at pinasadahan ng daliri ang buhok niya. Napsunod pa ang mga mata ko sa dugo na nasa siko nito. Ang paningin nito ay nasa kaniyang relo na nasa palapulsuhan.
"A-Ahm......" Nilingon ako nito habang inaayos niya ang pagkaka-tack in ng kaniyang damit. Tumaas ng kaunti ang kilay nito na parang nagtatanong. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kaniya?
Sorry? dahil sa mga sinabi ko kanina o Thank you sa pagliligtas sa amin ni Zian?
"Why? Is there anything wrong?" Kunot ang noo na tanong nito sa 'kin.
"H-Hindi ka ba magpapaalam kay Zian?" Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Napakamot ito sa ulo niya.
"I would love to but I can't do that. Ayokong makita ako ng anak natin na ganito ang itsura ko" Sagot niya kaya ako naman ang napakamot sa pisngi ko. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil sa katangahang tanong ko sa kaniya.
"S-Saan ka dadaan?" Tanong ko sa kaniya. Alam kong hindi siya makakalabas sa kuwarto ko dahil makikita siya nina Lovern at Hather. Itinuro nito ang ibaba ng veranda.
Nanlaki ang mga mata ko. "Tatalon ka?!"
Tumango siya.
Nasa second floor 'yong kuwarto ko tapos tatalunin niya? Hindi kaya mabali ang buto nito? Npansin ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa labi niya kaya napakurap-kurap ako. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti pero parang ito parin ang unang beses na nakita ko 'yon. Umiwas ako ng tingin. Ang weird kasi ng tiyan ko parang bumabaliktad ang bituka sa loob.
"Don't worry, I'll be fine, Eve" Sabi niya na hindi pa rin inaalis ang ngisi sa labi. Nginingisi-ngisi nito? Napairap nalang ako.
"Tss. Hindi ako nag-aalala. Umalis ka na baka makita ka pa nila Hather at Lovern"
Tumango ito.
"Sige. I-Ingat ka" Wika ko at tinalikuran siya..
Papasok na ako ng marinig ko itong magsalita. "Hihintayin ko ang magiging desiyon mo, Zaera. Just for Zian, Zaera. Sana makasama ko na kayo"
Saglit akong napatigil. Hindi ko siya nilingon. Mahigit tatlong segundo lang akong nakatayo pero hindi ko siya sinagot manlang. Napahugot ako ng malalim na hininga bago ako tuluyang pumasok sa loob at isinara ang sliding door. Napasandal ako sa glass at napatingin kay Zian na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.
Tumingin akong muli sa labas sa pamamagitan ng paghawi ng kurtina at wala na siya. I heave a deep sigh at isinara nalang ang kurtina bago ko lapitan si Zian. Umupo ako sa gilid ng kama at sinuklay ang buhok nito gamit ang daliri ko.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko, hindi pa natatapos ang taguang nangyayari sa buhay namin ngayon. Noon, si Zerron lang ang pinagtataguan namin pero ngayon ibang tao naman. Mga taong nais kaming patayin.
Ephraim's Point of View
Nasa loob ako ng saaakyan at hinihintay si Zerron. Nakita ko itong tumatakbo sa frontyard ng bahay. Umakyat ito sa pader at tumalon pababa bago tumakbo sa kinaroroonan ng kotse ko. Mabilis kong binuksan ang passenger seat at pumasok naman siya kaagad.
Kaagad kong pinaandar ang saaakyan para makaalis na kami. Saglit ko siyang tiningnan na nakasandal at hinihilot ang ulo niya.
"Kamusta sila Zaera?"
"They're fine" Matamlay ang pagkakasagot nito.
"Mabuti naman. Anyway, your clothes are at the backseat" Saad ko. Tumango naman ito saka inabot ang shopping bag sa backseat. Napailing nalang ako dahil sa itsura nito. Puno ng dugo ang damit at may galos pa ang mukha.
"Nakita ka ba nila, Zerron?"
I'm pertaining about Zaera and Zian pati na rin ang mga Saavedra.
"The Saavedra's doesn't know anything. Zaera saw me. Zian is sleeping"
Natawa naman ako. "I guess you're lucky" Tinapik ko pa ang balikat nito. He just hissed and change his clothes.
"Is Herman awake?" Tanong nito matapos maisuot ang Itim na T-shirt. Tumango naman ako. "Did you get any valuable information?" Umiling naman ako.
Herman gain his consciousness 15 minutes ago and we started the interrogation but unfortunately wala pa rin kaming nakukuhang impormasiyon dahil masyadong matigas ang bungo ng gag*.
"Tss. Let's see" Nakita ko ang pagngisi nito. Napailing nalang ako. Isang malaking good luck na lang para kay Herman mamaya. Wala pa namang tulog 'tong si Zerron.
Bumaling ako sa kaniya saglit. "Siya nga pala, Zerron. Diba malapit na ang birthday ni Zian?" Tanong ko sa kaniya. Napatigil ito sa pagpunas sa dugo niya sa pisngi.
"Sh*t!" He cursed. "I forgot about it"
"Ganyan talaga Zerron kapag nagkakaedad, makakalimutin" Biro ko. "Mabuti pa ako natatandaan ko kahit hindi ako ang ama" Dagdag ko dahilan para maramdaman ko ang malamig na dulo ng baril sa leeg ko. Napalunok ako.
"Pull over" He coldly said.
"Teka lang naman, insan. Biro lang naman" I awkwardly laugh. Napatingin ako sa kaniya. Sh*t! Seryoso nga talaga siya. Napamura nalang ulit ako sa isipan ko.
"I said pull over, Ephraim"
"O-Oo na nga, teka lang" Itinigil ko ang saaakyan sa tabi.
"Get out"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito. "T-Teka, bakit ako baba?"
Hindi ito sumagot at sinenyasan lang akong bumaba gamit ang revolver na hawak niya. P*tang*na! Zerron! Pasalamat ka may baril ka! Wala akong choice kung hindi ang bumaba. Kaagad siyang lumipat sa driver seat at isinara ang pinto. Putek! I tried to open the f*cking door but it's lock!
"You've been roasting me for so long, Ephraim. This serves as your punishment" Nakangising saad nito at pinaandar ang makina ng sasakyan.
Napamaang lang ang labi ko ng ipaharurot niya paalis ang sasakyan KO! P*tang*n*! Napahawak nalang ako sa bewang ko at ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Napalinga-linga pa ako sa buong paligid at wala yatang dumadaan na kahit anong sasakyan dito. Putek!
I kick the tree near me. Bullsh*t! Ginulo ko ang buhok ko sa inis. That was my f*cking car! Now, I left here out of nowhere! Isinusumpa ko talaga ang pinsan ko na 'yon. Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at hinanap ang contact number ni Damian.
Nagsimula akong maglakad-lakad para maghanap ng mas accessible na location para madali niya akong makita. May nakita pa akong dalawang shortcuts na papunta sa kung saan. Tang*n*! Sana naman walang cannibal dito.
[Yow, napatawag ka? Nasundo mo na ba si Boss?]
"Tang*na, ako ang sunduin mo dito" Inis kong saad at napalinga-linga sa buong paligid. Medyo mapuno dito. Tsk.
[Bakit anong ginawa mo kay Bossing?] Natatawang tanong nito. Kung kaharap ko lang talaga ang hay*p na 'to kanina ko pa nasapak.
"Sunduin mo nalang ako dito! Track my location now" Utos ko sa kaniya.
[Okay. Rescuers are on their way] Humalakhak ito.
"Rescuers my foot!" Pinatayan ko ito ng tawag at napabuntong hininga nalang. Ibinalik ko na lang ang cellphone sa bulsa ko at napalinga-linga ulit sa paligid.
Napakunot noo naman ako ng may mapansin akong isang lalaki na nanggaling sa isa sa mga shortcut kung saan may tanim na puno ng mga saging. Pinagmasdan ko itong maigi. Putakte! May buhat-buhat itong palakol sa kaliwang balikat.
T*NGINAAAA! NASA WRONG TURN NGA TALAGA YATA AKO!