"Pre, sabuyan mo ng asin"
"Tang*! Tubig ang isaboy mo!"
Napakamot ako sa pisngi ko dahil sa kaingayan ng nasa paligid ko. Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mga pangit na mukha nina Doom at Damian. I look around and I saw no one else except to this two assh*les here.
"Anong nangyari?" I ask them and stood up.
"Kami ang dapat magtanong sa 'yo niyan. Bakit ka nakahilata doon sa gitna ng daan kanina?" Ask Damian.
"Nakahilata? Paano naman nangyari 'yon?" Naguguluhan kong tanong.
Inilabas ni Damian ang cellphone niya at ibinigay sa akin. Tiningnan ko ito at naknang! Ako ba 'to?! Nakabulagta ako sa daan tapos nakatayo naman sa tabi ko 'yung si Manong na may palakol. Tang*na! Parang reporter pa si Damian sa ginagawa niya sa video.
"Ngayon ay nandito tayo at nasasaksihan natin ang isang kagimbal-gimbal na pangyayari. Isang binatilyo ang natagpuan naming walang malay sa gitna ng daan. Nandito si Manong?......." Tumigil ito at nilapitan si Manong na may palakol. "Ano pong pangalan niyo, Manong?" Napakamot ako sa ulo dahil sa kalokohan ni Damian.
"Fred, iho"
"Ah Uncle Fred. Ano po ang nangyari sa kaniya?"
"Ewan ko sa batang ire. Galing ako sa taniman ng kamote at bitbit ko itong palakol ko ng makita ko siya dito sa highway. Bigla nalang siyang nahimatay"
Narinig ko ang hagikhikan ng mga animal sa video. Napakuyom ang kamao ko.
"Salamat po, Uncle Fred. At iyan po ang nangyari pero hindi pa rin natin alam kung ano ba ang tunay na dahilan ng pagkahimatay niya. Ako po ang inyong taga-ulat. Damian Montenegro ang guwapong hindi bastos pero maginoo"
Doon nagtatapos ang walang kakuwenta-kuwentang video. Ibinalik ko ito sa tukmol na nagpipigil ng tawa.
"Nagawa niyo pa talaga iyon kaysa sa tulungan ako?" Inis kong tanong sa kanila at naupo ako sa couch. "Mga gag*!" Dagdag ko. Tumawa lang ang mga ito.
Tumikhim naman si Damian. Napatingin ako sa kaniya.
"Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo, Pre?" Tanong ni Doom na nakaupo rin sa sofa. Tss.
"Wala! Huwag niyo ng itanong!" Napakamot naman silang dalawa sa ulo.
"Nakakahiya ka, Pre. Kasama pa naman namin si Vigénere kanina" Nakangising saad ni Damain dahilan par amalaglag ang panga ko.
0__0 Tanging inaaaa!
Nanlumo ako. Wala na. Sira na ang image ko.
__
Three days later.....
Zaera's Point of View
"Are you sure about this, Zaera? Aalis talaga kayo?" Ask Lovern while I am packing mine and Zian's things. Tumigil ako saglit bago ko siya tiningnan. Nakita ko na para itong maiiyak.
Napabuntong hininga naman ako. Ayoko sanang umalis pero para sa kaligtasan namin at para rin sa kaligtasan nila ay gagawin ko 'to. Alam kong madadamay sila sa gulong ito kapag hindi ako umalis dito. Ayokong mapahamak sila dahil sa 'kin.
"I'm sorry, Love. I promise to Zian that we will stay to Zerron's place before his birthday at ayokong sirain ang pangakong 'yon sa kaniya. You know that I will do everything just for my son kahit pa man hindi ko ito gusto'
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya saka niyakap nalang ako. Niyakap ko rin siya. Napahiwalay naman kami ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako doon at nakita ko si Zian na may ngiti sa labi.
"Mama, Daddy is here na po" Excited niyang sabi. Alam.kong hindi na ito makapaghintay. Tumango ako sa kaniya saka ko tinuloy ang pag-aayos ng mga gamit namin sa maleta.
Napatingin ako kay Lovern. "Saan pala si Hather?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. I heave a deep sigh.
Kahapon na nag-usap kaming tatlo ay against talaga siya sa pasya kong ito. Simula rin kahapon ay hindi na niya ako kinakausap hanggang kanina. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Tinapik naman ni Lovern ang balikat ko.
"Alam kong hindi ka rin matitiis ni Kuya, Zae. Hindi iyon papayag na basta ka nalang aalis na hindi ka niya makakausap. Alam mo namang may gusto 'yon sa---"
"Love" I warned her. Ayoko ng marinig pa iyon mas nasasaktan ako para kay Hather. Kapag naririnig ko ang katagang 'gusto ako ni Hather' ay nasasaktan ako dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi mahalin at piliin ng taong mahal mo.
I've experienced it too before. Napayuko nalang ako. All this time, Hather is always there for me. Walang araw na hindi niya ipinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kaniya, na mahal niya ako pero......
Wala akong ginawa kung hindi balewalain lamang iyon.
"Love, alam kong hindi ito ang unang beses na humingi ako ng tawad. Sorry for not loving your brother. Sorry kung nasasaktan ko siya"
Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko. "Ano ka ba, ayos lang. Naiintindihan ko naman. Hindi pinipilit ang puso kung sino ang mamahalin mo" Nakangiti niyang sabi saka natawa pa kalaunan. Natawa nalang rin ako.
"Sige na, naghihintay na si Zian oh. Excited masyado" Saad nito ulit.
Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang isang maleta at kinuha naman ni Lovern ang maleta ni Zian. Naunang lumabas si Lovern kasama si Zian. Tumigil ako aaglit sa labas ng pinto at saglit na tumingin sa kuwarto. I'll miss this place.
Isinara ko na ang pinto at sumunod sa kanila pababa. Hinanap ng mga mata ko si Hather pero wala talaga akong makita ni anino manlang niya. Tumingin nalang ako sa dinadaanan ko saka na ako lumabas ng bahay.
Nakita ko si Zerron na naghihintay sa amin sa labas ng gate. Nakasandal ito sa kotse niya habang naka-cross arms. Mesyo magulo pa ang buhok nito. Base sa ayos nito ay alam kong galing siya sa opisina. Umiwas ako ng tingin ng magtagpo ang aming mga mata.
Tumigil kami sa mismong labas ng gate at tumingin ako kay Lovern. Kaagad niya naman akong niyakap kaya niyakap ko rin siya.
"Mamimiss kita, Zae. Mag-ingat ka lagi ah? Kakamustahin mo ako lagi" Saad nito kaya napangiti naman ako.
"Mamimiss din kita, Love. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo na naibigay sa 'kin. Alam kong hindi sapat ang salitang pasasalamat sa ginawa mo. I'm really greatful to have you as my best friend. Lagi ka ring mag-iingat"
Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa 'kin bago siya nag-squat at saka hinawakan ang pisngi ni Zian.
"Mamimiss kita, Zian. Mamimiss kong panggigilan 'yang pisngi mo" Saad nito at hinalikan si Zian sa pisngi.
"I'll miss you too po, Tita" Sagot ng anak.
"Yiee, naiintindihan mo na ako" Puna ni Lovern at tumayo na siya bago ginulo ang buhok ni Zian. Ngumiti lang si Zian saka lumapit kay Zerron na nakatingin lang sa amin.
Napalingon pa ako sa bahay at hinihintay ko na sana ay lumabas manlang si Hather upang makapagpaalam ako pero bagsak ang balikat ko ng wala talagang Hather na nagpakita sa 'kin.
"Let's go, Eve" Agaw pansin sa akin ni Zerron kaya napatingin ako sa kaniya at tumango. Lumapit sa akin si Zian at hinawakan ang kamay ko.
"Mama, where is Dada?"
Napatigil si Zerron sa paglalakad at napalingon kay Zian. Ibinalik ko ang tingin kay Zian. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi.
"I don't know, Zi. Maybe he's very busy" Hingi ko ng paumanhin. Napanguso naman ito.
"Can you call him? Please, Mama? I want to said good bye to Dada" Pakiusap nito sa akin. Napatingin ako kay Zerron na ang paningin ay nasa malayo at medyo salubong ang kilay at nakatiim bagang. Sumandal ito sa kotse at napabuntong hininga.
Ibinalik ko ang tingin kay Zian saka hinawakan siya sa balikat. I fetch out my phone in my pocket and texted Hather. Hindi ko talaga kasi alam kung saan siya. I don't know if he's locking up himself inside his room, went out and hang out with his friends or went somewhere else.
Hinintay ko ang response niya sa mensahe ko pero wala. Napabuntong hininga naman ako bago ko ibalik kay Zian ang tingin ko. Then, he pouted. The time I look at him, he knew what is the answer.
"Maybe we could talk to him via call or Video call, nak" Pampalubag-loob ko. Tumango nalang ito pero pansin ko talaga ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko naman kasi masisisi si Zian kung ganito ang mararamdaman niya.
Simula pagmulat niya sa mundo si Hather na ang una niyang nakita at tinuring na tatay kahit pa man alam niya na hindi ito ang tunay niyang ama. I pat his head instead and smile. I heard Zerron heave a deep sigh kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Nakita kong inilabas nito ang cellphone niya at may kung ano-anong tinipa. Salubong ang kilay nito habang tutok na tutok sa screen ng phone niya.
"Daddy, let's go na po" Aya ng anak ko kay Zerron at hinawakan nito ang laylayan ng damit niya. Tinigil naman ni Zerron ang pagtitipa sa phone niya at tumingin kay Zian. Then, his mood suddenly changes. Nakangiti na ito. Ang bilis mag-shift mood ha?
"Just wait for a little bit, Son. I'm sure your Dada will be here soon"
And all I can do is to raise my eyebrow. What did he just say? Nakita ko naman na mabilis na nagliwanag ang mukha ng anak ko. Zerron diverted his gaze over me. He just stared at me seriously. I mouthed him, 'What was that?' He just shrugged. Mas napakunot noo nalang ako.
Katulad nga ng sinabi niya ay naghintay kami. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote niya at sinabi niya iyon kay Zian. How can he be so sure that Hather will be here? Habang naghihintay ay tahimik lanag akong pinagmamasdan silang dalawa. Zian is sitting in the car's hood while Zerron is leaning beside him na panay ang tipa sa cellphone niya.
Ano kayang pumasok sa utak nitong lalaking 'to at siya pa talaga ang nagsabi kay Zian na hintayin si Hather gayong noon ay halos ay umusok na ang ilong niya dahil sa selos, inis at galit. Ilang sandali pa ay dumating na nga si Hather. Kaagad namang tinulungang bumaba ni Zerron si Zian sa hood ng kotse at hinayaan itong pumunta kay Hather.
Hather squatted and hug Zian. Napatingin sa akin si Hather. Ngumiti ako at ngumiti rin ito pero hindi abot sa mga mata niya. Ibinalik na nito ang tingin kay Zian at nag-usap sila. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
"Always take Care, Zi. No seas terco, pequeño"
Translation: Don't be stubborn, little kid.
"Seré un buen chico, papá"
Translation: I'll be a good boy, Dada
"Dada, will miss you"
"I will miss you too, Dada. Don't worry po. I'll call you everyday"
Mas napangiti ako dahil sa pag-uusap nila. Niyakap niya ulit si Zian. Kumalas ito ng yakap kay Zian saka siya tumayo.
"I'll talk to your Mama" Paalam nito kay Zian. Tumango naman si Zian. Ginulo ni Hather ang buhok nito saka siya tumingin sa akin at nilapitan ako. Tumigil ito mismo sa harapan ko. Seryoso lang ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.
"I'm sorry for ignoring you, Eve. I just couldn't really accept it"
"Naiintindihan ko. Alam kong nabigla ka sa desisyon ko at hindi kita masisisi kung magalit ka sa 'kin"
Hinawakan niya naman ang braso ko. "Hindi ako galit, Eve. I'm just being concern. Concern lang ako sa 'yo" Wika nito. Sincere ito. Kahit hindi niya direktang sabihin sa 'kin alam ko na ang tinutukoy niya.
"Huwag ka ng mag-alala sa 'kin. I'll be fine" Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Napabuntong hininga ito. Pumadausdos ang kamay nito mula sa braso ko pababa sa kamay ko at hinawakan niya ito. Napalunok nalang ako. Nakatingin lang ako sa kaniya. He's looking intently into my eyes.
"Mamimiss kita. Mag-iingat ka lagi, Eve" Sinserong sabi nito at marahan niya akong hinila saka niyakap. Wala akong ginawa kung hindi yakapin rin siya.
"Thank you, Hather. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin at pagpapakaama kay Zian. Maraming maraming salamat" Bulong ko. Tinapik nito ang likod ko. Hindi ko maiwasan talagang makaramdam ng kirot at lungkot sa puso ko.
After all the things that he'd done for us, wala manlang akong naibalik sa kaniya maski manlang ang pagmamahal na hinihingi niya. Ewan ko ba kung bakit. Sana maturuan ko rin ang puso kong mahalin siya.
I heard Zerron cleard his throat. Napabaling naman kami sa kaniya. Nasa ibang direksiyon ang paningin nito pero kunot na kunot na ang noo. Humiwalay naman ng yakap sa akin si Hather.
"Always take good care of yourself. Wala ako sa tabi mo para paalalahanan ka lagi na unahin naman minsan ang sarili mo instead of working yourself out 'til midnight" Natatawa nitong sabi kaya natawa nalang rin ako. Narinig ulit namin na tumikhim si Zerron.
Tinitikhim neto? Bigyan kaya kita ng strepsils? Tss. Binalingan ko nalang ng tingin si Hather at nagpaalam na sa kaniya. Niyakap niya ako ulit. Nabigla naman ako ng hilahin ako ni Zerron.
"H-Hoy! Wagas ka naman makahila!" Iritang saad ko sa kaniya pero hindi manlang ako sinagot. Hinila lang ako nito papunta sa passenger seat. Pinasakay ako nito sa loob.
"Ang bastos mo, nag-uusap pa kami ni Hather!" Reklamo ko.
He just look at me sternly and close the door. Napailing pa ako at napahawak sa tainga ko dahil sa lakas ng pagkakasara niya ng pinto. Anong problema ng taong 'yon? Sinundan ko siya ng tingin na paikot papunta sa may driver seat.
Saglit pa itong tumigil sa harap ni Hather at tila may sinabi ito saka na siya pumasok sa loob ng sasakyan.
Walang imik nitong pinaandar ang sasakyan at kaagad na siyang nagmaneho paalis.