KABANATA 35

2343 Words
Zaera's Point of View Buong biyahe ay tahimik lang naman kaming dalawa. Mas nagpapasalamat pa nga ako at silang dalawa lang ni Zian ang nag-uusap dahil sa totoo lang ayoko talaga siyang makausap. Mahigit thirty minutes ang naging biyahe namin at habang palayo ng palayo ang nilalakbay namin ay unti-unting nasisilayan namin ang dagat. Napakunot noo nalang ako. All this time, akala ko nagbibiro lang siya na titira talaga kami sa sarili naming bahay. I thought we are going to stay at the Mansion. "Woah! Look Mama!" Excited na wika ni Zian kaya't nilingon ko ito. Malaki ang ngiti nito habang nakatanaw sa bintana ng kotse kung saan makikita ang asul na asul na karagatan. "Are we going to swim, Mama?" Tanong nito sa akin. Napangiti ako. Zian really loves the sea. Gustong-gusto talaga nitong maglaro sa dagat at buhangin. Naramdaman ko naman na unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan ni Zerron. "Ask your Dadddy, nak" Sagot ko at binalingan saglit si Zerron na nasa daan ang paningin. Hindi ko naman kasi alam kung bakit over-looking ang dagat sa dinadaanan namin at bukod pa roon ay bago sa akin ang lugar na dinadaanan namin. Hindi ko talaga alam kung saan ang bahay namin. Umiwas na ako ng tingin ng tumingin ito sa akin. "Daddy, can we go there?" Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango nito Zerron. Kasunod naman doon ang pagkatuwa ni Zian. Hindi nalang ako umimik. Matapos ang sampung minuto ay iniliko niya ang sasakyan sa isang feeder road. Dito ay mas nakikita na namin ang malawak na karagatan. Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan sa pakiramdaman. Sa tuwing nakakakita talaga ako ng dagat gumagaan ang pakiramdam ko. It also gives me awe, peace and joy. Mga ilang sandali ay may natanaw akong bahay. Hindi ganoon kalaki at hindi rin ganoon kaliit. The house is really built for a small family like us. Tila pinagplanuhan talaga ito. Hindi ko maitatanggi na gusto kong mapangiti ngayon. Walang halong biro pero natutuwa ako. Sa likod nito ay makikita ang dagat. Tumigil kami mismo sa labas ng gate nito. Napatitig ako sa kabuuan ng bahay pati na rin sa buong paligid. The front yard was full of flowers, mainly Hydrangea, Daylily, Gaillardia, Armeria, and Allium. Junipers are also place at the corner near at the walls. European fan palm were also planted within the whole area. Napaka-organize ng pagkakatanim nito. There are also Benches with a back designed in a weaved-style placed within the coastal garden. Nagising lang ako sa reyalidad ng pagbuksan ako ng pinto ni Zerron na kasama na si Zian. Nakita ko pa talaga ang ngisi sa labi niya. Akala siguro nito hinihintay ko talaga siyang pagbuksan ako. "Hindi mo naman kailangang pagbuksan ako ng pinto" I said flatly pagkababa ko ng sasakyan. Isinara nito ang pinto ng sasakyan. "Then, huwag ka ng matututulala sa susunod" Sagot nito. Mabilis ko siyang tiningnan pero nakaalis na ito sa puwesto ko at nasa may comparttment na ng sasakyan at ibinababa ang mga luggage. Hindi nalang ako umimik pa. Hinawakan ko si Zian sa kamay at dumiretso kami sa gate. Sumilip ako sa loob at nakita kong bumukas ang main door ng bahay at lumabas doon si Ephraim kasama ang anim na kataong hindi ko kilala. Hindi nalalayo ang mga edad nila kay Zerron. Patakbong tinungo ni Ephraim ang gate at pinagbuksan kami. "Finally, dumating na rin kayo. Kanina pa kami naghihintay sa inyo dito" Puna niya. Wala akong masabi dahil nakatanga lang ako sa mga kasama nito. Kumakaway pa ang dalawang lalaki kay Zian. They're twins. "What are you doind here?" Saad ni Zerron na nakatayo sa liluran ko banda. Tumayo pa 'yung balahibo ko sa batok dahil ang lapit niya sa 'kin. "Syempre, winewelcome lang namin kayo" Nakangiting sagot ni Ephraim. Zerron just hissed. Nang mabuksan ni Ephraim ang gate ay kaagad na akong pumasok sa loob akay-akay si Zian na halos lumambitin na sa akin dahil sa takot niya sa mga kasama ni Ephraim. Hinimas ko nalang ang likod nito. "It's okay, nak" Saad ko para pagaanin ang pakiramdam niya. Medyo naging okay naman ito pero alam kong hindi siya fully okay. Napatingin ako sa dalawang babae na nasa may b****a ng bahay. Isang babae na puro itim ang suot at may puting buhok. Her skin color is whiter than white. She looks like a bad*ss in that outfit. Iyong isa naman naka-business attire. Kulot ang chestnut na buhok nito at may suot siyang salamin. Sakto lang ang kulay ng balat niya. Ngumiti ito ng mapansin ako pero iyong isa deadma lang. Binabati ako ng tatlong lalaki at ganun rin ang ginagawa ko. Si Zian naman tumatago sa likuran ko sa tuwing kakausapin siya ng tatlo. Nauna namang pumasok sa loob si Zerron bitbit ang mga bagahe at sumusunod lang kami ganun rin sina Ephraim at iyong iba. "Miss Zaera, ako nga pala si Damian" Pakilala ng lalaking fit type ang katawan. Tinanggap ko naman ang kamay niya para makipag-shake hands. "Doom at your service!" Wika naman ng isa at kumindat pa. Lakas maka-korean Drama. Actualy, magkamukha talaga silang dalawa itong isa lang medyo bulky ang katawan. "Ito naman si Midnight" Tinapik nito si Midnight na nasa tabi niya. Nag-salute ito sa 'kin. "Ito naman si Zian" Ipinakilala ko nalang si Zian dahil sa tingin ko'y kilala na nila ako. Nang makarating kami sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng babaeng kulot ang buhok. "Hi, Miss Zaera. I'm Rozette and this is Vige" Ipinakilala din nito ang kasamang babae na walang imik. "Nice to meet you, Rozette" Nakangiting sabi ko bago ko ibinaling ang tingin sa babaeng nagngangalang Vige. "Hi, nice to meet you" Hindi ito nagsalita at tumango lang. She seems weird. "Ganyan talaga 'yan, Miss Zaera. She rarely talks pero mabait 'yan" Rozette assured me. Tumango nalang ako at tipid na ngumiti. Tumikhim naman si Zerron kaya't napatingin kami sa kaniya. "Let's go upstairs, Eve. I'll show you your room" Seryosong sabi nito sa akin. "Ayown show you your room daw, Miss Zae" May nakapaskil na nakakalokong ngiti sa labi ni Midnight. Kinunutan ko lang siya ng noo. I feel cringe with his playful smirk. "Midnight, do you want me to show you your room too?" Mapanghamong saad ni Zerron sa kaniya kaya nawala ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Napakamot ito sa ulo at nag-peace sign. "Eve, let's go" Sinunod ko nalang ito. Binuhat ko si Zian at sumunod kay Zerron paakyat ng hagdan. Sana naman may separate room kami ni Zian dahil hindi ko gustong makasama si Zerron sa iisang kuwarto. _______ Pinagmamasdan ko lang ang buong bahay habang paakyat kami. Ang bahay na ito ay hindi masikip at hindi rin maluwang, tamang-tama lang. A coastal home that is perfect for a small family amd for someone who wants to build a family. "Sino 'yung mga kasama ni Ephraim?" Tanong ko habang nakasunod lang ako sa kaniya. "My friends from work" He simply answered. I'm sure he's referring to his 'other' work. "I haven't seen them before. Hindi ko alam na may mga kaibigan ka pala?" Tanong kong muli at inaaliw ang paningin sa iilang mga decors na nandito. Sa totoo lang wala talaga akong kilala na mga kaibigan niya. Wala kasi siyang dinadala sa Mansion noon bukod kay Ephraim at isa pa hindi ako nakakasama sa trabaho niya dahil hindi niya ako isinasama sa kadahilanang buntis daw ako. I appreciate his concern before but I realize now that he's doing that just to cover up some things. "Ngayon kilala mo na sila" Sagot nito at nilingon ako. Hindi ko naman iyon kaagad inaasahan kaya medyo napatigil ako pero hindi ako nagpahalata at tinuloy ang naudlot kong paglalakad. "Well, hindi naman ako ganun kainteresado" Hindi na ito umimik pa sa sagot ko. Nang tuluyan kaming makaakyat ay bumungad sa akin ang hallway which is connected to each rooms. There are two separaterooms here. The doors are four meters apart from each other. Napangiti naman ako sa isip-isip ko. Siguradong magkahiwalay nga talaga kami ng kuwarto. "Ito ba ang kuwarto ko?" Tanong ko sa kaniya at tinuro ang isang beige na pinto. Tumigil ito at tiningnan ang pintong tinuturo ko. Tumango ito kaya napangiti ako ng ubod ng laki at pinihit ang door knob. Kaagad akong pumasok sa loob kasama si Zian at mabilis na isinara ang pinto. Inilibot ko kaagad ang paningin ko sa buong kuwarto. Ibinaba ko si Zian. Kaagad itong tumakbo sa may sliding door at tumingin sa labas na kung saan kitang-kita mula rito ang dagat. Ang aliwalas at ang ganda ng kuwarto ko. Sumisigaw ito ng kapayapaan at kaginhawaan. The room is color beige with a touch of white. Kompleto sa lahat ng gamit. May malaking kama, couch, sofa bed, center table, study table, closets, Flatscreen TV at mini kitchen. May veranda rin sa labas na ang sarap tambayan tuwing umaga. "Mama, let's swim later. I want to sea fishes" Nakangiting sabi nito kaya tumango ako. Nakarinig naman ako ng katok kaya pinagbuksan ko ito at sumilip sa pinto. Bumungad sa akin ang naka-poker face na mukha ni Zerron. "Bakit?" Walang ganang tanong ko. "Your luggage" Napakamot naman ako sa kilay ko at tuluyang binuksan ang pinto saka kinuha ang luggage namin ni Zian sa kaniya. "Salamat" Tipid kong sabi at isinara ang pinto pero pinigilan niya ito gamit ang kamay niya. "Bakit? May kailngan ka pa?" Kunot-noong tanong ko. Nagpumilit naman itong pumasok sa loob kaya napalayo ako sa pinto. Isinara niya ang pintuan ng tuluyan siyang makapasok sa loob. "I need to change my clothes" Sagot nito at deri-deritsong tinungo ang isang closet na gray. Napakunot noo tuloy ako. Kagad akong lumapit sa kaniya at pinigilan siya gamit sa paghawak sa braso niya. "Teka. Anong sabi mo? Pakiulit nga?" "Ang sabi ko magpapalit ako ng damit" Pag-uulit nga niya at tuluyang binuksan ang closet. Bumungad sa akin ang mga damit niya na organisadong nakasalansan sa loob. Medyo natulala pa ako roon bago ko ulit siya pinigilan. Tumaas ang kilay nito na waring nagtatanong. "Bakit dito ka magpapalit ng damit?" "Isn't it obvious? This is my room too, Zaera. Malamang dito ako magpapalit" "ANO?!" Napatakip ako sa bibig ko dahil napalakas ang pagkakasabi ko. Napansin ko pang napalingon sa akin si Zian. "What is wrong, Mama?" "Nothing, nak. Just continue what you're doing" Nakangiting saad ko. Sununod naman ito. Nang maalis ang paningin sa amin ni Zian ay kaagad kong hinila si Zerron papunta sa mini kitchen. Binitawan ko ang braso nito ng tuluyan kaming makarating sa kusina. Napabuntong hininga ako at nagpameywang sa harapan niya. "Anong problema mo, Zaera?" "Malaki ang problema ko, Zerron. Bakit tayo magkasama sa iisang kuwarto?" Mahinang tanong ko. Napakamot itosa kilay niya at tila pinapahiwatig nito na iyon na talaga ang pinakatangang tanong ko base palang sa ekspresiyon ng mukha niya. Napairap naman ako. "Malamang sa malamang kailangan tayong magkasama sa iisang kuwarto because we are family" Rason nito. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito. A family huh? "Are you dreaming? We are not a family. We are doing this just for Zian. Pumayag na nga ako na sumunod sa gusto mo but I never said na sa iisang kuwarto lang tayo" I argued. Napahawak naman ito sa bewang niya at naisuklay nito ang daliri sa buhok. Napatingala ito saka napabuga ng hangin bago tumingin sa akin. He's pissed. Akala niya siya lang? Ako rin naman ah! "You know what? Ang kitid ng utak mo" Walang gana nitong saad dahilan para mapamaang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala! This is the first time that I heard it coming from him. Hindi ko alam pero nasaktan ako dun. Ako pa talaga ang makitid ang utak?! "Wow! Anong makitid ang utak ang pinagsasabi mo, Zerron? Nagsasabi lang naman ako ng saloobin ko ah? I don't want to share a room with someone like you" Mariing saad ko. "Dahil ba sa past natin kaya ayaw mong makasama ako? Alam ko naman na nasaktan kita ng sobra pero sana naman isipin mo naman na ginagawa natin 'to para kay Zian. We are doing this to give him the family that he wanted. Ano nalang ang iisipin niya kapag hindi tayo magkasama sa iisang kuwarto? Come to think of it, Zaera" Paliwanag nito. Napipilan ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin. Okay, mali ako doon. Napabuntong hininga ito saka humakbang palapit sa akin. Naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa magkabilang braso ko dahilan para mahigit ko ang hininga ko at tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Kusa akong napatingala sa kaniya. Sumalubong sa akin ang mga mata nito. Seryoso itong nakatingin sa 'kin. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa tila hinihipnotismo ako nito at hinihigop rin ang lakas ko sa mga titig niya. Galaw-galaw rin, Zaera! "Tell me, Zaera" Umpisa nito. Napalunok ako. "Are you still affected about me?" Lumakas naman ang kabog ng puso ko. Ilang segundo akong hindi nakasagot. Nang matauhan ako ay mabilis kong inalis ang kamay niya sa braso ko at lumayo sa kaniya. "A-Ano bang pinagsasabi mo? M-Matagal na akong naka-move on sa 'yo" Sagot ko. I almost slap my mouth when I stammered. Umiwas ako ng tingin ng umayos ito ng tayo at inilagay sa bulsa ng pantalon niya ang kaniyang mga kamay. He heave a deep sigh. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakataas ng kaunti ang sulok ng labi niya. Anong nginingisi-ngisi nito? Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi nagbago ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. "Then, act like one" Simpleng sabi nito bago ako talikuran. Ano daw? Act like one? Sinundan ko ito ng tingin na papaalis ng kusina. Napasandal ako sa sink at napailing nalang. Ako pa talaga ang pinagsabihan niya? Hindi ako makapaniwala. Mukha ba akong hindi naka-move on? I already moved on! Period. Inayos ko nalang ang sarili ko saka ako lumabas ng kusina pero kaagad rin akong natigilan at napaiwas ng tingin ng mabungaran ko siyang walang damit pang-itaas. Bwis*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD