Bago pa man niya mahalata na natigilan ako ay tumuloy ako sa paglalakad at tinungo ang luggage ko. Nakikita ko pa sa peripheral vision ko ang likuran nito mula sa puwesto ko habang naghahanap rin siya ng damit sa closet niya.
He confidently showed those well-built muscles as if he's alone in this godd*mn room. The way he moves his arm, mas nade-define 'yung mga muscle niya sa braso. He's really good at captivating someone's attention in that simple move. Pero hindi ako apektado doon.
Kumuha na lang ako ng malaking T-shirt at denim short saka tumayo. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin si Zerron na nagbibihis. Dumeritso ako sa isa sa mga pinto na sa tingin ko'y comfort room.
Nang tuluyan akong makapagbihis ay tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ko. The fvck?! Why the hell am I blushing?!
Kaagad kong kinalma ang sarili ko at tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko. Lumabas na ako ng comfort room ng mapakalma ko na ang aking sarili.
"Where are the clothes that I bought you one time?" Kinalkal ni Zerron ang luggage ni Zian. May inilabas itong dilaw na T-shirt na may print na 'Handsome'. "Here. This looks good on you" Ipinatong pa niya ito sa katawan ni Zian.
Zian dig inside his luggage and reach for the shirt with a Doraemon print then he showed it to his Dad. Hindi ko mapigilang mapahagikhik ng makita ang mukha ni Zerron. Hindi ito maipinta.
"But I want this one, Dad"
Napakamot si Zerron sa kanyang ulo. "But this one suits you well. It says 'Handsome'"
"I know po but I love Doraemon. Mama, bought this" Ngiting-ngiting sabi ni Zian. Zerron heave a deep sigh. I saw his face flinched a little bit. Ang bilis niyang maapektuhan sa sinabi ni Zian.
"Okay" Pagsuko niya saka ibinalik sa luggage ang hawak na binili niyang damit at kinuha ang T-shirt na may print ng Doraemon saka tinulungan sa pagpapalit si Zian.
Napasandal ako sa pinto ng cr habang pinagmamasdan sila. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato. I'm sure hindi magiging madali ang susunod na mga araw na magkasama sila gayong hindi niya pa alam ang mga hilig ni Zian.
Well, I'm willing to help him tho. I'm not that selfish. Nang makuntento ay ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone at nilapitan sila. Bumaling ang kanilang tingin sa akin kasunod noon ang pagtungo ni Zian sa puwesto ko na may ngiti.
Napatingin ako kay Zerron. Nagsalubong ang tingin namin. Umiwas ako at tumingin kay Zian. Ginulo ko naman ang buhok niya. Narinig ko naman ang mga yabag ni Zerron na paparating sa puwesto namin. Tumayo ito sa may bandang gilid ko.
"Let's go, son" Wika ni Zerron sa kaniya. Binuhat naman siya ni Zerron.
Napakamot nalang ako sa aking ulo saka nagmadaling kumuha ang sunscreen sa loob ng luggage namin at sumunod sa kanila palabas ng kuwarto. Habang pababa kami ay mga ingay na galing sa mga kaibigan ni Zerron ang naririnig ko, particularly the boys.
They're watching basketball. Mga lalaki nga naman. Nakita ko rin na panay ang kain nila ng chips. Samantala yong mga kababaihan naman nakikinuod rin at nakikikantiyaw. Napataas ang kilay ko. I didn't know na mahilig rin pala sila sa basketball.
"Bossing/Miss Zaera" Halos sabay-sabay na sabi nila ng mapansin kami. Pinatay naman ni Doom ang TV saka sila tumayo lahat.
"Mabuti bumaba na kayo, magpapaalam lang sana kami" Saad ni Ephraim habang ibinababa ang hawak na pringles sa mesa.
"Aalis na kayo? Dito nalang kayo mananghalian mamaya" Suhestiyon ko pero umiling lang sila.
"Hindi na Miss Zaera. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin" Nakangiting sabi ni Damian.
Tumango nalang ako. Hindi na ako namilit pa dahil base palang sa mga mukha nila ay may kailangan talaga silang asikasuhin. Hindi ko na kailangan pang tanungin ang bagay na iyon.
"Sige, mag-ingat kayo" Saad ko na sinuklian nila ng tango.
"Zerron, kailangan lang kitang kausapin sandali" Seryosong sabi ni Ephraim kaya napatingin ako kay Zerron na walang emosyon ang mukha. Tumango lang ito saka niya ibinaba muna si Zian. Hinawakan ko si Zian sa kamay.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako. Lumapit naman sa amin iyong tatlong lalaki at nakisama na rin si Rozette. Si Vigé naman deri-deritso lang na lumabas ng bahay. Ang weird talaga ng babaeng 'yon.
"Bye, Zi! See you next time" Nakangiting sabi ni Rozette na nakayuko kay Zian saka marahan nitong hinawakan ang ulo nito.
"Bye, mini Zerron" Saad naman ni Damian at nakipag-fist bump kay Zian. "Laro tayo ng basketball next time" Sabi nito. Natawa nalang ako nang makita ko si Zian na titig na titig sa kaniya. Alam ko kasing hindi niya naintindihan ang huling sinabi ni Damian.
"He said that you will play basketball next time" Pagta-translate ko dahilan para mapatingin sa akin si Damian.
"Hindi siya nakakaintindi ng tagalog?"
"Kaunti lang ang alam niya. English at Spanish lang talaga ang mas naiintindihan niya"
Kaagad namang napakamot si Damian sa ulo niya. Tinulak nito si Midnight ng marahan papunta sa harapan ni Zian.
"Pambihira, Pre! Mauubusan ako ng English diyan! Sibat na ako" Nakangiwing sabi niya. "Miss Zaera, una na ako" Paalam niya kaya't tumango ako habang pigil na pigil ang tawa.
Nagpaalam na rin sina Midnight at Doom pati si Rozette sa akin saka sila lumabas ng bahay na sinundan ko ng tingin. Sumunod kami palabas ng bahay. Sakto naman na nakasalubong ko si Zerron. Napatingin ako kay Ephraim ng tawagin ako nito.
"Una na kami, Zae" Paalam niya habang papasakay ng kotse. Tumango ako. "Bye, Zian!" Kumaway siya kay Zian na sinuklian rin ng kamay ng anak ko.
"Bye, Zae! Bye Zian!" Sabi naman nina Doom, Damian at Rozette samantala si Vigé nakasakay na sa kaniyang Big bike. Muntik pa akong mapanganga. Woah. She's cool.
"Ingat kayo, Ephraim!"
Nang tuluyan silang makaalis ay bigla namang tumahimik ang buong paligid. Tanging hampas lang ng alon ang naririnig ko sa buong kapaligiran at huni ng ibon.
"Let's go na, nak" Aya ko at hihilahin sana ito paalis ng pigilan niya ako. Napatingin ako kay Zian ng bumitaw ito sa kamay ko at lumapit siya kay Zerron saka niya ito hinila palapit sa akin.
Nahigit ko ang hininga ko ng inilagay nito ang kamay ni Zerron sa kamay ko dahilan para mapatingin ako kay Zerron na nakatingin rin pala sa akin. Aside from the sound of the waves that stroking through the shore, I can also hear the pounding of my heart.
"Let's go na po!" Excited na sabi ni Zian at kumapit sa kabilang kamay ko.
Naramdaman kong pinagsalikop ni Zerron ang mga daliri namin na hindi ko kaagad inaasahan. Mas lumakas ang t***k ng puso ko na halos ito na ang naririnig ko. Mahigpit niya itong hinawakan. Napalunok ako at sinubukan kong bumitaw pero hindi niya ako pinayagan.
Tumingin ako sa kaniya. Nasa malayo lang ang tingin niya pero nakikita ko ang kagalakan sa kaniyang mga mata. May nagliliparan na naman yatang bubuyog sa tiyan ko. These bees are fond of Zerron, I think? Lagi ko nalang sila nararamdaman sa tuwing malapit 'tong lalaking 'to.
Iwinaksi ko nalang ito sa isipan ko. I tried to remove his hand but he choose to hold it tightly.
"Don't try it, Eve. Zian wanted this. Sumunod ka nalang" He whispered.
Gosh! Mukhang ako ang mahihirapan sa sitwasiyong pinasok ko!
Pagdating sa dalampasigan ay kaagad na nagtampisaw si Zian sa tubig. Ginawa ko na rin iyong chance para alisin ang kamay ni Zerron na nakahawak sa kamay ko. Kaagad kong tinungo ang kinaroroonan ni Zian. Basta talaga sa dagat hindi ko na siya mapigilan eh.
"Let's put sunscreen first, nak" Aya ko sa kaniya at hinawakan siya sa kamay pero ang kulit talaga.
"Later, Mama"
Tuloy lang siya sa paglaro sa tubig. Ang init pa naman. Binuksan ko ang sunscreen bottle para madali ko lang siyang malagyan.
"Mama, look!" Napatingin ako sa tinuturo niya at nakita ko ang isang maliit na alimasag. "A crab!" Bago pa man niya ito hawakan ay kaagad ko na siyang hinawakan. Napakamot ako sa ulo ko saka natawa. Pinipilit niya kaaing kunin.
"Just look at it, nak. Don't touch it. It will pinch you" Babala ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin. Papikit-pikit pa ang mata nito dahil sa sikat ng araw.
"But it is small, I'm sure it won't hurt me" Rason niya. Napangiti nalang ako saka inayos ang buhok niya. Nag-squat ako saka sinimulan ko na siyang lagyan ng sunscreen sa braso niya.
"Sometimes even the smallest thing can be as hurtful as like those big ones, nak" Paliwanag ko. Nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti ako at tumayo saka ginulo ang medyo magulo at basa na niyang buhok.
"Your Mom is right, son" Nabigla naman ako ng marinig na magsalita si Zerron na nakatayo sa di-kalayuan sa amin at hawak nito ang kaniyang cellphone na nakatutok sa amin.
He's taking videos or pictures of us, I think? Lumapit ito sa amin bago niya itinago ang cellphone sa bulsa niya. Tumingin ito kay Zian saka niya ginulo ang buhok nito. Tumingin siya sa akin. Seryoso lang ang ekspresiyon ng mukha niya. When, I feel it's a bit awkward, I diverted my gaze somewhere else.
"Daddy, let's swim po" Aya ni Zian kay Zerron kaya napabaling ang tingin niya kay Zian. Tumango naman si Zerron. "How about you, Mama? Let's swim po" Aya rin sa akin ni Zian pero umiling ako at ngumiti.
"Kayo nalang, nak. You should bond with Daddy" Tanggi ko. Medyo nalungkot ito pero pinisil ko ang pisngi niya.
Kailangan rin naman kasi nila ng quality time. Bibigyan ko rin sila ng oras na sila lang. I'm just doing this in favor's of him. Matagal niya namang hindi nakakasama si Zian.
"Hold this for me, Eve" Napatingin ako sa cellphone na ibinibigay sa akin ni Zerron. Napatitig pa ako roon. Kinuha ko nalang ito mula sa kamay niya.
"Dito lang ako" Tinuro ko ang puno ng niyog na nasa malapit. "Hihintayin ko kayo" Dagdag ko. Tumango naman sila.
Kaagad namang binuhat ni Zerron si Zian at tinungo ang medyo may kalaliman ng dagat. Wala akong narurinig kung hindi ang galak at tuwa sa boses ni Zian habang karga-karga siya ni Zerron. Ibang saya ang namumutawi sa mga labi ni Zian, ibang-iba sa tuwing ako lang ang nakakasama niya o si Hather. It is more to say that he looks completehaving his real Dad.
Napangiti ako at napabuntong hininga upang pigilan ang luha na kumawala sa mga mata ko. Tumungo ako sa pinakamalapit na niyog at umupo saka sumandal. Pinagmasdan ko silang dalawa. Maybe, I choose the right decision.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato at mga videos. I'm always capturing every moment in Zian's life. Hindi ako nagpalyang gawin iyon because I believe that memories will never fade forever. We should cherish every memories in our lives even if it is bad or not. Those memories will help us to be a better person in some ways. Dito rin natin makikita kung ano-ano ang masasayang napagdaanan natin na nangyari sa ating mga buhay at mga alaalang nagbigay sa atin ng aral..
Nahagip naman ng mata ko ang cellphone ni Zerron. You know what is funny? I never touch his phone before when we are still together. Ni ipahiram niya ito sa akin ay hindi niya ginawa. He's always guarding his privacy. Nakakapagtaka nga at ipinahawak niya ito sa akin as if he's confident that I won't sneak in his phone.
Well, wala naman talaga akong balak pakialaman ang cellphone niya except when it started to vibrate. A text message appeared in the screen. Napatitig ako sa screen at unang kita ko palang sa mensahe ay tumaas kaagad ang kilay ko.
It says, "Don't forget our date later, Hon".
Hon. Kulang nalang ay umikot ang mata ko ng 360°. So, they are still in a relationship. Good for them. Ayoko sanang buksan ang mensahe pero dahil napindot ko na edi binasa ko na. Napakunot noo pa ako ng wala manlang itong password. Akala ko ba ay napakahalaga sa kaniya ang privacy niya? Napatigin pa ako kay Zerron na busy pa ring makipaglaro kay Zian.
Ibinalik ko ang tingin sa messages at nag-scroll. Wala akong ibang nakikita kung hindi puro sweet mesaages nilang dalawa. Wow, ang sweet. Sa sibrang ka-sweetan nga nakakasuya na. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa mapatigil ako ng makita ko ang pangalan ko.
Matagal na ang mensaheng ito.
'Will you stop finding that b*tch?! Iniwan ka na nga ni Zaera. It's ibviously that she doesn't love you and besides you told me that you love me. Itigil mo na ang pag-aksaya ng oras sa kanila, Zero
Pambihira talaga ang babaeng 'to. Bukod sa selfish ay manipulator rin. Tss. Pero hindi talaga iyon ang nakakuha ng atensiyon ko. It is about the fact that he really want to find us. Mabuti nalang at hindi niya kami kaagad nahanap noon dahil kung nagkita kami that time, magbe-breakdown ako and it may affect our baby.
I stop reading the messages. Ibinalik ko na ito sa home. I was trying to delete the evidence that I sneak into his inbox when I saw the gallery in the history. It was a photo of me and Zian. Napakunot noo ako ng makitang halos lahat ay stolen shots.
I scrolled through his gallery. These photos were taken recently. Noong mga panahon na nakikipagkita pa siya sa amin ni Zian para mamasiyal. The last one is taken earlier kung saan magkasama kami kanina sa dagat. So, all this time pasikreto na niya kaming kinukuhaan ng litrato?
Napatigil ako sa isang litrato. It was a shot where we accidentally kiss each other at the zoo. Wagas ang ngiti ni Zian habang nakamuwestra pa ang mga kamay na pumapalakpak. Nagsimula na namang tumibok ng malakas ang puso ko at mukhang nagkakagulo na naman ang mga bubuyog sa tiyan ko.
Bumalik na naman sa akin 'yung feeling na 'yon. Iyong feeling ng mga oras kung saan nagkadikit ang mga labi namin. Isinubsob ko pa ang sarili ko non sa trabaho para lang makalimutan ang bagay na 'yon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Then, I realize that I was smiling the whole f*cking time while looking at the picture. What the h*ll?! Kaagad kong ibinalik sa home at dinelete ang history.
Ipiniling ko pa ang ulo ko. You shouldn't be like this Zaera. Remember what he had done to you five years ago.
"Zaera"
Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ng marinig ang tinig niya. Napatingala ako at sumalubong sa akin ang paningin niya. Buhat-buhat nito si Zian. Wala siyang suot na damit dahil nasa ulo ito ni Zian. Kaagad akong napatayo at pasimpleng pinatay ang cellphone niya saka ko pinagpag ang suot kong short.
Kinalma ko ang aking sarili at inilihis ko ang paningin ko. Ramdam ko parin ang tingin nito sa akin. Inilahad ko ang cellphone pabalik sa kaniya na tinanggap niya naman.
"Umuwi na tayo" Sabi niya bago ako talikuran at nauna na siyang maglakad paalis.