KINAGABIHAN
Nasa veranda ako at chinecheck ang mga emails na sinend ni Hather sa akin pati na rin ang kay Eastrella. Kailangan ko pa rin kasing tutukan ang trabaho ko sa ibang bansa. I am still the C.E.O. of Everlasting. Kapag kakausapin naman ako ng ilang investors or clients through online platform nalang, syempre hindi naman ako kaagad makakalipad pabalik ng Spain.
Napasandal ako sa upuan at hinilot ang sintido ko. Napabuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan. Maraming bituwin ngayon, magiging maganda ang panahon bukas. Napalingon ako upang tingnan si Zian na kausap si Lovern at Hather via video call.
Si Zerron naman ewan ko kung nasaan. Nasa salas siya kanina at may kausap. Maybe it is Heiress eh sa pagkakaalam ko may date daw sila dapat ngayon. Dinner date siguro. Tss. Ano bang pake ko? Napahikab nalang ako. Uminat-inat ako at ibinalik ang tingin sa Laptop.
I was reading the last email that Eastrella sent to me. It was about Isaac Alexander Zustovich, our british investor. Nagpadala ito ng 20000 dollars as an investment for our new product. This investor is still a brain teaser for me. Although all his doings and motives are pure, hindi ko parin minsan maiwasang magtaka at mag-usisa sa katauhan niya . He's always sending his secretary to meet me when I was in Spain before.
Naibaling ko ang atensiyon ko sa isang tasa ng kape na inilapag mismo sa harapan ko. Napaayos ako ng upo at napatunghay sa taong nagbigay non. Nagsalubong ang tingin namin ni Zerron una siyang nag-iwas ng tingin bago siya lumapit sa isa sa mga upuan na katapat ko.
I diverted my gaze to the cup of coffee in front of me. Tahimik lang naman kami at hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kaniya. Ibinalik ko nalang sa screen ng laptop ang paningin ko at nagtipa ng message kay Eastrella.
Even my eyes are on the screen of my Laptop, I can clearly see his face. Nakatingin ito sa akin. Hinayaan ko nalang siya. Lumipas ang isang minuto at ganun pa rin kaya napabuntong hininga ako at tumigil sa pagtipa. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"May sasabihin ka ba?"
He lean on the chair and cross his fingers. "Nothing I just want to breathe some fresh air"
Breathe some fresh air daw? Tss.
"Then quit staring at me" Masungit kong turan dahilan para kumibot ang sulok ng labi nito at humalumbaba siya sa mesa. Kinikilabutan talaga ako kapag ngumingisi ang damuhong 'to.
"Staring at you?" The mocking hostility in his voice made me wince.
"Bakit hindi ba?"
He just hissed. Tamad akong napasandal sa upuan at tiningnan ang kape na ibinigay niya. Kinuha ko ito at iniusog palapit sa kaniya.
"Hindi ko ito kailangan"
Napatingin ito sa tasa ng kape na inusog ko palapit sa kaniya.
"I made it for you. Drink it. I know that you need that" Seryosong saad nito bago iusog pabalik ang kape mismo sa harapan ko.
"Sinong may sabi sa 'yo na kailangan ko 'yan? Ikaw na lang ang uminom" Walang ganang turan ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Hindi na siya umimik. Napatingin ako sa kaniya, nakatitig ulit ito sa akin. His eyes is saying something. Naiilang na talaga ako sa mga tingin na ibinibigay niya.
"May sasabihin ka ba o wala?" Walang ganang tanong ko. He just hissed and diverted his gaze somewhere else.
"I just wanted to say that I'll be out tonight"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Aalis ka?"
Tumango ito bilang tugon.
"Okay" Tipid ko ring sagot. Ibinalik ko ang tingin sa screen ng laptop ko. "Hindi mo na ako kailangang istorbohin dahil lang diyan. You can go anytime you want. I don't mind"
Nakita ko sa aking peripheral vision na tumayo ito.
"Pupuntahan ko lang---"
Itinaas ko ang kamay ko upang pigilan siyang magsalita. Tumingin ako sa kaniya. I stared at him seriously. "You don't have to tell me, Zerron. Alam ko kung saan ang lakad mo. You can go now. Mahirap na baka malate ka pa" Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos ko iyong sabihin. Kumunot ang noo niya.
"Alam mo kung saan ako pupunta?" And he look at me suspiciously. Napalunok ako ng laway dahil sa tanong niya. Nakatitig ito sa mata ko at tila binabasa ang susunod kong sasabihin. Wala na rin naman akong rason para magsinungaling.
"I accidentally read your girlfriends text message. Diba may dinner date kayo ngayon?"
Umayos ito ng tayo. He heave a deep sigh. "So, you invade into my privacy?"
Napamaang namang labi ko sa sinabi niya. "It was an accident, okay?" Irritableng saad ko. "Isa pa, puwede bang umalis ka na at huwag mo na akong istorbohin?" Wika ko saka nagsimulang magtipa sa laptop ko.
"Okay. Pero sana naman minsan ayusin mo naman ang pakikipag-usap sakin" Saad nito. Salubong ang kilay na tumunghay ako sa kaniya.
"Maayos naman ang pakikipag-usap ko ah? Ang punto ko lang huwag mo na akong istorbohin dahil lang diyan" Rason ko.
"Dahil sa ano, Zaera? Dahil dito sa kape o dahil sa pagpapaalam ko sayo? Nagpapaalam lang naman ako sayo and about this coffee, nagmamagandang-loob lang naman ako because I saw you working your *ss there for almost three hours " Tinuro pa nito ang inuupuan ko kanina.
Okay. Ako naman ngayon ang natahimik. Ano nga ba ang ikinakainis ko? Basta may parte sa akin na naiinis ako sa kaniya and I don't know what it is.
"But I didn't ask you to give me that coffee. I can work more than three hours a day without any coffee at all" Pagrarason ko. Nahilot niya naman ang sintido niya saka siya napabuga ng hangin. Tumingin siya sa 'kin. Inilihis ko ang aking paningin.
"Puwede bang mag-usap naman tayo ng maayos?" Tanong nito kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya.
"Bakit? Hindi pa ba maayos itong pag-uusap natin?"
"Look at your answer and the tone of your voice"
Natawa ako sa sinabi niya. "Ang weird mo. Ganito naman talaga ako makipag-usap, Zerron"
He just look at me with a poker face. "Okay. Fine. I won't argue anymore" Itinaas pa nito ang dalawang kamay niya at tinalikuran ako. Napamaang nalang ang labi ko habang sinusundan siya ng tingin na papasok sa loob ng kuwarto.
Hindi ako makapaniwala. Parang ang dating pa ng ginawa niya ay ako pa ang may kasalanan gayong siya naman talaga ang dahilan kung bakit nagtalo kami? Siya ang unang nang-istorbo sa 'kin sa walang kuwentang bagay. Bumalik ako sa pagkakaupo at binuksan ulit ang laptop.
Binalingan ko pa ulit ito ng tingin at napansin ko na nagbibihis ito. Ibinaling ko nalang ang paningin sa screen ng laptop ko.
"Daddy, where are you going?"
"I need to meet someone, son. I'll be back later"
Rinig kong pag-uusap nilang dalawa ng anak ko. Meet someone? Really? Tss.
"Okay po, take care"
Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Narinig ko naman ang yabag nito na mukhang papunta dito sa kinaroroonan ko. Tuloy lang ako sa paggawa ng email. Hindi ko siya binalingan ng tingin.
"Aalis muna ako. Babalik rin ako agad" Paalam nito. Tsk. Kahit huwag ka ng bumalik. I didn't bother to look at him. Narinig ko naman ang papalayo nitong mga yabag pero saglit pa itong tumigil.
"Eve"
Kusang tumigil ang mga kamay ko ng tawagin ako nito sa palayaw na lagi niya sa aking tinatawag noon. Wala akong nagawa kung hindi tumingin sa kaniya.
"Matulog na kayo ni Zian. Continue that tomorrow, kailangan mo naring ipagpahinga 'yang mga mata mo" Sinsero nitong sabi bago na siya tumalikod.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatititg lang sa pintong nilabasan niya. Napahugot ako ng malalim na hininga at napasandal sa upuan. I diverted my gaze somewhere else. Deep inside of me feels fluttered and happy with what he said.
He still cares for me. Ipiniling ko ang ulo ko. But I shouldn't be fond of his gestures.
Don't fall for his trap again, Zaera. I convince myself before shaking my head.