Third Person's Point of View
Isang babae ang bumaba galing ng sasakyan at tumabi ito kay Herman. Tinakasan ng dugo si Ephraim ng malaman kung sino ang babaeng ito.
She's wearing an all back outfit. Natatakpan ng kulay itim na tela ang kalahati ng kaniyang mukha at naka-ponytail ang kaniyang pulang buhok.
Hawak nito ang dalawang double edge sword na nagre-reflect ang sinag ng buwan kapag ito'y natatamaan.
"Sin, kill the mother and the heir!"
Sa isang iglap ay nawala ang babae sa tabi ni Herman.
Napalunok si Ephraim ng marinig ito. Saglit na tumigil ang paghinga niya. Sin is one of the skillful assassin of the Underground.
"Sh*t!" Bulong nito. "Zerron, Sin is after Zian and Zaera" Puno ng kabang sabi nito at mabilis na tumayo sa sanga ng kahoy at pinaulanan ng bala si Herman at pati ang tauhan niya.
______
Naalimpungatan si Zaera kaya't mabilis itonng napamulat ng mata. Nakatulog pala ito na nakasandal lamang sa headboard ng kama.. Kaagad siyang napatingin sa orasan na nasa study table at nakita nitong 12:15 ng ng hatinggabi.
Tumayo ito at lumapit sa bintana upang tumingin sa labas at katulad ng una niyang nakita ay wala namang kahina-hinala sa labas. Isinara niya ang kurtina at bumalik ito sa kama. Nakahinga ito ng maluwag. Papahiga na dapat ito ng may marinig siyang kalabog sa labas ng kuwarto niya.
Samu't-saring bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Nanlalamig ang buong katawan nito at kaagad pumasok sa isipan niya ang mensahe ng taong hindi niya kilala. Napatingin siya kay Zian bago dahan-dahang tumayo at lumapit sa pinto.
Mahigpit niyang hinawakan ang door knob at kinuha nito ang isang hanger na gawa sa manipis na metal. Nataranta siya ng pumihit ang door knob kung saan hawak-hawak niya rin. Para siyang hihimatayin dahil sa sobrang takot.
Napasigaw siya ng tuluyan na itong bumukas. Walang pag-aalinlangan niyang hinampas ito ng hanger sapul mismo sa mukha ng taong 'yon.
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dit---hmmp!" Nanlaki ang mga mata niya ng takpan nito ang bunganga niya.
"Shhh. Ako 'to, Zae" Mahinang saad ng taong nakahawak sa bibig niya para hindi siya makagawa ng ingay. "Huwag kang maingay may nakapasok sa loob ng bahay" Bulong nito ulit sa tainga niya kaya sunod-sunod siyang tumango.
Nang bitawan nito ang bibig niya ay nakahinga siya ng maluwag.
"Akala ko kung sino na, ikaw lang pala Hather. Pinasok ba tayo ng magnanakaw?"
Tumango naman si Hather. Nakarinig ulit sila ng kalabog na nanggagaling sa kusina kaya't kinabahan na naman ulit si Zaera.
"Dito ka lang. I'll check it. Huwag kang lalabas ng kuwarto, Zae" Paalala ni Hather sa kanya.
"Pero baka mapahamak ka" Kinakabahang saad nito at napahawak pa siya sa braso ni Hather. Hather hold her arm.
"I'll be fine.. Pumasok ka na sa loob" Utos nito.
"S-Sige, mag-ingat ka" Kinakabahan man ay hinayaan na lamang niya si Hather na umalis.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng kuwarto at ini-lock ito saka kinuha ang cellphone niya. Tinipa nito ang numero ng emergency hotline upang humingi ng tulong.
Ngunit hindi napansin ng dalawa ang isang taong nakakubli sa madilim na bahagi ng bahay. Nakasandal ito sa dingding ng bahay habang nakahalukipkip at pinagmamasdan sila. Kung maliwanag lang ay makikita sa mukha nito ang pagka-inis. Umiigting ang panga nito habang nakakuyom ang kamao dahil na rin sa galit.
Sinundan nito ng tingin si Hather na pababa ng hagdan. Maingat ang mga hakbang nito. Napailing na lamang ang lalaki at tahimik siyang sinundan. Bago pa man makarating sa kusina si Hather ay isang hampas ng baril ang nakapagpatumba sa kaniya sa sahig na galing sa lalaking nakasunod sa kaniya.
"Sleep for a while, Saavedra" Walang ganang bigkas ni Zerron matapos niyang hampasin sa batok si Hather. Hinila niya ito sa isang sulok upang pansamantalang ikubli.
Napatingin ito sa taas kung saan ang mag-ina niya. He will do everything just to make sure that they're safe. Kahit pa man nakasalalay pa rito ang buhay niya. Nag-umpisa itong naglakad papunta sa kusina kung saan dalawang tauhan ni Herman ang nakapasok na sa loob gamit ang backdoor.
Kaagad siyang nagkubli at hinintay ang dalawa na makalapit sa kinaroroonan niya bago niya gamitin ang dalawang dagger upang ibaon ito sa puso ng dalawa. Bago pa man sila matumba ay kaagad silang hinawakan ni Zerron at dahan-dahang ibinaba sa sahig upang hindi makagawa ng ingay.
Lumapit ito sa backdoor at ginamit ang isang dagger upang gamitin na pangharang sa pinto upang hindi ito mabuksan.
Kaagad ng umalis si Zerron upang puntahan ang mag-ina niya na alam niyang anumang oras ay malalagay sa panganib dahil kay Sin. Zerron knew her well.
Fuego's Point of View
P*tang***! Kaagad akong napadapa at napagulong ng paulanan ako ng bala ng tatlong natitirang tauhan ni Herman. Akala ko ay sampu lang ang nakatoka sa 'kin! Hindi ko akalain na aabot pala sila sa dalawampu!
Kaaagad akong nagkubli sa isang puno. Magpapahinga muna ako saglit. Binuksan ko ang cellphone ko kung saan konektado sa mga CCTV ng bahay ng Saavedra pati na rin ang ilang ikinabit ko kanina. Napamura na lang ako ng makitang sira ang nasa South. Sinong hinayupak ang sumira non?! Bw*sit!
[Fuego, Sin's location?]
"T-Teka lang, Bo--Sh*t!" Kaagad akong napayuko ng barilin na naman nila ang pinagtataguan ko. Mabilis kong inilabas ang revolver at mabilis na binaril 'yong tatlo na mga gag*.
Sinabing nagpapahinga pa ako eh! Nang bumulagta ang mga ito at umupo ako sa damuhan at hinanap ang kinaroroonan ni Sin.
"Fu--! Nasa veranda kung saan ang kuwarto nina Zaera at Zian, Boss!" Saad ko at napatayo rin ng makitang may isang tauhan ni Herman na papasok sa loob ng kuwarto ni Lovern.
Dumaan ito sa bintana ng kuwarto niya. Kung tinatanong niyo kung paano ko nalaman. I have the full access of their CCTV. Tatakbo na sana ako papunta roon ng matigilan ako. Teka, bakit ba ako nag-aalala? Eh ano nama--Aish! Kaaagd na akong tumakbo upang patayin ang hay*p na "yon.
"Sh*t!" Napatalon ako ng may bala ng baril na tumama mismo sa gilid ko. Napatingin ako sa direksiyon ni Midnight ng marinig ko ang tawa nito.
[Saan ka pupunta, Fuego? Nagmamadali ka yata?]
"Tss. Wala ka na don" Asar kong saad at binaril ang isang lalaking nakasalubong ko.
[Pupuntahan mo. 'yung babae mo?] Tatawa-tawang saad nito. Kung puwede lang siya ang patamaan ko ng bala ginawa ko na.
"Shut the f*ck up, Midnight. Ayusin mo nalang ang trabaho mo kung ayaw mong mawala sa 'yo yung Lambo"
Narinig ko lang ang tawa nito hanggang sa nakita kong natumba ang isang kalaban na babarilin sana ako. Tss.
[Paano ba 'yan niligtas kita. Dagdag points 'yon. Plus 10 for a total of 33]
"Ul*l mo plus ten!" Iritang saad ko at inakyat ang isang palm tree na konektado sa kuwarto ni Lovern. Hindi na ito nagsalita pa at tumawa lang ang gag*. Nang tuluyan akong makaakyat ay ginamit ko ito upang makatawid papunta sa isang maliit na terrace na konektado sa kuwarto ni Lovern.
Kaagad akong nahkubli at inilabas ang cellphone ko upang i-check ang footage sa kuwarto niya. Napakunot noo ako ng makitang nakapatong ito sa kanya at pilit na hinahalikan ito. Tang*na! Kaagad kong binaril ang sliding door at pumasok sa loob.
Walang pag-aalinalangan ko itong nilapitan at hinila at sinpa dahilan para mapaupo ito sa sahig.
"GAG* KA!"