Zaera's Point of View
Nasa gitna kami ngayon ng hapagkainan. Kakauwi lang ni Lovern kanina at pansin ko na napakatahimik niya. Ibang-iba sa Lovern na kilala ko. Tumingin ako kay Hather at nginuso si Lovern. Uminom siya ng tubig at kinalabit ang kapatid.
"Are you okay? Hindi mo ba gusto ang pagkain?"
Tumingin naman sa kanya si Lovern pati na rin sa akin. Tipid itong ngumiti at umiling. Alam ko may problema talaga siya at hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko iyon malalaman upang matulungan ko manlang siya.
"Masarap ang pagkain. Wala lang talaga akong gana" Sagot nito sa matamlay na tinig habang ngumunguya.
Ibinaba ko ang kubyertos ko saka inabot ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Napatingin siya sa akin.
"Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo, Love? Kahapon ko pa napapansin na ganyan ka. May problema ka ba?" Sincere na tanong ko sa kanya.
Napalunok ito bago ibinaba ang mga kubyertos niya at nakita kong nanunubig ang mga mata nito. Bumubuka ang bibig nito na tila may gustong sabihin pero hindi niya maisatinig. Bigla nalang siyang tumayo at tumalikod sa amin.
"S-Sorry, akyat lang muna ako sa taas" Paalam niya na tila pinipigialn niyang mabasag ang boses niya at nagmadali siyang naglakad paalis.
Napatayo naman ako upang sundan siya pero mabilis akong napabaling kay Hather ng hawakan niya ang kamay ko. Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Ako na ang bahala sa kanya, Eve. Don't worry" He assured me and smiled a bit. He gently squeeze my hand. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang.
Tumayo ito saka binitawan ang kamay ko. Sinundan ko ito ng tingin na sinusundan si Lovern. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at ang bigat rin ng dibdib ko dahil sa nangyayari kay Lovern. She's so down. Napabuntong hininga ako at saka umupo muli at binalingan nalang ng tingin si Zian na kumakain.
Napabaling naman ang atensiyon ko sa aking cellphone ng tumunog ito. A text message coming from somone. An unknown number. Binuksan ko nalang ito.
'LEAVE AND HIDE IN ORDER FOR BOTH OF YOU TO SURVIVE THE HIGH TIDE AT MIDNIGHT'
Ano raw? Ano na naman 'to? Kinikilabutan na talaga ako. Itong mensahe ay nanggaling lang naman sa iisang tao na nagpadala rin sa akin ng mensahe noong nakaraang linggo. Ang pinagkaiba nga lang para siyang riddle.
Sino ba itong nagpapadala sa 'kin? Nais ko tanungin kong sino ang tao sa likod nito pero kinakabahan ako.
Napalunok ako bago mag-tipa ng mensahe.
'If you're trying to scare me, that won't do'
Habang hinihintay ko ang reply nito ay kumakabog na talaga ng malakas ang puso ko.
'THIS IS NOT A JOKE, ZAERA. LEAVE THAT PLACE'
Halos mabitawan ko ang hawak kong cellphone ng mabasa ito.
Third Person's Point of View
The pale crescent moon shone like a silvery claw in the night sky. You can see the blanket of stars that stretched to infinity. The night was ghost-quiet. The silence of the night is not comforting at all for Zaera who received warning from an anonymous person. Ang gabi ay isang mapanganib na kakaharapin niya.
It's already past 11:00 pm in the evening but she's fully awake. She's worried. Worried about something that might happen in the next minuteㅡnext hour. She keep checking Zian who's already peacefully sleeping beside her. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at sumilip sa kurtinang nagtatakip sa bintana. Pinagmasdan nito ang madilim na front yard ng bahay. Wala siyang nakikita kundi ang madilim, tahimik at payapang paligid.
Bumalik ito sa kama at umupo roon. Nilulukob ng takot ang kaba ngunit nilalakasan ang kalooban at pilit pinapatatag ang sarili. Ayaw man nitong maniwala sa mensaheng natanggap pero may parte sa puso niya na nagsasabing kailangan nilang mag-ingat. Taimtim itong nagdarasal sa kaligtasan nilang lahat.
Sa kabilang banda.....
May nakatigil na isang sasakyan sa madilim na bahagi ng kalsada. Nakaupo ang dalawang lalaki sa hood ng kotse habang naninigarilyo. Naghihintay sa mga bisita na darating eksaktong alas dose ng hatinggabi. Ito ang nakalagay sa sulat na ibinigay ni Vigénere kay Zerron.
"Kailangan talagang maghintay tayo ng isang oras dito?"
"Syempre naman, utos ni Boss"
"Pwede namang 11:30 diba? Ang daming lamok dito eh"
[Damian. I can clearly hear you. Just tell me if you want to go home]
Sabay silang napamura sa kanilang isipan ng marinig ang malamig na tinig ni Zerron sa kabilang linya. Nakalimutan nilang konektado pala ang mga micro earpiece na suot nila sa kaniya..
"Joke lang, Boss. Sabi ko nga dapat 10:00 pm nandito na tayo" Awkward na sagot ni Damian at siniko si Doom na nakangisi.
[Tss]
Iyon lang ang nakuha nila mula kay Zerron. Natahimik muli silang dalawa.
"Vigénere, Comment est la situation à la route principale ?" Tanong ni Zerron na rinig naman nila.
Translation: Vigénere, How is the situation at the main road?
[Deux véhicules atteindront l'emplacement d'Ephraïm en cinq minutes.]
Translation: Two vehicles will reach Ephraim's location
"The fu--?! Nagsasalita ka, Vigénere?!" Hindi makapaniwalang puna ni Ephraim sa kabilang linya. Ito ang kauna-unahang narinig niyang magsalita ito.
Napahagikhik naman sina Midnight, Fuego, Doom at Damian.
"Ephraim, you know what to do" Utos ni Zerron sa kaniya.
[Okay] Sagot nito kahit hindi pa rin ito makapaniwala dahil narinig nito ang boses ni Vigénere.
Ephraim set his timer. He set-up the spike strip on the road. A spike strip is a device used to impede or stop the movement of wheeled vehicles by puncturing their tires. Kaagad itong umakyat sa puno at pinagmasdan ang dalawang sasakyan na parating. Mga tauhan ito ni Herman.
"Fuego, how is the location at the North? Have you seen anything?"
[Dalawang tauhan ni Herman ang paparating diyan sa bahay, Boss. They're aiming the backyard. Dito sa puwesto ko may sampung paparating but I can handdle this]
"Doom, Damian. How's the situation at the front yard?"
"May paparating mula sa East, kami na ang bahala dito" Sagot ni Doom habang inihahanda ang hawak nitong M16. Nagkatinginan silang dalawa ni Damian at sabay na napangisi.
"Dating gawi. Paramihan tayo" Paghamon ni Doom at hinanda ang hawak nitong Uzi.
"Siguradong talo ka" Saad ni Damian at naunang magpaputok sa kalaban kung saan saktong tinamaan ang noo nito.
Naging sunod-sunod na rin ang palitan ng putok sa bawat magkabilang panig.
Samantala....
Sa isang matayog na punong kahoy ay nakakubli ang isang lalaki. Hindi ito mapapansin dahil nababalot ito ng purong itim na kasuotan. Hawak ng mahigpit ang isang Arctic Warfare Magnum (AWM). The Arctic Warfare Magnum (AWM) is a British sniper rifle. It is a product of Accuracy International company. It is a more powerful version of the Arctic Warfare sniper rifle, designed to use larger and more powerful Magnum-type cartridges.
He adjusted himself for the better accuracy. He didn't remove his eye from the telescopic sight and counted from one to three. His making the appropriate position to have the perfect aim of his target. Napahawak ito sa kaniyang micro earpiece ng marinig ang boses sa kabilang linya.
"Midnigght. 12°N,1'10". 10°NE, 10"
(12 degrees north, 1 minute and 10 seconds, 10 degrees Northeast, 10 seconds)
"Copy, Boss"
Ipinosisyon nito ang kaniyang sarili at inilagay ang kamay sa gatilyo ng baril. He counted from one to ten and he saw his target coming. Napangisi ito at kaagad kinalabit ang gatilyo. Mabilis na humandusay ang lalaki.
"Siguraduhin mo lang na headshot 'yan, Midnight"
"You don't have to remind me, Fuego. Shooter yata 'to" Nakangising sagot nito at tumingin muli sa telescopic sight.
"Tandaan mo may isa pang natitira. Parating na"
Hindi ito sumagot at pinagtuunan ng pansin ang parating na tauhan ni Herman na kasunod ng unang lalaking binaril niya. Mas nahuhuli ito. With the perfect timing, pinaputukan niya ito at kaaagd itong natumba ng tamaan ito sa puso.
"Done" Nakangising saad niya at sumindi ng sigarilyo. Excitement can be seen in his face.
"Tukmol. Meron pang tatlo na paparating!" Fuego said and started cursing.
"Tang*na! Akala ko ba dalawa lang?" Tanong nito at saka pinatay ang sigarilyo.
"Focus, Midnight! 5°NE, 10", 30°N, 1'5", 20°NW, 1'2"" Saad ni Zerron sa kabilang linya.
(5 degrees Northeast, 10 seconds. 30 degrees North, 1 minute and 5 seconds. 20 degrees Northwest, 1 minute and 2 seconds)
"Copy" Sagot nito at ipinosisyon muli ang sniper.
Samantala......
Saktong pagdaan ng sasakyan sa spike strip ay sumabog na ang mga gulong nito. Kaagad nagsibabaan ang mga taong lulan nito hawak-hawak ang mga baril nila. Sunod na bumaba si Herman Hermoso.
Herman Hermoso was rank in number 9 at Empire. Ito ay may lihim na hangad sa kapangyarihan na mayroon ang mga Del Fierro kung kaya't nakipagsabuwatan ito kay Heiress.
"Boss!" Sigaw ng isang tauhan ni Herman. Lahat ng tauhan nito ay napalinga-linga at naging alerto.
"Hanapin niyo kung sino ang may gawa nito!" Sigaw ni Herman na tinalima naman ng mga tauhan niya.
Ephraim heave a deep sigh.
"I'm not into this but I have to protect the heir and his mother" Bulong nito at inilabas ang dalawang pistol na may silencer.