Third Person's Point of View
Isang babae ang naglalakad papasok sa loob ng isang kompanya. Nakakuyom ang kamao nito at madilim rin ang kanyang mukha. Lahat ng makakasalubong nito ay napapabulong at kaagad ring iiwas ng tingin kapag pinupukol niya ito ng masamang tingin. Taas noo itong tinungo ang daan patungo sa opisina ng taong sadya niya.
Malalaki ang hakbang nito at mababatid ang sobrang inis at galit sa mukha niya. Walang katok-katok nitong binuksan ang pinto ng opisina at kaagad hinanap ng kaniyang mata ang taong sadya niya. Nakita niya itong tutok na tutok sa harap ng laptop nito.
"Zerron! Can we talk?" Mariin ang pagkakasabi nito na tila pinipigil niya lamang ang kanyang galit.
Inalis ng lalaki ang kanyang salamin at tumingin sa babae bago napasandal sa recliner.
"Heiress, we just talked earlier. Ano pa ba ang pag-uusapan natin?"
May inilabas itong brown envelope at itinapon sa mesa nito. Sumambulat sa paningin ni Zerron ang mga litrato nila ni Zaera ng minsang magbisita si Zerron sa bahay nina Lovern at Hather noong isang araw.
"When are you planning to tell me that you're still seeing each other, Zerron?!"
Nahilot ni Zerron ang sintido niya. Kanina pa masakit ang ulo niya dahil bukod sa marami itong kaikangang tapusin na trabaho ay may iba pa siyang kailangang asikasuhin. Binabagabag pa siya dahil nagkita si Zaera at Eros sa mall and luckily he's cousin was there kaya't ito ang inutusan niya upang mailayo kaagad si Zaera at ang anak niya.
"What do you expect me to do, Heiress? Of course, magkikita kami dahil siya ang ina ng anak ko. I can't avoid that" Malumanay na paliwanag ni Zerron sa kaniya ngunit hindi parin nawawala ang inis sa mukha ni Heiress.
"Ang sabihin mo lang ginagawa mo lang na rason ang anak ninyo ni Zaera para magkasama kayo!" Sigaw nito kaya't nagsalubong ang kilay ni Zerron sa inis at pagka-irita.
"Are you out of your mind? Saan mo ba nakukuha ang mga sinasabi mo? Stop insisting that matter! You're being delusional"
"Wow? Am I?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "This is not my delusion! I know that it is true! Ilang dates na natin ang kinancel mo dahil sa mag-ina mong 'yan! And I hate you for neglecting me!" Hysterical nitong sabi.
Nahampas ni Zerron ang mesa dahil sa sobrang inis nito. Napakislot naman si Heiress dahil sa pagkabigla. Madilim ang mukha ni Zerron.
"I'm not in the mood to talk about it, Heiress. It's your choice if you're not believing me. Now get out of my sight" Pagpipigil galit na sabi ni Zerron.
Napalunok naman si Heiress.
"Y-You can't just shooed me away like this! I AM YOUR GIRLFRIEND, Zerron!" Ipinagdiinan pa nito ang kaniyang sinabi at tinuro ang kaniyang sarili.
"I said get the fu-- out!"
Halos mapatalon si Heiress dahil sa sobrang gulat ng sigawan siya ni Zerron. Nagbabaga ang nga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi maipagkakailang namutla ito dahil sa takot. Nagsipatakan ang luha nito.
"H-Hon, please. I am sorry if I keep insisting it. Nagseselos lang naman kasi ako dahil wala ka ng oras sa 'kin. H-Huwag mo naman ako---"
"Let's talk another time, Heiress. Marami pa akong aasikasuhin" Malamig nitong saad at tumayo siya upang igiya palabas ng opisina si Heiress.
Heiress kept on pleading to Zerron but he closes the door right after she went out of the office. She even called Zerron pero wala siyang natanggap na sagot mula rito. Inis itong napapadyak at inalis ang luha sa mga mata niya. Nagngitngit pa ang ngipin nito sa galit. Tumingin ito sa mga empleyadong nakikiusyuso sa kaniya at binigyan niya ito ng masamang tingin.
"What are you looking at?!" Galit nitong saad.
Kaagad naman silang nagsi-iwas ng tingin at bumalik na sa kaniya-kaniya nilang gawain. Walang nagawa si Heiress kung hindi ang lisanin ang lugar. Walang ibang pumapasok sa isipan niya kung hindi ang sobrang galit sa mag-ina. Napakuyom ang kamao nito. Gusto na nitong tuluyang burahin sa mundong ito sina Zaera at ang anak niya. Inilabas nito ang kaniyang cellphone at denial ang numero ng isang taong makakatulong sa kaniya. Sumagot naman ito kaagad.
[What is it, Señorita?]
"I want your help, Herman. May gagawin tayo mamayang gabi"
Pagkatapos ng tawag ay napakuyom ang kamao nito at inis na inalis ang luha sa mata niya.
'You're always choosing her over me so better if she'll be gone in your life....forever'
Ephraim's Point of View
"Zero, what do you think about the proposal of Mr. Alonte?"
Hinintay ko itong sumagot pero wala akong narinig. Tumingin ako sa kanya pero nakita kong tulala lang itong nakatitig sa mesa at tila malalim ang iniisip.
"Zero, nakikinig ka ba?"
Pambihira. Baka nakatulog na 'to na dilat ang mata.
"Hoy!" Kinalampag ko naman ang mesa at nakita ko na napaigtad ito. Tss. Kaagad niya akong binalingan ng tingin at kinunutan ng noo. Masama pa ang tingin nito sa 'kin. Kita nga naman, siya pa ang galit.
"What?!" Asik na tanong niya.
"Ang sabi ko, anong tingin mo dun sa proposal kanina ni Mr. Alonte" Pag-uulit ko.
"Oh, about that. It was good"
Kulang nalang pukpukin ko siya ng mjolnir sa ulo dahil sa sinabi niya. Pambihira talaga. Lutang talaga ang loko.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kahapon ka pa lutang. May nangyari ba sa inyo ni Heiress at naging ganyan ka na?"
Hindi ko naman puwedeng sabihin na si Zaera dahil matagal na silang wala no'n. Si Heiress nalang ang idadahilan ko dahil baka nag-break na sila. Ganitong-ganito kasi ang nangyari sa kanya noon nang minsan silang magkahiwalay samantala noong nawala naman si Zaera lagi siyang galit. Napagbuntunan pa nga ako ng galit non.
"Tss. It's not her" Walang ganang sabi niya at umalis sa recliner saka nagsalin ng alak sa baso. Halata ngang malaki ang problema nito.
"Eh sino? Alangan namang si....." Naiwan sa ere ang sasabihin ko ng mabilis siyang tumingin sa 'kin. ".....Zaera?" Pagpapatuloy ko. Napabuntong hininga ito.
Langya! Hindi sumagot ang gago ibig sabihin si Zaera nga. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Sinasabi ko na nga ba at may pagtingin parin siya sa babaeng 'yon. In-denial lang talaga siya noon at mas pinipilit lang niya ang feelings niya kay Heiress. Tatanga-tanga kasi ang tukmol kaya nagkandaleche-leche ang takbo ng buhay niya.
"I don't know" Sabat niya naman. Ay tanga talaga.
"Buksan mo nga 'yang mga mata mo, insan. Huwag mong pairalin 'yang utak mo, sundin mo naman minsan 'yang puso mo. Pasensiya na sa sasabihin ko, insan ha? Pero ang tanga mo talaga noon" Inis kong sabi dahilan para bigyan ako nito ng nakakamatay na tingin.
"Opps. Huwag kang magagalit dahil totoo ang sinasabi ko. You're just committing with Heiress dahil alam ko na nasasayangan ka lang sa anim na taong relasyon ninyo at ayaw mong mapunta ito sa wala. Pero noon pa man nakikita ko na mahal mo si Zaera kaysa kay Heiress sadyang nagbubulagbulagan ka lang" Paliwanag ko.
"I didn't love her, I'm just usi---"
"Kung hindi mo siya mahal at ginagamit mo lang siya, bakit mo winaldas ang mahigit dalawang milyon para lang mahanap mo siya? Bakit mo winaldas ang mga pera mo para lang maging ligtas sila ng anak mo? Alam ko na alam mo rin na matagal mo na silang nahanap pero mas pinili mong manahimik at magmaang-maangan na parang timang na hindi mo sila nakita. Mas pinili mong tanggapin lahat ng galit sa 'yo ni Don Fugere at ni Aether" Wika ko dahilan para mapabuntong hininga ito.
"Sana kung gusto mo lang na makuha ang anak mo ay matagal mo na itong kinuha sa kanya pero hindi mo ginawa. Naging instant paparazzi ka pa nga niya ng ilang buwan. Halos patayin mo pa yong lalaking lagi niyang kasama. Iyong Dada ng anak mo." Saad ko.
Pfft. Saksi pa ako non kung paanong gusto niyang sugurin iyong lalaki. Unfortuantely, tumigil na siya sa pagsunod kay Zaera noong nanganak na ito at ni-hindi manlang niya nasilayan iyong pamangkin ko dahil naging busy siya.
Tinungga niya naman ang isang basong alak. Alam kong naiirita na siya sa mga sinasabi ko pero hindi ako titigil hangga't hindi nagigising ang tukmol na 'to sa mga kahibangan niya. Ayokong maging huli ang lahat para sa kanila at pagdusahan niya habang buhay ang desisyon niya. Hindi pa huli para mabuo ang pamilya niya. Ayoko namang mawalan ng tatay ang pamangkin ko.
"And the fact that you invested 200 million pesos in her company in the name of Isaac Alexander Zustovich and pretend to be a british national?" Natatawang bigkas kong muli kaya nakatanggap na naman ako ng nakakamatay na tingin mula sa kanya.
Iyon talaga ang desisyon niya kung saan marami akong tawang inilabas. Pinadala pa niya ang secretary niya doon sa Everlasting para maisakatuparan niya ang plano niya. Timang talaga eh. Tss. Hinahayaan ko lang kasi ayokong masaringan na naman niya. Noong minsan kasing sinabihan ko siya at nagbigay ako ng kaunting speech, namaga lang ang labi ko dahil sa suntok niya. Baliw eh. Tss.
"Shut the f*ck up, Ephraim! Hindi ka nakakatulong" Asar niyang saad. Tss. Asar-talo talaga ang tukmol.
"Well, marami sana akong naitulong sa 'yo kung sinunod mo lang ang sinabi ko bago ka nag-desisyon ng padalos-dalos edi sana masaya ka ngayon"
"Tsk. Masaya naman ako sa buhay ko ngay---"
"Oh come on, Zerron. Wake up! Hindi ka masaya at mas lalong hindi ka masaya kay Heiress. You're just pushing yourself to be happy with her but the truth is, matagal ka ng hindi masaya sa relasyon ninyo"
Hindi ito nakaimik sa sinabi ko. Tsk. Matalino 'tong si Zerron pero hindi ko alam kung bakit ang bob* niya pagdating sa ganitong bagay. Napakatimang rin dahil hanggang ngayon hinahayaan niya si Heiress na maglabas-pasok sa kompanya at Mansion nila kahit alam na nitong magkasabwat sina Eros at Heiress simula palang.
Sa totoo lang ang hirap basahin ng utak nitong si Zerron kung ano ba talaga ang point ng plano niya. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat ng ito.
"You don't have to remind me, moron. I'm not talking about Heiress. Masaya ako dahil nakakasama ko na ang mag-ina ko at hindi dahil kay Heiress"
Ayon. Buti inamin rin akala ko ay magde-deny pa ito. Ang taas kasi ng pride.
"Eh iyon naman pala. So, why are you still keeping her?"
"Tsk. You're out of it"
Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Ito naman parang hindi tayo mag-pinsan ah? Sabihin mo na" Pangungulit ko baka sakaling bumigay ang loko pero binigyan lang ako nito ng isang masamang tingin. Itinaas ko nalang ang dalawang kamay ko na waring sumusuko.
Tumayo nalang ako upang umalis na. Mahirap na baka ibato pa sa 'kin ang hawak niyang baso at magka-pasa pa itong mukha ko. Napailing nalang ako ng napadukmo siya sa kanyang mesa at ginulo ang buhok niya. I heave a deep sigh. Napapailing nalang akong napangiti.
Bilib rin naman ako sa pinsan kong ito. Nagkamali man siya noon, pinipilit rin maman niyang itama ang lahat ng iyon. Lahat ng problema sinasalo niya at siya lahat ang gumagawa ng paraan upang maayos lahat.
Sana lang talaga ay hindi siya masiraan ng bait. Ayokong magkaroon ng baliw na pinsan.
I heave a deep sigh at nilingon siya. May nakalimutan akong itanong sa kanya.
"Zerron, did he decipher the code?" Tanong ko kahit pa man na napakaimposibleng ma-decipher ni Eros ang code na 'yon. Tumunghay ito saka sumandal sa kanyang recliner. Kumuha ito ng sigarilyo at sinindihan iyon.
"How can he decipher The Vigenère cipher? And if he will be able to c***k it, nagsayang lang siya ng oras" Nakangising sagot nito.
Napailing nalang ako. Eros Saturnino Sandoval tried to c***k the code for so many times. Siguro ay kahit magkaapo at hanggang mamatay ito ay hindi na niya made-decipher 'yon. Ang hindi pa niya alam ay ang laman lang naman ng files na pilit niyang binubuksan ay puro kantang pambata.
Natawa nalang ako sa naiisip ko. Matagal na siyang pinagtitripan ni Zerron na wala siyang kaalam-alam. Eros was trying to get the profiles of all the members of the Empire. Lahat ng files ng mga businesses at profiles ng iba't-ibang myembro ng Empire ay nakalagay sa isang secret files na hawak ni Zerron at Don Fugere.
"So, how are they?"
Untag nito na nakapagpabalik ng atensiyon ko sa kanya.
Tumingin ulit ako sa kanya. "Who?"
"Tss. Of course, Zaera and Zian. Safe ba silang nakauwi?" Iwas-tinging sagot niya sa akin.
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Oo naman. Hahayaan ko bang umuwing mag-isa ang pamangkin ko pati ang cousin-in-law ko?" I honestly said.
Mabuti nalang talaga at saktong nandoon rin ako kanina sa mall kaya't madali kong napigilan si Eros sa kung ano man ang balak niya.
Isang katok ang narinig namin mula sa pinto. It's not a simple knock it is a morse code. Ibig sabihin lang noon, isa sa taga-Empire ang dumating. Napatayo si Zerron pati ako. Mabilis akong tumungo sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin si Vigénere. Kaagad akong napangisi dahil sa suot nito. An over-all cat suit showing her hot and sexy body. Naka-ponytail rin ang mahaba at itim na itim nitong buhok.
Tinaasan ako nito ng kilay kaya't tumabi na ako. Sayang talaga siya, ang ganda sana kaya lang wala yatang gusto sa lalaki. Hindi tumatalab ang charms ko. Vigénere is one of our ally. She usually work during graveyard shift. Mahilig siyang magtago sa dilim at gawin ang mga trabaho niya. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya dahil ang hirap niyang i-decode.
Walang salitang lumabas sa kanyang labi at may iniabot lang itong isang papel kay Zerron. Actually, never ko pa talagang narinig na nagsalita siya. Minsan nga naiisip ko at baka hindi talaga siya nagsaslaita. Lumapit ako sa kanila at sumilip sa papel pero blangko lang ito. Ni walang kahit anumang sulat.
Tumango lang si Zerron. Kaagad ng tumalikod si Vigénere para umalis pero hinawakan ko ito sa braso na ikinatigil niya. Pinukol ako nito ng masamang tingin hanggang sa mabilis niyang kinuha ang kanang braso ko at pinaikot ito sa likuran ko at tinulak ako. Napada ako at ang matindi pa ay humalik ang labi ko sa sahig. T*ng*n*!
"Z-Zerron, tulungan mo ako dito" Nahihirapang sabi ko habang pinapagpag ko ang palad ko sa sahig. Bukod kasi sa hawak niya ang kanang braso ko ay niluluhuran rin niya ang likod ko.
"Tss. Enough Vigénere. Do your job. Don't waste your time with him"
Guminhawa ang pakiramdam ko ng bitawan ako nito. She hissed and only I could hear is the slamming of the door. Napaupo ako sa sahig habang hawak ang labi ko at tiningnan ito. P*tang*na! Dumugo.
Napatayo ako at hinawakan ang panga ko. Mukhang na-dislocate yata ang panga ko dahil sa pagkakatama sa sahig. Ang sakit talaga. Putek. Ipiniling ko nalang ang ulo ko at lumapit sa puwesto ni Zerron hawak-hawak ang walang laman na kahit anumang sulat na puting papel. Kumuha ito ng Lighter. Okay to be honest ni-ultimo lighter niyan mahal. Douglass Oil Lighter Field-S Diamond is cost 11, 500 pesos. Isa lang 'yan sa mga lighter na meron siya. Well, what can you expect from a Billionaire?
Pinagmasdan ko ang papel at habang tinatapat ito sa apoy ay unti-unting lumitaw ang mga nakasulat. A security ink or sympathetic ink! Mas lumapit ako upang mabasa ang nakasulat.
"F*ck!"
"Bullsh*t!"
Sabay kaming napamura ng mabasa ang laman ng sulat. Nakasaad sa sulat na na mapapahamak si Zaera at Zian. The coordinates, the exact time and the exact place. It was all written on that piece of paper. Kaagad itong sinunog ni Zerron at nagmadali siyang tumayo at kinuha ang coat niya. Mabilis nitong tinahak ang pinto palabas kaya dali-dali akong sumunod sa kanya.
"Call all of them! NOW!"
Kaagad kong sinunod ang utos ni Zerron. Bwis*t! Bakit biglaan? Herman Hermoso is planning an attack at Saavedras later. D*mn! Kinakabahan ako sa mangyayari. Paano ang pamangkin ko at si Zaera? Kahit pa man lalaki ako ay kinakabahan pa rin ako lalo na at walang kaalam-alam sina Zaera sa mangyayari.