Zaera's Point of View
"Nakapasya ka na ba, anak?"
Tanong ni Mama matapos ang mahigit sampung segundong pagtahimik namin after I told them about Zerron's plan. Ikunweto ko sa kanilang dalawa ni Papa ang pamimilit ni Zerron na tumira na kami sa puder niya. I need opinions para makapagpasya na ako sa maaari kong gawin.
"Nagdadalawang-isip pa po ako, Ma"
Napatingin ako kay Papa ng tumayo ito. Alam kong ayaw niya talaga kay Zerron. Nang malaman nga niya na ipinakilala ko si Zian kay Zerron ay nagalit pa ito sa akin peron kalaunan ay naging maayos ulit kami.
Sa ngayon, hindi ko lang alam kung ano ang naiisip niya ngunit batid ko na hindi ito natutuwa sa sinabi ko.
"Kung anuman ang pasya mo, Zaera. Ikaw na ang bahala basta ang akin lang ay maging maayos ang apo ko" Sabi nito at tinalikuran kami ni Mama. Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay.
Nagkatinginan kami ni Mama. Ngumiti ito na pinapahiwatig niyang ayos lang iyon. Hinawakan nito ang kamay ko. Ngumiti nalang ako kahit nalungkot ako bigla dahil alam kong nagtatampo si Papa sa 'kin. Sa kanilang dalawa ni Mama, si Papa ang mas naging apektado sa nangyari sa akin noon. Hindi ko naman siya masisisi kung may galit pa rin siya kay Zerron dahil maski ako ay galit pa rin sa kaniya pero pinapakisamahan ko nalang siya para sa anak namin.
Siguro kung may connection man kami ni Zerron, iyon ay dahil kay Zian.
"Zaera, hindi ko man napagdaanan ang napagdaanan mo ngunit alam ko pa rin ang ganyang pakiramdam. Iyong kailangan mong mamili sa pagitan ng dalawang desisyon na parehong matimbang sa iyo. Para sa kasiyahan ng anak mo o para sa ikakabuti niya? Dalawang pagpipilian na mahirap pagpilian" Makahulugang sabi niya.
Napaisip ako. Kasiyahan ng anak ko ang makasama si Zerron sa iisang bahay ngunit ikakabuti niya rin na mailayo kay Zerron upang hindi mag-krus ang landas nila ni Heiress. Imposibleng hindi magkita silang dalawa dahil may koneksiyon ito sa ama niya at ayokong dumating 'yong point na masaktan siya dahil dito.
He's out of this problem. And as long as I can keep this matter between me and Zerron, I'll keep it. Hindi kailangang madamay ang anak namin sa kung ano mang gulo na mayroon kami.
But how long can I keep it from him when he's part of this family? Mabigat akong napabuntong-hininga.
"Bilang ina, alam mo ba kung papipiliin ako mas pipiliin ko ang kasiyahan ng anak ko. Katulad mo, mas pinipili ko lagi ang ikakasiya mo dahil kung pipiliin ko ang ikakabuti para sa iyo, hindi ka magiging masaya. Ngunit, sinasabi ko lang iyon dahil iyon ang sarili kong opinyon. Ikaw pa rin ang masusunod"
Napatingin ako kay Zian na nakikipaglaro kay Aki. Isa itong Alaskan Malamute na bigay ni Zerron sa 'kin. Tss. Kahit saan nalang ako magpunta lagi nalang may mga bagay na nagpapaalala sa akin sa lalaking 'yon.
Napatingin ako kay Mama ng hawakan nito ulit ang kamay ko. "Pero anak, kung sakaling piliin mo ang kasiyahan niya lagi mo ring iisipin kung ito ba ay nakakabuti sa kanya o hindi. As a mom, lagi mong isipin ang magiging epekto nito sa kanya"
Napanguso nalang ako sa sinabi ni Mama. "Ma, mas naguluhan tuloy ako" Reklamo ko kaya natawa siya at hinaplos ang ulo ko. Natawa na lang rin ako.
"Pero anak, mas maiging magdasal ka muna bago ka mag-desisyon"
Naoatango naman ako. Tama nga naman si Mama. Nakangiti kong pinagmasdan si Zian ng makita kong tawa ito ng tawa habang nakikipaghabulan kay Aki. Bahala na kung anonang magiging desisyon ko. Ang importante ay hindi mawalay sa akin ang anak ko.
Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay ni Mama at isa na doon ay ang birthday ni Zian. Nang matapos ang pag-uusap namin ay umalis na rin kami ni Zian. Dumiretso na lang kami sa mall dahil gusto niya daw mamasyal muna. Kahit ang alam ko talaga ay pupunta siya sa mga laruan at hawakan lahat ng laruan na naka-display.
Picture at video lang ang ginawa ko habang nag-eenjoy siya. Lumapit ito sa akin at hinila ang kamay ko papunta sa isang doraemon at nag-selfie kami. Nang matapos siyang mag-enjoy ay niyaya ko siyang kumain ng tanghalian.
Palabas na kami ng may mabangga ako. Kaagad akong napaatras dahil sa lakas ng impact mabutina lang at hindi natumba si Zian. Kaagad akong napatunghay upang tingnan kung sino siya at nabigla ako ng makilala ko ito. Hindi ko nalang ipinahalatang nagulat ako.
Kaagad itong ngumiti.
"Zaera" Tawag nito sa pangalan ko. Hindi ko alam pero kinikilabutan ako sa tinging ibinibigay nito sa akin. "Nice to see you. Ang tagal rin nating hindi nagkita"
"Eros" I called him out.
Ngumiti ito at bumaba ang tingin niya kay Zian na kaagad namang nagtago sa likuran ko. Napansin ko ang pagseryoso ng mukha niya pero kaagad rin itong napalitan ng saya ng tumingin siya sa akin.
"Kamusta ka na?"
"I'm fine. Ikaw?"
"Good" Sagot nito habang nakangisi. Hind ko alam pero hindi ko talaga gusto na kaharap ko siya.
"Ito na ba 'yong anak niyo ni Zerron?"
Alam nito na may anak ako kay Zerron dahil minsan na kaming nagkita noong nagbubuntis palang ako.
"Oo"
Tumingin naman ito kay Zian. "Hey, little kid. I'm Eros"
Pakilala nito. Mas lalong napatago sa likuran ko si Zian.
"Mamá, vamos a casa"
Translation: Mama, Let's go home
This is the first time that Zian asked me to go home hurriedly. Hindi ko alam kung bakit medyo nanatakot ito sa presensiya ni Eros.
Napatingin nalang ako kay Eros.
"Pasensiya na Eros, kailangan na naming umalis. Nag-aaya na kasi si Zian" Sabi ko at hinawakan sa kamay si Zian.
"Aalis agad kayo? Nag-lunch na ba kayo? You can join me" Aya nito sa akin pero umiling ako.
"I'm sorry, Eros. We really need to go" Hingi ko ng paumanhin sa kanya at hinila na ng marahan si Zian para umalis pero napatigil ako ng magsalita siya ulit.
"Can we talk again, Zaera? Kung may free time ka?"
Napalunok ako. Hindi ko siya nilingon pero ramdam ko ang kanyang titig mula sa likuran ko. I was about to answer him when someone called me. Binalingan ko ng tingin kung sino iyon at nakita ko ang tumatakbong si Ephraim na papunta sa amin. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Eros pero wala na siya doon.
Ibinalik ko ang tingin kay Ephraim. Hindi ko alam kung bakit naglilitawan ngayon ang nga taong kilala ko. Ano bang mayroon sa araw na 'to? Ngumiti ito sa akin.
"That Eros" Bubulong-bulong nitong sabi habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Mas napakunot noo naman ako ng mapansing tila may hinahanap siya.
"Anong sabi mo, Ephraim?"
Bumaling ito ng tingin sa akin at ngumiti saka umiling. Kaagad siyang lumapit sa amin at nag-squat upang tingnan si Zian.
"Ito na ba ang pamangkin ko?" Nakangiting sabi nito at hinawakan sa buhok si Zian na medyo napaatras pa. Natawa naman si Ephraim. Hinawakan ko naman sa balikat si Zian.
"He is Ephraim, nak. Your daddy's cousin"
Tumingin ito sa akin. "Really, Mama?" Tumango ako.
Tumingin ito kay Ephraim. "Hi po. I'm Zian"
Napangiti naman si Ephraim at saka ginulo ang buhok nito. Tumayo siya at tumingin sa akin.
"Paalis na ba kayo?"
"Oo. Kakain sana kami ng lunch pero nagyaya na kasi si Zian na umuwi"
Tumango naman siya. "Ihahatid ko na kayo. Gusto ko rin kasing makipagkuwentuhan sa 'yo"
Pumayag nalang ako. Bago pa kami umalis ay napalinga-linga pa ito sa buong mall. Ano bang hinahanap nito?
"Ephraim, may problema ba?"
Kaagad itong napatingin sa akin at umiling. Napansin ko pa na hindi talaga siya mapalagay kahit pa nakangiti siya sa 'kin.
"Sigurado ka?" Tumango ito.
"I'm just worried baka kasi dumugin ako ng mga fans ko dito "
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya although I sense that it was not the real reason posible rin namang dumugin siya dito. Ephraim Xy Del Fierro is the C.E.O. of EXcellence Publishing company and a model.
"Hindi ka parin nagbabago. Ang lakas parin ng hanging dala mo" Natatawang sabi ko. Napakamot nalang ito sa batok niya. Nag-umpisa na kaming maglakad.
Hawak-hawak ko si Zian sa kamay. Tahimik lang ito at inaaliw ang mata sa mga nakikita niya sa paligid.
"Ikaw maraming nagbago sa 'yo" Puna niya kaya saglit ko siyang tinignan.
"Ano namang nagbago sa 'kin?"
Pinagmasdan naman ako nito. "Mas gumanda ka at medyo mas lumiit ka ngayon" Pigil-tawang sagot nito kaya nahampas ko siya sa braso.
"Sira ka talaga. Anong lumiit? Ganun pa rin 'yung height ko" Reklamo ko pero tumawa lang siya at tumikhim.
"Pero seryoso, mas gumanda ka nga ngayon. No wonder kung mabaliw ulit sa 'yo si Zerron" Nakangising saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Sapak you want?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya.
"Biro lang naman" Kaagad nitong sabi. Medyo lumapit ito ng kaunti sa akin. "Pero seryoso, Zae. Wala na bang pag-asa na magkabalikan kayo ulit ni Zerron?" Seryoso ang boses nito.
"Nakikita mo naman siguro ang sitwasiyon namin diba?"
Tinaasan ko ito ng kilay ng bigyan niya ako ng nag-uusig na tingin. Mabuti talaga at hindi kami naiintindihan ni Zian.
"Kahit para lang kay Zian?"
Napayuko ako sa sinabi niya.
"Hindi naman kailangang bumalik kami sa dati ni Zerron para magkaroon ng buong pamilya si Zian, Ephraim"
"Then, what do you want to do? Taking good care of Zian separately?"
Tumango ako.
"Hindi ba't hassle iyon para kay Zian saka isa pa, maguguluhan si Zian at magtataka kung hindi kayo magsasama"
May punto ito sa sinabi niya.
"Pero kasi...."
"Pero kasi hindi mo masikmurang makasama si Zerron sa iisang bahay?" Tatawa-tawang sabi nito kaya nahampas ko itong muli sa Braso.
"Tss" Inirapan ko ito.
"Why don't you try giving Zerron a chance, Zae? Sigurado ako na napagsisihan na nito ang mga kasalanang ginawa niya sa 'yoㅡsa inyo ni Zian"
"Nagsisi man siya, hindi ganun kadaling mag-bigay ng chance. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mga salitang lumabas sa bibig niya nang araw na 'yon. Ang sakit no'n sa 'kin, Ephraim"