KABANATA 24

990 Words
Fuego's Point of View Kakagaling ko lang sa condo ko kung saan ko dinala 'yung babaeng 'yon. Kaibigan 'yon ni Zaera if I'm not mistaken. Iniwan ko siya doong tulog. Wala naman akong ginawang masama sa kanya, pinatulog ko lang naman doon dahil baka may mangyaring masama sa kanya kung iwan ko sa Bar. Uminat-inat ako at napahikab. Dalawang araw rin akong walang matinong tulog dahil sa pagbabantay at pagsunod sa kanya kung saan siya pumupunta. Naknang! Mukha akong stalker nang mga panahong 'yon. Sinasabon na rin ako ng mga gag* dahil sa pinaggagawa ko. Ano pa bang magagawa ko eh utos ni Boss. Tss. Mabuti na nga lang at napakuwento ko 'yon. Mabigat naman talaga ang problema niya. Apat na importanteng tao ang nakasalalay sa desisyon niya. T*ngna maski ako nahihirapan rin kung iisipin 'yon. Ipinarada ko ang Kawasaki Ninja H2 ko sa labas ng kompanya ni Bossing. Ayon at agaw-pansin na naman ako. Ganyan talaga kapag isang Fuego Servillion ang makikita nila. Pumasok ako sa loob ng kompanya bitbit ang helmet ko. Wala namang sumita sa 'kin. Lagi naman nila akong nakikita dito. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan si Bossing. Nang makarating ako ay pinagtitinginan na naman nila ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng guwapo? Tsk. Tsk. Wala nang katok-katok, deritso akong pumasok sa loob ng opisina ni Boss. Ayon nakita ko siyang prenteng nakaupo sa recliner niya at tutok na tutok sa pinapanood. "Boss, tutok na tutok tayo ah? Bol--Biro lang" Kaagad akong napatago sa malaking vase dahil hindi ko inaasahan na may baril na siyang hawak. T*ngn*! Saan 'yon galing? Itinaas ko ang dalawang kamay ko. Nakarinig ako ng hagikhikan at nakita ko ang mga tukmol sa isang tabi na nakaupo. Dahan-dahan akong umalis sa pinagtataguan ko at napakamot sa batok ko. "Umayos ka, Fuego. Wala sa hulog 'yang si Boss. Baka maputukan k---Woah. Ba't pati ako?" Tarantang saad ni Midnight at kaagad napatalon paalis sa sofa saka nagtago sa may backrest. Napangisi nalang ako. Dalawa na kasi kaming tinututukan ng baril ni Bossing. Okay lang mamatay basta mauna lang 'tong gagong 'to. Iyong tatlong tub*l naman ayon at walang pakialam na kumakalikot sa mga cellphone nila. Pero alam ko ang mga pinaggagawa nila. Nang ibaba ni Bossing ang dalawang baril ay kinuha ko ang tatlong throw pillow at pinagbabato sila. Mga hay*p. Tawa lang ng tawa. Pagkakakitaan na namam nila ang video ko sa black market mga bwis*t. Tumikhim si Boss kaya't kaagad natahimik ang mga tub*l at bumalik sa mga ginagawa nila na parang walang nangyari. Umupo nalang ako sa isang single sofa dahil ayokong tuluyang bumulagta dito sa sahig. Zerron can easily kill us in just a blink of an eye and you can't see that coming. Kaya kung gusto niyong madaling kamatayan na wala kayong maramdaman, just hire Zerron Gustave Del Fierro. Kidding aside. Huwag na pala, huwag niyong sayangin ang buhay niyo. Magparami muna kayo ng lahi. "How is Lovern, Fuego?" Malamig na tanong ni Bossing kaya't tumikhim muna ako. "She's fine, Boss. Nasa condo ko" Mabilis pa kay The flash na napatingin sa akin ang apat. May mga nakapaskil na nakakalokong ngisi sa labi ng mga abn*y. "Naks, stalker ka lang noon naka-first move ka na agad?" Midnight stated and wiggle his eyebrows. "Home run, kamo" Segunda naman ni Doom. Mga sira*lo talaga. "Paano na lang ang mga chix mo don sa Empire kapag nalaman nila 'to, Fuego? Siguradong isusumpa ka nila" Dagdag ni Damian at nagtawanan pa ang mga gag*. "Manahimik nga kayo mga ul*l! Tinulungan ko lang ang tao" Depensa ko at napabaling kay Bossing na hinihilot ang sintido niya. Bwis*t talaga. "Tatahimik kayo o patatahimikin ko kayo habang buhay?" Isang galit na utas ang narinig namin galing kay Zerron. Mabilis naming isinara ang mga bunganga namin. Nagseryoso na rin kami dahil seryoso na talaga ngayon si Bossing. Lumamig kasi bigla ang opisina dahil sa boses niya. Tss. Pahamak talaga ang mga kup*l na 'to. Nadadamay ako sa kalokohan nila. "Information, Fuego. I need it now" Tumikhim ako. "Lovern's parents are kidn*pped by Eros, Boss. Ginagamit niya si Lovern para makuha si Zaera at ang anak mo kapalit ng kaligtasan ng mga magulang niya" Napatingin kaming lahat sa kanya ng hampasin nito ang mesa. Nalaglag pa ang baso sa sahig na may lamang kape. Mas lalo namang natahimik kaming lahat at ni ultimo paghinga ay hindi na namin naririnig. "D*mn that Eros!" Mariing bigkas nito at ginulo ang buhok niya. "Sa tingin ko ay mas lalo siyang magngingitngit sa galit ngayon dahil sa pagkasira ng dalawng yacht niya at pagkaubos ng kalahati sa underlings niya, Boss" Midnight added. Napatingin ako kay Midnight. Sinugod nga pala sila ni Zerron doon kahapon ng hatinggabi. "He should be thankful at may itinara pa si Bossing sa mga tauhan niya" Tamad na saad ni Doom na seryoso rin ang mukha. Natahimik kaming lahat. Paniguradong nagwawala na talaga si Eros dahil sa nangyari. Kaya lang mas lumala ang sitwasyon ni Zaera at ng anak niya. "So, what are we gonna do now, Zerron?" Ephraim asked. Ngayon lang siya nagsalita. "Pag-isipan mong mabuti ang susunod mong hakbang dahil nakasalalay dito ang kaligtasan nilang lahat" Dagdag nito. Napabuntong hininga ako. Sh*t! Pati ako ay kinakabahan na sa susunod na mga mangyayari. Tumayo si Bossing at itinukod ang dalawang kamay sa mesa niya saka napatitig sa monitor ng kompyuter niya. "Doom and Damian, find the location of Lovern's parents and send it to me afterwards. Midnight, look after Zaera and Zian. Fuego, just stick with Lovern" Napakamot nalang ako sa ulo ko. Gusto kong magreklamo. Babantayan ko na naman 'yon? Tss. Tumango na lang ako kahit labag sa kalooban ko. "Anong gagawin natin sa mga magulang ni Lovern kapag nahanap natin ang lokasyon nila?" Tanong ni Damian. Napatingin kami kay Bossing at naghihintay lang sa sasabihin niya. Nagsalin ito ng alak sa baso saka tumingin sa amin. "We'll save them"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD