Zaera's Point of View
I was checking the email that Eastrella sent to me yesterday. It is about Everlasting and its new developed product. Actually, I know about this product pero nakaalis na kami ng simulan ito.
Kailangan kong i-check itong maigi, ayoko namang masayang ang perang pinuhunan ko at pati ng ibang investors ko sa produktong ito kung hindi ito papatok sa masa. Kailangan lang ng approval galing sa akin para mailabas na ito sa market.
Napatingin ako sa wall clock , pasado alas dose na pero heto at gising parin ako. Bukod kasi sa bagay na ito ay binabagabag rin ako ng pabor na hinihingi sa akin ni Zerron.
'When are we moving to Daddy's house, Mama?'
Bumalik sa ala-ala ko ang tanong ni Zian noong saktong pag-uwi ni Zerron. Wala akong naisagot sa kanya at tanging 'soon' na lang ang isinagot ko kahit wala naman talaga akong balak. Ang kaso nga lang ayokong paasahin ang anak ko at ayoko ring magtampo siya sa 'kin dahil nag-promise ako.
Binalingan ko ng tingin si Zian na mahimbing na natutulog. Siguro ay kakausapin ko muna sina Mama at Papa at pati na rin si Lovern bukas. And speaking of. Hindi pala nakauwi si Lovern kanina. Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon?
Lovern's Point of View
I bit my lower lip to prevent myself from crying but no matter how much I tried, I still couldn't help it. Kapag sumasagi sa isipan ko ang mga problema ko, hindi ko na mapigilan.
I was stuck in between. Naiipit ako sa dalawang bagay na napakaimportante sa akin. I'll choose between the freedom of my parents and Zaera and Zian. I really have to decide. If I'll choose my parents' freedom mapapahamak si Zaera at Zian pero kapag pinili ko naman si Zaera at Zian mawawala ang mga magulang ko.
I wanted to ask for help from the authorities but Eros blackmailed me. Papatayin niya ang mga magulang ko. Akala ko ang hinihingi lang nito sa akin ay lahat ng information about Everlasting na naka-save sa flashdrive ko which I gave to him personally last time pero nagkamali ako dahil ang mas puntirya nito ay ang kaibigan ko at ang anak niya.
Napadukdok ako sa bar counter at napaiyak. Hindi ko rin puwedeng hingiin ang tulong ni Kuya dahil ayokong madagdagan pa ang iisipin niya. Ayokong madamay siya sa bagay na ito. Wala rin siyang kaalam-alam na hawak ni Eros ang parents namin.
At first akala namin talaga nasa Singapore sila at inaasikaso ang business namin doon. Akala namin ay ayos lang sila dahil sa mga messages na natatanggap namin pero nagkamali kami ng akala dahil si Eros pala ang nagpapadala lahat no'n.
"Miss, are you okay?"
Napatunghay ako sa taong kumalabit sa akin. Hindi ko ito kilala at hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya. Medyo may tama na rin kasi ako ng alak. I wipe my tears away hoping that I could see his face clearly.
"Y-Yes?" Patanong kong sagot sa kanya. Umupo ito sa tabi ko.
I stared at him. Singkit na mata, matangos na ilong, kulay abong buhok na medyo natatabunan ang kanang mata niya, perpektong jawline na mas nade-define kapag ngumingiti siya at mapupulang labi na ni minsan ay hindi manlang nakalimutang lagyan ng lip gloss. Umiwas ako ng tingin. Edi siya na ang perfect.
"Pasensiya na ayoko namang mang-usisa pero mukhang mabigat ang problema mo. Ayos ka lang ba?" Tanong niyang muli sa akin. "I'm Fuego by the way. Here take this" Napatingin ako sa panyo na inilahad niya sa akin.
Kinuha ko ito mula sa kamay niya at pinunasan ang aking pisngi pati na rin ang ilong ko na may sipon. Napansin ko pa ang pagngiwi nito ng suminga ako. Eh sa hindi ako makahinga. I diverted my eyes somewhere else dahil sa hiya.
"S-Sorry. De bale, lalabhan ko 'to ng mabuti" Nahihiyang sabi ko sa kanya saka mabilis na inilagay sa bag ko ang panyo. Umiling lang ito saka ngumiti.
"No worries, ayos lang. Ano palang pangalan mo?"
"Lovern pero Love nalang for short"
Napakamot naman siya sa batok niya at natawa.
"Love? Hindi ba't medyo hindi iyon okay pakinggan? Parang endearment eh" May pilit na ngiting nakaukit sa labi niya. Well, tama nga naman siya. Kapag ka tinawag niya ako ng ganun para niya akong jowa.
Mahina akong natawa. "Then, call me anything that makes you comfortable"
Tumango naman siya. Uminom ako sa alak na hawak ko.
"So, would you mind if you share some of your problems with me?"
Humalumbaba naman ako sa counter. Share? Napaisip naman ako sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako.
"Kaunting problema lang naman 'to. Saka, hindi ako mahilig mag-share ng problema ko lalo na kapag hindi ko ka-close"
Kahit nga ka-close ko hindi ko pinagsasabihan nitong problema ko siya pa kaya na ngayon ko lang nakilala? Inubos ko ang alak na nasa baso saka ito ipinatong sa counter.
"Then, that would be better. To make it okay with you, I'll share mine too" Nakangiting sabi nito.
I use my right arm to support my head. Itinukod ko ito sa counter saka tumitig sa kanya. Nakangiti pa rin ito sa akin. I'm not really use to talk with other people but unfortunately dahil na rin sa alcohol siguro kaya't ayos lang sa 'kin na makipag-usap sa kanya.
"Bakit? Ano bang problema mo?"
"Before I share mine, share yours first"
"Ikaw muna" Tinulak-tulak ko pa ang braso niya.
"Nope, ikaw muna. Lady's first"
"Ayoko nga. For me there's equality for both genders. Kaya't mauna kana" I argued.
"Ako ang unang nagtanong, ikaw ang maunang sumagot" Natatawang saad niya.
Natawa nalang ako. Para kasi kaming sira na nagtuturuan kung sino ang mauuna. Napakamot ako sa pisngi ko at saka tumikhim. I heave a deep sigh and tell him about my problem. Papikit-pikit pa ako dahil na rin sa hilo gawa ng alak na nainom ko. Matapos ay tuluyan na akong napadukmo sa counter.
Nang wala itong imik ay napatingin ako sa kanya. Seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito. I poke him.
"Woi, ikaw naman ang magkuwento"
"R-Right" Saad nito at tumikhim saka umiwas ng tingin. "Well, I found out that my girlfriend had an affair with my........."
I yawned. Hindi ko na masyadong narinig ang kanyang kuwento dahil na rin sa sobrang antok hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.