KABANATA 22

1275 Words
Zaera's Point of View Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa loob ng kusina dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi niya. Ang tanga mo Zaera! Halos hindi ko na nga malunok ang pancake na kinakain ko ngayon. Sinampal ko pa ang sarili ko. Bwisit! Nakakahiya! Tatlong tao ang nakaharap ko kanina! Okay lang naman kay Lovern dahil babae rin siya pero si Hather at Zerron pa?! Parang gusto ko nalang kainin ako ng pancake now na! "Mama!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagatwag sa akin ni Zian. Nagulat ako ng sobra. Kinalma ko ang sarili ko saka napahugot pa ako ng malalim na hininga bago ko balingan ng tingin si Zian. "Yes, nak?" "Are you okay po?" Tumango naman ako ng sunod-sunod sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Daddy wants to tell you something po" Saad niya habang hila-hila ang kamay ko. Mabilis kong ginawang pantakip ang mahabang buhok ko sa parte kung saan ang dibdib ko. Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa sala kung saan si Zerron. Nakaupo ito sa sofa at hawak-hawak ang braso niya. Actually, kanina ko pa talaga napapansin na mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya. I'm just saying what I've noticed about him. Hindi naman ako nag-aalala. Tss. Nang tumingin ito sa direksiyon namin ay ako na ang unang umiwas ng tingin hanggng sa makaupo ako sa tabi niya. Pumagitna sa amin si Zian. Pinilit kong huwag magpaapekto sa sinabi niya sa akin kanina. Tumikhim ito. "Huwag ka ng mahiya, Zaera. Nakita ko na rin naman 'yan lahat noon. I even saw more than th---" "Oh, shut up!" Mariing bigkas ko at pinukol siya ng masamang tingin. Tumingin ito sa center table pero nakataas ang sulok ng labi niya. Natutuwa pa talaga siya? Nanginginig ang kamay ko dahil sa pagpipigil na hindi siya batuhin ng remote. "Are you two fighting, Mama?" Kaagad kong tiningnan si Zian. Mabilis akong umiling at ngumiti pero pasimple kong binigyan ng masamang tingin si Zerron na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin at pumapapak ng cookie. "No, nak. We're not fighting" Naniwala naman kaagad ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Kung pwede lang itapon ko 'tong si Zeron palabas ng bahay ginawa ko na. Nakakainis! Walang ibang dulot sa 'kin kundi init ng ulo. "Daddy, tell her the good news!" Nakuha naman ni Zian ang atensiyon ko. Kaagad akong napabaling kay Zerron. I gave him a questioning look. Anong good news? "Tapos nang gawin ang bahay. Puwede na kayong umuwi doon ni Zian" Hindi yata maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Napamaang ang labi ko. Akala ko ay hindi na niya ito ipagpipilitan pa? Umiling ako sa sinabi niya. Seryoso itong nakatigin sa akin. "But you promise to Zian, Eve. Zian told me that" Giit niya kaya't napipilan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Zian sa kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya. Malaki ang ngiti sa labi nito. Dinagundong ng kaba ang puso ko. Totoo kasing nangako ako kay Zian na kapag naayos na ang bahay 'kuno' na pinapagawa ni Zerron ay lilipat kami doon pero hindi wala talaga akong balak na gawin 'yon. Is he using my son against me? "You promise, Mama" Masuyong tanong sa akin ng anak ko. Matagal akong napatitig kay Zian. Pinilit kong ngumiti. "O-Of course, nak" Mas lumawak ang ngiti nito. Hinawakan ko naman ang pisngi niya. "But can I talk to Daddy first?" Tanong ko at tumango naman ito. Mabilis akong tumayo at hinila si Zerron patsyo. Narinig ko pa ang pagdaing nito ng hawakan ko ang braso niya pero wala na akong pakialam doon. Hinila ko siya papunta sa kusina. Nang makarating kami ay mabilis kong binitawan ang braso niya. Nakita ko ang nakasalubong nitong kilay. He even clenched his jaw as if he's enduring something. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Diba napag-usapan na natin ito, Zerron?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napalunok ito at binitawan ang braso niya. "Yes" "Pero bakit pinagpipilitan mo parin ang gusto mong mangyari? Hindi mo pa nga naayos ang sa inyo ni Heiress, diba? I told you before to fix everything with your woman bago mo ipagdukdukan iyong gusto mo!" Pigil ang inis kong sabi sa kanya. Saglit ko munang sinilip si Zian baka sumunod ito sa amin. Mabuti nalang at nandoon parin siya sa sala at nanonood ng doraemon. "Aayusin ko ang sa amin ni Heiress Zaera. Pero kailangan niyong tumira sa puder ko" Desisdisong saad niya. Inis kong ginulo ang buhok ko. "Ano ka ba naman, Zerron! Hindi ka ba nakakaintindi? Ano nalang ang iispin ng anak mo kapag nakita niya si Heiress? Mag-isip ka nga!" "He's not going to find out about her, Eve. Hindi niya makikita si Heiress" Sarkastiko akong natawa. "Oh, talaga? Baka nga sinusundan ka na noon araw-araw kung saan ka pumupunta. Posible pang nalaman niya na nakikipagkita ka kay Zian, diba?" "I know she's not" Pagtatanggol nito. Mas lalo tuloy akong nagalit. "Magsabi ka nalang kasi na mas matimbang pa siya kaysa sa anak mo ng matapos na itong pag-uusap natin. Sapat na siguro na nakita mo si Zian at nakilala ka niya bilang ama niya. Tutal, aalis rin naman kami dito" I lied. Wala pa akong planong bumalik sa Spain dahil kailangan ko pang kausapin si Mama at Papa pati na rin si Zian tungkol sa bagay na ito. Isa pa, dito nalang namin icecelebrate ang burthday niya. Tinalikuran ko ito. Babalikan ko nalang si Zian sa sala. A strong arm pulled my arm to stop me from my track. Kaagad ko siyang nilingon at nakita ko ang madilim nitong mukha. Nakatiim-bagang ito at kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. "Hindi kayo aalis. Dito lang kayo, Zaera. Hindi ako papayag na ilayo mo ulit si Zian sa akin" Mariing bigkas niya habang matiim akong tinitingnan. Iwinaksi ko ang kamay niya sa braso ko. "You can't stop me from doing that if you keep insisting your wants" Mariin ko ring saad at sinasalubong ang mga mata niya na nakatitig sa akin. Tinitibayan ko lang talaga ang loob ko kahit nanghihina ang tuhod ko ngayon dahil sa mga titig niya. Napapikit ito ng mariin saka napabuntong hininga. He pursed his lips tightly and blew some air. Napakuyom ang kamao niya. Ibinalik nito ang tingin sa akin. "But you promised to Zian" He demanded. Natigilan naman ako roon. Napipilan ako dahil sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa frustration. Nag-promise nga pala ako kay Zian. Halos mapamura ako dahil sa inis. Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Gagamitin mo talaga si Zian para lang makuha mo ang gusto mo, Zerron?" Puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. Naglakad ito palapit sa akin kaya't napaatras ako. Dinagundong ako ng kaba habang tuloy lang siya sa paglapit sa akin habang ako ay panay naman ang atras. He's staring at me intently. Nanlamig ako ng maramdaman ko ang malamig na dingding sa aking likuran. Ikinulong ako nito gamit ang mga braso niya. I swallowed hard when I feel his warm breath on my face. Itinaas ko ang aking dalawang kamay upang itulak ito pero hindi manlang siya natinag. "Oo, Zaera. I will use our son just to get what I want. Gagamitin ko siya kung kinakailangan upang mapapayag lang kita" Seryosong sabi niya sa akin. Hindi mapirmi ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang mga mata ko. Tila may gusto pa itong sabihin ngunit pinipigilan lang niya. Mahigit ilang segundo lang kaming nagtitigan hanggang sa hinampas ko ang braso nito at tinulak siya upang makaalis mula sa piwesto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD