KINAUMAGAHAN
Zaera's Point of View
Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Lovern sa sala ng bahay. Panay ang tunog ng cellphone nito at panay rin ang reply niya. Tila balisa ito na nakatingin roon. Hindi ako nito napansin na nakatayo na pala ako sa likuran niya. Tumunog ang cellphone niya hula ko ay tawag ito ngunit tinitigan niya lamang ito.
"Lovern?" Pagtawag pansin ko sa kanya. Napansin ko ang sobrang pagkagulat nito na halos mabitawan na niya ang cellphone niya. Kaagad niyang inilagay sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang cellphone bago ako harapin.
Napansin ko na medyo namumugto ang mata nito at hindi talaga siya okay.
"Ayos ka lang?" Masuyong tanong ko. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin pero halatang iniiwasan niya ang paningin ko. Hinawakan ko siya sa braso.
"Sigurado ka? Ilang araw na kitang hindi napapansin dito sa bahay. May problema ka ba?"
Marahan niyang inalis ang kamay ko sa kanyang braso. Umiling ito.
"Wala naman, Zae. Medyo stress lang talaga ako sa work ngayon. Pasensiya na kung hindi na kita nakakausap lately" She explained but there's really something in her. I know that she's lying. Mas pinili ko na lamang na huwag ng magtanong pa at ngumiti nalang.
"Okay. Basta nandito lang ako kung may problema ka, Love" Seryosong sabi ko at binitawan na ang braso niya. Tumango ito at ngumiti.
"S-Salamat, Zae"
"Ano ka ba. Ako nga ang dapat magpasalamat sa 'yo dahil ikaw ang tumulong sa akin noong panahon na kailangang-kailangan ko. Kaya nandito lang ako kapag kailangan mo rin ng tulong"
Napansin ko ang panunubig ng mata niya pero kaagad niyang iniwas sa akin ang paningin niya saka siya napabuntong hininga. Medyo nabigla pa ako ng yakapin ako nito. Tinapik ko naman ang likuran niya. Alam kong may mabigat siyang problema pero hindi niya lang sa akin sinasabi.
"Sige, Zae. Alis muna ako ha? May kailangan lang akong puntahan" Sabi niya pagkatapos niyang kumalas sa yakap.
"Sige. Ingat ka, Love" Nakangiting saad ko. Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin bago siya lumabas ng bahay.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Saktong pagtingin ko sa hagdan ay nakita ko si Hather na bihis na bihis rin. Napakunot noo ako.
"May lakad ka?" Tanong ko. Tumango siya at inayos ang cuffs ng business coat niya.
"Oo. May kikitain lang akong supplier"
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. "Sige, ingat ka"
Nang makaalis ito ay isinara ko ang main door saka napabuntong hininga. Habang hinihintay ko si Zian na magising ay naglinis muna ako ng bahay at nagluto na rin. Nang matapos ay narinig ko ang maliliit nitong yabag na pababa ng hagdan. Bitbit ang cookies at gatas ay lumabas ako ng kusina. Nakita ko itong kusot-kusot ang kanyang mata habang pababa ng hagdan na medyo magulo pa ang buhok.
Habang lumalaki si Zian mas nagiging kahawig niya si Zerron. Ibinaba ko sa center table ang gatas at Cookies saka nilapitan siya at binuhat. Sumagi naman sa isipan kong malapit na ang birthday niya. This May 18 na 'yon. Hindi ko alam kung saan kami magce-celebrate dahil hindi ako makapagpasya kung babalik ba kami sa Spain o dito nalang muna.
"How's your sleep, nak?"
"Good, Mama. Are we going to see Daddy today?"
Ibinaba ko siya sa sofa saka ginaulo ang kanyang buhok. Everytime he woke up, lagi niya nalang hinahanap si Zerron.
"I don't know, nak. I think Daddy is busy today" Sagot ko nalang saka iniusog ang cookies palapit sa kanya. Kumuha ito ng isa at kumagat.
"But I wanted to see Daddy, Mama. Can we see him?" Napanguso pa ito at pinagdaop ang kanyang palad pagkatapos ay nag-puppy dog eyes pa ito.
Napakamot nalang ako sa kilay ko. Wala na talaga akong takas sa taong 'yon. Wala bang araw na hindi ko naman siya makita? Wala akong choice kung hindi ay i-dial ang number njya. Makailang dial na ako pero walang sumasagot. Tsk. Ano namang pinagkakaabalahan non? Inis kong tiningnan ang screen ng phone ko. Huwag niyang sabihin sa 'kin na una pa niyang inatupag 'yung Heiress niya? Bwis*t na 'yon.
"Is he not picking up, Mama?" Malungkot na tanong sa akin ni Zian. Ibinaba ko ang cellphone ko.
"Sorry, nak. I think busy talaga si Daddy"
Tumango nalang siya at napayuko saka hindi na umimik pa. Malungkot ko nalang siyang pinagmasdan. Nasaaaktan ako para sa kanya. Masyado siyang naiipit sa sitwasiyong ito. Nasasaktan ako dahil mas apektado si Zian sa aming dalawa ni Zerron. Binuksan ko nalang ang TV at nanood ng balita.
"BREAKING NEWS: DALAWANG YATE NA PAGMAMAY-ARI NI EROS SATURNINO SANDOVAL ANG SUMABOG KAGABI SAKTONG ALAS DOSE NG HATINGGABI. NAGKAKAHALAGA ANG MGA ITO NG MAHIGIT SA SAMPUNG MILYONG PISO. TINITINGNAN PA NG MGA OTORIDAD KUNG ITO BA AY SINADYANG MANGYARI. SA NGAYON AY MAKAKAPANAYAM NATIN SI MR. SANDOVAL"
Napatutok ako sa screen ng telebisyon dahil sa balita. Napalunok ako ng makilala kung sino ito. He is Eros. My ex-boyfriend. Nang ipakita ang mukha nito sa screen ay mas napatitig ako roon. Ganun pa rin, wala parin namang pinagbago. Nabubwis*t pa rin ako sa pagmumukha niya.
Eros is my ex-boyfriend before Zerron came to my life. Mabait naman si Eros noong naging kami. Marespeto at talagang responsable kaya lang nagbago ang pag-uugali niya simula noong dumating na kami ng mahigit dalwang taon na magkarelasyon. Mas lumabas ang tunay niyang ugali. Masyadong seloso at lagi akong pinipilit na makipagtalik sa kanya na mabuti naman at hindi nangyari, idagdag pang minsan niya akong sinaktan dahil sa sobrang selos niya.
So, I decided to break up with him. Mahal ko siya noon pero hindi naman ako ganun katanga sa pag-ibig. Bakit? Hihintayin ko pa ba na may mas matindi pa siyang gawin sa akin bago ako makipaghiwalay sa kanya?
Pinatay ko na lamang ang telebisyon dahil naasiwa ako sa pagmumukha niya. Akala mo isang santo pero sa loob rin ang kulo. Narinig ko namang may nag-doorbell kaya't iniwan ko muna si Zian at tinungo ang main door. Lumabas ako ng bahay at nakita kong may tao sa labas ng gate.
Nang tuluyan akong makalapit ay nabigla pa ako ng makita ang isang taong hindi ko inaasahang bubungad sa akin ngayon.
"Zerron?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Pinasadahan ko ito ng tingin at nakita kong wala sa ayos ang necktie nito, gulong-gulo rin ang buhok niya at nakikita ko ang eyebags nito sa likod ng suot niyang eyeglasses.
Okay, walang halong biro. Ang guwapo niya pa rin sa itsura niyang ito kahit pa mukhang pinagsamantalahan siya ng limang bakla diyan sa kanto. Ngunit hindi lang iyon ang ikinakataka ko.
"Paano mo nalaman ang bahay na 'to, Zerron?"
"I have my ways, Eve" Matamlay nitong sagot. "I'm sorry if I didn't answer your call earlier. May meeting pa akong tinapos" Seryosong paliwanag nito.
"Meeting? Maniwala baka Heiress kamo" Bulong ko. Kaagad na kumunot ang noo nito.
"What?! Are you saying anything?" Masungit niyang tanong. Mukhang wala sa hulog ang kumag na 'to ngayon. Plastic akong ngumiti sa kanya kahit gustong-gusto ko na siyang ipagtabuyan. Mahirap na baka marimig ni Zian.
"Wala. Ang sabi ko anong ginagawa mo dito at kiaga-aga ay nambubulabog ka na agad?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
"I just want to check you both. Okay lang ba kayo?" Seryosong tanong nito kaya ako naman ang nagtaka.
Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Hindi ko mawari kung bakit niya iyon natanong sa akin. Umiwas ito ng tingin saka napabuntong hininga siya.
"Okay naman kami. Bakit mo naman natanong?"
"N-Nothing. Can I see Zian?" Pakiusap nito. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang at pinagbuksan siya ng gate.
Nang makapasok ito sa loob ay isinara ko ang gate at pinagmasdan siya na naglalakad patungo sa main door ng bahay. Mas nagtaka ako ng makitang medyo nahihirapan itong maglakad. Weird.
Zaera's Point of View
Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. Nang makapasok sa loob ay nakita kong kaagad siyang sinalubong ng yakap ni Zian. Maingat kong isinara ang pintuan saka lumapit sa kanila. My forehead creased when I saw Zerron flinched when Zian held his right arm.
Nakakapagtaka ang kalagayan nito. Sa meeting ba talaga ito galing? Iwinaksi ko na lamang sa isipan ko ang kung ano mang iniisip ko. Tss. Why do I care anyway? Hinayaan ko na lang silang mag-bonding at dumiretso nalang sa kusina para magluto ng agahan. I baked cookies earlier at para lang naman iyon kay Zian.
I'll be making pancakes for this morning. Gumawa na rin ako ng kape para sa sarili ko. Natigilan naman ako saka sumilip sa mag-ama sa salas. Titimplahan ko ba siya ng kape o hindi? Huwag na nga lang. Bakit pa ako mag-aabala? Tsk. I was about to put back the mug in the coffee mug rack when suddenly I stop because I hear footsteps heading towards here. I'm sure that it was Zerron.
Kaagad akong dumiretso sa fridge upang kumuha nalang ng.....Ano nga bang kukunin ko dito? Saka bakit ba ako natataranta?! Kumuha nalang ako ng tubig saka baso at uminom. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatayo ito sa may arc ng kusina habang ang kanyang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng slacks niya.
Ibinaba ko ang baso sa mesa saka tumingin sa kanya. Nilunok ko ang tubig at tinaasan siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Zian ask me to get him some water"
Napatango naman ako saka kumuha ng isa pang baso sa rack. Habang kumukuha ako ay ramdam ko ang titig nito sa likuran ko. Tumayo tuloy ang balahibo ko sa aking batok at likod. Pasimple akong napabuga ng hangin at nilagyan ng tubig ang baso saka naglakad papunta sa kanya at inabot ito.
Nasa sahig lang ang mga mata ko habang inaabot ko ito sa kanya. Halos abutin ako ng sampung segundo pero hindi niya parin ito tinatanggap. Nangunot naman ang noo ko. Tumigin ako sa kanya na halos magtingala na ako dahil ang taas niya masyado. He's 6'2 while I'm just 5. Mukha akong kabute kapag kaharap ko siya.
"Iyan talaga ang ipapainom mo sa anak natin?"
Um-echo naman ang sinabi nito sa pandinig ko. 'Anak natin' Kinilabutan tuloy ako. Tss. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy nito kaya't tiningnan ko ang baso.
"Bakit? Tubig naman 'to ah?"
Unti-unti namang lumaki ang singkit niyang mata at itinaas ang kamay niya saka tinuro ang baso.
"Pinapainom mo ng tubig galing sa nawasa ang anak natin, Zaera?" Hindi makapaniwalang tanong nito kaya't nanlaki rin ang mga mata ko.
Halos tampalin ko ang noo ko ng marelize na doon pala ako kumuha ng tubig sa may gripo. Tengene. Napapamura ako ng wala sa oras. Bakit kasi lumilipad 'tong utak ko kung saan-saan? Mabilis akong tumakbo sa sink at ibinuhos roon ang tubig saka taranta akong lumapit sa fridge at kinuha ang tubig na para kay Zian.
I bit my lower lip because of shame. Nakayuko kong inabot ulit ang baso sa kanya. Siguro ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa hiya. Gusto ko tuloy tumakbo papunta sa kuwarto at sumigaw sa unan. Nahihiya talaga ako.
Kinuha niya ito sa kamay ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Tumalikod na ako upang kainin 'yung pancake na niluto ko. Sana umalis na siya dahil nate-tense ako ngayon. I heard him cleared his throat.
"Zaera"
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses nito. Nilingon ko ito at binigyan ko aiya ng nagtatanong na tingin.
"You forgot to wear something"
Pinagmasdan ko ang suot kong damit. Isang malaking damit at maikling short. Bumaba ang tingin ko sa mga paa ko na nakayapak. Binalingan ko siya ng tingin at kinunutan ng noo. I even raise my eyebrow.
"Ano namang pakialam mo kung wala akong saplot sa paa?"
"Tsk. I'm not talking about that thing" Iwas-tinging sagot niya sa akin. Pansin ko rin ang pamumula ng kanyang tainga. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple niya hudyat na napalunok ito. "Have you seen yourself in the mirror?" Tanong nito at pansin ko ang mabigat niyang paghinga.
Mas lalong kumunot ang aking noo. Ano bang problema ng taong 'to? Ang totoo niyan hindi talaga ako tumingin sa salamin kanina basta nagpalit lang ako ng damit.
"Ano ba kasing problema?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"You're not wearing any bra, Zaera"
Then he turn his back and left me d*mbfounded.
The fuㅡ?!