KABANATA 8

1299 Words
Third Person's Point of View "Happy Monthsary, Hon" Nakangiting bati ni Heiress kay Zerron ng dumating ito. "Happy Monthsary, I'm sorry na late ako" Nasa isang mamahaling restaurant sila ngayon. They are celebrating their monthsary. "It's fine. Ang importante nandito ka na ngayon. So, saan ka pumunta kanina?" Tanong nito kay Zerron at uminom ng wine. Natigilan naman si Zerron pero kaagad rin namang napatingin kay Heiress. "A client" Tipid nitong sagot. Napatango naman si Heiress. "By the way, when are you planning to settle our relationship for good? We've been together for almost ten years from now. Why don't we..." "We can't not until Lolo accept you as one of our family. I can't decide" Pigil nito kaagad sa balak sabihin ni Heiress. Pilit na lamang siyang ngumiti sa sinabi nito. Nasaktan ito pero pinili niyang ngumiti na lang. Tahimik na ulit silang dalawa na kumain hanggang sa mag-ring ang cellphone ni Zerron. "Excuse me, I'll take this call first" Paalam nito kay Heiress. "Go on, take your time" Lumabas naman si Zerron ng restaurant at sinagot ang tawag. Naiwan naman si Heiress. Padabog nitong ibinaba ang kubyertos at napairap. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bag niya ng tumunog ito. Tiningnan niya ang caller. Nang makilala kung sino ito ay mabilis niya itong sinagot. "What?" [We have a problem] Kumunot ang kanyang noo. "Problem?" [Zaera and Zerron already saw each other, Heiress] "What the h*ll?!" Kulang nalang ay mapatayo ito dahil sa gulat. "Kailan?!" Inis nitong tanong. [Earlier at the hospital. Bantayan mong maigi si Zerron, Heiress kung ayaw mong masira ang plano natin] "Oh come on! Bantayan mo rin si Zaera! Hindi iyong ako lang pagsasabihan mo!" Iritadong bigkas nito at panaka-nakang tinitingnan si Zerron sa labas na may katawag pa rin. [Tsk. How about your marriage? Wala pa rin ba? Bilisan mo namang kumilos, tumatakbo ang oras] She roll her eyes heavenly. "You know naman Don Fugere, right? Hindi ko pa nakukuha ang loob ng matandang 'yon" [Then, do everything to get his trust] "Tss. Ako na ang bahala do'n pero gawin mo rin ang trabaho mo kung ayaw mong mawala sa 'yo si Zaera" Walang gana nitong saad at pinatay ang tawag ng makitang pabalik na si Zerron. Bwis*t! Wika nito sa kanyang isipan at kaagad inalis ang pagkairita sa mukha niya dahil baka mapansin ito ni Zerron. Galit ito dahil nagsinungaling sa kanya si Zerron at galit rin ito sa kadahilanang nagkita ang dalawa. Zaera's Point of View "Welcome back, Kuya!" Lovern hug Hather after she saw him. Buhat-buhat ko si Zian habang nakatingin kami sa kanila. Katulad nga ng sinabi ni Zian sa 'kin last time, susunod sa 'min si Hather. "Dada!" Lumapit ako kina Hather at Lovern. "Hey, little kid" Bati ni Hather ng nakangiti at kaagad binuhat si Zian. Bumaling ito ng tingin sa 'kin. "Kamusta ka na, Eve?" And Hather used to call me that way. Si....Zero at siya lang naman ang tumatawag sa 'kin sa nickname na 'yan. Hindi ko naman siya puwedeng pagsabihan na huwag niya akong tawagin sa pangalang 'yan kaya't hinayaan ko nalang. "Ayos lang. Hindi mo manlang sinabi sa 'kin na susunod ka pala dito? Kung hindi pa sa 'kin sinabi ni Zian, hindi ko malalaman" Ginulo nito ang buhok ko. "It should be a surprise pero masyadong madaldal itong baby ko" Nanggigil nitong sabi at pinisil ang ilong ni Zian. Zian just chuckled kahit hindi nito naintindihan ang sinabi ni Hather. "How about Everlasting? Sino ang nagma-manage no'n?" "Si East ang iniwan ko para i-manage ang kompanya" "Nakalabas na siya ng hospital?" Tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Eastrella is Hather and Lovern's cousin. Na-injured kasi siya noong mag-figure skating siya kaya halos dalawang linggo rin siyang nagpahinga. Siya ang isa sa mga naging kaibigan ko sa Spain at katuwang ko noon sa kompanya. She's a good friend at talagang maasahan ko sa lahat ng oras. Medyo may pagka-maarte at maldita lang minsan pero nasanay na rin naman ako. "Mabuti naman at ayos na siya. Na-miss ko ang kaartehan at kasungitan no'n" Natatawang sabi ko. Natawa nalang rin silang dalawa. Pumasok naman kami sa loob ng bahay. Ibinaba muna ni Hather si Zian at kaagad itong tumungo sa mga laruang pasalubong niya. "Nabisita mo na ba ang Mama mo?" Nagkatinginan naman kami ni Lovern. Alam niya kung ano ang tunay na nangyari noong binisita ko si Mama sa hospital. Tumango naman ako bilang sagot. "How is she?" "Ayos na siya at nakalabas na siya kahapon sa hospital. Ang totoo nga niyan, bibisita sila dito sa bahay mamaya" "Naks, Kuya. Makikita ka ng parents ni Zae!" Kantiyaw ni Lovern kay Hather at tinapik pa niya ang balikat nito. "Eh ano naman kung makita ni Hather ang parents ko, Love?" "Malamang syempre, punt---hmmp" "Tsk. Tumahimik ka nga. Ang daldal mo" Asar na wika ni Hather sa kapatid niya at tinakpan pa nito ang bunganga niya. Napakunot noo nalang ako. "Just don't mind her, Eve. Masyado lang bungangera 'tong kapatid ko" "Che! Pasalamat ka...." Saad ni Lovern pagkatapos alisin ni Hather ang kamay sa bunganga nito. "Pasalamat ako na ano, Lovern?" Mapanghamong tanong sa kanya ni Hather. "Wala! Tss. Ang torpe-torpe kasi" Bubulong-bulong na sabi nito na hindi ko masyadong narinig. "Huwag ka ngang bumulong diyan na parang bubuyog" Asar na turan ni Hather at binatukan ang kapatid. "Aray! Zae oh si Kuya!" Sumbong sa 'kin ni Lovern habang hawak ang parte ng ulo niya na nabatukan. Mga sira talaga. Kung ano-anong bagay ang pinag-aawayan. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinagtatalunan nila. "Magsitigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata" Kaagad kong pigil sa kanila. "Magluluto lang ako ng tanghalian natin. Kayo na muna ang bahala kay Zian" Paalam ko. Sabay naman silang tumango. Dumiretso na ako sa kusina upang magluto. Nag-ring naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko. Unknown number ang nakalagay sa screen. Hindi ko sana sasagutin kaya lang baka importante. "Hello?" [...] Tiningnan ko ang screen at on going pa naman ang tawag. Ibinalik ko ito ulit sa tainga ko. "Hello? Sino po sila?" Hindi na naman ito sumagot kaya pinatay ko na ang tawag. Ano 'yon prank call? Ibabalik ko na dapat ang cellphone sa bulsa ko ng mag-ring na naman ulit ito. Tiningnan ko ang caller at pambihira, unknown number na naman. Napahugot ako ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag. "Kung sino ka man, hindi na ako natutuwa sa pagtawag mo. Kung hindi 'yan importante huwag mo akong abalahin dahil may mas importa---" [Zaera..] Natuod ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses nito. Hindi ako puwedeng magkamali, si Zerron 'tong kausap ko. Napalunok ako. Kinuyom ko ang mga palad ko. "Saan mo nakuha ang number ko?" Mariing tanong ko sa kanya. [Hindi na 'yon mahalaga. I wanted to talk to you] "At anong pag-uusapan natin? Tapos na tayo at may kaniya-kaniya na tayong buhay. Lubayan mo na kami, pwede ba?" [I wanted to talk about our son, Zaera] Nainis naman ako sa sinabi nito. "Pwede ba Zerron?! Tigilan mo na ako! Tigilan mo na kami ng anak ko dahil hindi mo siya makukuha sa 'kin kahit ano pa ang gawin mo, kahit pa magdemandahan tayo!" Iritableng sagot ko. [I didn't call because of that, Zaera. Gusto ko lang kamustahin ang anak ko. Gusto ko siyang makita] "Hindi mo siya makikita" Desididong bigkas ko. [Zae--] I ended the call and turn off my phone. Kaasar! Paano niya nakuha ang number ko? Napahugot ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko. Gusto niya lang makita ang anak ko? Sinong niloko niya? I'm sure kapag nagkita sila, kukunin niya sa 'kin si Zian at hindi ako tanga para hayaan 'yon. Kinakailangan na talaga naming makaalis dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD