Zaera's Point of View
"Mamá, ¿podemos salir?"
Translation: Mama, can we go outside?
Ibinaba ko naman ang hawak kong baso sa mesa saka siya binalingan ng tingin. Nakahawak ito sa laylayan ng damit ko habang nakatingala sa 'kin.
"But we just went outside earlier, nak? Why? Do you want to play again?" Tanong ko saka ako nag-squat at pinunasan ang pisngi niya na pinagpapawisan.
Naglaro kasi sila nina Hather at Lovern kanina sa labas kaya ayan, pinagpapawisan. Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko at pinunasana ng noo pati narin likod niya.
"No, Mama. I want to go to mall. I want to pasyal po. ¿Por favor mamá?"
Translation: Please, Mama?
Natigilan ako sa sinabi nito. For the past five days that we're here in the Philippines, this is the first time that he requested something like this. Hindi ko naman siya masisisi kung mabagot siya dito sa loob ng bahay. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"But aren't you tired? You just played with Dada and Tita earlier" Mahinahon kong tanong sa kanya. Umiling naman ito.
"Please, Mama?" Nakangusong pakiusap niya sa akin showing his puppy dog eyes. "Can we?"
Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin naman siya matiis at isa pa ayoko rin namang magtampo siya sa 'kin. Nakangiti akong tumango sa kanya. Sumilay naman ang tuwa sa mukha niya.
"Yeeeeyyy! Come on, Mama!" Excited niyang hinila ang kamay ko.
"Okay. Careful" Paalala ko sa kanya ng bumitaw ito at tumakbo paakyat ng hagdan.
Sumunod naman ako sa kanya paakyat. Isang beses lang naman ito kaya't pagbibigyan ko na. Nang matapos kaming magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto buhat-buhat siya.
Nakasalubong ko naman si Lovern at Hather. May pagtataka na nakaguhit sa mukha nilang dalawa.
"Bihis na bihis kayo ah? Saan punta?" Tanong ni Lovern.
"Mamamasyal daw itong si Zian kaya pinagbigyan ko na" Nakangiting sabi ko.
"Akala ko ba, hindi mo siya ilalabas?" Tanong naman ni Hather na seryoso na ang ekspresiyon ng mukha. Napabuntong hininga naman ako.
"Isang beses lang naman saka mabilis lang kami. Ayoko namang magtampo siya sa 'kin"
"Ano pa nga ba. Pero sinasabi ko sa 'yo, Zae. Mag-ingat kayo"
Alam ko na kung ano ang tinutukoy nito. Tumango naman ako.
"Samahan ko nalang kaya kayo?" Suggestion naman ni Hather pero umiling ako.
"Okay lang. Kaya ko na" I assured him. Tumango lang ito saka ginulo ang buhok ni Zian.
"Mag-ingat kayo. Just call me if anything happens" Paala nito kaya tumango ako.
"Sige, Alis na kami" Paalam ko. Kumaway naman si Zian sa kanilang dalawa.
"Bye, Tita. Bye Dada"
"Bye, little kid/Bye, Zi!" Sabay nilang sabi at nakangiting kumaway.
Lumabas na ako ng bahay bitbit si Zian pati na rin ang susi ng sasakyan ni Lovern. I put him on the rear seat of the car for his safety. Sumakay na rin ako sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
Mahigit kinse minutos ang naubos namin bago kami nakarating sa mall. Natawa ako ng makita ko ang excitement sa mukha nito at talagang hindi na makapaghintay na lumabas ng sasakyan.
"We're here, nak. So, where do you want to go first?" Tanong ko habang hawak ang kamay nito.
"Toys!"
Tumango naman ako at binaybay namin ang entrance ng mall. Una naming tinungo ang Toys section. Napangiti nalang ako ng una siyang tumakbo papunta sa malaking stuff toy na doraemon at niyakap ito. He really loves doraemon.
Siguro kung ang namana niya kay Zerron ay ang physical features, sa akin niya naman namana ang ugali na mayroon siya. Nilapitan ko ito.
"Do you want that? A huge doraemon?"
Sunod-sunod itong tumango. "But this one is much bigger than you, you can't carry him around like you usually do"
Ngumuso ito. "But I can carry this when I get bigger, Mama" He reason out. Sabi ko nga. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ang galing talagang sumagot.
"Okay, we'll buy this later before we go home"
Kumislap naman ang mga mata nito bago ako yakapin. Kaso nga lang ang hita ko lang ang nayakap nito. Ginulo ko nalang ang buhok niya.
"Thank you, Mama. I love you"
"Always welcome, nak. I love you too"
Tumagal pa kami roon sa Toy Section hanggang sa tumungo kami sa Play Area ng mall. He played with some kids there too habang ako ay binabantayan lang siya. Kinukuhanan ko lang siya ng pictures at videos. Habang nakikita ko ang tawa at ngiti nito ay napapangiti nalang ako dahil sa saya.
Wala na talaga akong mahihiling pa. Despite of everything that I had experienced before, nagagawa ko paring maging masaya. And that is because of Zian. I don't need someone to make me happy, to make me complete. Si Zian lang sapat na.
Nang matapos siyang magsaya sa play area ay napag-desisyunan naming kumain. And after that, binalikan namin ang stuff toy na gusto niya. Binitawan ko muna saglit si Zian upang kunin ang credit card ko para bayaran ang human sized stuff toy.
Mukhang mas malaki pa nga ito kumpara sa akin. Nagpasalamat ako after kong makuha ang stuff toy at binalingan si Zian ng tingin.
"Nak, let's g---" Natigilan ako ng hindi ko na ito makita sa tabi ko. Tinahip ng kaba ang dibdib ko. "Zian?! Where are you?!" Tarantang tawag ko saka napalinga-linga sa buong paligid pero hindi ko siya makita.
Kaagad akong lumapit sa isang sales lady upang magtanong pero ang tanging sagot nito ay hindi niya napansin ang anak ko. Nilukob ako ng takot. Mabilis akong lumapit sa isang guard para magpatulong. Ipinakita ko sa kanya ang litrato ni Zian. Humingi na rin ito ng tulong sa iba upang hanapin ang anak ko.
Where are you Zian? Patakbo kong sinuyod ang bawat aisle para hanapin siya. Saan ka ba nagpunta?Hindi ko na talaga mapigilan pa ang mapaiyak sa sobrang pangamba, takot at pag-aalala. Kaagad kong denial ang number ni Hather.
"H-Hather, please help me. S-Si, Zian n-nawawala"