Zaera's Point of View
Matagal akong nakatunganga lang sa kanya dahil sa sinabi niya. Naningkit pa ang mga mata ko upang basahin ang mukha niya kung nagbibiro ba siya o hindi. I hissed knowing that he's not kidding.
"Kung gusto mong makabawi kay Zian, hindi mo na kailangang hingin ang pabor ko upang tumira sa bahay mo. Ayoko ng bumalik sa bahay na iyon, Zerron. Pupwede ka namang makabawi sa anak mo kahit hindi kami nakatira sa puder mo"
Sinong niloko niya? Tss. Titira kami sa Mansion ulit pagkatapos makikita namin ang babae niya? Ano nalang ang iisipin ng anak ko? Hindi ako t*nga upang payagan ang gusto niyang mangyari. Tumayo ako at pinagpag ang short ko. Naramdaman ko ring tumayo ito.
"Zaera, please" Hinawakan nito ang kamay ko pero mabilis ko itong inalis. Pasimple kong tiningnan si Zian kung nakita ba niya ang ginawa ko at nagpapasalamat ako na hindi naman.
"Nasisiraan ka ba ng ulo o sadyang b*bo ka lang talaga, Zerron?" Sarkastikong tanong ko sa kanya at binigyan ko siya ng masamang tingin. Napalunok ito babang nakatitig sa 'kin. "Papatirahin mo kami ulit doon sa Mansion na 'yon pagkatapos ng madilim na nakaraan ko sa bahay na 'yon? Tapos ano? Magkikita kami ng babae mo?! Or worst, Zian will see her! Sa tingin mo ano ang mangyayari, ha?! Nag-iisip ka ba?!"
Halos sumabog ako sa galit. Mahigpit kong kinuyom ang kamay ko saka napabuga ng hangin. I saw how he flinched. Napatiim-bagang ito at pinasadahan niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok. He's frustrated.
"I'm not talking about the Mansion, Zaera. I'm referring about our houseㅡour own house to be specific"
"Whatever you say, *ssh*le. Bago ka muna magpakatatay kay Zian ayusin mo muna ang sa inyo ni Heiress. Ayokong maging dahilan siya upang magalit siya sa 'yo at kamuhian ka niya bilang ama niya, Zerron" Seryosong saad ko. Nakita ko ang paglambot ng ekspresiyon ng mukha niya. "Magpasalamat ka at may awa pang natitira sa puso ko at magpasalamat ka rin at hindi ko sinabi sa anak mo ang tunay na dahilan kung bakit wala siyang nakitang ama pagkamulat niya sa mundong ito" Puno ng hinanakit kong bigkas habang nakatitig sa mga mata niya.
Nakita kong dumaan ang sakit roon sa mga mata niya. Itinikom nito ang bibig at napayuko kasunod noon ang pagpatak ng luha niya. Umiwas ako ng tingin. Ito ang ikalawang beses na nakita kong umiyak siya. Sumibol ang kirot sa puso ko at naramdaman ko rin ang pagsikip ng dibdib ko. Tumulo na rin ang luha ko. Mababaw lang talaga ang luha ko at isa pa madali akong ma-carried away.
Pinunasan ko kaagad ang pisngi ko. Magdusa ka, Zerron. Hangga't hindi mo inaalis sa buhay mo si Heiress walang Zian na uuwi sa puder mo.
"Patawad, Zaera" May kahinaang sabi nito sapat na upang marinig ko. Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong umiwas na balikan ang lahat ng nangyari ilang taon na ang lumipas dahil bumabalik ang sakit sa puso ko pero may mga bagay parin na nais kong isumbat sa kanya.
"Kahit humingi ka ng tawad ng ilang beses, hindi na mababago ang lahat. Nangyari na iyon at hindi na mapapalitan ng simpleng 'patawad' na nanggaling sa 'yo ang sakit na dinulot mo sa buong pagkatao ko" Mapait kong turan at tiningnan siya deritso sa mga mata niya na ngayon ay namumula na.
"Z-Zerron, may ginawa ba akong mali noon para saktan mo ako? I gave you everything, Zerron. Lahat ng tiwala at pagmamahal ko binigay ko sa iyo. I even gave you my virginty just to prove that I really love you but it ended up useless. Si Heiress pa rin pala ang nandiyan sa puso mo"
Tahimik lang siya habang isinusumbat ko iyon sa kanya. Sapat lang naman na marinig niya iyon kahit mahina lang ang pagkakasabi ko. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumbatan siya sa lahat ng ginawa niya sa 'kin at sa lahat ng pagkakamali niya.
"Z-Zerron, ano bang kasalanan ang ginawa ko sa 'yo at ganun na lang ang naging pasya mo para sa amin ng anak ko? You even told Ephraim that you're so sure that I'll accept money for an exchange of my child?" Garalgal na ang boses ko ng sabihin iyon. "Sa tingin mo t*nga ako para gawin iyon para sa sarili kong anak? Oo, siguro may ilan na ganoon ang mindset pero hindi ako katulad nila dahil kahit pa walang-wala ako. Kahit pa wala akong makain, I will never accept a penny just for an exchange of my child" Madiing bigkas ko at pinunasan ang pisngi ko.
Nanatili siyang nakayuko habang ang mga luha niya ay nagsisipatakan sa lupa.
"Kung hindi ko 'yon nalaman agad at nangyari nga ang binabalak mo siguro ay nakapatay na ako ng tao, Zerron. Ako ang nagpakahirap sa kanya tapos kukunin mo lang ng ganun-ganun lang?"
"Z-Zaera, I'm so sorry" Garalgal na rin ang boses nito. Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. His sorry won't change anything.
"You're selfish. Y-You're so heartless. You're a demon, Zero. Kinamumuhian kita alam mo ba iyon?" Mariing saad ko at tinuro ko siya. Umangat ito ng tingin sa akin at nagsalubong ang tingin naming dalawa.
His emotions are visible right now. Pain and regrets. Ganun naman talaga diba? Laging sa huli ang pagsisisi. Sabihin niyo ng masiyadong matigas itong puso ko dahil hanggang ngayon ayoko pa rin siyang patawarin sa lahat ng ginawa niya. Well, he deserved it. Gusto kong matuto siya sa lahat ng pagkakamali niyang iyon. He always gets what he wanted but I won't let it happen this time. Gusto kong matutunan niyang ang lahat ng bagay na gusto niyang mangyari ay hindi niya makukuha ng ganun-ganun lang kadali.
Naghirap ako noon, maghirap at magdusa siya ngayon. Matuto siya at baka sakaling patawarin ko pa siya pero huwag siyang aasa na mababalik ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya noon. I was once have a broken heart with my previous ex-boyfriend and it takes a decade just to restore it. Akala ko hindi na mangyayari ulit iyon sa akin pero nagkamali ako dahil mas masakit pa pala ang naranasan ko kay Zerron.
I don't know if I will be able to restore it again. He tried to reach for my hand but I avoided it. Walang salita ang lumabas sa bibig niya at nanatili itong nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin saka napahugot ng malalim na hininga. Tumingin na lang ako kay Zian na kalaro ang isang batang babae na medyo mas bata sa kanya.
"Call me everything that you wanted, Zaera. I know I deserved it. I will wait for that time which I will be able to hear that you're finally forgiving me for the mistakes that I've done. Hindi kita susukuanㅡHindi ko kayo susukuan ni Zian"
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatingin sa malayo.
"I will fix everything between me and Heiress, Zaera"
Bumaling ako ng tingin sa kanya at malamig ko siyang tiningnan. "Kung gagawin mo lang 'yan upang makuha mo ang kagustuhan mo, huwag na Zerron. Don't use that card just to get what you want" Matapang kong saad.
"Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Ang hiwalayan ko si Heiress upang bumalik kayo sa akin? Upang makasama ko na si Zian sa iisang bahay?"
Natawa ako sa sinabi niya. I even gave him a sarcastic stare. Napailing ako dahil sa sinabi nito.
"Zerron, matalino ka pero ang b*bo mo" Sarkastikong turan ko kaya't nangunot ang noo niya. "Hihiwalayan mo talaga ang taong mahal mo ng ganun LANG KADALI?" Ipinagdiinan ko talaga ang huling sinabi ko.
Natahimik ito at nakita ko ang pagtaas-baa ng Adam's apple niya. Alam kong nag-aalangan itong sumagot sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Tumunog ang cellphone ko kaya't kaagad kong tiningnan ang caller. Sinagot ko ito kaagad ng makita ang pangalan ni Hather.
"Hather, bakit ka napatawag?"
Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Zerron. Medyo lumayo ako sa kanya ng kaunti upang hindi niya marinig ang pag-uusapan namin.
[Pauwi na ba kayo?]
"Oo. Bakit?"
[Susunduin ko nalang kayo diyan. Nandito ang Mama at Papa mo sa bahay hinihintay kayo ni Zian]
Kaagad naman akong napangiti. "Sige. See you" Masayang sagot ko at pinatay ang tawag.
I heard Zerron hissed. Napabaling ang tingin ko sa kanya. Madilim ang mukha nito pero malayo ang tingin. Hindi ko na lang siya pinansin. Anong ikinakagalit niya diyan? Tss. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Zian.
"Zi, Come here" Tumakbo naman ito patungo sa akin na nakangiti.
"What is it, Mama?"
"Dada nos buscará. Dijo que el abuelo y la abuela están en la casa. Querían verte"
Translation: Dada will fetch us. He said that Grandpa and Grandma is in the house. They wanted to see you
"Really? I'm excited to see them po" Magiliw nitong sagot. Ginulo ko naman ang buhok ko. Bumaling naman ito kay Zerron. "Is Daddy coming with us?" Inosenteng tanong nito.
Saglit kong tiningnan si Zerron na nakatingin rin kay Zian. Tipid akong ngumiti saka hinawakan ang pisngi niya.
"Daddy is not coming with us. You know, he's busy with his work"
Ipinagdiinan ko talaga ang work. Iba naman kasi talagang trabaho ang ginagawa nito minsan. Tumikhim naman si Zerron. Hindi ko ito hinayaang magsalita.
"You can both see each other next time. I'm sure Dada is on his way now" Saad ko at hinawkan ang kanyang kamay. May lungkot sa mga mata nito pero tumango na lamang siya. I'm sorry, Zi. Hindi pupwedeng makita ng mga magulang ko si Zerron lalong-lalo na si Papa dahil talagang magkakagulo.
Sakto namang may tumigil na sasakyan sa hindi kalayuan. Lumabas doon si Hather at naglakad patungo sa puwesto namin.
"Dada!" Tawag ni Zian at kumaway kay Hather. Ngumiti naman si Hather.
Napabaling ako kay Zerron ng tumikhim ito. "Son, I have to go. See you next time" Wika nito ng nakangiti pero nakikita ko sa mga mata niya ang sakit. Lumapit sa kanya si Zian at niyakap ang hita nito.
Nag-squat naman si Zerron saka hinawkan sa balikat si Zian. Nanatili lang kaming nakatingin sa kanila ni Hather.
"I wish I could spend time more with you, Daddy"
Parang may kung ano namang bumara sa lalamunan ko matapos iyong marinig. Napalunok nalang ako ng tumingin sa akin si Zerron. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. Ibinalik nito kay Zian ang kanyang paningin.
"I hope so, son. Always be a good boy to Mama. See you next time. Bye" Paalam nito at tumayo matapos halikan sa noo si Zian.
Tumingin muna sa akin sandali si Zerron bago siya tumalikod at naglakad paalis. Napatingin ako kay Zian at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang sinasabi nitong iiwan na naman siya ng Daddy niya. I'm so sorry, Zi. Hindi mo pa talaga puwedeng makasama ng matagal ang Daddy mo ngayon. Kailangan niya pang ayusin ang lahat.
"Are you okay, Eve?"
Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Hather sa tabi ko. Napansin kong medyo basa ang pisngi ko kaya't kaagad ko itong pinunasan. Bakit ba ako umiiyak? Ngumiti lang ako kay Hather saka tumango.
"Mama?" Napabaling ako kay Zian at nakatingin ito sa akin.
"Why? Do you need something?"
"I have something to ask po"
"Go on, nak"
"Why are we not staying at Daddy's house, Mama?"
Pumintig ng malakas ang puso ko ng marinig ito mula sa kanya. Hindi ako handa sa tanong niyang ito. Nagkataon lang ba na itatanong niya ito ngayon? Binibiro yata ako ng tadhana. Kanina lang namin ito napag-usapan ni Zerron at imposible namang sinabihan siya ni Zerron dahil kami ang magkasama at hindi naman ako nakalayo sa kanila. Napakurap-kurap ako at napalunok rin.
"U-Uhmm..."
Sh*t! Hindi ko alam ang isaaagot ko. Alangan namang sabihin kong hindi kami puwedeng tumuloy sa bahay niya dahil sa babae niya?
"Your Daddy is still building the house, Zi. So, you can't stay with him for a while" Kaaagd na pagsali ni Hather sa usapan. Kaagad naman akong napatingin sa kanya at sinenyasan niya lang akong sumang-ayon sa sinabi niya.
"Y-Yes, nak. Your Dada is right. Daddy is still building our house" Pagsabg-ayon ko nalang.
Tumango-tango naman siya kaya't nakahinga ako ng maluwag. I mouthed thank you to Hather. Tinapik nito ang balikat ko at nginitian ako.
Third Person's Point of View
Isang babae ang papasok sa isang malwak na lupain. Nagmamadali ito at mahigpit ang hawak sa bag niya habang palinga-palinga sa buong paligid. Tinungo nito ang lugar kung saan naroon ang taong sadya niya.
"I'm glad you came. Akala ko ay hindi ka sisipot sa usapan natin" Nakangising turan ng lalaking sumalubong sa kanya.
Napakuyom ang kamao ng babae habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki sa harapan niya. Gustong-gusto niya itong saktan. May inilabas ito sa bag niya.
"Is this what you want right?" Tanong nito at ipinakita ang flashdrive sa lalaki. Kukunin na sana ito ng lalaki pero mabilis na inilayo ito ng babae sa kanya.
"But I want to make sure that they're safe, Eros. Where are they?" Matapang na tanong ng babae. Tumawa ang lalaki saka sinenyasan ang isang tauhan niya at may ipinakita itong video sa laptop niya. Nagsituluan ang luha ng babae ng makita ang mga taong matagal na niyang hinahanap.
"W-Where are they, Eros? Saan sila? Puwede ko ba silang makita?" Pakiusap nito. Umiling si Eros at inilahad ang kamay niya.
"Flashdrive first"
Walang pag-aalinlangan niya itong ibinigay sa binata. Sumibol ang galak at tuwa sa mukha ng lalaki ng mahawakan na nito ang flashdrive.
"S-Saan na sila, Eros?" Umiiyak nitong pakiusap.
"Not so fast, darling. May ipapagawa pa ako sa 'yo bago mo sila makasama"
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae. "Pero ang sabi mo iyan lang ang kailangan mo!" Hindi nito maiwasang magtaas ng tinig.
"Nagbago ang isip ko eh" Sarkastikong sagot nito at tumawa siya.
Susugurin sana ito ng babae pero kaagad na siyang hinawakan ng dalawang tauhan ni Eros.
"Hayop ka! H-Hindi ka tumupad sa usapan! Walanghiya ka!" Sigaw nito.
"Sabihin mo lang ang lahat ng gusto mo. Papayag ka ba sa gusto kong ipagawa sa 'yo o papatayin ko sila?"
Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang.