Zaera's Point of View
Mas maaga akong nagising kinaumagahan. Bumaba ako upang ipaghanda ng agahan sila pero ang namataan ko lang sa sala ay si Hather. Nangunot kaagad ang noo ko ng hindi ko nabungaran si Lovern. Usually, lagi siyang mas maagang nagigising sa amin para mag-jogging o di kaya mag-yoga.
"Good morning, Eve" Bati ni Hather sa akin. Ngumiti ako at binati rin siya pabalik.
"Saan pala si Lovern? Nag-jogging ba?"
Umiling siya matapos humigop sa tsaang hawak niya. "Nope. She went somewhere. Ewan ko nga sa kapatid kong iyon kung saan-saan pumupunta"
"Ganun? Kahapon wala rin siya tapos ngayon maaga pang umalis?" Nagtatakang tanong ko. Nagkibit balikat lang si Hather.
Dumiretso nalang ako sa kusina upang magluto. I prepared some hotdogs, bacon and egg tsaka kanin na rin at tinapay. Habang nagpi-prito ng itlog ay tumunog naman ang cellphone ko. Inilabas ko ang cellphone ko at tiningnan ang caller. Si Zerron. Pinangalanan ko na ang number niya para hindi ako magtaka kung sino ang tumatawag sa 'kin. Sinagot ko nalang ito dahil useless na rin kung hindi ko sasagutin since nagkita na rin naman sila ni Zian at isa pa, hinanap siya kaagad sa 'kin kagabi plus he also wanted to see his dad today.
"Bakit ka napatawag?" Tanong ko at binaliktad ang itlog. Sunny side up iyong niluto ko pero ayoko na masyadong basa 'yong yolk kaya binabaliktad ko.
[Can I see you both today? May kailangan akong sabihin sa inyo?]
"Ano namang sasabihin mo?"
Ano naman kaya ang sasabihin nito sa 'min? Inilagay ko sa plato ang mga itlog saka ipinatong sa mesa. Isinalang ko na rin ang mga hotdogs para prituhin rin. Medyo hininaan ko ang apoy saka ako sumandal sa sink.
[Mas mabuting sa personal ko nalang sabihin sa inyo, Zaera. Please?]
Napansin ko na seryoso nga talaga ito sa kung ano man ang sasabihin niya mamaya sa 'kin. I heave a deep sigh and turn off the stove. Isinalin ko ang mga hotdogs sa isang pinggan at inilagay rin sa mesa.
"Fine. After we ate breakfast magkita tayo" Walang ganang sagot ko at pinatay na ang tawag. I checked the rice at luto na rin ito. Naglagay nalang ako sa isang bandehado at inilagay rin ito sa mesa.
Saktong pagtingin ko sa b****a ng kusina ay nakita ko ang seryosong si Hather na nakasandal sa may dingding habang naka-corss arms. Umiwas ako ng tingin at naglagay ng mga pinggan at kubyertos para sa aming tatlo. Alam kong narinig niya ang pinag-usapan namin ni Zerron.
"Magkikita ulit kayo ni Zero?" Saglit akong napatigil sa paglalagay ng mga kubyertos pero itinuloy ko itong muli. Saglit ko siyang tiningnan bago ko ibinalik ang mga ito sa mesa.
Hindi ko gusto ang mga titig niya. Alam kong against siya sa naging desisyon ko last time pero wala siyang nagawa dahil ako pa rin naman ang masusunod.
"Oo. May kailangan daw siyang sabihin sa amin ni Zian at isa pa gustong makita ni Zian ang Daddy niya" Sagot ko.
Narinig ko ang yabag nito palapit sa kinaroroonan ko kaya napatingin ako sa kanya. I saw a hint of sadness and pain in his eyes but I choose to ignore it. Alam kong apektado ito dahil tinuring na niyang anak si Zian at humihingi ako ng tawad sa kanya dahil nasasaktan siya.
"I-I'm sorry" Hingi ko ng paumanhin saka umiwas ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"You shouldn't be. Siya naman talaga ang tunay na ama ni Zian at karapatan niya iyon. Gusto ko lang sana sabihin na sana huwag mo ring hayaan ang puso mo na makuha niya ulit, Eve. Ayokong masaktan ka na naman" I sense sincerity in his voice. Pinukol ko ito ng tingin at sumalubong sa akin ang seryosong mga titig nito.
Bukod pa roon ay may sinasabi pa ang mga mata niya na alam ko na ang ibig sabihin dahil minsan na niya itong sinabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Tinapik ko ang balikat niya para mawala ang bigat ng atmospera.
"Natuto na ako, Hather" Payak na sagot ko. "Sige na, tawagin ko lang si Zian. Kumain ka na" Pag-iiba ko ng usapan. Tumango lang siya sa sinabi ko kaya mabilis ko na siyang tinalikuran at kaagad binaybay ang daan patungo sa taas upang gisingin si Zian.
________
We are here at the park. Nakaupo kaming dalawa ni Zerron sa damuhan habang si Zian nakikipaglaro sa ibang bata na kasing edad niya lamang. Pinagmamasdan ko lang siya. Bumaling ako kay Zerron na nakatingin smrin kay Zian. Tumingin ito sa akin kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Zian.
"He's adorable" Wika nito habang mataman niya akojg tinitingnan. Nakikita ko kasi ito sa gilid ng mga mata ko. "You're really a great mother, Eve" Dagdag niya dahilan para maibaling ko na naman ang paningin ko sa kanya na ngayon ay na kay Zian naman nakatuon.
"You raise him well" Saad nito habang nakangiti na hindi abot sa mga mata niya. Ako lang ba o sadyang may halo talagang lungkot ang tinig niya ng sabihin iyon. "I wish I was there that time. Sana ay nakita ko rin ang paglaki niya"
Tumingin ito sa akin. I was about to speak pero naunahan na niya ako.
"But I was a jerk that's why" Pag-aamin nito. Sobra pa roon. Gusto ko iyang isagot pero nanatili lang tikom ang bibig ko. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya pero huli na rin naman ang lahat.
"Then, be a good father to him this time. Bawiin mo ang mga oras na sinayang mo dahil sa mga pagkakamaling ginawa mo noon sa akinㅡsa amin" Seryoso kong sagot sa kanya.
Tumingin ito sa akin. Matagal iyon na tila kinakalkula niya ang maaari niyang sabihin sa akin. His pinkish thin lips was pursed tightly while looking at me sternly.
"Gusto kong makabawi sa anak ko, Zaera. Sa inyong dalawa"
Inilihis ko ang tingin ko. "Huwag mo akong isama sa plano mo. Mag-focus ka kay Zian dahil siya naman talaga ang mas may kaiangan ng kalinga ng isang ama na si Hather ang nagbigay ng mga oras na wala ka"
Hindi ko gustong sabihin iyon pero para na rin mas makonsensiya siya sa ginawa niya sa akin noon. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pakuyom ng kamao niya pati na rin ang pagtagis ng kanyang bagang. Dumilim ang mukha nito pero nanatiing tikom ang bibig njya. I know that I hurted his ego. Well, wala na akong magagawa roon because that's the truth.
"Yeah. Hather" Pagsang-ayon nito sa malamig na tinig. Napabuga ito ng hangin saka pinasadahan ng kanyang daliri ang buhok nito. Tila pinipilit nitong pakalmahin ang sarili niya para hindi siya sumabog sa galit. Nakita ko ang paglabas ng ugat nito sa braso at pamumuti ng kamao nito dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya.
Umiwas na lamang ako ng tingin. Napalunok ako at inaliw na lang ang sarili ko sa mga batang naglalaro. Medyo na-guilty naman ako sa ginawa ko dahil alam kong sobra siyang nasaktan pero totoo naman iyon lahat. Tumikhim ako upang mawala ang mabigat na atmospera na nakapaligid sa amin.
"A-Ano pala ang pag-uusapan na tin?" Pinilit kong maging maayos ang boses ko. Hindi kaagad ito nakasagot kaya tumingin ako sa kanya.
Mahinahon na ito sa ngayon. Nakayuko siya at binubunot ang mga d**o na nasa tabi niya. Tumingin ito sa akin. Mataman niya akong tiningnan at ng oras na niyang ibuka ang labi niya upang sabihin ang nais niya ay napamaang nalang ang labi ko.
"Zaera, puwede bang sa bahay nalang kayo umuwi ni Zian?"