KABANATA 17

2650 Words
Third Person's Point of View Tahimik lamang buong biyahe si Zera samantala hindi naman matigil sa pagtatanong si Zian kay Zereon na halatang tuwang-tuwa rito. Napatingin na lamang sa labas ng bintana si Zaera at pinagmasdan ang mga establisyementong nadadaanan nila. Iniisip nito kung anong mangyayari kapag oras na umuwi na sila ni Zian. Hindi nito alam kung anong magiging kinahihinatnan nito dahil paniguradong sasabunin siya nito ng tanong. Unang-una na roon ay ang unang pagkikita nilang tatlo sa mall kung saan ipinakilala niya itong kaibigan niya lamang. Iyon palang ay nangangamba na siya. Hinihiling niya na lang na sana ay makalimutan na lang ito ni Zian ngunit kilala niya ang anak niya, hindi nito nakakalimutan ang bagay-bagay especially if it is about his father. Ni ultimo nga birthday ni Zerron ay ipinagdiriwang nila na kahit sila lamang at ang nangunguna talaga sa bagay na iyon ay si Zian. Anong magagawa ni Zaera kung ang nag-request na nito ay ang kanyang anak? Napabuntong hininga si Zaera at napabaling ang atensiyon kay Zian ng magtanong ito. "Mama, why you're not talking to Daddy? Aren't you happy to see him?" Kaagad itong tumingin sa kanya saka ngumiti. 'Ito na nga ang sinasabi ko at mapapansin niya talaga eh' Sabi nito sa kanyang isipan. Napatingin ito kay Zerron ng tumikhim ito. Liningon niya saglit si Zian sa likuran saka siya ngumiti. She was about to speak when Zerron do the honor. "Don't worry, Son. I'm sure she's really happy to see me that she can't even speak" 'Talaga lang ha?' Isang pekeng ngiti ang ginawa niya saka tumango na lang kahit labag sa kalooban nito. Pasimple nitong inirapan si Zerron na may ngiting aso sa tabi niya. 'Inaasar ba ako ng gag*ng 'to?' Tumikhim ito upang alisin ang bara sa lalamunan niya. "Where do you want to go fist, son?" Tanong ni Zero. "In the zoo, Daddy! I want to see a dinosaur!" Kaagad na kumunot ang noo ni Zerron ng marinig ito sa anak. Kaagad itong tumingin kay Zaera na nagtatanong. Saan ka nga ba naman makakakita ng dinosaur sa zoo diba? Hindi siya pinansin ni Zaera na pinipigil ang pagkawala ng mapang-asar nitong ngiti at binalingan lamang ang anak saka tumango. "Of course, nak. We're going to see the dinosaur!" Nagagalak na sabi ni Zaera. Zian clapped his hand excitedly. Bumaling si Zaera kay Zerron na hanggang ngayon ay may tanong paring nakaguhit sa kanyang mukha. "Did you hear it, Daddy. Zian wants to go to the zoo to see the dinosaur" Hindi na napigilan pang lumabas ang mapang-asar na tinig ni Zaera ng sabihin niya iyon. Kumunot ang noo ni Zero pero kalaunan ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi nito. "Of course, Mommy. I'm going to bring our baby to the zoo to see the dinosaur" Namilog ang mga mata ni Zaera ng marinig ito. Pakiramdam nito'y umakyat lahat ng dugo sa kanyang mukha dahil sa tinawag ni Zerron sa kanya. Idagdag mo pa ang paglipad na naman ng kulisap sa kanyang sikmura na nagbigay sa kanya ng ibang pakiramdam. Kaagad niyang pinukol ng masamang tingin si Zerron ngunit nasa daan na ang paningin nito na hindi inaalis ang ngisi sa labi. "Bwis*t! Tigilan mo ako, Zerron" Iritableng bigkas nito sa mahinang tinig. Nagpapasalamat siya at hindi nakakaintindi halos ng tagalog ang anak kaya't malaya itong napagsasalitaan ng kung anong gusto niya ang binata. "Wala akong ginagawa, Zaera" Sagot nito sa seryosong tinig. "Kaya huwag kang umasta na okay tayo, Zerron. Huwag ka ring magsalita ng kung ano-ano na papaniwalaan ng anak ko" Ipinagdiinan pa nito ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi nalang umimik si Zerron at itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Humigpit ang hawak nito sa manebela ng sasakyan at hindi na nagsalita pa. Nang makarating sila sa Zoo ay mas naunang bumaba si Zaera ng sasakyan at kaagad na kinuha si Zian saka binuhat. Sunod namang bumaba si Zerron saka lumapit sa dalawa. Naunang maglakad si Zaera papasok sa loob kasama si Zian habang nakasunod naman sa kanila si Zerron. Pabalik-balik ang tingin ni Zian sa dalawa at kinalabit ang Mama niya kaya napatingin sa kanya si Zaera. "Mama, can you put me down?" Pakiusap nito na sinunod naman ni Zaera. Nang makababa si Zian ay patakbo itong tumungo kay Zerron. "Careful, nak" Paalala ni Zaera sa anak dahil baka mapatid ito sa mga bato. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa humawak si Zian sa kamay ni Zerron at hinila ito palapit kay Zaera na ngayon ay alam na ang gustong mangyari ng anak. Nakangiting humawak si Zian sa kamay ni Zaera at napatingala sa dalawa. Nagkatinginan naman si Zerron at Zaera saka sabay ring nag-iwas ng tingin. "Let's go na po" Zian said and dragged them both towards the entrance. Zerron heave a deep sigh at napatingin na lamang kay Zaera na ngayon ay tahimik at tila malalim ang iniisip. He wanted to talk to her pero nag-aalangan siya dahil halatang ayaw siya nitong makausap. He's happy right now at walang mapagsisidlan ang tuwa niya pero bakit mayroon paring kulang sa kanyang puso? He's not really fully happy. "Waah! Ang guwapo ni Kuya oh at ang ganda rin ni Ate!" "Ang cute din noong bata kamukha ng Papa niya" "Ang cute nilang mag-family" "Sana all nalang sa kanila" Sabay na napatingin sina Zerron at Zaera sa direksiyon ng grupo ng kababaihan na nakatingin pala sa direksiyon nilang tatlo. May kung anong tuwa sa puso ni Zerron ng marinig iyon at hindi na niya napigilan pang mapangiti dahil dito. Zaera's Point of View Ano daw kami? Cute family? Asaan ang cute doon? Isang ngiti nalang ang ginawad ko doon sa mga grupo ng kababaihan na pumuna sa amin. Pasimple kong tiningnan si Zerron at ang loko nakangiti pa. Talagang natutuwa siya na tawagin kaming cute family? Bago sana siya matuwa inayos niya muna ang sa kanilang dalawa ni Heiress. Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing naiisip ko si Zian. What if he will know about Heiress and his Dad? Hindi ko kakayaning makitang malungkot si Zian sa oras na malaman niya iyon. Na ang akala niyang buong pamilya ay isa lamang palang imahinasiyon. "Mama? Where is the dinosaur?" Tanong ni Zian kaya't nawala lahat ng isipin ko at napabalik na lang sa reyalidad. Nakalimutan kong wala pala kami sa Spain kaya't hindi pa nito alam ang lugar ng hayop na sinasabi niyang dinosaur. Hinila ko siya papunta sa bahagi ng zoo kung nasaan ang ostrich. "Where here, nak. Taraan" I even raise my hand and pointed at the ostriches. "The f*ck?" Rinig kong naibulalas ni Zerron sa likuran ni Zian kaya't pinandilatan ko siya ng mata. Ayokong marinig ni Zian ang pagmumura nito. Kaagad na napatalon sa tuwa si Zian at bumitaw sa mga kamay namin ni Zerron at tumakbo roon papunta sa may railings upang mas matingnan amg mga ostrich. Napangiti ako at inilabas ang cellphone ko saka siya kinuhanan ng litrato. "Zaera, paanong naging dinosaur itong ostrich?" Tanong ni Zerron kaya't nawala ang ngiti ko at binalingan siya ng tingin. Puno ng pagtataka ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Salubong pa ang kilay niya. "Walang basagan ng trip, Zerron" Walang ganang sagot ko at tinawag si Zian upang mag-pose. Kinuhanan ko ito ng litrato na nakangiti. "Bakit iyon ang itinuro mo sa kanya? That was a freaking ostrich not a f*cking dinosaur, Zaera" "Alam ko naman iyon, Zerron. Hindi rin b(bo ang anak mo para hindi iyon alam pero kasalanan ba niya kung hindi niya masabi ng maayos ang ostrich?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya kaya't napamaang naman ang labi nito. "Then, teach him on how to pronounce it properly" He argued once again. Iritable ko itong binalingan ng tingin. Magsasalita pa sana ako ng tawagin kami ni Zian. "Mama, Daddy! Let's take a picture together!" Masigla nitong sabi kaya nagkatinginan na naman kaming dalawa. Wala kaming nagawa kung hindi sundin ito. Umupo si Zerron sa kaliwa ni Zian samantala ako naman ang nasa kanan. Ipinosisyon ko ang camera sa harapan naming tatlo at kaagad kaming nag-groufie. Akala ko matatapos na doon pero hindi pa pala. Zian requested that we should kiss him right on his cheek. Sinunod naman namin iyon. Tiningnan ko ang mga litrato hindi ko na napigian pa ang mapangiti. "Mama, I want another kiss. Please?" Napatigin ako kay Zian na nakadaop pa ang palad habang nakatingin sa amin ni Zerron. Saglit kong tiningnan si Zerron na nakatingin rin sa akin. Umiwas ako ng tingin saka ginulo ang buhok niya. Tumango ako. He excitedly lean closer to us. Kinuha ni Zerron ang cellphone sa akin upang siya ang kumuha ng litrato. Ipinosisyon ko ang sarili ko upang halikan si Zian sa pisngi. "1..2..3..." Sa sunod na nangyari ay halos lumabas ang eyeballs ko dahil sa sobrang gulat. Saktong hahalikan ko na si Zian ng umalis ito sa gitna naming dalawa ni Zerron at saktong lumapat ang labi ko sa labi niya. Kasunod noon ang pagtunog ng shutter ng camera. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko at nagliliparan na naman ang mga kulisap sa tiyan ko. Ramdam ko ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko. We're both looking at each other's eyes while our lips are still stuck at each other. Tila bumagal ang mga nangyayari sa buong paigid at wala rin akong naririnig kung hindi ang malakas na t***k ng puso ko. Natauhan lang ako ng marinig ko ang maliit na tawa ni Zian sa tabi namin kaya't mabilis akong lumayo kay Zerro at umiwas ng tingin. Napayuko ako ng maramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Napalunok ako at palihim na napabuntong hininga upang pakalmahin ang naghaharumintado kong puso. Bakit ba ako kinakabahan? Kung pwede lang pagalitan si Zian ginawa ko na pero hindi ko iyon gawain. He didn't know what he's doing. I cleared my throat at inalis ang kung ano mang bumabagabag sa isipan ko. Pinatigas ko rin ang ekspresiyon ng mukha ko upang hindi umasa ang isa na 'to na apektado pa rin ako sa kanya. Well, hindi naman talaga ako apektado sa kanya pero hindi ko kasi maintindihan 'tong nararamdaman ko. Kung pwede lang magmura ng paulit-ulit ginawa ko na. "A-Akina ang cellphone ko" Seryosong sabi ko kay Zerron na nakatitig sa akin lalong-lalo na sa labi ko. Pasimple kong itinikom ng mariin ang labi ko. "H-Here" Nauutal nitong saad at inabot sa akin ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha sa kamay ko. Tumayo siya saka rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Binalingan ko nalang ng tingin si Zian at pinilit inalis sa isipan ko ang nangyari kani-kanina lang pero lint*k! Nararamdaman ko parin ang malambot nitong labi sa labi ko. Pasimple kong pinunasan ang labi ko. Huwag ka ngang magpaapekto sa bagay na iyon, Zaera! Pagalit ko sa sarili ko at kinalma ang sarili ko. Pero bakit pakiramdam ko na-miss---arrggh! Bwis*t! Inis akong napabuga ng hangin at hinawakan nalang ang kamay ni Zian. Don't be fool of your feelings again, Zaera! He fooled you once huwag ka ng magpauto ulit. Mukhang nagkamali pa akong ipinakilala ko si Zian kay Zerron dahil hindi maiiwasang lagi kaming magkikita. Wala kaming ginawa kung hindi ubusin ang buong araw sa pamamasyal. Pagkatapos namin sa zoo, pumunta naman kami sa amusement park upang mag-enjoy pero iyong dalawa lang ang nag-enjoy ng sobra samantala ako kukuhanan ko lang sila ng picture at minsan sumasali rin naman pero mas marami talaga ang lutang moments ko. Pumunta rin kami sa mall para kumain at pinamili na rin ni Zerron ng mga damit si Zian. After that, naisipan na rin naming umuwi. Hindi na nga namin napansin ang oras at gabi na kami nakauwi. Buhat ni Zerron si Zian na sa tingin ko ay nakatulog na sa sobrang pagod. Ako naman bitbit ko ang mga pinamili niya para sa anak ko. Tahimik lang kaming dalawa at tila nagpapakiramdaman lang habang papunta kami sa sasakyan niya na naka-park. Ayoko rin naman siyang kausapin. We still not in good terms and I'm not in the mood to talk to him, pinagbibigyan ko lang naman si Zian na makasam siya kahit ang totoo ay ayoko talaga siyang makita at makasama. Tumigil kami sa sasakyan niya at pinasok ko sa compartment ng kotse niya lahat ng pinamili nkya para kay Zian samantala inilagay niya naman sa backseat si Zian na tulog ngayon. Papasok na sana ako sa loob ng pigilan ako nito. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Zaera, can we talk first?" Malumanay ang tinig nito habang nangungusap ang mga mata niya. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at seryosong sinalubong ang tingin niya. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Ipinakilala ko na siya sa 'yo, Zerron. Diba't ito ang gusto mo? You wanted to see your child and finally he already know you as his dad" "Zaera...." "Zerron, if it is about what happened before between 'us' that you wanted to talk about, please huwag mo ng subukan. Hindi pa ako ready na pag-usapan ang bagay na iyan" Tinalikuran ko na ito upang pumasok sa loob pero natigil na naman ako ng hawakan nito ang braso ko. "Zerron! Hindi ka ba nakakaintindi?! Ayusin mo muna ang pagiging ama kay Zian bago ako ang atupagin mo" Iritang bigkas ko at inalis ang kamag niya sa braso ko. "I-I'm sorry" Hingi nito ng paumanhin perohindi ko siya pinansin at kaagad ng pumasok sa loob ng sasakyan saka marahang kinuha si Zian at ipinatong ang ulo niya sa hita ko. Napasandal ako sa upuan at napahugot ng malalim na hininga dahil naninikip na naman ang dibdib ko. Bumabalik na naman kasi ang sakit eh. Napatingala ako upang pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. I can still remember everything that she said that time. Tumingin ako sa labas ng bintana ng pumasok ito sa loob ng sasakyan. Hindi nito pinaandar ang makina ng sasakyan. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko kahit nahihirapan ako ngayon. "I know I hurted you so much, Zaera. Alam ko rin na hindi mo matatangap ang salitang sorry sa lahat ng kasalanang ginawa ko but I'm hoping that everything between us will be settled" Kaagad akong napabaling ng tingin sa kanya ng marinig ito. "Just for Zian, Eve" Dagdag nito kaya sarkastiko akong natawa. "Akala mo ganun lang 'yon kadali? Akala mo talaga kaya kitang patawarin despite of everything that you did to me?" Pumiyok ang boses ko kaya napalunok ako. "Of course! I will do everything for my son, Zerron pero ang bagay na iyan ang pinakamahirap na gagawin ko" Seryosong saad ko. "I'm not forcing you to forgive me, Zaera. I'm just saying that you should show him that you're happy that we're together" Natawa ako sa sinabi niya. Isang sarkastikong tawa. Hindi ko na napigilan ang luha ko na mangilid sa pisngi ko. Gusto kong sampalin ito sa sinabi niya. "Sa tingin mo hindi ko gustong ipakita na masaya ako na kompleto tayo? Sa tingin mo hindi ko gustong magkaroon ng masaya at kompletong pamilya si Zian? Paano ko iyon gagawin if you have Heiress na noon pa man ay kahati ko sa atensiyon mo at ngayon ay mukhang kahati na rin ng anak mo. Paano ko 'yon gagawin kong lahat lamang ng ito ay isang ilusyon, Zerron? Kahit kailan hindi ako magiging masaya na makasama ang isang taong niloko ako at ang tingin sa akin ay mukhang pera" Piangdiinan ko pa ang huling sinabi ko bago ko pinunasan ang pisngi ko. Hindi na ito sumagot pa pagkatapos ng mahabang katagang binitawan ko. Unti-unting bumabalik sa ala-ala ko ang mga pangyayaring matagal ko ng kinalimutan. "Iuwi mo na kami, Zerron. Gusto ko ng magpahinga" Malamig kong saad na kaagad niya namang sinunod. Those memories are hunting me again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD