KABANATA 16

1938 Words
Third Person's Point of View Mabilis pa sa alas kuwatrong nagbihis muli si Zerron ng panibagong damit. Hindi ito mapakali habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Makailang ulit itong nagpalit ng damit at titingnan muli ang kabuuan sa salamin. Daig pa nito ang may kakatagpuing kasintahan dahil sa pagkabalisa at pagporma. Napaupo ito sa kama at pinagmasdan ang orasan sa relong nasa palapulsuhan niya. Isang oras pa bago ang pagkikita nila ng anak niya at hindi na ito makapaghintay. Kung pupwede lang na pabilisin niya ang orasan ay ginawa na niya. Tumayo ito at tumingin muli sa relong nasa palapulsuhan niya bago pabalik-balik na naglakad sa loob ng kuwarto niya. Samu't-saring tanong ang pumasok sa isipan niya. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok nito saka tiningnan muli ang sarili sa salamin. "Will my son love this clothes?" He ask himself and fix his collar. Napabuntong hininga ito. "What should I say to him later?" Tanong nitong muli sa kanyang sarili. "D*mn! I don't know what to do" Reklamo nitong muli at lumapit sa bintana upang lumanghap ng sariwang hangin. Pinasadahan niya ng daliri ang medyo magulo nitong buhok pababa hanggang sa batok nito at hindi niya mapigilang mapangiti. Isang ngiti na umaabot sa kanyang mga mata. Bukod sa nais nitong makita ang anak niya ay nananabik rin itong makita ang ina mismo ng anak niya sa hindi malamang dahilan. "I'm crazy. Why would I think of her?" Kausap nito sa sarili at ipiniling na lamang ang kanyang ulo upang mawala ang isiping iyon. Nakarinig ito ng katok mula sa pinto at kasunod nito ang isang boses kilala niya. "Hon? Are you there?" Nawala ang ngiti sa mukha nito at kaagad tumungo sa pinto upang pagbuksan si Heiress. Kaagad na pumasok si Heiress sa loob at ipinulupot ang kamay sa leeg niya. "Hon, ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa 'kin. I missed you" Bulong nito sa mapang-akit na tinig at masuyong hinalikan ang labi niya. Hinayaan niya lang ito hanggang na siya na mismo ang bumitaw sa halik. Hindi nito mawari kung bakit wala na ang tamis na nararamdaman niya para rito at napalitan ng tabang. "I'm sorry, I stayed at my office. I'm really busy for the past five days" He lied. Mas inilapit naman ni Heiress ang sarili niya kay Zerron at kinagat nito ang ibabang labi niya. Zerron knows what she's doing. Napalunok ito. Heiress is hot with what she's wearing. A fitted sleeve less dress. Showing her curves. Masyado rin itong maikli kaya't kitang-kita ang maputi at makinis nitong hita. Hinawakan naman ni Zerron ang kamay ni Heiress at marahang inalis sa leeg niya. Napakunot noo naman si Heiress dahil sa ginawa nito sa kanya. "Heiress, maybe we could talk later after I came back. May kailangan akong puntahan ngayon" Seryoso nitong sabi saka napatingin sa wrist watch niya. Inis namang napaupo si Heiress sa kama at napa-cross arms. "Pupuntahan? Is that really important at kaya mong unahin 'yan kaysa sa 'kin na girlfriend mo?" Nagtatampo nitong tanong sa kanya. Zerron heave a deep sigh. "Nakasalalay dito ang kompanya ko Heiress. Whether I like it or not, kailangan ko paring puntahan iyon" Sagot nito at pinipigilan nitong magtaas ng boses. He lied again. Tumayo naman si Heiress at sinalubong ang tingin ni Zerron. "Is that really about the company or something else?" Nakataas ang kilay nitong tanong. "Are we going to argue with this matter? I'm telling the truth. This is urgent, I have to go. Let's talk later" Saad ni Zerron at napatingin sa orasan niya. Hinalikan lang nito sa pisngi si Heiress at mabilis na tinungo ang pinto upang lumabas. Napatayo naman si Heiress. "Zerron!" Tawag nito pero nakaalis na si Zerron. Inis na napasabunot sa buhok si Heiress at padabog na umupo sa kama. "Bullsh*t!" She exclaimed and balled her fist. __________ Zaera's Point of View We're already here at the meeting place. Kanina pa excited si Zian samantala ako naman ay puno ng kaba ang puso. Ano bang gagawin ko kapag dumating na siya? Sasabihin ko ba kaagad kay Zian? Ilang sandali lang ay may tumigil na isang sasakyan sa mismong harapan namin. Nanlamig naman ang kamay ko. Tumayo ako hawk-hawak ang kamay ni Zian. Bumukas ang pinto ng kotse. Tila bumagal ang takbo ng oras at lahat ng nasa paligid ko ay huminto ng tuluyan na siyang bumaba ng sasakyan. Ganun pa rin wala paring pinagbago. He's still good with everything he wears. Aaminin ko na ang guwapo niya sa suot niya. Let me rephrase that, mas gumwapo siya ngayon. Teka? Bakit ko nga ba siya pinupuri? Tumigil ito at napatitig sa amin lalong-lalo na kay Zian. Nakita ko ang sobrang pananabik sa mga mata nito. Nag-squat ako at hinawakan ang magkabilang balikat ni Zian. Napatingin siya sa 'kin. Ngumiti ako. I know that this is the right time. "Zi, listen carefully to what Mama will say" Umpisa ko. Tumango ito. Hinawakan ko ang pisngi niya at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha sa mga mata ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? It feels like I'm letting go of my son? "You wanted to see Daddy, right?" Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito. "Yes po, Mama. I really wanted to see Daddy but why are we going to meet Tito Zerron?" Naguguluhan niyang tanong. I smiled. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya saka lumapit kami kay Zerron. Nagsalubong ang tingin naming dalawa at ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin. "Zi, meet Zerron. Y-Your real......" Napalunok ako. Tumingin ako kay Zerron na tahimik at naghihintay sa sasabihin ko. "R-Real Daddy" Medyo may kahinaang sabi ko sapat na upang marinig niya iyon. Nakita ko ang samu't-saring emosyon na nakaukit sa mukha ni Zerron. His eyes says it all. Tila sinasabi ng mga mata nito na 'Totoo ba ang narinig niya?' Tuluyan ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "D-Daddy?" Napatingin ako kay Zian ng humikbi ito. "Y-You're really my Daddy?" Tanong nito na nakatingala kay Zerron na ngayon ay nanunubig na ang mga mata at tuluyan na ngang bumilisbis ang luha sa pisngi niya. Humawak si Zian sa kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. "M-Mama, is h-he really my D-Daddy?" Pagkukumpirma nito. Tumango ako at pinunsan ang luha sa pisngi niya. Ngumiti ako. "Yes, n-nak. He is your Daddy. Your real D-Daddy" Tila bumagal ang buong paligid ng unti-unting bumitaw sa kamay ko si Zian at patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Zero habang umiiyak. Sinalubong siya ng yakap ni Zerron habang lumuluha rin at mabilis na binuhat at kinulong sa mga bisig niya. Nakita ko ang mahigpit na yakap ng anak ko sa kanya. Zian keep repeating saying 'Daddy' while hugging Zerron. I couldn't help but to cover my mouth to prevent myself from sobbing while my tears are streaming down to my face. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Nakakapanibago lang na makita ko ang ganitong eksena. Hindi ako preparado sa ganitong bagay. I didn't know that I would be this emotional while staring at the both of them. Kahit pa man puno ng luha ang mga mata ni Zerron ay nakikita ko ang sobrang saya sa mga mata niya. This is the first time that I see his smile again. Iyong ngiti na purong-puro na lagi ko noong nakikita kung saan matagal ko na ring nakalimutan. Ngayon ko ulit naramdaman ang ganitong kasiyahan. Ang kasiyahan na makitang magkasama silang dalawa. Napabuntong hininga ako upang ikalma ang sarili ko. Iwawaksi ko muna sa isipan ko ang mga pangamba ko at ito muna ang pagtutuunan ko ng pansin. "I m-miss you, Son. I really miss you so much" He whispered and kiss the side of Zian's forehead. "I miss you too, D-Daddy" Sagot naman ng anak ko kaya napangiti ako at pinunasan ang mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na masilayan ko ang sobrang kasiyahan sa mukha ni Zian. Napagtanto kong hindi ako nagkamali sa desisyon ko. Napatingin sa akin si Zian at nakangiti ito na halos umabot na sa kanyang tainga. "Mama, come here" Tawag nito sa akin kaya't napalunok ako at napatingin kay Zerron na seryosong nakatitig sa akin. Marahan akong tumawa saka umiling. "I know that you really miss your D-Dad. You s-should bond together, n-nak" Tumikhim pa ako pagkatapos ko iyong sabihin. Ang totoo niyan ay naiilang talaga akong kasama si Zerron. Hindi nalang ako nagpahalata dahil ayokong magtaka si Zian. Alam kong ang buong akala niya ay magkasundo talaga kami ni Zerro. Zerron cleared his throat so I diverted my gaze over him. Sumalubong sa akin ang mga mata nitong kulay asul na matagal ko ng hindi nasilayan sa mahabang panahon. Ako ang unang umiwas ng tingin at pinagtuunan ko nalang ng pansin si Zian na may malungkot na ekspresiyon. "But you don't miss Daddy, Mama? We both didn't see him for a long time. We should bond together po because we are family" Umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Zian lalong-lalo na ang salitang 'family'. Pumintig ng malakas ang puso ko. Hindi ko ipagkakailang natuwa ako sa sinabi nito. Pamilya. Tama, ngayon ay buo kaming pamilya pero taliwas ito sa katotohanan. Ngumiti ako ngunit hindi ito umabot sa mga mata ko. Saglit kong tiningnan si Zero ng makahulugan at napansin ko ang pagtiim-bagang nito. Alam kong apektado rin siya sa sinabi ni Zian. Alam kong alam niya ang tinging ibinigay ko sa kanya. It's about Heiress. His girlfriend. Tss. Hinawakan ko sa pisngi si Zian. "I know, Zi. But you should bond mo---" Natigil ang nais kong sabihin kay Zian ng hawakan ni Zerron ang kamay ko. Biglang may kung anong mga kulisap ang nagliparan sa tiyan ko at lumakas rin ang t***k ng puso ko. Tila natuod ako sa kinatatayuan ko at napigilan ko rin ang paghinga ko. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya kaya doon lang ako natauhan. "Mama is going with us, Son. Don't be sad" Masuyong sabi nito at marahan ulit akong hinila papunta sa sasakyan niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Kinalma ko ang sarili ko baka sakaling mawala ang kabang nararamdaman ko pero walang silbi, idagdag mo ang mga kulisap sa tiyan ko na walang ibang ginawa kung hindi magliparan sa loob. B-Bakit ganito ang pakiramdam ko? Alam kong wala na akong nararamdaman kay Zero, alam ko iyon sa sarili ko. Pero alam ko ba talaga sa sarili ko? Nagtatalo ang isipan ko ngayon. Bago pa man ako mabaliw sa nararamdaman ko ay pinilit kong inalis ang kamay niya sa kamay ko na hindi nagpapahalata kay Zian pero mas humigpit ang hawak doon ni Zero at talagang pinagsalikop pa ang mga kamay naming dalawa. Nang mailagay niya si Zian sa backseat ay bibitaw sana ako upang samahan ito pero hinigit ako ni Zero at isinara ang pinto. Pasimple ko siyang kinurot sa braso pero ang bwis*t ngumisi lamang at hinila ako papunta sa passenger seat. "Just for today, Eve. Just for today" Pakiusap nito sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. I swallowed the lump on my throat. Nagpatianod na lamang ako sa kanya ng marahan ako nitong pasakayin sa passenger seat. Binitawan na nito ang kamay ko at isinara ang pinto. Napahinga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Deritso lang ang paningin ko hanggang sa marinig ko itong sumakay na sa driver seat. Wala sa sarili akong napahawak sa kamay ko kung saan hawak-hawak niya kanina. I can still feel his warm hands on mine. Nangilabot naman ako dahil roon at mabilis na lamang na ipinunas ang kamay ko sa aking pantalon baka sakaling mawala ang pakiramdam ko na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD