Chapter 11

2057 Words
CHAPTER 11 - Daylight BORED ang matang nakatingin si Karen sa mga pagkain sa harapan niya. Sinangag, hotdog,itlog, tapa, tocino at daing ang mga ito. Mayroon din siyang hot mocha at pineapple juice sa tabi. Mamili na lang daw siya. "Hindi na talaga ako gutom, Rusell. Halos minu-minuto akong kumakain, hindi ka ba nagsasawa?" pakiusap niya kay Rusell. "Kakain ko o magkukwento ako kay Rhian?" bored lang nitong sabi na akala mo hindi big deal sa kaniya iyon. Inirapan niya ang binata dahil alam niya na kung ano ang gusto nitong ipunto, iyong pagtabi daw nila sa pagtulog kasi hinila niya raw ang binata na tabihan siya, e, wala naman siyang naaalala na ganoon ang ginawa niya! pero naniniwala siyang tabi nga silang natulog, ang hindi lang niya alam paano nangyari iyon. Bumuntong-hininga siya na hinarap si Rhian na takang-taka sa akto ng kuya niya. Nakauwi na sila dito sa bahay at kumakain nang sabay-sabay. "Don't mind what he said, Rhian." Tumango-tango ito kapagdaka'y nagsalita. "There's something that change with the two of you," naniningkit ang nga mata nitong wika. "Ano ba talagang nangyari sa inyo sa tatlong araw?" "Wala!" mabilis niyang sagot. "Walang nangyari sa amin ng kuya mo, no!" Umiling-iling pa siya sa dalaga na paniwalaan siya. Now, she is starting to think that she is going to be crazy. Bakit siya nag-oover react! Iyong tingin tuloy sa kaniya ng magkapatid, iba. Ngumiti si Rusell sa kaniya. Bakit kapag napapahiya siya ay ngumingiti ito. Naningkit din tuloy ang mata niyang tinitingnan ang binata. "Rhian will think that there's something happened to us if you're over reacting like that," mahinahon nitong sabi pagkatapos ay nilingon ang kapatid nito,"and to you little girl, eat more. Nagko-contest-an ba kayo ni Karen kung sino ang mas payat?" "I am not payat, kuya. Sexy ako. OA mo lang." "Yeah, she is sexy," segunda niya kay Rhian. Nagtinginan sila ni Rhian at nag-thumbs up ito sa kaniya. Tumango lang siya rito. "Hindi ko na tatanungin bakit ganito si kuya sa iyo pero alam mo ba na gusto magpunta ni Master Han dito, he is asking me about you kasi siguro hindi ka pumapasok. Ang sabi ko lang you are resting because you are sick, and humingi ako ng 1 week break mo." "Rhian, I am okay. I think I can go work tomorrow." "Isagad mo na kasi limang araw naman na." "No, tell Master Han that I will start working again tomorrow. Baka kulang sa manpower si Master Han since weekend bukas." "Kaya mo na ba talaga?" Tumango siya. Pero hindi siya tiningnan ng dalaga bagkus ay nilingon nito ang kuya niya. "Kuya? Okay na siya?" Tumango naman ito. "Yeah, she is perfectly fine but she still need to eat more. I don't care if you two work but if you don't eat, I will ruin the rights of your bar and sue that fish lookinh guy." Inirapan ni Rhian ang kuya niya, "Yeah, yeah, Attorney!" asar niya rito. "Gwapo si Master Han, no! Hmp." Attorney? Si Rusell ay abogado? "Attorney siya?" tanong niya. "Si Kuya?" ani Rhian. Tumango siya. "Ah o—" "Rhian! May langaw na sa kinakain mo," nagambala si Rhian pati siya ay dumako ang paningin sa plato nito upang tingnan kung may langaw nga gaya ng sinasabi ni Rusell pero wala naman. Nang mag-angat siya ng tingin ay mga seryosong titig ng binata ang sumalubong sa kaniya. "Wala naman, a," sabi niya rito. "Maybe he doesn't want to be caught," sagot nito sa kaniya. Tumango-tango na lang siya masyadong makatingin sa kaniya ito. Hindi naman sa ano, pero madalas niya napapansin ang pagtitig sa kaniya ng binata. Ano ba kasi gusto nitong sabihin? "Aalis na ako," sabi ni Rhian. Tumango siya rito pero si kuya nito ay may pahabol pa. "Do not get too close to your boss! I will drag you with me in Manila, Rhian!" sigaw nito pero ang dalaga ay nakaalis na. "Bakit ayaw mo sa boss namin? Kay Master Han?" Bored siya nitong tiningnan. "I just don't like him. No more question about him. Bilisan mo kumain, you're not touching your food." Kumain na lang siya. She feels like she is being dominated by this man porke iniligtas siya nito at inaalagaan mula nang gabing umulan. Siguro apat na araw na ang nakalipas. She must admit that she likes it at the same time she hates it because he looks so concern to her. Bagay na ayaw niyang mangyari. Hindi dapat siya nakakaramdam ng kasiyahan kapag nag-aalala sa kaniya ang binata. Matagal niyang binakuran ang puso at pagkatao niya sa tao, mapakaibigan man o manliligaw. She doesn't like the idea of being with someone lalo na at pag nakilala siya ay aayawan lang siya. "Mali-mali!" "Ano'ng mali? Are you alright?" pag-aalala nito sa kaniya. "Iyan-iyan! Iyan ang mali!" sigaw niya rito. Hindi siya nagagalit. Nag-aalala siya para sa sarili siya. "Naguguluhan ako, Karen," mahinahon nitong sabi. "Do not go around near me. Kakain ako ng tama, okay?" Masungit na sabi niya rito para maiwasan ang mata nito. His eyes telling her that he likes her, that his cares are true and his concerns are genuine. Kung pwede lang ibalik na lang nito ang kasungitan nito so she can hate him and guard her heart again. Tumayo siya para iwan ang binata ngunit hinawakan siya nito sa palapulusuan. "I'll leave, just finish your food," sabi nito sa kaniya sa mababang tono."Ang weird mo." Umalis na ito sa hapag kainan at iniwan siya. Ngayon ang kerengkeng niyang sarili ay nalulungkot, hindi kasi siya sanay na mag-isa siyang kumakain. Bakit ba kasi ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya at pati nararamdaman niya ay apektado. Ang lungkot-lungkot na tuloy na wala siyang pinapakiramdaman kumain. Sanay naman siya dating mag-isa pero ang lakas kasi ng presensiya ni Rusell sa kaniya nitong mga nakaraang araw na pati sa pagkain ay kinami-miss niya. Iiyak na sana siya nang biglang may kumurot ng pisngi niya. "Iniiyak mo diyan? Tapos ka na?" malambing naman ngayon ang binata. "Akala ko umalis ka na?" tanong niya habang pinipigilan ang paggaralgal ng boses. "No. I was just at the balcony. Hinihintay kang matapos. And then I got worried kasi parang ang lungkot mo nang lingunin kita. May naalala ka nanaman ba?" malambing nitong sabi. Wala na talaga. Iba na talaga ang presensiya nito sa kaniya and the way he spoke to her with tenderness, nadadala siya. Sanay siyang inaaway ni Rusell or sinasabihan ng masasamang bagay. Wala naman siyang pakialam pero mula nang magkasakit siya, Rusell is always as in every minete of her life, nariyan ito na parang kapag wala siya sa tabi ng binata ay pustahang hahanapin siya. Wala siyang ideya bakit ganito ang trato ng binata sa kaniya, gusto niya mag-assume na gusto siya nito pero mahirap na rin naman kasi mag-isip ng ganoon dahil aalis daw ito sa katapusan ng buwan. "Wala naman akong naalala," sagot niya pero nakatingin lang sa kaniya ang binata. Parang hindi ito naniniwala. "Hindi kita naiisip, no!" dagdag pa niya. Ngumiti ang binata sa kaniya, iyong ngiting hindi niya inaasahan. Is this the guy he met two weeks ago? A guy with a grumpy look but with stupid act? Kasi ang layo! The guy in front of her today is very very bright. Like he is really smilinh in her front na parang he found his happiness in her. Umiling-iling siya. It's impossible! Ang bilis-bilis naman ng panahon kung inlove ang binata sa kaniya. At siya? Hindi niya alam. Hindi niya alam kung gusto niya ang binata, what she knows is she is always finding the guy and she used to his presence. "D*mn, girl. I was not asking if you are thinking me. But, you are thinking me, ha?" Napanguso siya sa kawalan ng sasabihin. Tapos ininom na lang ang pineapple juice at tumingin sa kung saan. "Not ready to answer me when you are already caught? hmm?" ngumiwi-ngiwi siya at hindi pa rin ito tinitingnan kahit ano pa tanungin nito sa kaniya hindi uto sasagot kaya lang nagulat siya nang biglang sumulpot ang mukha nito sa harap niya. "Wha--t?" nauutal niyang tanong. "I am talking to you. It's rude if you are not anwering the question," natutuwa nitong sabi. "Crush mo yata ako, e, kasi iniisip mo ako!" Mahabang buntong-hininga ang ginawa niya at tiningnan ito mata sa mata. Matagal niyang inaral ang mukhang ito. Karen is thinking that it is dangerous for her to let her guard down. Hindi siya maaring ma-inlove. Kung babarahin niya ito ngayon ay mapipigilan pa niyang masaktan silang pareho. Inayo niya ang boses niya, the one which people called "cold" "Lumayo ka nga," malamig niyang sabi. "If you are too close to me,you are invading my privacy." Nagtaka ito sa inakto niya. "Oh," tango-tango nitong sabi. "You change your attitude so quick, woman," sabi nito sa kaniya. Umiling siya at sinabing, "do not ever ask me if I have crush on you, I was just thinking you because I need to finish the food you are giving to me." Tumango ito nagkibit balikat. "If that's what you want to say, then okay, reason accepted." Naningkit ang mga mata niya sa binata. "Wala ka bang trabaho? Why are you always here?" "This is how I work. My work is here," saka siya nito kinindatan. "Here? In this island?Anong trabaho mo rito?" "Mangingisda ng mga surfer?" hindi nito siguradong sagot sa kaniya. She is clueless of what he is referring too pero hindi siya naniniwalang nagtatrabaho ito. "Stop pretending to me, Rusell. You and Rhian are rich people, I know that. Rhian stayed here because she enjoys the island. E, ikaw? Anong pakay mo rito?" Tumango ito. "Yes, we are rich. But before answering your question, how about you, baby, are you also pretending that you are living here?" Kumunot ang noo niya, hindi dahil sa pagbabalik nito ng tanong sa kaniya kundi tinawag siya nitong baby! "Do not call me baby, I am not your baby." "Ikaw kaya ang nagtawag ng baby sa akin noong natulog tayo sa iisang ka—" "RUSELL!!!" galit niyang pigil dito. "Can you drop that 'iisang kamang natulog', kapag naririnig ka ng iba baka sabihin nilang totoo!" inis niyang sabi rito. "Isipin nila may nangyari sa atin!" Humalakhak ang lalaki. "Baby pa lang tinatawag ko sa iyo, nagkakaganiyan ka na. Gusto mo totohanin natin ang baby?" "Ano—teka, bakit lumalapit ka," kinakabahan siya! Umurong siya nang umurong hanggang sa wala na siyang maatrasan. Papalapit si Rusell sa kaniya, the guy was smirking at her. Pero parang mali....bakit parang familiar ang ganitong senaryo? Bakit parang nangyari na ito sa kaniya? Nilingon niya ang paligid...everything was dark. Nahihilo siya tapos ay tumingin uli sa lalaking sa harap niya. Si Rusell ang dapat na nasa harapan niya pero hindi it was Richard, her stepdad. "Huwag...huwag kang lumapit." Ngunit nakangiti lang ito sa kaniya, nilabas ang dila at bahagyang kinagat ang labi. He is lusting her. "Huwag! Huwag, daddy!!!" sigaw niya pagkatapos ay niyakap ang sarili. "Daddy, huwag. Anak mo ako!" sabi niya nang biglang lapitan siya nito at hinalikan. "Karen! Karen!" "Huwag!! Huwag!! Baboy ka!!" "Karen, it's me, Rusell!" Parang magic na biglang bumalik ang lahat sa paligid. Maliwanag na. Nasa bahay sila, bukas ang bintana at ang nasa harapan niya ang nag-aalalang mukha ni Rusell. "I am sorry, I shouldn't trigger you like that," niyakap siya ng binata. She is crying in his arms again. Dati-rati, sa panaginip lang. Now, it happens in her during daylight. Habang gising siya. "D*mn, ang tanga ka, tang*na!" pagmumura ng binata. "Stop crying, Karen. I will not do it again. Stop crying, nahihirapan ang kalooban ko." She did not listen. Nag-aalala siya. Why was her stepdad always chasing her even if he died long years ago? -- A/n: Sa Chapter 11-20, reveal natin kung nasaan ang ibang character na nakita niyo sa Prologue. At fun fact, guys. Nasa mga nabanggit ko na character ang pumatay kay Richard. Bahala na kayo manghula. Ps. Unedited ito. Maraming typo at walang edit-edit, basta sulat-sulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD