Chapter 7

2004 Words
Chapter 7 - Found LALONG lumakas ang buhos ng ulan. Ilang beses nagmura sa iba't ibang lenggwahe si Rusell sa pag-aalalang hindi pa rin nila nakikita ng kapatid niya si Karen. "Go home, Rhian. Ako na ang hahanap sa kaniya. Malakas ang ulan baka kapag umuwi ang kaibigan mo sa bahay at wala siyang datnan na tao, mas siya ang mag-alala at tayo ang hanapin." "Pero, kuya—" "No buts, little girl!" sigaw niya rito dahil naliligo na sila ni Rhian sa ulan. Siguro ay dala na rin ng sitwasyon, mabilis niya napasunod ang kapatid niyang mareklamo sa buhay. Kaya nang masiguro niyang nakauwi na ito ay mabilis naman niyang inikot ang buong dalampasigan. Nagpunta na rin si Rhian sa pinagtatrabahuhan nila at lahat ng tao doon ay hindi nakita si Karen. That chef there, Mr. Han, if he is not mistaken is also out there to find that woman. Bakit ba lagi itong nawawala?Bakit lagi itong nagpapahanap? Inis na napamura ang binata. Naiinis siya pero mas nananaig ang pag-aalala sa puso niya na hindi naman niya alam saan niya nakuha o saan nanggaling ang pag-aalala niya, hindi kaya nasobrahan siya sa mga pinagsasabi niya kanina? Umiling siya. Karen is a tough girl if she can easily hurt with what he said, matagal na itong sumuko sa buhay pero kasi kung umasta ito, she looks so very independent. Ang hirap-hirap ng kalagayan na hanapin ang dalaga sa malakas na ulan. Una ay kung lalaot sila sa tubig, madilim. Hindi rin biro ang mga alon kahit sa kalmang ruta ay hindi maaari dahil mas mataas ang alon. Where the hell is she? Saktong-sakto naman may isa ring matandang lalaki na nakatingin sa dagat na paglalautan ng mga bangkang sakayan para makatawid sa bayan. May dala itong flashlight at nakakapote. Nilapitan ito ni Rusell at nagtanong. "Mawalang galang na po, imposible po bang bumyahe papuntang district?" "Oo, e. Kung pipilitin natin bumyahe baka ang lalaot ang mapapahamak." Natahimik siya. He is really damn worried about that woman!To the point na nais na niya languyin ang dagat. Nasaan ito? Tiyak niyang wala ito sa islang ito dahil ayon sa napagtanungan niya, huling kita nga ng mga tao rito ay narito ito sa sakayan. Dito mismo! "Ako man iho ay nais kong pumalaot, nag-aalala ako at ng misis ko sa dalagang taga rito. Kaninang last trip ay hindi ko siya naisakay,hinihintay ko siya pero wala, hinatie ko pasahero pagkatapos ay bumalik ako ngunit wala siya. Ngunit alam kong hindi pa iyon nakakauwi dahil ako lagi ang huling bangkang bumabyahe at wala sa kasamahan ko ang nakakita sa kaniyang umuwi na." Mabilis niyang nilingon ang matanda. "Iyong babae po ba ay may mahaba na buhok,tuwid at bagsak na maiitim, may bangs po itong ganito," paglalarawan ng binata sa mama, full bangs ang tinutukoy niya. "Tapos ay maputi ito, medyo singkit at matangos po ang ilong na may nunal sa tungki nito? Saka manipis po ang mga labi at nasa 5'4 ang taas?" Nakatulala lang sa kaniya ang matanda pagkatapos ay ngumiti. Doon niya napagtantong para siyang lover boy sa paglalarawan sa dalaga. Tan*ina, para siyang halatado. "Sa madaling salita, iho, maganda? Oo, siya nga. Tahimik lang ang dalagang iyon pero hindi madamot. Lagi-lagi nga sa t'wing huling linggo ng buwan, Lunes, iho, at uuwi iyon ng gab? may dala iyon para sa mga apo kong maliliit," pagmamalaki ng matanda. Tumango-tango siya at natahimik. Bakit lahat ng mga nakakasalamuha niya ay maganda ang sinasabi sa dalaga. Hindi ba't isang brat, rebelde at socialite ang dalaga noon? Ayon sa student record nito, ilang beses itong nasa Guidance Office at laging problema ng ama dahil sa gabi-gabi nitong pag-uwi ayon sa mga katulong na kasama nila sa bahay. Kaya hindi niya makuha kung bakit ang mga tao rito ay iba ang sinasabi tungkol sa dalaga sa alam niyang ugali talaga nito. "Lalaot ako, iho. Humihina na ang ulan at kumakalma na rin ang dagat. Sasama ka ba?" Nangiti siya. Hindi niya alam kung saan galing ang pagngiti niya pero mabilis siyang sumakay sa bangka nito. "Opo!" Umiling-iling ang matanda. "Kabataan talaga!" komento nito. Nang aandar na ang bangka nila ay biglang lumitaw ang singkit na lalaki sa harapan niya. Sa alam niya ay heto ang chef at may-ari ng pinagtatrabahuhan ng dalaga. "Mang Karlos, magpupunta ka ba ng bayan? Sasabay ako, rerentahan ko ang buong bangkang ito! Hahanapin ko ang empleyado ko!" humahangos na sambit ng lalaki. Awtomatikong tumaas ang kilay niya at seryoso niyang pinagmasdan ang binata. Basa siya at basa rin ito. Pareho silang basang-basa. So, talaga ngang naghanap din ito? Narinig niya ang pagtawa ng matanda na napag-alaman niyang Mang Karlos pala ang pangalan. "Kahit hindi ka na magbayad, iho, dahil hahanapin talaga natin ang batang iyon," usal ni Mang Karlos. "Saan na kaya iyon?" sabi nito pagkatapos ay pinaandar ang makina. Nagsimula na silang pumalaot. Sumakay ang binatang seryosong nakatingin sa dagat. Animo ay wala ng tao sa paligid, para siyang hindi nag-e-exist. Sabi ni Rhian ay walang nobyo si Karen. Walang nobyo pero may isang mukhang hito ang nagkakagusto rito. Singkit ito, kaya nga mukhang hito. Maputi at gaya niya ay may tikas din ang pangangatawan. 6'1 ang height niya at sa tantiya niya ay 5'9 lang ang nasa harapan niya. Height lang iniisip niya pero he feels like he won the lottery. Hindi niya sinasadya kung bakit tumikhim siya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdaman niya ay nababastos siya ng lalaki sa harapan niya, naiinis siya sa hindi nito pagpansin sa kaniya o talagang hindi sila bagay ng dalaga kaya inis na inis siya? Lumingon sa kaniya ang mukhang hitong may-ari ng party bar na kung saan dalawang babaeng kasama niya sa loob ng bahay ang nagtatrabaho sa ilalim nito. Tumango ito sa kaniya nang bahagya upang bumati. Bahagya rin siyang tumango upang magpakita ng paggalang sa pagiging lalaki nilang dalawa. Ayos na iyon, right? Pero naiinis pa rin siya. Why is this fish-looking man looking for Karen? "Empleyado mo ba iyong dalaga, Chef?" pagbasag ni Mang Karlos sa katahimikan "Opo, matagal ko ng trabahador si Karen. She is an excellent employee in my party bar. Maaasahan sa trabaho kaya nag-aalala po ako sa aking empleyado." "Napakabait mo naman sa mga empleyado mo, chef, kaya siguro matagal na siya sa iyo, ano, ho?" "Opo, matagal-tagal na din siya sa akin." Hindi talaga niya gusto ang lalaking ito.Period. Hindi nanaman niya alam kung saan galing ang mga pa-"ko" at "akin" nito na inuugnay sa pangalan ni Karen na akala mo Karen is his property. "Ikaw iho, kaano-ano mo ang dalaga?" Nilingon siya ng lalaki, iyong mukhang hito. Hindi niya gusto ang mga tingin nito na parang sinusukat din siya. Tumikhim siya. Dumekwatro. Pagkatapos ay seryosong sinabi. "Manliligaw po niya ako." Tumawa ang matanda. "Kaya naman pala alalang-alala ka. Ingat ka sa puso mo, iho. Hindi madaling makuha ang oo ng dalagang iyon." Tumango lang siya pero ang mata niya ay nakikipagsukatan ng tingin sa lalaki. Nag-igting ang panga niya at seryosong nakatingin sa binata dahil maski ito ay hindi maipinta ang mukha sa sinabi niya. As a man, he knows when someone is liking a woman and this man in front of him has a feeling for Karen. At hindi niya iyon nagugustuhan. Hindi na talaga niya naiintindihan ang sarili. Bakit nagkakaroon siya ng disgusto sa lalaking posibleng maging karelasyon ng dalaga? Sa pag-aalala pa lang para sa dalaga ay nagtataka na siya kaya bakit ang ipagdamot ang dalaga sa iba ay parang ginagawa na rin niya. For Pete's sake, Rusell! You have your own woman! Why are you quarreling eye to eye to this fish-looking guy! Siya ang unang nagbawi ng tingin, he has no right to fight. He has his own woman and Karen is not that woman. Isang linggo pa lang siya sa isla, hindi sila madalas magkatagpo ni Karen dahil 'pag umuuwi ito ay diretso sa kwarto. Ngunit sa isang linggo, nakita na niya ang mga gawain ng babae. Gumigising ito ng alas diyes ng gabi upang tingnan ang buong bahay kung naka-lock ba, naiintindihan niya iyon dahil ganoon naman talaga ang nagtatagong tao ang hindi niya maintindihan ay ang pag-aalaga nito sa kapatid niya. Alas diyes ng gabi ay nilalabhan nito ang mga damit nila, nililinisan ang kusina, hinahanda ang pagkaing iluluto sa umaga pagkatapos ay mamalantsa ng susuotin nila para sa trabaho bukas, isasabit na lang nito iyon sa dingding na may pako at handa ng isusuot ni Rhian. Rhian is right, this girl is really like an Ate for someone like Rhian who doesn't know how to clean in her own. Her sister is a self-proclaimed all in all woman who can do everything pero ang babaeng tinutugis pala niya ang nag-alalaga rito. After she clean the house and making it safe, saka lang ito matutulog na and that is 12 in the morning. Sa t'wing wala ang dalawa at nasa trabaho, napag-alaman niya sa islang ito na nasunog nga ang maliit na bahay na tinitirhan nito dahil sa batang naglalaro ng posporo sa harap ng bahay nito at sa pagkamangha niya ginamit daw ni Karen ang ipon nito para bayaran ang bahay na nasunog sa may-ari kahit sabihin ng may-ari na hindi nito kasalanan para lang hindi kagalitan ang bata at hindi ma-trauma mula sa galit ng mga matatandang residente. Why is she acting like a saint? Litong-lito siya kung ano nga ba talaga ang tunay na pagkatao ng dalaga? Kung ano man iyon, hindi mababago no'n ang katotohanang pumatay ito. And there is nothing more sinful than to murder people. She should know that. You are still a sinner, Karen. Kahit ano pang pagbabago ang ginagawa mo. --- "Nandito na tayo," anunsiyo ni Mang Karlos. "Malakas pa rin ang ulan dito sa bayan. Nakakatakot, o. Pati ang punong iyan nabuwal na sa lakas ng ulan." Lumukso siya pababa ng bangka. "Una na po ak—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tapikin ni Han ang balikat ng matanda. "Bawi ako, Mang Karlos," sabi nito pagkatapos ay umalis. "Karen!!" sigaw nito habang hinahanap ang dalaga. Nag-igting tuloy ang panga niya. "Magmadali ka na, iho. Sino man ang makahanap sa batang iyon ngayon, magkakaroon ng puwang sa dalagang iyon," paalala sa kaniya ni Mang Karlos. "Sa palagay ko ay may pagtatangi rin ang chef na iyan sa dalaga, pero diskumpiyado ako sa chef na ito ang babagay sa batang iyon dahil maraming umaaligid na babae riyan kay chef," naaaliw na sabi ng matanda. Heto nanaman siya sa may iba sa pakiramdam niya. Naiinis nanaman siya sa kadahilanang baka maging magkasintahan ang dalawa kung mahanap nga nito iyon. Tumakbo rin siya, iyong mabilis na takbo. Habang bumubuhos ang malakas na ulan. Habang may pagkidlat at kulog. Nakakatakot man na baka tamaan siya, hindi na niya ininda. Nakakatakot sapagkat sabi ng matanda, daungan pa lamang ito, sa hindi kalayuan pa raw ang talagang bayan kaya kahit walang choice tinakbo niya ang lugar kung saan sabi ni Mang Karlos ay diretso lang. Iba ang direksyon ni Han. Nagtanong-tanong ito sa mga mangingisda. Iyon ang huli niyang alam, siya naman ay sinundan ang sabi ni Mang Karlos, dumiretso lang siya. Kahit basang-basa at lumalabo na ang mata niya sa ulan, tuloy lang siya. Malayo na siya sa daungan, madilim kung sa madilim pero biglang lumiwanag ang lahat ng makita niya sa di kalayuan na may babaeng lantang-lantang naglalakad habang yakap-yakap ang bag na nakaplastic. The height, the hair, the skin! He knows right away that the girl is Karen! "Karen!!" -- A/N: Sa mga taga-Siargao diyan, work of fiction po ito. Hindi ako sure kung iyong district proper ay hindi maingay at maliwanag. Hehe. Anywwy, enjoy! And do not forget, kahit follow lang sa Dreame "Jelica Manuel" salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD