Chapter 6 - Lost
MASAYANG naupo si Karen sa isang pang-isahang upuan na yari sa abanikong mahigpit at matibay sa pagkakagawa. Nangiti siya sa amoy ng mga librong halatang gamit na gamit na. Madalang lang ang bagong libro sa library na ito kaya kung ano lang ang meron ay iyon lang din ang binabasa niya.
Inilapag niya ang mainit niya pang kape na binili niya sa tabi ng pambayang library. Maaari naman siyang magkape sa library dahil di naman ganoon kahigpit ang mga nagbabantay rito, actually walang nagbabantay kaninang dumating siya, may nagbabantay pero malamang nasa katabing stall ito at nakikipagkwentuhan sa kaibigan. Saka matagal na siyang pumapasok dito kaya hindi na siya sinisita, kilala naman siya na hindi makalat at hindi maingay.
Agad-agad ay kumuha siya ng libro, she prefer the one she can study. Kaya ang Principle of Business Ethics ang kinuha niya. She then get her notebook where she can jot down all the significant details of her study. She read about Honesty, Integrity and many more ethics that a business people should practice in order for them to be a good businessman.
Habang nagbabasa, nangarap tuloy siya. Nakasuot siya ng corporate attire. Maayos na nakaipit ang buhok niya na kahit isang hibla ay hindi mailulugay. Plantsang-plantsa ang kasuotan niya, may maayos at presentable siyang mukha at nakangiting inaasikaso ang demand ng kaniyang mga executive bosses.
She didn't even dream being an executive lalo na pa at hindi na iyon magiging posible, at ayaw niyang maging boss, or hindi niya pa nakikita ang sarili niyang ganoon habang hindi pa siya nagiging empleyado, if she can be a boss someday, gusto niya iyong deserve niya hindi dahil sa may pera siya.
Things you acquire by not exerting effort to learn on how to operate it is like a suicide corporation. Hindi aasenso ang isang kumpanya kung ang may ari ay umaasa lang sa desisyon ng iba. That is not going to work. Or if so, isa siyang walang dangal na CEO o isa siyang puppet boss and that's an insult in the business world. Ang galing niya, ang makaisip lang ng prinsipyo bilang isang business person ay nakakapagpa-excite ng pagkatao niya.
She enjoyed daydreaming. She is smiling, heto ang sinasabi niya kay Master Han noon, she will only smile when she is happy. Peke na nga ang pagkatao niya, pepekein pa niya ang sarili niya? No, hindi niya kakawawain ang sarili niya. Kahit feelings man lang ang nag-iisang totoo sa kaniya.
Karen again fall into her dreams...seeing herself happy. Nakikipag-tsismisan during office break sa colleagues niya, confident and happy—that's her dream— iyon nga lang, isa itong pangarap na walang kasiguraduhan.
"Maradjaon na gabii.Adto anay ako, Miss. Tara na?" (Magandang gabi, aalis na ako, e. Tara na?"
Tumango siya at nagmadaling lumabas na rin.
Gabi na pala! Gulat na gulat si Karen nang mapagtanto niyang gabi na talaga. Gabi na rin kasi natapos makipagdaldalan ang caretaker ng library na ito. Alas singko ang last trip ng bangka at malamang ang oras ngayon ay alas siyete na, wala ng byahe. Gabi na ito para sa mga lugar na gaya nitong hindi active ang district mall. Hindi gaya sa Manila na nag-uumpisa pa lang ang araw sa gabi. Maingay, maliwanag at punong-puno na tawanan. Malamang ay tulog na ang mga tao rito.
Kinabahan tuloy siya. She can't check in to the hotels, transients or whatsoever sleeping places because she might get caught. At may trust issue siya sa tao. Kapag nahuli siya, mapapahamak lahat ng mga mahal niya at baka lahat ng prinoprotektahan niya ay mapahamak din. Also, di niya afford ang mga hotels dahil booking lahat dito, trancients are also expensive dahil tourist destination ang Siargao, saka hindi talaga niya afford dahil nag-iipon siya for moving out in Rhian's place.
Kung minamalas nga namang talaga, umulan pa. Tumingala si Karen sa langit at palakas nang palakas ang ulan. Hindi na niya nagawa pang makasilong dahil biglaang bagsak nang malakas ng ulan. Sa kasamaang palad may kasamang kulog at kidlat ang ulan na ito kaya nakakatakot na ansa gitna. Mabilis tuloy na nabasa ang puti niya pang damit. She is becoming more irritated kasi summer naman bakit umuulan!? This is why climate change is bad and no matter how government or department of environmental and natural resources warn us about how serious this is, hindi tayo nakikinig. Kaya kahit summer na, nag-uulan pa rin talaga. Dahil patuloy tayo sa pagsira sa kalikasan kaya pati panahon, hindi na mabalanse.
Or malas lang talaga siya?
Luminga-linga siya sa paligid at nakitang wala na talagang tao. Mistulang bahay na walang nakatira ang lugar medyo madilim na rin kaya parang haunted place. Tanging ang mga poste na lang na hindi ganoon kalakasan ang ilaw ang nagsisilbi niyang liwanag.
Bakit ba kasi siya naidlip kanina sa library? Bakit kasi nakatulugan niya ang mangarap! Is this a sign from Lord na when she pursue her dream, may mangyayaring malas sa buhay niya?
Kainis. Ang unfair talaga ng buhay sa kaniya. Sa sobrang unfair, ang sarap magpatama sa kidlat para tuluyan na siya pero naisip niya, hindi ba hindi niya rito pinangarap mamatay?
Naglakad siya. Basang basa na siya, kahit mga panloob niya ay basa na rin. Hindi siya gutuming tao pero nararamdaman niya rin ang sikmura niya. Palibhasa ay kape lang at maliit na cheesecake ang kinain niya.
Sa paglalakad ni Karen ay nakakita siya ng maliit na waiting shed, bahagya siyang ngumiti. Kahit papaano ay hindi madamot sa kaniya ang pagkakataon sapagkat may masisilungan siya. Kaagad siyang tumakbo malapit doon. She is like a stray cat. Tao na walang gustong magpasilong kundi magsumiksik sa lugar na p'wede siya.
Ang tapang-tapang niya pero naluluha siya. Ang malas-malas talaga niya sa buhay. She is suspected for murder that she even herself didn't know if she's the one who killed her stepfather dahil ang sabi sa balita, baril ang dahilan ng pagkamatay ng father niya. She didn't know how to use gun! Ni laruin ang laruan ng baril hindi niya nasubukan. She is a brat but her stepfather is a demon—she and her brothers saw how her stepfather battered their mom! Nakita niya at ni Mario at Molly kung paano sinikmuraan ng ama nila ang kanilang ina pagkatapos ay diretsong sinuntok sa mukha. Her mother silently cried that night and that still pisses her off kahit patay na si Richard.
She still remember that night pero nilalabanan niya ang trahedya na sumira sa pamilya niyang sirang-sira naman talaga. Isang linggo siyang galit sa sarili at takot dahil alam niyang napatay niya ang ama-amain but when she heard on news that gunshot is the reason why Richard Manansala died, she knew right away na hindi siya ang pumatay but when she saw herself and her two brothers in the national news, maging sa flash news as the prime suspects, kaagad ay nagtago sila dahil alam nilang sila lang at wala ng iba sa bahay na iyon.
Palaisipan din sa kaniya kung sino ang pumatay sa amain niya, pumasok sa isip niya ang mga kapatid niya but they were sleeping nang magpang-abot sila ng amain niya at aksidente niya itong muntik mapatay.
May isip na si Karen noon at binatilyo na rin si Molly, bago pa niya maisipang magtago, nakapagtago na ang dalawa niyang kapatid.
May tumulong sa kaniya para lumayo dahil malakas daw ang ebidensiya ng abogadong magaling na hindi niya pa kilala na magpapatunay na siya ang pumatay. Pinayuhan siya ng malapit sa kaniya na siyang tumulong sa kaniya na magtago dahil gagawa raw ito ng paraan para mapalabas na wala silang kasalanan magkapatod. Giving her money and telling her that Molly and Mario are safe, that's enough for her to calm down.
Iyon nga lang, nang tawagan niya ang tumutulong sa kaniya para makipagkita dahil gusto na niya ng update sa kaso, imbes na ito ang dumating ay mga pulis. Hide and seek with the police that time almost killed her. Hanggang sa nakita na lang niya ang sarili na nililisan ang Luzon at nakarating dito sa Siargao.
She feel betrayed and her life is so doomed! Ang tumulong sa kaniya ay ipinagkakanulo sila lalo sa korte kaya alam niyang di na normal ang buhay niya. Ineenjoy na lang niya ang pagtatago niya sa dagat. Sa limang taon niya sa Siargao, tinanggap na lang niya na one of these days, may pupunta at papatay sa kaniya o kaya ay maglalagay sa kaniya sa kulungan.
And she is not willing to die or rot her life in prison or die in their hands dahil inosente siya.
She is the victim here at unti-unti ay nawawalan na ng pag-asa oa ang kaso nila and she know, sooner, mamatay na siya. And since Siargao is her safe haven for years, she decided that she will die in the ocean and that's final.
"Siargao will be my dying place," nanginginig ang labi niyang bulong habang tumutulo ang luha kasabay ang pagkidlat at kasunod ng pagkulog na diretsong nanunuot sa pagkatao ng sawing dalaga.
------
"At last, little girl! Where were you, is this a decent time of you coming from work?" inis na bungad ni Rusell sa kapatid niyang babae na si Rhian na ginagabi na ng uwi.
"I didn't know, brother, that you are a nagger. Umuwi ka na kaya sa Manila, hindi ako sanay na kinikwestiyon ako sa bahay ko," masungit din nitong sagot sa kaniya. Hindi niya pansin ang kapatid niya.Tumitingkad-tingkad siya kung may kasunod ito. She is looking for Karen outside the door dahil baka kasi kasunod lang siya ng kapatid niya, nang umuwi siya ng alas-kwatro kanina ay wala na ito, at mag-a-alas nuwebe na ng gabi. Ganito ba ang talaga ang dalaga? And to think na hindi siya umuwi kanina para makaiwas at makakalimot sa attractive beach body nito at dangerous smile ng dalaga.
"Si Ate Karen, kuya?" walang ideyang tanong ng kapatid niya.
Nagpanggap siyang wala siyang paki. "I don't know, hindi ba kayo magkasama?" ganting tanong niya.
Bigla itong lumingon sa kaniya. "What? Wala pa siya? Bakit hindi mo hinanap?" nanlalaking mata na tanong ng kapatid niya. "Oh no!"
"Leave me alone, Rhian. I don't care about that rude girl Karen," malamig niyang sagot sa kapatid.
"Hindi mo man lang ba naisip na umuulan, matataas na ang mga alon sa labas and Ate Karen doesn't have any friends here, saan uuwi iyon? Wala talagang kaibigan iyon dito, Kuya. Alam ko dahil dalawang taon ko ng kasama at sinubukang kaibiganin si Ate Karen kaya alam kong wala iyong kaibigan dito," natataranta nitong reklamo. "And she has a mental problem, kuya, heto-heto lang, ako pa ang kasama sa hospital nu'n," mahinang sambit ng kapatid niya habang siya ay gulong-gulo, parang may sumisipa sa dibdib niya. "Kuya....alam mo bang hindi lang isa kundi maraming beses na itong bumabanggit na kung sakaling mamatay ito ay sa dagat niya gusto. I'm afraid, kuya. Ate Karen is a nice girl, I know because I observe her for 2 years of staying here. Alam mong observant akong tao. Wala siyang kaibigan, kuya, but she is a helpful and kind sister to me. Hindi halata sa gawa niya pero maraming beses na siniguro niyang ligtas ako, hindi lang niya pinapakita ang malasakit niya sa tao pero, kuya, I can feel it."
Tuluyan ng umiyak ang kapatid niya.
"Tulungan mo ako, kuya. Hanapin natin siya," pagmamakaawa ni Rhian.
"I will find her but this is just for you. I still don't like that woman," deklarasyon niya.
Tumango ito at bumuntong hininga. Even without Rhian asking for his help, hahanapin niya talaga ang dalaga. Baka may kakatagpuin ito o tinatago na makakapagpatibay na ito ang pumatay sa amain nito. He can drag Rhian out of here, kaya ang pag-i-stay niya rito ay dahil lang talaga kay Karen para humanap ng mas dadagdag na ebidensiya.
She will send Karen in prison and make her pay for her sin.
At para mabawi na rin niya ang ego at pride niya sa pagkatalo ng first ever case niyang siya nga ang dahilan.
Iyon lang talaga ang dahilan at wala na pero damn Rhian, she is so dramatic kanina na pati puso niya ay sumasalungat sa isip niya.
Hindi niya gusto pero nag-aalala siya sa dalaga! Ano na kaya ang nangyayari rito?
--