Chapter 8 - Cold
KAREN has no choice kundi maglakad papuntang sakayan ng mga bangka, if she will stay in the waiting shed lalo lang siyang nababasa, hindi naman saradong-sarado iyon at kung hindi siya aalis doon siguradong dengue ang aabutin niya. Maraming mga lamok at sobrang baho pa.
Naglakad siya yakap-yakap ang bag niya na binalot niya ng plastic para hindi tuluyang mabasa ang mga gamit niya sa loob. Basang-basa na siya at gutom na gutom pa. Kung makakakita lang talaga siya ng pagkain sa daan ngayon ay kakainin niya kaagad. Ganoon siya kagutom.
Iyong dapat na 15minutes na byahe papunta sa sakayan ay umaabot na siya ng isang oras, bukod sa mabagal na siya sa paglalakad dahil sa gutom at pagod. Hinang-hina na rin siya sa takot sa kulog at kidlat. This is insane! Why of all time!? Bakit ang malas-malas niya.
Palagian din ang tingin ni Karen sa kaliwa't kanan kung may tao bang mahihingian niya ng tulong pero may kaba rin sa dibdib niya na baka pag may magbabalak ng masama sa kaniya ay hindi siya makakalaban. She was so weak and tired and hungry.
Tumigil siya sa paglalakad, lumiwanag ang langit dahil sa pagguhit ng mahabang kidlat. She starts to cry, hindi naman totoong kaya niya lahat...hindi naman totoong matapang siya. Ang totoo, takot siya. Sa lahat. Takot siya sa tao, sa dagat, sa lahat. No one sided her. No one has ever look for her. Walang magtatayo sa kaniya kung sakaling madapa siya. Wala siyang aasahan kung sakali mang mapahamak siya at kung sakali man tamaan siya ng kidlat, walang magtatangkang iligtas siya.
She is weak and useless. She is a girl who is not worth it, baka nga matutuwa pa ang mga tao na wala na talaga siya.
She smiled, bit her lips and her eyes got teary again.
"Lord....alam naman po ninyo ang laman ng puso ko. Alam naman po ninyo ang nararamdaman ko, pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na," gaya ng mga gabing nararamdaman niya ang kakulangan sa buhay niya, humagulgol siya. Kasabay ng malakas niyang hagulgol ang malakas na kulog. Tumayo siya at naglakad uli, ilang mga hakbang pa lamang ay nanlabo ang mata niya kaya hindi niya nakita ang batong nakaharang, nadapa siya at sa pakiramdam niya nagasgas ang tuhod niya at pisngi niya.
She let herself in the ground. Ginaw na ginaw.
"Karen!!" she heard a familiar voice. Hindi pa rin niya sinubukan tumayo. She must be hallucinating, right?
"Oh, Jesus! KAREN!" that voice...ngumiti siya, ang boses na iyon ay boses ng pag-aalala.
May maghahanap din pala sa kaniya.
May mag-aalala pa rin pala sa kaniya.
May kukuha pa rin pala sa kaniya sakaling madadapa siya ng ganito.
Itinayo siya ng may-ari ng boses na iyon. Nang mapagsino ito ay hindi niya napigilan hindi maiyak. Naiiyak siya dahil hindi niya akalain na ang maghahanap sa kaniya ay ang taong pilit siyang pinapalayo sa landas nilang magkapatid.
Tinitigan siya nito. Nakikita ko sa mata nito ang awa at pag-aalala. "Look at you! Damn!" galit nitong sabi nang makita ang kabuuan niya. "Wala ka bang kakikilala na mapagtutuluyan dito, why are you going in a place without someone else you know!" galit ito pero iyong action nito iba sa sinasabi nito. "Sinasabi mong ako ang istupido pero sa ginagawa mong ito, I think it's the other way around. You look so helpless," sabi nito habang binubuhat siya nito. "Ang gaan-gaan mo, kumakain ka ba?"
Ngumiti siya. Hindi niya minsan man na naramdaman ang kaligtasan not until he is carrying her.
"Thank you, Rusell," sambit niya sa mahinang boses.
Natahimik ito. "Do not look so helpless in front of me, please," mahina nitong sambit. "Hindi ako dapat nag-aalala sa iyo. Mali, e."
Ngumiti siya. Wala na siyang lakas para intindihin ang sinasabi nito. Gusto niyang pumikit.
"Don't you dare to sleep! Gising ka lang dapat hanggang sa makarating tayo sa hospital."
Tumango siya at yumakap ng mahigpit dito, lalo rin siyang binuhat ng binata.
"Nagugutom ako."
Huminto ito sa paglalakad pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "Hindi ka pa kumakain?"
Tumango siya at ngumiti.
"Fvck," mura nito "Napakapabaya mo sa sarili mo, Karen."
Iyong kaninang dahan-dahan nitong lakad ay binilisan nito. Parang sa bawat hakbang ng binata ay naroon ang bigat ng yapak nitong iligtas siya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya nakita o naramdamang may taong matatakot na mawala siya. Rusell's footstep telling her that she will be alright. Humahangos ito habang nagmamadaling iuwi siya.
"Ano'ng nangyari, iho? Nakita mo siya!?" nag-aalang wika ni Mang Karlos nang makarating ito sa sakayan.
"Opo," mabilis nitong sagot at walang pag-aalinlangan siyang sinakay sa bangka.
The water is calm already. The rain is no longer heavy. Patik-patik na ulan na lang but she is still trembling of cold.
Hindi na kumikibo si Rusell. He looks so serious while still carrying her na parang maiibsan ng yakap nito ang lamig niya.
Mayamaya ay inubo siya kaya napatingin ito sa kaniya.
"Girl, you are really starting on making me crazy. Sabi kong huwag kang nagpapakitang mahina sa harapan ko, my heart is starting to feel weird, hindi dapat 'to," galit nitong sabi habang ang mga palad ay bahagyang hinagod nito sa likod niya upang matigil lang ang pag-ubo nito.
"Gutom na talaga ako," sabi niya kapagkuwan. Bumuntong hininga ito.
"I can buy all the fvcking foods out there for you to have it and eat it, but girl, we're helpless in the middle of the sea, so hold on, alright?" mahina nitong bulong sa kaniya. Pero ang tiyan niya hindi nakikisama. Tumunog ito. "D*mn!" pagmumura nito.
"Mang Karlos, mawalang galang na po pero wala na bang ibibilis ito?" pakiusap nito sa matanda.
"Sandali, iho. Madilim na madilim kasi, kabisado ko ang ruta pero iba pa rin ang nag-iingat," sagot naman ng matanda.
--
Hindi na umimik si Rusell at nag-aalalang tiningnan ang dalagang nakapikit habang nanginginig ang labi sa lamig. Lalo tuloy niya itong idinikit sa mga yakap niya.
He is sure for hell that this girl will get a fever. Sa pag-ubo nito at panaka-nakang pagsipon, baka nga lumala pa. Ang mga palad nito ay kulubot na pati ang mga labi nito ay maputla na.
The girl is completely helpless in front of him at hindi siya natutuwang masasaksihan niya ng ganito ang kalagayan ng dalaga.
He did not have this image of Karen in his head. Mula nang unang araw niya itong nakita ay alam niya sa sarili niyang matapang ito. Dapat lang dahil she kill his stepfather in a very young age, hindi ba? Kaya ayaw niya itong nakikitang parang hirap na hirap kasi hirap na hirap din ang pagkatao niyang nakikita itong ganito. He has this feelings or urge to rescue the girl— the girl he was chasing for how many fvcking years!
"I'm hungry," kapagkuwan ay bulong nito.
"Sandali na lang, malapit na tayo," mahina at buong pag-aalala niyang sagot sa nakapikit na dalaga.
"Gutom na ba ang batang iyan, iho? Nako, kailangan kahit papaano makahigop siya ng mainit na pagkain, no?" sabat ni Mang Karlos. "Sandali at tatawagan ko ang aking misis, sigurado akong alalang-alala na iyon sa batang iyan."
Pipigilan pa sana niya ang matanda pero nakatawag na ito. Isa pa, gutom na talaga si Karen kaya siguro ay tutuloy muna sila roon pagkatapos nito makakain.
Umihip ng malakas ang hangin maski siya ay nilalamig na rin. Hindi niya akalain na ganito ang pasok ng March 1 sa buhay niya. Ala dose na ng madaling araw.
"Rusell....." tawag sa kaniya ng dalaga. Tiningnan niya ito.
"Hmmm," tugon niya.
"Ano—" umubo ito kaya dahan-dahan ay hinagod niya ang likod ng dalaga, nang mahimasmasan ay nagsalita uli ito, "Anong oras na?"
"Alas dose na," nagtataka man ay sinagot niya ito.
"It is your little sister's birthday today." Nakangiti ito kahit hirap na hirap sa kalagayan. "Rhian's birthday, she is always like Carbonara and seafoods,"
Natahimik siya. How could he forget her own littles sister birthday. D*mn! He really screw up!
"Call her, Rusell," nakapikit nitong sabi. "Huwag mong iparamdam sa kapatid mo na walang nagmamahal sa kaniya, dial her number, I memorized it."
Tumango naman siya habang nakatitig lang sa dalagang nakapikit. She really care for her sister. Hindi niya alam bakit nasasaktan siya, hindi para sa kapatid niya kundi para rito. She is like a really really nice girl but he knows the girl better, right? Isa itong runaway daughter who killed her stepdad hindi ba? Dapat ay masama ang ugali nito. Pero, iba. Kilala ba talaga niya ang dalaga? Ito ba talaga ang babaeng kilala niya? Now, he is starting to feel that there is something wrong about this girl....about the case. There must be a reason.
"Hello! Sino ito!?" tanong sa kabilang linya.
"Your brother. Happy birthday, little girl," bati niya rito. Mahabang katahimikan ang namayagpag. His sister must be shocked. This is his first time to greet her sister's birthday in words. Dati ay chat, postcard, gifts at message lang. This time, he really said it.
"Thank you, kuya," mahina nitong sagot. Narining niya ang paghikbi ng dalaga. "Akala ko wala ng makakaalala ng birthday ko, you are all busy people that you are forgetting that I am exist. Busy kayo nila mommy at daddy sa kaniya-kaniya ninyong mga business at trabaho kaya akala ko hindi mo na ako maalala."
He is guilty as hell. Thanks to Karen, he is starting to understand her sister's feelings. Kasalanan nila bakit rebelde ito. Kasalanan nila kung bakit ito ganito, wala silang ibang sisihin sa aksyon ng kapatid nila kundi silang matatanda.
Sandali, bakit hindi niya naisip na bata lang ang magkakapatid na Manansala ng mangyari ang krimen. Kung walang ibang sisihin kundi matatanda sa aksyon ng bata. There is something wrong in the case.
"Kuya, nakita na ba si Ate Karen. Wala na akong ibang wish pa kundi makita lang siya," madamdamin nitong sabi.
"Yes, Rhian. She is here."
"Ohhhhhh! Thanks, Papa God, you listen to my prayer! Promise I will be a good sister to her!"
Napakagat siya ng labi at tiningnan ang dalaga. He trusts his sister observant skill, and his sister didn't get wrong in analyzing people. Is Karen really a nice girl, ha.
Malalim ang pagbuntong-hininga niya pagkatapos ay mahigpit na niyakap ang dalaga.
-----