Chapter 14

2019 Words
Chapter 14 - Manila "NARINIG NINYO ANG BALITA?" panimula ni Joana. Nagsipaglapit naman ang mga kasamahan nila roon. Maging si Rhian ay lumapit kay Joana. Siya ay abala na pinupunasan ang lamesa ngunit ang dalawa niyang tainga ay nasa sasabihin ni Joana. "Ano naman ang golden news of the century natin, Jo?" tanong ng isa nilang kasamahang lakaki. "Si Mr. Arturo!" nanlalaki ang mga mata at ilong nito sa kwento nito, halatang gigil na gigil ito. Napaka-animated ng pagtaas ng hintuturo nito. "Napano?" sabi nilang lahat pero si Joana napansin siya. "Nako! Karen, halika rito! Dapat mo itong marinig," sabi ni Joana sa kaniya. Nilingon siya ng lahat. Naglakas loob si Rhian na lapitan siya at igiya palapit sa grupo nila. Kabubukas lang ng party bar pero heto agad ang inaatupag nila. Inakbayan siya ni Rhian na ikinabuntong hininga niya, why is she so clingy to her? "Spill it, Jo! Nakikinig na kami," excited na sabi ni Rhian. "Kanina nasa district ako para mamili ng mga damit. Nakita ko si Mr. Arturo na nakaposas. Maipapakulong ito, mga inday!!!" excited nitong kuwento. Nakita niya pa ang mga saya sa mga mukha ng mga kasamahan niya maliban kay Maam Ysa na nasa di kalayuan. "Sinasabi ko na nga ba, e! Anong kaso raw?" tanong naman nila. "Multiple cases ang ikinaso. Kasama na ang s****l harassment na ginawa nito kay Karen," sabi nito habang inginuso siya. "Hinanapan daw talaga ng butas ng magaling na abogadong iyon lahat ng mga kasalanan ni Mr. Arturo," animated uli nitong kuwento. "Talagang ginantihan siguro ni chef iyon, no? Palagay ninyo?" sabi ng isang kasamahan nila. Sumang-ayon ang iba maging siya ay naniniwalang baka si chef nga ngunit may isa sa kanila na hindi umoo. "Nako, I am sure, 100%! That is not Master Han who put Mr. Arturo in jail. Who knows, di ba?" "Imposible, si Master Han lang naman ang nakagalitan nun, e," pagtatanggol pa ni Joana. "Hindi nga siya, e! I know it is not him. I know the lawyer but I will not tell who he is, no! Napagkasunduan namin na ilihim siya," pikon na sabi ng dalaga. "Ay ano ka, te? Rich? Paano ka naman magkakaroon ng kakilala na bigtime?" Tumaas ang kilay ni Rhian at siya naman ay nag-aalala. Rhian will never be this warfreak if she didn't love the people she was defending to. Kaya nagtataka siya, may kakilala si Rhian sa Siargao? Rhian won't lie that thing, kapag sinabi nito. Sinabi nito. Baka kaibigan ng kuya niya at nagkataon na nakausap nito? Posible naman hindi ba?So, may kilala itong abogado? "I will not explain it further. Just ask chef kung siya talaga, pero 100% sure pa rin ako na si kuya ang naglagay sa kaniya sa kulungan," nakanguso nitong sabi. Nagulat siya pati mga kasama nila. "Kuya? Iyong kuya mong g'wapo?" tanong ni Joana. Palibhasa ay ilang beses na nagpunta ang kuya nito sa party bar para kumain. Hindi naman sila kinakausap ni Rusell kapag kumakain ito. He will just there sitting and reading newspaper. "A...ano, hmmm. Ano, hindi iyon! Basta kilala ko!" Diskumpiyado siyang tiningnan ng mga kasamahan nila. They don't want to believe in Rhian's word. Sakto naman ay dumating ang kuya nito, si Rusell. He is wearing a men chinese opera mask print swim shorts, it is white. At sa top naman nito ay solid rib knit tank na white. Naka-shades ito na square frame polarized. He is totally a dropdead gorgeous man. Lahat tuloy ay natulala sa binata. Maging siya ay lumalakas ang t***k ng puso. This feeling is unfamiliar her. This is the first time that she feels like drooling to a person. Kumbaga, dati hindi naman niya pinapansin kung gwapo o ano. "Hay, nako! Pampam talaga iyang kuya ko," asar na sabi ni Rhian pagkatapos nitong pandilatan ng mata ang kuya nito. "Always the papansin to the highest level!" inis nitong sabi pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kitchen. Ayaw kasi ni Rhian na nasa Hanbar ang kuya nito, pakiramdam kasi ng dalaga ay binabantayan siya ng kuya niya. "Karen, get my order," utos nito sa kaniya. Siya naman ay tarantang lumapit pero bago siya lumapit ay tinabig siya ni Joana at tumili. "Ako na lang kukuha!" sabi nito at naglabas ng 1/4 na papel at kumuha ng menu. "I think I am falling in love." Hindi siya naka-react kaagad. Ang bilis ni Joanang nakalapit kay Rusell. Nakangiti itong lumapit at pangiwing nagtanong ng order ni Rusell. Napanguso siya at hindi napigilang umirap. Hindi naman siya ang tinawag, ah. Karen ba siya? Karen ba pangalan niya? Naiinis siya kay Joana at pabebeng ngiti nito. Naiisip tuloy niyang sabunutan ito. Kainis. Kainis silang pagmasdan. Sakit sa mata! Biglang nag-dekwatro si Rusell at ibinaba ang sunglasses. Matalim siya nitong tiningnan. "As far as I remember, I asked Karen," sabi nito nang lingunin si Joana. "Is Karen also your name?" Yumuko si Joana bilang paghingi ng paumanhin. Hindi naman sa masaya siya kapag nalulungkot ang iba but that's how she felt right now. Naks, siya ang gusto ni Rusell....mag-serve. "Ikaw raw ang hanap hmp!" sabi nito sa kaniya. "Hindi, ikaw na," seryoso niyang sabi kahit ang totoo ay kating-kati na rin siyang kausapin ang mokong. Siguro ano...siguro, hindi naman masama ang magka-crush, crush lang naman, hindi ba? "Ikaw na. Ayoko na diyan! Ang sungit-sungit. Oo at gwapo pero MAS GWAPO SI CHEF!" halos pasigaw nitong parinig na sure siya na narinig iyon ni Rusell sapagkat kumunot ang noo nito but when he glance in the glass window where Master Han is cooking, bigla itong nag-smirk at confident na naupo. Aba, ang kapal. Oo at sa mga mata niya ay mas gwapo si Rusell pero kung kabaitan...hmmm. siguro si chef kasi antipatiko at masungit kausap si Rusell...pero iyong t***k ng puso niya at nakikita ng mga mata niya ay si Rusell talaga. He maybe stupid in their first meeting. Arogante at puno ng kasungitan sa katawan, pero ito pa rin ang lalaking laging sumasalo sa kaniya. When she feels like no one is there, Rusell will always be the first one that she sees after her traumatic state. Rusell is the one who cares for her at kahit criminal ang tingin ng marami sa kaniya. Kahit pa minsan ay naniniwala siyang wala siyang pag-asa sa buhay. Kahit pa nga wala ng halaga ang buhay niya, whenever Rusell is around she feels like it is possible to have a nice dream...where she can build a better future. Nice na rin kung sa future na iyon ay kasama ang binata pero aware naman siya na malabo. Rusell and Rhian, kahit hindi sabihin ng mga ito ay galing sila sa mayamang estado at siya ay nandito lang, isang hamak na waiter sa isla ng Siargao. Kaya alam niya na crush lang ang magiging relationship niya rito. "Ang tagal mo naman. Is this how you work, Karen? You're too slow, kung ako ang boss mo, sesesantihin kita" reklamo nito. Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti. Ito naman ay kumunot ang noo. "Ngumingiti ka sa mga customer mo?" seryoso nitong tanong. Problema ba nito? Parang may dalaw kung magsungit. Hindi naman siya palangiti sa customer pero kasi natutuwa siya, masaya siya. Rusell chose her than Joana..that is something she should be happy, di ba? Since she accepted in her heart that she has a crush to this man in her front. "Umorder ka na, huwag mo pansinin ang mga ngiti ko." Umiling-iling ito na parang napipikon, tiningnan siya nito at nginitian niya ulit ito. "You! Stop that!" "Ano iyon?" tanong niya habang nangingiti. Ang asar naman nito. Pangit ba siya ngumiti? Inis nitong inalis ang tingin sa kaniya pagkatapos ay uminom ng tubig. "Sa iyo lang naman ako ngumingiti, e," sabi niya sa binata at sa gulat niya ay naubo ito. Mukhang nalunod ito sa tubig na iniinom nito. "Are you okay, sir?" alalang niya sabi pero umuubo pa rin ito. "Hala, sir," taranta niyang sabi habang pinupunasan ito gamit ng panyo niya. Nang mahimasmasan ay masama siya nitong tiningnan. "I will get my revenge to you. Remember that. You're playing with me, Karen," seryoso nitong sabi sa kaniya habang maubo-ubo pa. "Wala naman akong ginagawa sayo, a," masungit niyang tugon dito. "Wala?Wala talaga?" simangot nitong wika. "You are like those social media people na bumabanat para pakiligin ang mga gusto nilang tao!" "Pero hindi naman ako gano'n, wala akong social media. Banat ba iyon?" takang tanong niya. "Then you really mean it? Sa akin ka lang ngumingiti?" naniningkit ang mga mata ntong tanong na parang tinitingnan nito ang kaseryosohan niya. Tumango naman siya rito kasi totoo naman. Bahagyang nagtakip ng bibig ang binata at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi siya nito matingnan sa mata. Anong nangyari rito? Nang titigan niya ito nang maigi ay nakataas ang sulok ng labi nito. Is he smiling? "Sir, your order," mahina niyang sabi rito dahil mukhang wala na itomg balak mag-order. Hinarap siya nito at kitang-kita niya, na pati mga mata nito ay nakangiti. Why is he smiling? Don't tell me kinikilig ito? Malabo naman dahil hindi naman siya crush ng binata. Kaya bakit ito ngumingiti? Kakatitig niya rito ay nagulat siya nang titigan din siya ng binata pagkatapos ay tumingala ito at kinausap ang bubong? "D*mn it! Wala na talaga. Hulog na hulog ka na, Rusell!" sabi ng binata habang umiiling-iling at nakangiti. Hala, kinakausap na rin nito ang sarili nito? O bubong? Kasi sa bubong ito nakatingin. "Sir, order," sabi niya uli rito pero siya man ay tumingin ma rin sa bubong ng Hanbar. "Okay," Inayos nito ang sarili nito at tumingin-tingin sa menu habang ang ngiti nito ay hindi pa rin napapawi. "I like my order to be extra spicy, okay. One Salmon and Mango Seaweed Tacos. Also sashimi and Sushi," sabi nito sa kaniya habang siya ay mabilis naman na sinusulat ang order nito. "And Karen..." "Hmm?" nakangiti niyang lingon dito. "Kumain ka na?" malambing nitong tanong. Napatulala tuloy siya. Is Rusell always this sweet? I mean, his words can melt her knees. Bakit naman ganito kalambing ng boses nito. Kainis. "Hindi pa. 2pm break ko," sagot niya rito kahit ang totoo ay nanghihina siya sa paraan ng pag-uusap nila. "I see," tango-tango nito. Pero parang alam na ng dalaga ang nasa isip ng binata. "Don't you dare to bring a lot of foods here! Isipin nila dito, baby ako." "But you are my baby." "Ano?" "Wala." Pero narinig niya. She is his what? His baby!? "May sinasabi ka, e." "Guniguni mo lang iyon, Karen," nakangiti nitong sabi. "Narinig kita, Rusell! Sabi mo bab—" Pero hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang lumapit si Master Han sa kanila. "May problema ba rito, Karen?" seryoso nitong tanong. Umiling siya. "Wala naman problema rito, Master Han." Tiningnan siya ng malamig ng binata. "My partybar is not a place for courtship. Doon ka sa bahay mo paligaw," sabi nito at lumayo na sa kanila. Ano raw? Gulantang niyang tanong sa sarili. Nagtataka tuloy niyang sinundan ng tingin ang boss niya. Pati ba ito may dalaw rin? Bakit mga lalaki ngayon ay halos may mga dalaw? "Sinasabi ko na nga ba, karibal ko iyang hitong iyon. Well, Karen—" Nilingon niya si Rusell na parang nagsasalita rin. "Bakit?" "If in the future that you get pregnant, huwag na huwag kang titingin sa salamin na iyon," sambit nito habang inginunguso ang glass window na kung nasaan nandoon ang nakatalikod nilang chef, "you will end up having a fish looking baby. And I don't like that," arogante nitong dagdag. "Now, get my order because I am already hungry." Naguguluhan naman siyang tumalima. What the hell is he talking about? Umiling-iling siya. Minsan talaga hindi lang babae ang mahirap ispellingin. Mga lalaki rin. A/N- Hi, guys! Dreame: Jelica Manuel. Lovelots. Salamat sa laging pag-aabang nito. Salamat at kahit andito kayo, nandoon din kayo sa dreame. That means a lot to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD