Chapter 5

2477 Words
⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, s*x AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN! Megan’s POV TULIRO ako habang iniisip kung ano ang gagawin. Pangalawang araw ko na pero hindi pa rin ako dinadatnan ng menstruation period ko. Alam kong hindi irregular ang period ko pero ngayon hindi talaga ako dinatnan. Dapat kahapon pa nga ’yon, e pero walang dalaw ang dumating sa akin. I'm bit stressed na dahil hindi talaga madedelay ’yong menstruation ko. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nangyari. Sa sobrang pag-iisip ko, wala talaga akong maisip kung ano ang gagawin. Biglang pumasok sa isip ko si Althea. Yes, si Althea. I'm sure matutulungan niya ako. Hinanap ko agad ang cellphone na bigay niya. Kahit kinakabahan, maayos ko namang nahanap ang cellphone ko kung saan ko tinago. Wala na akong sinayang na oras, tinawagan ko agad si Althea. Madali lang naman dahil tanging number lang niya ang nasa cellphone. Naka-ilang rings bago niya sinagot ang tawag. “Meg?” sagot niya sa kanilang linya. Tila nabuhayan ako nang loob dahil sumagot na rin si Althea. “Althea, I need your help—” “I’m coming!” ’Di ko pa natapos ang aking sinabi ay sumagot na agad siya. “Wait for me. Pupuntahan kita.” Halata sa boses nito na nag-aalala. Napakagat ako sa ibang labi ko dahil baka mapano si Althea. Baka madaliin nito ang pagdrive pero sana huwag naman. Naputol na rin ang tawag at siguradong anytime ay dadating na siya. Para na rin akong nakaginhawa nang maayos dahil may masasabihan na ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ako lang ang nag-iisip kung bakit nga ganito. Hindi ko pa naman na experience ang ganito. Sana naman wala akong sakit. Umupo na lang ako sa kama para hintayin ang pagdating ni Althea. Sa paghihintay ko ay biglang parang bumaliktad ang sikmura ko. Napatakbo agad ako sa banyo sa kuwarto ko upang sumuka. Suka lang ako nang suka kahit wala namang lumabas. Halos ilang minuto rin akong nagtagal sa loob ng banyo. Pagkatapos ay tila naubusan ako nang lakas, halos hindi makatayo dahil nanghihina buong katawan ko. Parang tinamad ako, walang ganang kumilos at inaantok ako. Ano bang nangyari sa akin? Sa ganitong sitwasyon ako naabutan ni Althea kaya naman ay dali-dali siyang lumapit sa akin. “Okay ka lang?” she asked. “Inaantok ako, Althea,” mahinang sagot ko sa kaniya. “Klien! Halika ka nga rito!” Kita ko ang paglapit ng isang guwapong lalaki na matangkad tapos ang ganda ng katawan. Halatang inalagaan nang maayos. Pero, napakaseryoso nito habang naglalakad. Siguro ito ang boyfriend ni Althea. “Yes, baby?” sagot nito at lumapit kay Althea at niyakap patalikod at hinalik-halikan ang buhok nito. “Ano ba! Tulungan mo nga ako, rito.” Halatang naiinis si Althea sa lalaki. Tapos ’yong Klien — namula naman ang buong mukha at tila nahihiya bago lumapit sa akin. “You sure?” Tanong nito kay Althea. Binigyan lang ito ni Althea ng isang tingin at bigla niya lang akong binuhat at dinala sa kama ko sa loob ng kuwarto. s**t! Ang bango at ang tigas ng muscles. Sarap naman hindi umalis sa pagkakarga niya. Pero, nawala ang pagpantasya ko nang maramadaman ko ang paglagay niya sa kama ko. “Thank you,” I mumbled. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya dahil ang buong atensyon nito ay naka Althea na naman. After niya akong mailapag sa kama ’yong buong atensyon niya kay Althea lang talaga. Parang ayaw niyang mawala si Althea sa paningin niya. “Anong nararamdaman mo, Meg?” Tanong sa akin ni Althea. “T-Two days nang delay ang period ko…” nahihiyang sabi ko sa kaniya. Alam kong narinig din ’yong sinabi ko sa kasama niya dahil pareho silang nagkatinginan. “Minsan delay talaga period natin, Meg lalo kapag stress ka,” sagot sa akin ni Althea. “Nagpatingin ka na ba sa doctor?” Umiling ako sa sinabi niya sa akin. “Hindi pa.” “Bukod sa delay ang period mo. ’Yan lang ba ang nangyayari sa’yo lately?” Muling tanong ni Althea sa akin. “Madalas din akong inaantok kahit wala akong ginawa. Nagsusuka rin ako,” sagot ko. “Confirmed!” rinig kong sabi ni Klien. “Let’s go to the doctor…” •••••• Hindi kami nahirapang umalis sa bahay dahil wala namang katao-tao bukod sa aming tatlo. Kaya madali lang kaming naka-alis. Nasa harap na kami ng hospital at sabay kaming pumasok sa loob. “Dito ka muna,” sabi ni Althea sa akin at iniwan niya ako kasama si Klien sa tabi ko. ’Yong tingin niya talaga palaging nakay Althea. Naka-upo lang ako sa waiting area. Medyo naiilang ako kasi maraming mga mata ang naka-tingin sa aming gawi. Should I say kay Klien, sa kaniya lang pala tumingin ang lahat mapababae man at lalaki. He's indeed a good catch, ang dali niya talagang makakuha ng atensyon kahit nakatayo lang siya. ’Yong tangkad niya na pang six footer, ’yong physical appearance at s*x appeal niya. Basta ang masasabi ko about sa kaniya, he's damn hot and handsome. “Meg, this is Doctora. Sandara Morales, ob-gyne doctor. Siya ang titingin sa’yo.” Napatingin ako sa sinabi ni Althea na doctor. I saw a woman — I mean not just a woman, a strong independent woman dahil sa aura niya. Kulay pula ang buhok, I mean kulay pula ang highlight sa buhok niya tapos ang ganda niya tingnan. “Hi, ija,” she said while smiling. Medyo nahiya naman ako. “Hello po, Doc.” “Just call me, Sandara. I hate women na hindi lumalaban sa abusive nilang asawa. Kung ako lang ’yan, puputulan ko talaga ng ari ’yon para magtanda!” diretsong sabi niya kaya medyo naging awkward ako sa sinabi niya. “Halika ka,” patawag niya sa akin kaya sumama naman ako sa kaniya. Kabadong-kabado ako habang nakasunod sa kaniya. Si Althea naman ay naiwan kasama si Klien kung saan ako. Pumasok kami sa isang kuwarto, siguro ito ang opisina ni Dra. Morales. Tahimik lang ako nang makapasok sa loob. Sumalubong agad sa akin ang ginaw na nagmumula sa aircon ng kuwarto. “Have a sit, ija,” alok sa akin ni Dra. Morales. Umupo agad ako sa harap niya kung nasaan ang visitor's seat. Kabado pa rin ako dahil hindi maalis sa akin ang mata ni Dra. Morales. “Nasabi na ni Althea ang nangyari sa’yo. I suggest na mag PT ka,” paliwanag nito sa akin. “P-Pregnancy Test?” nauutal kong tanong. Hindi na siya sumagot at may binigay na lang siyang PT sa akin. Nangingig akong tinanggap ito at napilitang pumasok sa cr sa loob ng opisina niya at sinunod ang instructions na binigay niya sa akin. Kinakabahan ako sa bawat kilos ko sa loob ng cr pero nagawa ko naman ang binigay na instructions ni Dra. sa akin. Lumabas agad ako sa cr at muling bumalik sa pwesto ko. Pagkatapos ay binigay ko muli kay Dra. ang PT na hawak ko. Sana hindi ako buntis! Hindi ko gusto na pati anak ko maghihirap katulad ko. Hindi ko nga mailaban ang sarili ko. Anak ko pa kaya? Ano na lang ang kaya kapag may anak na ako? “Congratulations, ija. You're two weeks, pregnant!” masayang balita niya sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa sinabi niya. Fixed emotions ang nararamdaman ko. Ang daming thoughts sa isip ko, naghalo-halo na ang lahat. ’Yong takot, sakit, paghihinayang at iba pa. “Ahhh!” napasigaw ako dahil sa sakit ng ulo ko. “Are you okay?” Tanong sa akin ni Dra. Morales pero wala akong maisagot dahil sa sakit ng ulo ko. Wala na akong maramdaman kun’di sakit lang hanggang sa naramdaman ko na parang bibigay ’yong katawan ko at tuluyan na akong kinain ng kadiliman. •••••• “Is she's awake?” Rinig kong parang may nag-uusap pero hindi ko masyadong matandaan ang boses kung sino. Ramdam ko pa rin kasi ang sakit ng ulo ko pero unlike kanina na sobrang sakit. Ngayon, I can handle the pain na. “Puwedeng tumahimik ka muna? She's sleeping okay!” Halatang naiinis ang may sabi nito dahil ramdam mo ’yong gigil niya. “Okay, I'm sorry baby. Can I kiss you?” “Sige subukan mo? Makakatikim ka sa kamao ko!” Iminulat ko agad ang aking mga mata at sa isang hindi pamilyar na ako ang tumambad sa akin. Maharang inulubot ko agad ang aking mga mata at medyo ipinikit muli ang aking mata dahil sa hindi pa naka-adjust ang mata ko sa liwanag. Nang muli kong iminulat ang aking mga mata, naka-adjust na rin ako. Unang nakita ko si Althea na hindi kalayuan sa akin kasama niya si Klien. “Nasaan ako?” ’Yan agad ang unang nasabi ko. “Narito ka sa condo ni Klien,” sabi agad ni Althea at lumapit sa akin. “Wala na bang masakit sa’yo?” “Wala naman. Gusto ko nang umuwi,” saad ko kay Althea. Umiling agad siya sa akin at sinabing, “Isipin mo ang anak mo, Meg. Sa tingin mo kapag nasa kamay ka pa ni Jack, mabubuhay ang anak mo? Sasaktan ka pa rin no’n even his parents.” “Alam ko ang ginawa ng parents niya sa’yo,” dagdag pang sabi ni Althea. “Pero–” “Walang pero, pero, Meg!” pagmamatigas na saad ni Althea sa akin at hindi man lang ako pinatapos sa aking sasabihin. Parang wala na talaga akong nagawa, susundin ko na lang si Althea kung sa gano’n. Kasi natatakot din naman ako sa posibleng mangyari. Ano na lang kaya ang mangyayari kapag madatnan ni Jack na wala ako sa bahay? What would be happened? “Just rest, Meg. Okay? Sabi ng doctor ’di ka puwedeng gumalaw kasi maselan ang pagbubuntis mo. We'll cook our dinner,” Althea said. “S-Salamat…” tanging nasagot ko. Tumayo agad silang dalawa at lumabas sa kuwarto. Siguro ay magluluto nga sila ng dinner namin. Kahit may kabang nadarama ay nagawa ko pa ring maging masaya dahil kahit papano ay may natitira pa ring pamilya ako. Dahil wala naman akong ginagawa, pinikit ko na lang ang mga mata ko at muling natulog. “Where have you been?” Napamulat agad ako sa aking mata nang marinig ko ang boses ni Jack. “J-Jack?” gulat kong sagot. Ang una kong hinawakan ay ang tiyan no. No, hindi dapat madamay ang anak ko. Wala itong kasalanan. Tiningnan mo ang mata ni Jack, wala akong makitang emosyon. “Sa tingin mo talaga makakatakas ka sa mga kamay ko?” Kitang-kita ko ang pag-ngisi niya sa akin na nagbigay kilabot sa buong katawan ko. “P-Paalisin mo na ako, J-Jack.” Nananatiling nasa tiyan ko ang aking mga kamay upang protektahan ang aking anak. Hindi puwedeng madamay ito. At isa pa, bakit narito si Jack. Si Althea at Klien ang kasama ko. “Ohh? So, you think Althea is a good friend? Bakit ako narito ngayon sa harap mo?” Doon na bumuhos ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Jack. Bakit? Tiwalang-tiwala pa naman ako kay Althea pero bakit niya nagawa sa akin ito? Bakit? Akala ko ba? No! Hindi ako naniniwala! “Sinungaling! Hindi magagawa sa akin ni Althea ’yon!” wala sa sariling sigaw ko. “Hindi ako maniniwala sa’yo! You're lying!” “Althea!” Tawag ni Jack kay Althea at pumasok naman ito kasama si Klien at Annika. Tila huminto ang oras sa aking nalaman. Why? Namanhid yata buong katawan ko sa rebelasyong naganap. Sunod-sunod lang ang pagtulo ng mga luha ko habang naka-tingin sa kanila pero silang lahat at nakangiti sa akin na may kasamang halakhak. Pinagkaisahan nila akong lahat. Lahat ng ito ay planado at walang may ibang gawa kung hindi si Jack. Siya ang mastermind sa lahat. Siya ang puno’t-dulo ng lahat nang ito. “Ahhhh!” napasigaw ako nang maramadaman ko na parang sumakit ang tiyan ko. “Ahhhh!” sigaw ko pa at nang hawakan ko ang suot kong pajama. Nakita ko ay dugo. “D-Dugo?” kinakabahan kong sabi. “No! Hindi puwede! ’Yong baby ko! No! Hindi puwede! Ahhhhh!” nagsisigaw ako nang paulit-ulit dahil punong-puno ng dugo ang mga kamay ko. Samantalang silay apat ay wala man lang ginawa kun’di ang tumawa sa akin na para bang ang saya-saya nila sa nangyari. “Mga hayop kayo! Hayop! Ano bang ginawa ko sa inyo?!” buong lakas kong sigaw sa harap nila pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtawa nila sa akin. Napatakip ako sa tainga ko. Halos mapuno nang dugo ang buong mukha ko. Pinipilit ko matakpan ang tainga ko para hindi marinig ang tawa nila pero naririnig ko pa rin. “Tama na please!” pagmamaka-awang sabi ko sa kanila pero parang walang narinig. Tawa pa rin nang tawa. “Tumigil na kayo!” Halos maubos na ang buong boses ko para magmaka-awa sa kanila pero hindi talaga sila tumigil. “Bagay lang sa’yo ’yan!” rinig kong sabi ni Annika at mas lalong lumakas ang mga tawa nila. Namimilipit na ako sa sakit pero tawanan pa rin sila. Hanggang kailan ba sila titigil? “Meg? Meg? Gising!” May narinig akong ibang boses na tumatawag sa akin. “Meg!” muling tawag nito sa akin. Napabangon agad ako sa aking higaan nang makita ko si Althea. “Lumayo ka! Lumayo ka!” Nagsisigaw agad ako at lumalayo sa tabi niya. “Huwag kang lumapit sa akin!” sigaw ko pa. Si Jack! Ito agad ang unang naisip ko. Nilibot ko agad ang buong paningin ko kung narito ba si Jack pero walang akong Jack. Even, si Annika wala rito sa kuwaro. Kami lang ni Althea ang naroon. “Ano bang nangyari, Meg?” nagtatakang sabi ni Althea. “No’ng pumasok ako rito, nagsisigaw ka. Gigisingin na sana kita para kumain. Naghahanda na si Klien for our dinner.” Dagdag ni Althea. It was a dream. A very bad dream. Ang unang pumasok sa isip ko. Hindi totoo ’yong narito si Jack. Panaginip lang. Megan, panaginip lang. Tumingin agad ako sa suot ko pero walang dugo. Panaginip lang talaga. “S-Si Jack…” “Huwag kang mag-alala. Hindi makakalapit si Jack sa’yo.” Tumayo agad ako kahit nangingig pa ang mga binti ko at niyakap si Althea. Doon na bumuhos ang mga luha ko. Umiiyak na naman ako. “Shhhh. Tahan na. Nakakasama sa baby kapag stress ka. Tahan na.” “Salamat, Althea,” tanging nasabi ko. A/N: Ano ang masasabi niyo sa chapter na ito? Comment niyo na! Enjoy your reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD