⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, s*x AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!
Megan’s POV
“Let’s go!” mariing sabi ni Jack kay Annika at tumalikod ito sa amin pero muli itong tumingin sa amin. I mean kay Althea nang napakasama.
“We’re not yet done.” Huling salita niya bago tuluyang umalis sa dining area.
After what happened, tinuloy muli ni Althea ang kaniyang pagkain. This girl is so amazing! Grabe! Hangang-hanga ako sa tapang niya.
“Let’s eat, beshy.” Tila parang walang nangyari lang at muli siyang kumain. Samantalang ako sobra ’yong kaba ko dahil sa nangyari.
Wala na rin akong choice kun’di ang muling kumain at sabayan si Althea sa pagkain.
’Di naman kami tumagal sa dining area. Natapos namin ang aming pagkain nang matiwas. Walang Annika na muling gumulo siguro natakot kay Althea kaya hindi bumalik.
“You’re okay now, Meg?” Tanong sa akin ni Althea nang makapasok kami muli sa kuwarto ko. Dito kami dumiretso matapos naming kumain. Hindi rin naman nakita sina Jack at Annika. Siguro umalis sila o nasa kuwarto lang ni Jack pero I don't care about them. Pero ang totoo nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko sila.
“Okay lang ako, Althea. Ano ka ba!” pabiro kong sagot sa kaniya at sabay palo sa balikat niya pero huli ko na bago mabawi kasi tumulo muli ’yong luha ko.
“Ang sakit pala. ’Yong asawa mo, harap-harapan kang niloloko pero hindi mo magawang magreklamo kasi mahal mo, e.” Tuluyan na nga akong umiyak. Gusto ko lang naman maranasan na mahalin niya at maging masaya kaming pamilya pero Wala pa rin, e. Hindi pa rin nangyayari. Siguro hanggang parangarap lang ’yon.
“Huwag mong iyakan ang taong hindi naman deserving sa mga luha mo. Sila ang panalo at ikaw pa rin sa huli ang talo.” Pinahiran niya ang mga luha ko. “Sayang-saya nila ngayon habang ikaw nasasaktan dahil sa nararamdaman mo.”
“Huwag mo silang isipin. Ipakita mo sa kanila na matapang ka. Na kaya mo!” sambit ni Althea sa akin.
Pero lalo lang akong naiyak. Parang hindi ko kaya ’yong sinabi niya. Alam kong parang ang dali lang sabihin pero kapag ginawa mo muna ang hirap. Ito ’yong feeling ko ngayon na parang ang hirap niyang gawin.
Iyak lang ako nang iyak sa balikat ni Althea at nang maramadaman ko na parang wala nang luha sa mga mata ko ang tumulo. Parang gusto kong matulog, inaantok ako. Anytime parang titiklop na ang mga mata ko.
“Tulog ka na, beshy.” Huling naranig ko bago ako lamunin ng dilim.
••••••
It's already six in the evening. Wala na si Althea sa kuwarto ko. Ang tagal ko rin kasing nakatulog siguro mga limang oras akong nakatulog kanina. Umuwi na rin ’yon siguro kasi gabi na. Una ko agad nakita is ’yong cellphone sa table ko. Nilapitan ko agad iyon at tiningnan dahil baka naiwan ni Althea ang phone niya pero no’ng nakakapit na ako. Alam kong hindi ito ang phone na gamit ni Althea.
“Kanino kaya ito? At sinong nag-iwan nito sa kuwarto ko?” Dahil sa gusto kong malaman kung kanino ’yong phone. Inopen ko agad ’yon at bumungad sa screen ’yong picture namin ni Althea no’ng college pa kami.
“Picture tayo dali!” pagtawag sa akin ni Althea habang nasa garden kami ng school namin dito sa Saint Vincent College.
Lumapit naman agad ako sa kaniya at ’yon na nga ay nagpicture kami. Iba’t-ibang angulo ang ginawa namin hanggang sa magsawa kami pareho.
“Ang dami naman ng picture natin!” Sabi ko sa kaniya habang siya naman ay tinitingnan niya ’yong mga picture namin.
“Ganda mo talaga, Megan!” sambit niya at pinakita ang picture namin.
“Sus. Pareho lang tayong maganda, e," sagot ko pa sa kaniya.
Naka-ngiti ako ngayon habang tinitingnan ang hawak kong phone. Sinubukan ko agad na buksan ’yong lock sa phone baka may password pero wala pala. Nakita ko agad sa message app na may isang notification. May isang unread message. Binuksan ko agad ito at nalaman kong galing Althea ’yon.
From: Althea
Iniwan ko ang phone na ito para magamit mo. Just call me if you need help. ?
’Yan lang ang laman no’ng message. Napangiti na lang ako dahil sa wakas ay mayroon na akong phone. Tinago ko na agad ito dahil baka malaman ni Jack at kunin pa niya ito sa akin.
Matapos kong matago ang cellphone na bigay ni Althea. Inayos ko muna ang higaan ko at naisipan kong lumabas muna sa kuwarto siguro ay hindi ito naka-lock ngayon.
Sinubukan kong pihitin ang doorknob at luckily, hindi nga naka-lock. May ngiti ang mga labi ko no’ng hindi naka-lock ang pinto. Siguro wala sila Jack at no’ng umalis si Althea hindi niya ito nilock dahil alam niyang sitwasyon ko. Thanks to her.
Binaybay ko agad ang daan patungo sa dining area dahil nakaramdam ako ng gutom. Ang tihimik talaga sa buong bahay, hindi pa rin ako ako sanay na sobrang tahimik. Parang nakakatakot pa nga e dahil ang laki ng bahay tapos walang katao-tao.
As I entered in the kitchen, unang tumambad sa akin ang biyenan ko. Gusto kong bumalik na lang sana sa kuwarto ko pero huli na dahil nakita na ako.
“Come here, ija. Why you don't join with us.” Nakangiti pa ito pero mahahalata mong peke. Kasama niya pala ’yong asawa niya at ’yong Annika.
“Thank you, ma'am pero busog pa ako,” sagot ko sa kaniya pero parang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko dahil ang talim ng bawat titig niya sa akin.
“Well if that you say so then we can't force you to join us.” Halatang plastic ang pagkasabi niya kaya naman ay dali-dali akong tumalikod sa kanila at umalis na lang.
Naisipan ko na lang na sa pool na lang tatambay. Kaya doon agad ako pumunta matapos akong umalis sa dining area. Matiwasay naman akong dumating sa pool pero no’ng makita ko ang kabuuan ng pool ay parang nagflashback ’yong nakita ko dati a weeks ago.
Mapakla akong napangiti dahil sa nangyari. Bakit masakit pa rin isipin kahit tapos na ang nangyari. Sino ba naman kasi ako para magreklamo, asawa lang niya ako sa papel pero hindi niya ako mahal. Aasa pa ba ako na mahalin niya ako pabalik. Syempre, hindi na dahil Annika fulfill that. Si Annika ang mahal niya at hindi ako. Hinding-hindi ako magiging si Annika na mahal niya.
“Wow, reminiscing the past?” Napatingin agad ako kung saan nanggaling ang tinig. Nakita ko si Annika, wearing her plastic smile and aura.
Hindi ko na lang siya sinagot dahil ayaw ko ng gulo pero kahit anong kayo ko sa gulo. Lalapit at lalapit pa rin ito sa akin.
“Bingi-bingihan lang o bingi lang talaga?” dagdag pang sabi ni Annika.
Hindi ko pa rin siya sinagot at minabuti ko na lang na lumakad muli sa ibang bahagi ng pool pero nakasunod pa rin siya sa akin.
Bakit ba ang hilig nitong sumunod, wala ba siyang sariling direksyon. Gusto ko lang mapag-isa pero parang ayaw niya akong tantanan.
“Kaya hindi ka matanggap-tanggap ni Mama Violeta, e. Dahil wala kang modo. Parang hindi ka naturaan ng parents mo nang maayos.”
Sa narinig ko mula sa sinabi niya kumulo agad ang dugo ko. Bakit dinadamay pa niya ang parents ko.
“Kaya siguro sila namatay dahil sa wala rin silang kuwenta kagaya mo? Am I right?” dagdag pa niyang sabi.
This girl is getting into my nerves!
“Anong sabi mo?” Tanong ko sa kaniya.
“Wow! Hindi ka pala bingi. Ang galing!” sarkastik nitong sabi sabay palakpak. “’Yon lang pala ang password para magsalita ka. Well, parang gano'n na nga. Kahit sumagot ka pa, still your parents is walang kuwenta. Tingnan mo sarili mo, wala ka ring kuwenta.”
“Shut up!” gigil kong sabi sa kaniya.
“Why would I? Are you triggered?” Tila ginaya pa niya ang action niya kay Althea.
Isang sampal ang binigay ko sa kaniya dahil sa hindi ko na talaga makontrol ang inis ko sa kaniya.
“What’s happening here?” Biglang pumasok sa eksena si ma'am Violeta ang ina ni Jack.
“Mama, she slapped me!” sumbong ni Annika rito at halatang nagmamakaawa sa harap niya.
“You did that, ija?” she asked.
Kung aamin ako, tiyak akong saktan na naman ako. Kung hindi rin ako aamin. Pareho pa rin naman ang kinalalabasan. Sasaktan pa rin ako kaya minabuti ko na lang hindi siya sagutin at tinalikuran.
Umalis agad ako sa harap nila pero ilang hakbang lang ang nagawa ko ay may humila sa akin.
“Walang respeto!” Isang sampal ang natanngap ko sa kaliwang pisngi ko ang natanggap ko.
“Sinong nagsabi sa’yo na talikuran mo ako?” galit nitong sambit sa akin at marahas na hinawakan ang kamay ko. “Kahit saan talaga, e. Wala kang silbi kaya ka hindi ka magamang mahalin ng anak ko. Inutil ka talaga at walang pakinabang!”
Bawat salita na binitawan niya sa akin. Parang libo-libong kutsilyo ang tumusok sa buong pagkatao ko. It feels like I'm useless again. Walang pakinabang, walang matinong nagawa sa buhay. Nanliit na naman ako sa aking sarili. ’Yong takot muli ko na namang naramdaman sa buong sistema ko. Bakit? Wala naman akong ginawang masama sa kanila para tratuhin nila ako nang ganito.
Muli na naman akong sinampal ng mama ni Jack. “Ayan! Para sa pagsampal mo kay Annika.” Muli na namang nasundan ang sampal niya. “Para naman ’yon sa pagbastos sa akin. Dapat ka turuan ng leksyon, e!”
Hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad.
“N-Nasaktan po ako,” sambit ko sa kaniya at nagbabakasakaling tigilan niya ako pero parang walang narinig sa sinabi ko. Kaya napaiyak na lang ako. Kitang-kita ko sa mukha ni Annika na nag-eenjoy siyang panoorin ako habang umiiyak at walang kalaban-laban.
Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin. Kahit anong pilit ko para makawala, talagang hindi nagpapatinag ang mama ni Jack. Medyo malayo-layo na rin kami sa pool. Wala akong alam kung saan niya ako dadalhin. Basta tuloy-tuloy lang siya sa kaniyang paglalakad.
Hanggang dumating kami sa isang kulungan ng aso. Anong gagawin namin rito? Bakit niya ako dinala rito? Don't tell me! Huwag naman sana. Napadaing na lang ako nang tinulak niya ako sa kulungan ng aso. Namilipit ako sa sakit dahil tumama ang isang balikat ko sa bakal.
Hindi pa nakuntento ang biyenan ko. Muli niyang hinawakan ang buhok ko at pinilit niyang iharap sa mukha. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan habang ako’y nahihirapan.
“Alam mo? Maganda ka sana, e. Kaso nga lang uto-uto.” Pagmamaliit pa nito sa akin. Marami pa siyang sinasabing masasakit na salita pero hindi ko iyon pinapansin dahil iyak lang ako nang iyak.
Wala akong lakas manlaban sa kaniya kaya madali lang niya akong pinahirapan. I've just realize na nasa loob na pala ako ng kulungan.
“Hindi ka makaka-alis diyan hangga’t wala akong sinabi.” Muli niyang sinarado ang pintuan ng kulungan.
“Ma’am, maawa kayo sa akin.” Pagmamaka-awa ko sa kaniya.
“Ako? Maawa? Kanino? Sa’yo?” Tinuro-turo pa niya ang kaniyang sarili at kalaunan ay tumawa lang siya.
“In your dreams!” huling sabi niya bago umalis sa harapan ko at naiwan ako rito sa loob ng kulungan ng aso.
Iyak lang ako nang iyak habang nasa loob ng kulungan. Hindi alintana ang lamig dulot ng hangin at gutom. Basta tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko. Medyo matagal na rin ang dumaang oras matapos ikulong at iwan dito.
“Ito pagkain mo. Kainin mo na!” Biglang may nilagay ’yong father-in-law ko sa tabi ko na pagkain pero nanatiling nakatulala lang ako at umiiyak. Hindi ko pinansin ang sinasabi niya.
“Sabing kumain ka na!” Parang nagalit ito dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinansin. At mas lalo pa siguro itong nagalit sa hindi ko pagpansin sa kaniya.
“Ang tigas din ng ulo mo? Sabing kumain ka na!” Nagulat na lang ako nang hilain niya ang buhok ko at pilit pinapakain sa dala niyang pagkain. Ngayon ko lang nalaman na dog food pala ang dala niya. Kaya nagpipilit akong lumaban sa kaniya kahit ang lakas niya. Ginawa ko ang lahat para labanan siya pero sa ginawa ko parang nasagad ko na ang galit niya.
“Putangina!” Sinaboy niya sa buong katawan ko ang dog food na dala niya. Pagkatapos ay iniwan niya agad ako.
Mas lalo akong naiyak dahil sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na dadanasin ko ang lahat nang ito. Sa kamay pa talaga nila. They're evil! Napakasama nila. Sobrang sama!
Sa pag-iyak ko tila sumabay rin ang langit dahil nagsimulang pumatak ang ulan nang mahina pero kalaunan ay lumakas din ito. Wala akong magawa dahil hindi ako makalabas sa kulungan kaya tiniis ko na lang ang lamig dulot ng ulan. Hanggang sa wala na akong nakita at tila kinakain na ako ng kadiliman. Patak ng ulan lang ang narinig ko hanggang sa mawalan ng malay.
A/N: Lahat ba galit sa parents ni Jack. Taas kamay sa mga galit!