bc

A

book_age16+
52
FOLLOW
1K
READ
adventure
time-travel
tragedy
twisted
gxg
mystery
mythology
magical world
another world
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

What will you do if you wake up, you where in the another world?

Sanya Martin a very attractive young heiress which everyone captivated by her beauty and charm including her stepbrother. After her mother's death she decided to go back to the city but she was locked up by her stepbrother. On her escape she was hit by a car. The moment she wakes up, she is in the jungle and no where to go. Where place and people seems so different and weird. Azura a place where she’s first time to hear and doesn’t know that exist? Sanya met a new friends and help her to figure it out the place. Azura is a dangerous place to stay in. She want to go back to her world where she belongs. Not until she met the Anassa of Azura

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Pauwi na ako sa probinsya namin sa bayan ng La Belleza. Mga apat na oras bago ako makarating doon. Maaga naman ako umalis kanina para di ako maaabutan ng traffic. Nag-aaral ako kailangan ko tumira sa Manila pero ngayon na tapos na yung semester namin umuuwi ako sa probinsya. Sabik na ako makita at makasama ulit ang nag-iisang kung kapatid si Toni. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. " Senyorita, nasaan ka?" Nabubuwisit na tanong ni Sage sa akin na siyang leader ng sss na kung saan isa ako sa mga miyembro nito. Natawa naman ako, hindi kasi ako nakapag paalam sa grupo na uuwi ako sa probinsya. " Sorry, uuwi ako sa La Belleza ngayon." " So... Hindi ka makakasama sa party mamaya." May house party kasi sa bahay nila Natalia. " Okay, take care. Bye." " Bye." Binaba na nito ang tawag. Nagfocus ulit ako sa pagmamaneho. Ang gusto ko naman kasi sa probinsya tahimik malayo sa siyudad. Masarap na simoy ng hangin yung hindi polusyon. Pagkalabas ko sa kotse ko ay sinalubong agad ako ni Max, ang golden retriever na alaga ko. " Hi Max! Miss mo ako?" Tahol lang ito nang tahol sa akin. Matalinong aso ito si Max parte na siya ng pamilya binigay pa siya sa akin ni Daddy. " Senyorita!" Dumating bigla si Kuya Gilbert ang driver namin. " Dumating na si Senyorita Sanya!" Pagbibigay alam nito mga tao sa mansion. " Senyorita Sanya akala po namin na sa hapon pa po kayo darating." Iyon kasi sabi ko sa kanila. " I want to surprise you, guys." Ngiti ko. Sabay na kami punasok sa loob ng mansion. " Maligayang pagbabalik senyorita Sanya." Bati sa akin ng aming mga kasambahay. " Maraming salamat." Ngiti ko sa kanila. " Senyorita, mas lalo kayong gumanda. Diba?" Sabi sa akin ni Daisy. " Opo!" Sang-ayon naman ng iba. " Kamusta naman kayo dito?" Ako naman ngayon nagtanong sa kanila. " Okay lang po kami." " Sanya..." Napalingon ako ng makita ko si Yaya Choni na galing pa ata sa kusina. Maluha-luha ito ng makita ako. " Yaya!" Niyakap ko ng mahigpit si Yaya Choni. Ang tinuturing namin pangalawang ina ni Toni. Siya ang nag-aalaga sa mansion. " Na miss kitang bata ka." " Manang, wag po kayong umiyak." Tukso ni Daisy. Ang pinakabatang kasambahay sa pamilya. " Lalo kang gumanda." Ngumiti ako. " Gilbert, kunin mo sa kotse ang mga gamit ni Senyorita Sanya." Utos ni Yaya kay Kuya Gilbert. Isang maleta lang yun ng mga damit ko kahit dito ako magbabakasyon ng dalawang buwan. May damit naman ako dito sa bahay. " Okay po, Manang." " Niluto ko yung mga paborito mo." " Yan! Gusto ko sayo yaya eh, pero... Si mommy?" Pag-iiba ko ng usapan. " Nasa kanyang kwarto masama ang kanyang pakiramdam. Si... Don Eduardo at Senyorito Mateo nangangabayo. Akala kasi nila na hapon ka pa darating." Pagkwento ni Yaya. Napatango lang ako. " Maya-maya kakain po ako pero puntahan ko mona si Toni." " Gisingin mo mona iyong kapatid para sabay-sabay na kayo kumain dahil kagabi pa iyon excited ng malaman na uuwi ka." Umakyat ako sa taas para puntahan si Toni sa kanyang kwarto. Pumasok ako sa kwarto na hindi gumagawa ng ingay. Gusto ko ito surprisahin. Mahimbing natutulog ang napakacute at gwapo kong kapatid. Sinusuklay ko yung buhok at hinalikan ko yung pisnge nito. " Good morning my little brother." " Ate!?" Bigla ito bumangon sa higaan. " Ate ko!" Mahigpit niya ako niyakap. Halatang namimiss nga niya ako. " I miss you." Hinalikan niya ako sa pisnge. He's so sweet. " Miss you too." " I'm so happy, you are here na!" Kitang-kita ko nga sa mukha niya ang labis na kasiyahan. " I'm happy too. I'm here with you. Good boy ka ba dito? Di mo ba pinapasakit ulo ni Mommy at Yaya?" " Ate, I'm not a boy anymore. I'm a man. I will protect you and mommy." " You will protect us? Aww, but for me and mommy... You are still our baby boy." Pisil ko sa pisnge nito. " Sanya?" Natigilan ako ng makita ko si Mommy. " Mommy! Ate is here." Naka pantulog pa ang suot nito. Nangangayat ito halatang may iniindang sakit. " Mommy." Tumayo ako at niyakap ko ito. Mahigpit din niya ako niyakap. " Masaya ako nandito ka na." Bigla ito naubo. " Mommy, nakapag check-up ka na ba?" Nag-aalala naman ako. " Pinupuntahan ako dito ng doctor sa mansion sinisigurado yan ng tito Eduardo mo." " Good." Maiksing sabi ko na lang. Hindi naman sa hinahadlangan ko yung kaligayahan ni mommy pero kung saan pa siya naging matanda ay saka pa niya naisipan magpakasal ulit. Mabigat ang loob ko kay tito Eduardo hindi kami malapit sa isa't- isa pero hindi naman siya nangingialam sa mga desisyon ko bilang siya ang stepdad ko. Napaka busy na tao ni tito Eduardo hindi ko ito minsan nakikita sa bahay kapag dumadalaw ako noon. Bumaba na kami para sa baba na ipagpatuloy yung kwentohan namin. " Choni?" " Yes, Donya Slyvia?" " Ihanda mona yung mga pagkain dahil kakain na tayo." " Yes po." " Sanya!" Napalingon ako sa lakas ng boses na tumawag sa akin. Dumating na pala sila mula sa pangangabayo. Tumakbo si Mateo patungo sa akin at niyakap ako ng napakahigpit. " Na miss kita." Medyo tinulak ko pa siya konti para lumayo sa akin. Minsan naiinis ako sa presensya nito dahil kapag nandito ako sa mansion ay wala itong ibang gagawin kundi didikit sa akin kung nasaan ako ay andun din siya. Pasado na nga ito sa pagiging bodyguard ko. Nabalitaan ko din na lagi na sasangkot sa gulo si Mateo at ang grupo nito. " Dad, Si Sanya she's here." " I know Mateo, I know." Striktong sabi nito. " Napaaga ata ang dating mo ang akala namin na hapon ka pa darating." " Ayoko po kasi maabutan ng traffic. Alam niyo naman sa Manila." Sagot ko naman. " Kumain na tayo." Sabi ni Mommy. Inihanda nga ni Yaya Choni yung mga paborito kong pagkain. " Masisira ata yung diet ko." " Kahit di ka na mag diet. You still very beautiful." " Salamat yaya." Ng ihain ni Yaya ang mga pagkain at hindi ko pinansin yung puri sa akin ni Mateo. " Dito ka ba magbabakasyon ng dalawang buwan?" Interesadong tanong ni tito Eduardo. " Pag-iisipan ko pa po." " Bakit kailangan mo pang pag-isipan? Wala ka naman na pasok diba?" Singit ni Mateo sa usapan. " Syempre kailangan ko pa din bumalik ng Manila dahil may aayosin ako." Sagot ko. Panay ang ubo ni Mommy na sobrang tigas ng ubo niya. " Mommy, sasamahan kita mag check-up mamaya sa doctor." " Hija, mapapagod lang yong mommy mo. Pumupunta naman yung private doctor dito sa bahay para di siya mapagod sa biyahe." Kontra sa akin ni tito Eduardo. " Anak, wag ka na mag-alala gagaling din ako. Hindi naman ako pinapabayaan ng tito Eduardo mo." Hindi na ako nagsalita dahil pagdating kay tito Eduardo siya ang mas papakinggan ni Mommy. Matapos kami kumain andito ako sa garden ni mommy dinidiligan ko yung mga bulaklak niya kasi sa kondisyon niya ngayon ay hindi na niya kayang gawin ito mas mabuti na nagpapahinga siya sa kwarto. " Senyorita, kung gusto niyo pumasyal sa bayan sabihan niyo lang po ako. Namimiss ko na po kayong ipagmaneho." Loyal si kuya Gilbert sa pamilya namin. " Gilbert, ako na ang gagawa nun kay Sanya." Singit na naman si Mateo. " O-Opo, senyorito." " Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo." Sita niya dito. Naawa ako kay kuya Gilbert ng umalis ito. " Mateo, anong ginagawa mo?" Sinamaan ko siya ng tingin. " Ano? May ginawa ba akong mali?" " Never kami nagsalita sa kanila ng gano'n. Pamilya ang turing namin sa kanila." Naiinis talaga ako. " I'm sorry, Sanya." Napailing-iling na lang ako at iniwan ko siya mag-isa. Nagpaganda ako ngayon gabi dahil nag text sa akin si Jullian na dadalaw siya sa mansion ngayon. Si Jullian ay matagal ko ng nobyo at kahit hindi ganoon ka yaman ang pamilya nila ay hindi naman tutol si mommy sa relasyon namin. " Sanya, andiyan si Jullian hinahanap ka." Sakto naman na tapos na ako magpaganda. " Okay yaya, andiyan na." Pagbaba ko nang hagdan nakita ko si Jullian na nakaupo sa sofa na naghihintay sa akin. May dala pa siyang bulaklak. " Jullian." Tawag ko sa kanya. Napatayo ito nang makita ako. Matagal kami hindi nagkita simula nung nag-aral ako sa Manila at naiwan siya dito sa La Belleza. Hindi naman natigil yung communication namin. " Para sayo." Tinanggap ko naman yung bulaklak niya. " Salamat." Hawak kamay ay lumabas kami ng mansion at naglakad-lakad sa bakuran. " Masaya ako na umuwi ka na." Matagal na kami mag jowa ay napaka pormal pa din ni Jullian. Napaka disenteng lalaki. Maalaga siya at sweet. " Na miss mo ba ako?" Napangiti siya sa tanong ko. " Tinatanong pa ba yan? Ano ba sa tingin mo?" Binalik din niya sa akin yung tanong ko. " Hmm, na skbra moko na miss." " Miss kita sobra." Halik niya sa noo ko. " May tanong ako." " Ano yun?" " Bakit hindi moko pinipigilan mag-aral sa Manila? May girlfriend ka ba dito?" " I'm loyal to you. Bakit mo naman na tanong yun?" " Wala lang, I'm just wondering." "Mas gusto ko nasa Manila ka kesa andito ka." "Mas safe ka sa manila kesa dito sa bahay niyo." Nagugulohan naman ako sa sinabi niya. " Ayoko nag-aaligid si Mateo sayo kaya mas gusto ko na ako na ang dadalaw sayo doon sa Manila." Paliwanag nito. " Hindi naman sa pinag-iisipan ko ng masama si Mateo basta mag-ingat ka sa kanya." Tumango lang ako kay Jullian. Naiintindihan ko naman yung ibig niyang sabihin. May pinapakita si Mateo na hindi ko gusto, halatang may gusto siya sa akin. Nang lumalim na ang gabi at nakapag-usap naman na kami ni Jullian ay kailangan na niya umuwi dahil baka lalo pa siya gabihin sa daan. Nang hinatid ko si Jullian palabas ay saktong dumating ang grupo ni Mateo. Mukang gumimik na naman ang mga ito. " Hi Sanya. Tol, dumating na pala ang maganda mong kapatid." Wika ni Leon. " Hindi ko siya kapatid. Tandaan niyo yan." Sabi ni Mateo. Buti naman dahil hindi ko din gugustohin maging kapatid siya. " Anong ginagawa ng lalaki yang dito?" May galit sa tono ng boses niya. " Jullian is my boyfriend." I cling to Jullian's arm. Lalong sumama ang tingin ni Mateo kay Jullian. " Umuwi ka na, gabi na. Kung ayaw mo basagin ko yang pagmumukha mo." Sita niya dito. " Mateo stop it, bisita ko siya." " Babe, it's okay. Aalis din naman ako." " Mahal kita." Ngumiti ito sa biglaang paglalambing ko sa kanya. " Mahal din kita." Alam ko naman na hindi niya ako hahalikan sa harap ni Mateo kaya ako na humalik sa labi niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. " Mag-iingat ka, okay. Call me when you get home." Bilin ko sa kanya. Tumango lang ito at pumasok na sa kanyang kotse. " Mateo, Sanya... aalis na din kami." Paalam nila Greg. Pagkaalis ng mga bisita namin ay pumasok na kami sa loob ng mansion. " Sanya." Hinawakan niya ako sa braso. " Ano ba? Don't touch me." I warned him. " Layuan mo yung lalaking iyon." " Excuse me, Who are you to tell me that?" Iniwaksi ko yung braso ko para makawala sa pagkahawak niya. " Wag mokong aartehan ng ganyan, Sanya. Hindi ako makakapagtimpi sayo, masasaktan kita." Banta niya sa akin. Pumasok ako sa kwarto ko na sobrang nabubuwisit ako kay Mateo. Tama nga ang sabi sa akin ni Jullian na kailangan ko mag-ingat kay Mateo. Maaga palang naisipan ko maligo sa swimming pool. Habang ako ay lumalangoy ay nakita ko si Mateo at ang kanyang grupo nakadungaw sa akin sa may balcony. Mahilig talaga ako mag ensayo tuwing umaga kaya magandang gawin ay maligo sa pool. Maganda sa cardio yung swimming. Pag-ahon ko sa pool ay nagulat ako ng makita ko si Mateo at ang grupo nito. " Ang sexy ni Sanya." Isa pang m******s ito. " You wanna drink with us?" alok niya sa akin. " I don't drink," tanggi ko. Naisipan ko na taposin yung pagliligo ko dahil hindi ko nagugustohan yung mga tingin binibigay sa akin ni Mateo. Paano niya ako tapunan ng tingin mula ulo hanggang paa kahit si Jullian ay hindi kayang gawin isipin na hinuhubaran ako sa isipan niya. " Go away, Mateo." Pagtataboy ko sa kanya. " Wooo??? Tol..." Pinagtatawan siya ng mga ito. Bago pa ako makaalis ay nahawakan na niya ang braso ko ng mahigpit. " Wag moko bastosin sa harap ng mga kaibigan ko," Nakipagsukatan ako ng tingin. Hindi ako natatakot sa kanya. " Sanya, andito na po yung breakfast niyo." Biglang dumating si yaya Choni dala-dala yung pagkain saka lang ako binitawan ni Mateo. " Tayo na." Napabuntong hininga ako ng umalis na ang mga ito. Noong hapon iyon andito kami sa likod ng bahay sa malawak na bakuran namin. Naglalaro kami ng alaga ko si Max ng paborito niyang laro ang frisbee. I toss him the flying disc tend to be harder to catch in mid-air. " Go Max!" My little brother cheered. Max grab the frisbee as he fly over and hold onto his teeth. " Yehey!" tuwang-tuwa si Toni. He come to me and I greatly praise him for catching it and for giving the disc. " Good boy," and he barked. " Having fun?" Natigil kami ng sumulpot si Mateo. Napansin ko na hindi ito umaalis ng bahay simula nung dumating ako. As much as possible iniiwasan ko si Mateo dito sa bahay. " Sasama ka ba sa amin ngayon gabi gagala kami sa bayan," Hindi ko pinansin ang tanong niya. " Senyorita!" May narinig ako tumatawag sa akin kaya napalingon ako. She's running towards us. " Senyorita! Senyorita!" Nagtaka ako na ang lakas ng sigaw ni Daisy na tumatakbo papunta sa amin. She's crying. " Hey, Daisy... What's wrong?" Mukhang kasi itong natataranta. " Senyorita..." Hingal nito habang umiiyak. " Senyorita... A-Ang m-mommy niyo po." Napakunot noo ako ng banggitin niya si Mommy. Bigla naman ako kinabahan. " Anong nangyari kay mommy?" pag-aalala ko. Hindi na ito nakasagot at bumuhos na lang ang mga luha nito. " No... Mommy!" Tumakbo ako para puntahan agad si mommy sa kanyang kwarto. Ayoko mag-isip ng masama. Nang makarating ako sa kanyang kwarto. Andun si Yaya Choni na umiiyak. Si tito Eduardo nakasapwang sa ulo ni mommy. " Slyvia! Slyvia!" iyak nito. Hindi makagalaw yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Kusang tumutulo ang aking mga luha. " Sanya," tawag sa akin ni yaya Choni. Dahan-dahan ako lumapit kay Mommy. " Anong nangyari?" Rinig ko tanong ni Mateo. " Wala na ang tita Sylvia mo." Sagot ni tito Eduardo. " M-Mommy?" I tried to wake her up pero maputla na siya. Halos hindi ako makahinga nanakip yung dibdib ko sa sobrang sakit. " Mommy..." Sigaw ko sa pangalan ng mommy ko. " Tito Eduardo, ang sabi niyo gagaling si mommy na wag natin siyang dalhin sa hospital." Sisi ko dito. Sana dinala ko na lang si mommy sa hospital kahit ayaw niya. " Sanya... Iyon ang sabi ng doctor. Tanggapin na lang natin na wala na si Sylvia." Nakabigat sa dibdib yung nangyari. Nakakawalang gana kumain. Nagmukmok lang ako dito sa kwarto ko. Hindi man lang kami nagkasama ni mommy ng matagal ngayon na bumalik na ako sa mansion. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Natigil lang ako sa pag-iyak ng pumasok ang kapatid ko dala-dala ang paborito niyang teddy bear at sumunod si Max. Nawala sa isip ko si Toni. Ngayon na mas kailangan niya ako. " Ate, wala na si mommy. Paano na tayo?" Iyak ni Toni. Naawa din ako sa kapatid ko. Ang bata pa niya para maulila. " Toni, Agw is here. Hindi kita pababayaan." Yakap ko sa kapatid ko. Nakaburol na si mommy at madami nakiramay sa La Belleza dahil kilala naman si mommy na mabuting tao at magkawang gawa. Mahal na mahal sila ni Daddy sa La Belleza. Isa lang sinasabi nila na natulongan sila ni mommy. Nagpunta din ang mga sss sisters ko para makiramay pero si Jullian ay hindi pa din pumupunta. " Sanya." Pagkadating ni Jullian ay agad ako napaiyak at niyakap ko siya. Inaalo niya ako habang umiiyak ako sa mga bisig niya. Kailangan ko siya ngayon. " Sorry, ngayon lang ako nakapunta." " Ang importante na andito ka." Nagpasalamat ako kay Jullian na sinamahan niya ako sa sakit na pinagdadaanan ko ngayon. Sa kanya ko kinukuha yung lakas ko. Inaayos ko yung mga naiwan ni Mommy yung mga charities niya na isa-isa ko pinuntahan para sabihin na magpapatuloy pa din yung suporta ibibigay sa pamilya namin. Maayos na nailibing si mommy masakit pero kailangan tanggapin. May kapatid pa ako umaasa sa akin. Ang naririnig ko nagbukas ng pasugalan si tito Eduardo sa bayan. Mas busy pa siya asikasohin iyon. Si Mateo ay lagi nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta. Hinihintay ko yung tawag ni Jullian sa akin pero mula kagabi hindi man lang ito nag text o tumawag sa akin mula nung libing ay hindi ito nagpaparamdam sa akin. Naisipan ko na puntahan si Jullian sa kanila. Hindi niya kasi sinasagot mga tawag ko kaya medyo nag-aalala ako. Pagbukas ko ng main door. Natigilan ako ng makita ko si Mateo nakaabang sa akin sa labas. Tinapon nito ang yosi ginamit saka nito inapakan. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. " Pupuntahan ko si Jullian." " Hindi mo pwede puntahan ang walang kwentang lalaking iyon." " Tumabi ka nga diyan sa dinaraanan ko." " Hindi ka aalis ng mansion." Naningkit ang mga mata nang marinig ko ang sinabi nito. " Sino ka ba para sabihin sa akin yan?" " Ako si Mateo Aragon." Mayabang na sambit nito. Mariin niyang hinaplos ang braso ko bigla ako nandiri at umatras. " Don't touch me." I warned him. Ngumisi ito ng nakakaloko. " Akin ka, Sanya." Tumaas ata yung balahibo ko sa mga braso ko. " No!" Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at sinugurado na naka locked iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook