Kabanata 2

2405 Words
Nagising ako kinaumagahan naisip ko maaga nga pala ako natulog kagabi hindi natuloy yung pagpunta ko sa bahay nila Jullian. Pupuntahan ko na lang siya mamaya. Paglingon ko sa gilid ng kama. " Ahh!" Napasigaw ako ganun na lang yung gulat ko ng makita ko si Mateo nakahiga sa tabi ko. Mabilis ako tumayo para makalayo dito. " What are you doing here!? Get out!" Galit na sabi ko. Nakangisi lang ito. Sasabog yung puso ko sa kaba. " Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin? Kaya ko ibigay lahat ng gusto mo kesa sa mahirap na Jullian na yun." " Hinding-hindi kita magugustohan. Get out of my room!" Galit na sita ko. Bumangon ito at nilapitan ako. Mariin niya hinawakan ang mukha ko. " Soon, you'll be my wife." " You wish!" Matapang na sabi ko sa pagmumukha niya. Tumawa lang ito. " We'll see." Dumating si tito Danny ang bestfriend ni daddy at attorney ng family namin. Sinabi niya sa akin noon na pupunta na lang siya dito sa bahay para pag-usapan ang will of testament ni Mommy at ito yung araw na iyon. " Tito." Sinalubong ko agad siya. " Tito Danny." Niyakap naman siya ni Toni. Nung nawala si Daddy parang ito na yung tumayong ama sa amin. " Kamusta kayo dito?" Interesadong tanong niya sa akin. Sasabihin ko ba yung mga kalokohan sa akin ni Mateo? Bigla ko naman nakita si Mateo na mariin nakatingin sa akin. " W-We're doing fine tito." Pilit na ngiti nagsinungaling ako. " Atty. Salvador, andito ka na pala." Bumaba na si tito Eduardo sa hagdan. " Kararating lang." " Buti naman ligtas kang nakarating dito sa bahay." May ibang kahulugan ata sinabi nito. " Manang." " Yes, Don Eduardo?" " Maghanda ka ng meryenda. Pagkatapos iakyat mona si Toni sa kanyang kwarto." " Opo." " Please sit down." Umupo na kami saka naman lumapit si Mateo at sumali sa usapan namin. " Alam niyo naman kung bakit ako naparito isa na dun para kamustahin ang mga inaanak ko at para sa will of testament ni Donya Sylvia." Nakita ko yung pag ngiti ni tito Eduardo. Ito na ata ang pinakahihintay ni tito Eduardo at Mateo. Kinuha ni tito Danny yung dalang suit case nakapaloob doon ang will of testament ni Mommy. " Diretsahin mona kami Attorney." Inip na inip na sabi ni Mateo. " Ang hacienda at ang 100 hectares na lupain sa La Belleza, Apat na kotse na Porsche, ni Donya Sylvia Martin ay mapupunta sa kanyang bunsong anak na si Anthony Martin at ang 50 Million na nasa Bangko account nito." " 50 Million kay Toni lang?" Hindi makapaniwala sabi ni Mateo. Napangiti naman ako dahil hindi pa din pinabayaan ni mommy si Toni. Sa iniwan ni mommy at daddy kay Toni hindi maghihirap ang kapatid ko at sa magiging apo nito. " Shut up, Mateo." Sabi ni tito Eduardo. " Let Attorney Salvador finish his work." " Kapag nasa tamang edad na si Toni ay ibibigay sa kanya ng banko ang buong rights niya." " Since, Toni is just 5 years old. I can manage his money as I am his legal guardian." Wika ni tito Eduardo. " I-I'm sorry Eduardo pero si Sanya ang magiging legal guardian ni Toni." Sagot naman ni tito Danny. " What!? Sanya is just 22 years old." Tutol nito. " Nasa legal na edad na si Sanya." Nanatili lang ako tahimik kasi napakatalim ng tingin pinukol sa akin ni tito Eduardo. " Ipapamahagi ang three hundred square meter ng lupa ng Hacienda Sylvia sa bawat magsasaka ng pamilyang Martin." Pagpapatuloy ni tito Danny. " Magandang balita yan, tito. Hindi talaga nakakalimutan ni mommy ang kanyang mga tauhan." " Anong magandang balita? Sa laki ng lupa pwede pa natin yun lagyan ng pabrika. Kikita sana tayo tas ganun na lang makukuha ng mga hampas lupa magsasaka na iyon ang mga lupa!? Hindi talaga nag-iisip yan si Sylvia." Nanggagalaiti sabi ni tito Eduardo. " Tito, tinuturing ni mommy ang aming magsasaka na pamilya kaya para sa akin tama lang ang ginawa ni mommy na ipamahagi ang mga lupa." Hindi na maipinta ang mukha ni tito Eduardo. Napaupo muli ito. " Go on, attorney." Hawak sa noo nito. Sumasakit na ba ang ulo niya. " Ang apat na resorts sa Palawan, Cebu, Siargao, Baguio at ang mansion sa America. Ang Martin Company at ang shares nito ay mapupunta sa panganay na anak ni Donya Sylvia na si Sanya Martin." " Hindi pwede!" Nagulat kami ng biglang nagalit si tito Eduardo at napatayo sa kanyang upuan. " Nagkakamali ka sa nabasa mo Attorney. Akin ang Martin Company!" Hindi ko pa siyang nakitang nagalit kaya na surprisa talaga ako. " Iyon na ang katapusan ng will of testament ni Sylvia." " No! Hindi yan ang totoong will of testament ni Slyvia!" Galit na galit si tito Eduardo. " Unfortunately for you, Slyvia changed her will of testament." Pag-amin ni tito Danny. " No! I'll talk to my legal council!" Banta niya kay tito Danny. " Eduardo, naayos ko na ang lahat sa legal process. You can talk to your legal council but you can never change Slyvia's will of testament kahit na asawa mo pa siya." Galit na galit si tito Eduardo ng umalis ito sa bahay at sumunod na din si Mateo. Hindi din naman ako makapaniwala na walang nakuhang shares ang mga ito kay mommy. Knowing mommy, she loves tito Eduardo. " Your mom did the right thing. Karapat-dapat na sa inyo mapupunta lahat ng ari-arian ng mommy niyo. Masaya ako sa desisyon ni Sylvia ng baguhin niya ang kanyang will of testament." Sabi ni tito Danny. " Hindi ko din po ito inaasahan. Ang hiling ko lang ay isipin ni mommy si Toni. He's too young." " Mahal kayo ng mommy niyo. Wag kang mag-alala hija, andito ako para sa inyo hindi ko kayo pababayaan." " Salamat, tito." " Lumipat kaya kayo ng ibang bahay kayong dalawa ng kapatid mo. Isama mo yung mga kasambahay niyo dito." " Po?" " Lumayo na kayo sa mag-amang iyan. " " Pero paano yung mansion?" " Maiintindihan ng mga magulang niyo kung ibebenta niyo ito kung yun ang paraan para maging ligtas kayo magkapatid." Bigla naman ako kinabahan. Hinawakan ni tito ang kamay ko. " Sabihin mo lang at hahanapan ko kayo agad-agad nang bagong bahay. Makaalis lang kayo dito." " Tama po kayo, Tito." Kailangan namin magsimula ulit ni Toni. Sa piling ng mag-amang ito ay hindi ako makakasiguro sa kaligtasan namin magkapatid. " Tatawagan kita mamayang gabi. Ihanda mo na lang mga gamit niyo dahil bukas susunduin ko kayo dito pero sa ngayon ay kailangan ko ng umalis." Tumayo na ito. " Kain na mona ho tayo naghanda po si Yaya eh." " Okay lang hija, naghihintay sa akin ang tita Corazon niyo sa bahay." " O-Okay po, hatid ko na lang po kayo sa labas. Toni! Aalis na si tito Danny. Come here to say goodbye." Tawag ko sa kapatid ko. Nasa living room ito naglalaro kasama si Daisy. Agad ito lumapit at yumakap kay tito Danny. " Pagbalik ko ulit, pupunta tayo ng mall." Pangako ni tito. " Talaga tito!? Yehey!" " Say goodbye na." Sabi ko. " Bye tito... Take care!" Kaway ni Toni. Pumasok na si tito sa kanyang kotse at pagkaalis nito ay pumasok na din ulit kami sa loob ng bahay. Ilang beses ko na sinusubukan tawagan si Jullian sa kanyang cellphone pero hindi naman nito sinasagot mga tawag ko. I dialled his number once more kapag hindi niya sasagutin ay hindi ko na mona siya kukulitin. " Please Jullian answer me..." Dasal ko. Hinihintay ko sagutin nito ang tawag ko. Nakayuko na lang ako dito sa kama ko baka hindi na nga nito sasagutin mga tawag ko. " Hello." Napaangat naman agad yung mukha ko ng marinig ko ang boses ni Jullian sa kabilang linya. " Jullian! Thank God. Ive been calling you. Where have you been?" Sobrang nagtatampo na ako sa kanya. " I'm sorry, Sanya. Medyo busy lang ako." Hindi naman excuse na busy siya para di niya sagutin mga tawag ko. " Bukas uuwi ako ng Manila gusto ko sana magkita tayo mamaya. I miss you." " Babe... Sino yan?" Napakunot naman ang noo ko ng may narinig akong isang boses ng babae. " Jullian... Who is that!?" Agad kong tanong sa kanya. " May kasama kang ibang babae. Bakit ka niya tinatawag na babe!?" Nag-aalboroto na ako sa galit. Wag lang siyang magsisinungaling sa akin dahil hindi ako binge. " S-Sanya... I-I'm so sorry." " You should be!" Nanggigil talaga ako sa galit dahil kung kaharap ko lang ang babae nito kanina ko pa ito sinabunotan. " S-Sino ba yan!?" " S-Sanya..." Kinakabahan naman ako sa tono palang sa boses ni Jullian. " I-I'm sorry, makikipag-break na ako sayo." " What!? Jullian?" " Wag mona ako gulohin, Sanya." " Jullian. Wait..." Bigla nito pinutol ang linya. Sinubukan ko ulit ito tawagan pero hindi na nito sinasagot. Sa galit ko ay hinagis ko ang cellphone ko sa pader. Bumuhos yung mga luha ko. Nakipag break siya sa akin dahil may iba na siyang mahal. Manloloko! Hindi ko akalain na magagawa niya ako lokohin. Of all people! Sasaktan niya ako. Kahit matagal na kami ay talagang hindi ko pa nga siya kilala. Sa sobrang hiya niya hindi niya kayang humarap sa akin para sabihin sa akin ang salitang I'm sorry. Hindi niya alam kung gaano niya nasaktan ngayon. Now it makes sense! Kaya pala naging cold na ito sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko man lang iyon napansin at naramdaman na may iba na siya. Nagmukmok ako buong maghapon dito sa kwarto ko. Nadudurog ang puso ko sa naramdaman sakit. Iyak lang ako ng iyak na parang hindi na mauubos ang luha ko. Mahal ko si Jullian! Wala na ako ibang mamahalin lalaki kundi si Jullian lang. Madami na kami pinagsamahan pero ang isipin na niloko niya ako at pinagpalit sa ibang babae ay hindi ko kayang isipin. Tok-tok Mabilis ko pinunasan ang mga luha ko ng may kumatok sa kwarto ko. Ayoko makita nila na umiiyak ako. " Come in." Pumasok si yaya Choni. Sana hindi niya mapansin ang namamagang mga mata ko. " May naghahanap sayo sa baba." " Sa akin, Manang?" Wala naman ako inaasahan na bisita. Hindi ko din inisip na si Jullian kasi kakahiwalay lang niya sa akin sa telepono. Nagsuot mona ako ng jacket. Lumabas ako para tingnan ko kung sino naghahanap sa akin. Hindi ko inasahan yung makikita ko na andito lahat ng mangagawa namin. May dala-dala silang mga prutas. Lahat ay maganda ang kanilang mga ngiti. " Magandang hapon, Senyorita Sanya." Bati nila sa akin. " Magandang hapon din. M-May problema po ba?" " Naparito ho kami at may dala kami mga prutas para magpasalamat po sa inyo." Sabi ni Mang Karding. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito. " Senyorita Sanya, kami po ay nagpapasalamat sa kabutihan ng iyong pamilya sa amin mga manggagawa niyo." Sabi ni Mang Karding. " Oo nga po, nung nalaman namin na bibigyan po kami ng lupa ay talagang sobrang saya namin lahat." Sabat ni Dulce asawa ni Karding. " Walang ho anuman, sapat na ho ang iyong mga pasasalamat. Wag ho kayong mag-aalala inaayos na ni attorney Salvador ang mga papeles kaya po bukas na bukas makukuha na ninyo ang mga titulo ng mga lupa." Nagpalakpakan silang lahat sa sinabi ko. Saglit nakalimutan ko yung lungkot ko ng makita ko yung saya ng mga mukha nila. Kinuha naman ni Manang Choni at Daisy ang mga dala nilang mga prutas. Nang umalis na ang mga manggagawa. " Yaya Choni." Agad ito lumapit sa akin. " Sabihin yung mga tauhan natin na mag-empake." Napakunot noo naman ito tumingin sa akin. Tila ay nagugulohan. " Mag-eempake?" " Oo yaya. Lilipat ho tayo ng bagong bahay." " P-Paano yung mansion? Mahal ng mga magulang niyo ang mansion na ito." " I know yaya, ako din naman ay mahal ko ang mansion." " Bakit kailangan pa umalis tayo at lumipat sa bagong bahay?" " Dahil ito ay makakabuti sa lahat. Alam ko maiintindihan ako ni Mommy at Daddy." " Paano sila Don Eduardo at Senyorito Mateo? Alam ba nila ang plano niyo?" Buong maghapon hindi ko sila nakita dito sa bahay. " Hindi sila sasama sa paglilipat natin sa bagong bahay." " Sanya?" " Narinig moko Yaya Choni, kahit kailan hindi sila parte ng pamilyang Martin. Sige na, yaya. Paki empake na lang din yung mga gamit ni Toni." Umakyat na ako sa taas ng kwarto ko. Kinagabihan ay nagsimula na ako mag-empake ng mga gamit. Bigla naman ako nagulat na puwersahang binuksan ang pinto ng kwarto ko. " Mateo?" Sinipa niya ng malakas ang pinto dahilan para masira iyon. Doon palang kinabahan na ako. " Saan kayo pupunta?" Nanlilisik ang kanyang mga mata. " Aalis na kami dito sa bahay." " Walang aalis! Dito lang kayo. Dito ka lang!" Sigaw niya sa akin. " Wala kang karapatan pagsabihan ako kung ano gusto kong gawin!" Kinuha niya ang maleta ko at hinagis iyon. " Mateo! Ano ba!?" " Mateo..." Natigilan kami ng dumating si tito Eduardo. Alam ko papagalitan niya ang kanyang anak. " Papa?" " Bantayan mo yan nang hindi makawala." Nalaglag ang panga ko na hindi makapaniwala ng marinig ko ang sinabi nito. " She's on my watch." " A-Anong ibig niyong sabihin!?" " Hija, hija, shhh... wag ka na manlaban pa. Masasayang ang lakas mo. Baka magising ang kapatid mo." " Mga hayop kayo! Anong ginawa niyo sa kapatid ko!? Toniiii!!!" Pagsisigaw na iyak ko baka sakali marinig ako nila yaya Choni at kuya Gilbert. " Kahit ano pang pagsisigaw ang gagawin mo hindi ka nila matutulongan. Manahimik ka na lang para hindi malintikan sa akin ang kapatid mo." " Napakasama niyo!" " Shhh, wag ka na umiyak mahal ko." Haplos ni Mateo sa mukha na agad ko iyon iniwaksi ang kamay nito. " Wag na wag mokong hawakan!" Agad ako lumayo dito. " Mateo, pabayaan na mona natin yan." Pagkaalis nila kinuha mona ni Mateo ang cellphone ko at pinutol ang wire ng telepono sinigurado na hindi ako makakahingi ng tulong na kahit sino. Sa pag-iyak ko na lang naibubuhos lahat hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Puno ng takot ang aking puso sa sitwasyon namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD