Buong gabi nila ako kinulong sa kwarto ko na hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala ko sa kapatid ko. Napatingin ako ng biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Mateo.
Nagmadali ako bumangon para makalabas agad sa kwarto ko.
" Hep!" Hinawakan niya ako sa braso.
" Gusto ko makita ang kapatid ko, Mateo." Pagpupumiglas ko.
" No, No, No, princess. Hindi mo makikita si Toni."
" Pag ako nakatakas dito malalagot kayo." Pagbabanta ko.
" Sino tinatakot mo? Magsusumbong ka doon sa abugado niyo na polpol?" Natatawa ito.
Malakas niya ako tinulak sa kama. Nagtanggal ito ng sintoron.
" Anong gagawin mo!?" Mabilis ako tumayo para tumakbo sa labas. " Aaaahh!!!" Natakot ako ng bigla niya ako nahuli at niyakap saka tinulak muli sa kama.
" You're mine! Only mine!"
Nakaramdam ako ng takot. " Yaya!!! Yaya!!!" Sigaw ko.
Dinaganan niya ako. Pilit ako hinahalikan sa leeg ko.
" No! Mateo! Stop it! Tulooong!!!" Sigaw ko. Pinagsusuntok ko ito sa kanyang dibdib para lumayo sa akin.
Hindi ito nakikinig sa akin nagpatuloy lang ito sa paghalik sa akin.
" Nooo!!!" Tinutulak ko ito sabay iwas ng mukha ko kapag gusto niya ako halikan sa labi.
Naiiyak ako dahil mauubos na ang lahat ng lakas ko.
" Please... No..." Pagmamakaawa ko.
" Mateo!?"
Bigla ito natigilan sa kanyang ginagawa sa akin ng dumating si tito Eduardo parang itong natauhan.
Nagmadali ako lumayo dito. Yakap ang akin sarili takot na takot ako.
" What are you doing!?" Tanong sa kanya ni tito.
" S-Sanya... I-I'm sorry..." He's about to touch me.
" No, stay away from me!" I warned her.
Nakita ko sa mukha niya yung pagsisisi sa ginawa niya sa akin pero wala akong pake! Hayup siya!
Walang nagawa tumayo ito at lumabas sa kwarto ko. Doon lang ako napabuntong hininga naiiyak na lang ako. Magpasalamat ba ako kay tito Eduardo? Kung hindi dahil sa kanya baka nagawa na ni Mateo ang gusto niya sa akin.
" Sanya..." Pumasok si Yaya Choni sobrang pag-aalala.
" Yaya..." Niyakap ko ng mahigpit si yaya Choni. Umiiyak ako sa balikat niya.
Naisip ko delikado yung sitwasyon namin habang tumatagal na nanatili kami sa mansion kasama ang hayup na mag-ama.
" Yaya, tulongan niyo kami makatakas ni Toni." Pagmamakaawa ko.
" Sanya, gustohin ko man wala akong magawa. Wala kaming magawa. Nakabantay ang lahat ng kilos namin. Madaming armadong tauhan nakabantay sa buong mansion." Mas lalo akong nawalan ng pag-asa sa narinig kong kwento ni yaya Choni.
" Toni?" Pag-aalala ko.
" Kasama niya si Daisy sa kanyang kwarto. Iyak na iyak ang kapatid mo hinahanap ka."
Nasa hapag kainan kami tahimik na kumakain kahit wala akong ganang kumain ay pilit kong kumain para may lakas ako.
" Dad, I have an announcement. I want to marry Sanya."
Natigilan ako sa pagkain ko ng marinig ko ang sinabi ni Mateo.
" No!" Agad ako tumutol. Hindi pwede ayoko mangyari iyon. Ayoko makasal kay Mateo.
Sinamaan ako ng tingin ni Mateo yung tingin niya na handa akong saktan.
" Sanya, di na tayo magkaano-ano." Sabi ni Mateo.
" Okay hijo, if that's what you want."
Nanlaki ang mga mata ko ng pumayag pa si tito Eduardo sa kabaliwan ni Mateo.
" Tito... Ayoko po magpakasal kay Mateo." Naiiyak na ako.
" Sa ayaw sa gusto mo ikakasal kayo ni Mateo. Kailan ba ang kasal?"
" I want sooner." Sagot ni Mateo.
" Kakausapin ko si Mayor mamaya para mag officiate ng kasal niyo."
" Thanks Dad."
Ring~ring
Napatingin ako sa tumatawag sa telepono. Sasagutin sana iyon ni yaya Choni pero pinigilan siya ni tito Eduardo. Tumayo ito at ito mismo ang sumagot sa telepono. Siguro si tito Danny ang tumatawag.
" Hello? This is Eduardo Aragon speaking. Sino ito? Wala dito si Sanya nangangabayo. Call again later." Saka nito binaba ang tawag.
" Dad, Sino yung tumawag?" Tanong ni Mateo ng makabalik si tito Eduardo sa mesa.
" Natalia... kaibigan ni Sanya."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ni Natalia. Naiiyak ako kung alam lang nila ang sitwasyon ko dito ay hindi sila magdadalawang isip na tulongan ako at iligtas sa kamay ng hayup na mag-ama na ito.
" Mamaya, papalitan ko yung numero ng telepono sa bahay. Kung sinu-sino ang tumatawag na di natin kilala." Sabay tingin sa akin na masama.
Nasa balcony ako malayo ang iniisip. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nakikita ko yung mga tauhan ni tito Eduardo na nakapaligid sa buong mansion. Naiiyak ako pinapanood si Toni naglalaro ng toy train niya habang katabi si Max.
Hindi pwede mananatili ako ng matagal dito. Kailangan may gagawin ako para makatakas kami.
Natigilan lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likod ko.
" Excited na ako makasal ka sa akin."
" Mateo..." Pilit ko kumawala sa mga bisig niya na nakayakap sa akin pero ayaw ko nito pakawalan.
May sinusuot siya sa leeg ko isang kwentas.
" Ayoko suotin niyan!" Hinablot ko iyon para masira at matanggal sa leeg ko saka tinapon ko.
Pak!
Nabigla ako ng sampalin niya ako ng malakas sa pisnge.
Tumahol bigla si Max.
" Hindi mo alam kung gaano ka mahal niyan para ibigay ko sayo!" Panunumbat niya sa akin.
" Hindi ko kailangan niyan! Lalo na kung galing sayo!"
Nakaangat ang kamay nito akmang sasampalin niya muli ako.
" Wag mong saktan ang ate ko!" Pinagsusuntok ni Toni si Mateo. Muka nakita nito ang p*******t ni Mateo sa akin.
" Umayos ka mamayang gabi Sanya, dahil itong kapatid mo ang malilintikan sa akin." Pagbabanta nito.
Iniwaksi niya si Toni kaya nadapa ito.
" Toni." Inilalayan ko ang kapatid ko tumayo buti nga lang hindi ito nasugatan o umiyak.
" Ate, are you okay?" Nagawa pa niya ako tanongin.
" I'm okay."
" I'll protect you from bad guys, like kuya Mateo and tito Eduardo." Niyakap ko yung kapatid ko. Ayoko makita niya naiiyak ako.
Kinahaponan nasa loob lang ako ng kwarto ko kasama si Yaya Choni. Naghahanda ako para mamayang gabi para sa engagement namin ni Mateo.
Tok~Tok
" Senyorita..." Pumasok si Daisy may dala itong box. " Pinabibigay ni Senyorito Mateo." Inilapag niya ito sa ibabaw ng kama.
Binuksan naman iyon ni yaya Choni. Isa iyon damit na pula.
" Ang sabi ni Senyorito Mateo na suotin niyo daw yan mamaya. Senyorita... Papayag po ba talaga kayo magpakasal kay Senyorito Mateo? Hindi po siya yung tamang lalaki sa inyo."
" Wala akong magagawa hawak niya si Toni baka sasaktan niya ang kapatid ko. Wala akong laban."
" Meron." Makahulugang napatingin ako kay yaya Choni. " Kami ay nag-uusap lahat ay handa kang tulongan makaalis sa mansion. Hindi kami papayag na ikasal ka sa Mateo na yun."
" Yaya..." Naiiyak naman ako.
" Poprotektahan namin kayo." Yumakap ako kay yaya. Siya na yung tumayong pangalawang ina namin sa amin ni Toni.
Paano ako makakahingi ng tulong mula sa labas?
Kinagabihan sinuot ko na yung red dress na binili ni Mateo. Hindi ako nag effort mag-ayos. Wala nga akong make up.
Sumilip ako sa bintana mula sa kwarto ko. Nakikita ko yung barkada ni Mateo at mga kaibigan ni tito Eduardo.
" Senyorita Sanya... Hanap na po kayo ni Senyorito Mateo." Sabi ni Daisy.
Lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko si Mateo na papunta ata sa kwarto ko pero natigilan ito ng makita ako. Bumaba ako sa hagdan habang siya ay naghihintay na lamang sa baba.
" Wow! Napakaganda mo talaga." Haplos niya sa pisnge ko. Mariin ko iniwaksi ang mukha ko. Ngumisi lang ito. " Bukas na bukas, buong pagkatao mo ay akin."
" Isipin ko palang iyon nandidiri na ako."
" Let's go, naghihintay na sa atin ang mga bisita." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
Nagpalakpakan ang mga bisita nila ng makita nila kami. Kitang kita ko kay Mateo magandang ngiting binibigay niya sa mga bisita.
" Smile." Bulong niya sa akin. Hindi ko naman talaga kayang ngumiti sa harap ng mga ito. " Kung ayaw mong masaktan ang kapatid mo mamaya."
Nang marinig ko yung sinabi niya ay sinamaan ko ito ng tingin. Napaka walanghiya!
Pilit kong ngumiti gaya ng gusto niya. Na akala mo'y gustong-gusto ko yung mga nangyayari.
" Salamat sa inyong pagdalo sa engagement party sa aking anak, Mateo Aragon and... Sanya Martin. Maari sa inyo ay nagulat, ako mismo ay nagulat din da linagtapat nila sa akin na matagal na silang nag-iibigan. Bilang isang mabuting ama ay kaligayahan nila ay mas importante sa akin."
Sinungaling! Napaka sinungaling!
" Ayoko maging kontrabida sa buhay ng aking mga anak kaya ako ay pumayag sa kanilang pag-iisang dibdib bukas."
" Bukas!? Mateo!? Napakabilis naman ata." Hindi ko talaga iyon inaasahan.
" Bakit pa natin papatagalin? Kung doon din tayo pupunta sa kasalan."
" Kiss... Kiss..." Biglang nag request ang lahat.
Humarap sa akin si Mateo at nagpapanggap naman ako na walang naririnig. Nang hawakan niya ang mukha ko at mariin akong hinalikan sa labi.
" How sweet... Enjoy everyone."
Nagpalakpakan ang mga bisita. Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko ng matapos akong halikan ni Mateo.
" Ang sarap!" Sabi pa nito.
" Pare! Congrats!" Bati ng kanyang mga barkada sina Leon.
I'm observing Mateo and tito Eduardo the whole time. They both having fun nakikipag inuman. Nang bigla ako hinila ni yaya Choni at dinala sa may kitchen. Andun si kuya Gilbert.
" Itatakas ka namin ngayon."
" What about Toni? Hindi ako aalis kapag di ko kasama ang kapatid ko."
" Senyorita Sanya, mahihirapan kang makatakas kapag kasama mo si Toni."
" H-Hindi ko pwede iwan ang kapatid ko." Naiiyak ako.
" Sanya... Wag kang mag-aalala kami na bahala kay Toni. Kailangan mong makatakas at makahingi ng tulong." Tama si yaya Choni sa sinabi nito.
Agad ko niyakap ng mahigpit si yaya Choni. Sa kanilang pagtulong sa akin para makatakas ay mapapahamak sila.
" Mag-iingat ka."
" Senyorita, wala na po tayong oras. Kailangan na po natin umalis."
Bumitaw na ako sa pagkayakap ko kay yaya Choni at sumama kay kuya Gilbert. Wala ng ibang panahon kundi ngayon dahil bukas ikakasal ako kay Mateo.
Dumaan kami sa likod bahay. Naghihintay makatalikod yung bantay.
Nakita ko si Daisy lumapit sa bantay at inaaliw ito ng kwentohan. Iyon na yung pagkakataon para makadaaan at mabilis kami nakatakbo.
" Senyorita, tandaan mo paglabas mo may naghihintay sayong tricycle iyon maghahatid sa inyo sa kabilang bayan. Tumango ako kay Kuya Gilbert na ?may pag-aalala sa mukha nito. " Mag- iingat ka, Senyorita.
Umakyat na ako ng mabilis sa hagdanan. Nang makarating ako sa taas napabuntong hininga ako. Wala akong pagpipilian kundi tumalon sa mataas na pader o mahuli ako sa mga tauhan ni Tito Eduardo.
Ayoko pairalin ang takot ko ngayon. Kailangan ko magpapakatatag. Alang-alang sa kapatid ko at sa mga taong umaasa sa pagbabalik ko dala ang tulong.
" Gilbert, papunta na diyan ang mga tauhan ni Mateo."
" Senyorita, kailangan niyo na pong umalis baka maabutan po tayo."
Lakas loob ako tumalon sa mataas na bakod. Ayokong sayangin ang paghihirap nila itakas ako.
" Ugh!" Nakaramdam ako ng kirot sa paa ko nang pagkatapos ko tumalon. Nabali ata yung paa ko. Nahihirapan ako tumayo.
" Tingnan niyo sa paligid! Bilis!" Naalarma ako nang marinig ko yung salita mula sa kabilang bakod.
Kahit ang sakit sakit ng paa ko ay pilit kong tumayo at maglakad makalayo lang sa mansion.
Nang makita ko yung tricycle na sinabi ni Kuya Gilbert ay paika-ika ako lalapit. dun pero natigilan ako nang makita ko isa sa mga tauhan ni tito Eduardo lumapit sa tricycle kinausap yung driver at nanlaki ang mga mata ko nang bigla nito sinuntok ang driver.
Nagmadali ako nagtago sa isang puno baka makita pa ako.
" Halughugin ang buong paligid! Andiyan lang yan!"
" Napaka polpol niyo talaga isang babae natakasan pa kayo!!!" Rinig ko ang galit na galit na boses ni Mateo sa di kaluyuan.
Kailangan ko umalis sa lugar na ito bago pa ako mahuli.
Pumasok ako sa tubohan na lupain namin. Palabas iyon sa kabilang baranggay. Tiniis ko ang sakit ng paa ko.
" Sanyaaaa!!!" Sigaw ni Mateo.
Bang!
Napaupo ako nabalot ako sa kaba nang marinig ko ang isang putok na baril. Galit na galit na iyon si Mateo. Si Toni agad ang nasa isip ko. Naiiyak ako isipin yung kapatid ko pero hindi ako pwede huminto.
Hindi ako huminto sa kalalakad. Punit-punit na nga itong damit ko. Hindi ako nakaramdam ng pagod pero ramdam ko yung p*******t sa paa ko.
Napasandal ako sa punong kahoy at nagpahinga saglit. Sa mga oras na ito nagkagulo na sa mansion at pinapahanap na ako. Nauuhaw na ako at namamaga na ang kanan paa ko.
Pinagpatuloy ko na ulit yung paglalakad ko.
Hindi ko na alam kung gaano na ako kalayo.
" Malapit na Sanya. Maiiligtas mona ang kapatid mo. Konti na lang."
Nahinto ako saglit nang makita ko na yung daan. Ganun na lang ang tuwa ko.
May iilan na sasakyan na dumadaan. Nakaramdam na ako ng pagod.
Tatawid ako sa daan para makahingi ng tulong.
Beeeepppp~~~
Nagulat ako sa paparating na kotse sabay nang malakas na bosena nito. Nakakasilaw ang ilaw nito na alam ko papalapit na sa akin. Sa bilis ng takbo nito maaari hindi ko na iyon maiwasan.
Bugsh!
Nagpagulong-gulong ako sa daan. Nakadapa ako ang alam ko lang masakit ang buong katawan ko at lalo na yung ulo ko.
Pilit ko binubuka yung mata ko. Ang tanging nakita ko may tao bumaba sa kotse at tumakbo ito papunta sa akin.
" Miss..."
Isang malambing na boses babae na puno ng pag-aalala. Hanggang sa tuluyan ako nawalan ng malay.