“BAKIT lumalayo ka sa `kin kapag nasa paligid si Lola Ancia?”
Mula sa kanyang ipinipinta ay napatingin si Glanys kay Adam na nakaupo sa isang sulok ng tree house niya. Kalong nito ang gitara nito. Nasa tabi nito ang ilang music sheets na galing kay Adler. Pinag-aaralan yata nito ang mga komposisyon ng kapatid nito. Ilang minuto na itong tahimik na tumutugtog roon.
Kasama ni Adler si Kiyora sa pamamasyal. Si Adam mismo ang nagsabi sa kanya na huwag na silang sumama at manatili na lang sa tree house niya. Seryoso ito sa pagtugtog kaya hinayaan niya ito at hinarap niya ang mga ipinipinta niya.
“Ha?” nagtatakang sabi niya. Hindi naman siya lumalayo rito tuwing nasa malapit ang lola niya.
Marahas itong napabuntong-hininga. Napansin niya na may nakaguhit na inis sa mukha nito.
“Inaalis mo ang kamay ko sa kamay mo tuwing may ibang taong nakapaligid sa `tin. Hindi mo ako hinahayaan na akbayan ka. You won’t let me kiss you in front of them. Lumalayo ka sa `kin. You don’t want your family to know about us.”
Hindi siya nakasagot. “What about us? Ano ba talaga tayo? Ano ako sa `yo?” Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.
Pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili na kaya hindi niya sinasabi sa pamilya niya ang tungkol sa nangyayari sa kanila ni Adam ay dahil wala pa siyang maitatawag sa relasyon nila. Hindi pa niya ito matatawag na boyfriend. Paano niya sasabihin sa lola niya na masaya siya tuwing hinahagkan siya ni Adam, ngunit hindi naman siya sigurado kung may matatawag na silang relasyon?
Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, may ibang dahilan. Ganito ang nakasanayan niya sa isang relasyon. Ganito ang naging sitwasyon niya noon. Inilihim niya sa lahat ang pag-ibig niya. Wala siyang pinagsasabihan hanggang sa malantad iyon nang hindi sinasadya.
Adam is not Alexander. Iyon ang madalas na sinasabi niya sa kanyang sarili. Alam niya na magkaiba ang dalawang lalaki. Adam didn’t remind her of Alexander. He had the opposite effect on her. When she was with him, she forgot about Alexander. Hindi siya nasasaktan tuwing naaalala niya ang nakaraan.
“Ano ka sa `kin? You’re my girlfriend,” naiinis na sabi nito. “There’s something special going on between us.”
Hindi siya nakaimik habang nakatingin dito. He looked like he had meant what he said. Girlfriend. She was his girlfriend. She suddenly felt like she wanted to jump for joy. May maitatawag na siya rito. He was not just a kissing partner. It was not just a casual relationship. He said there was something special going on between them.
Nabawasan ang kaligayahan niya nang maalala niya ang sitwasyon nila. Hindi na siya teenager upang umasa na sa dulo ng daan ay may “happy ever after.” Ayaw niyang maging komplikado ang lahat. What exactly was going on between them? May plano ba ito?
“We’ll tell Lola Ancia,” anito sa matatag na tinig.
“Don’t you think it’s too soon? Kailan lang tayo nagkakilala. At kung nakakalimutan mo, ipapaalala kong nasa Pilipinas ka. Uso po rito ang salitang ‘panliligaw.’ Hindi por que sinabi mong girlfriend mo na ako ay girlfriend mo na talaga ako.” Iningusan niya ito.
He grinned. “Uso pa ba ang harana sa Mahiwaga? Pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig, at panliligaw rin sa mga magulang?” tudyo nito.
Kahit paano ay napangiti siya. Come to think of it, hindi nga niya naranasan ang totoong maligawan. “Paano kung sabihin kong ‘oo’?”
“Liligawan kita,” seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya. “But we’ll tell your grandmother. Hindi ako komportable sa ginagawa natin sa totoo lang. I feel like I’m cheating on her. She’s so nice. I love her already. And we’ll also tell your whole family.”
“I have a huge family,” tanging nasabi niya. Ang totoo ay halo-halo ang kanyang nadarama. Natatakot, nalulungkot, at masaya siya. Adam had plans. Hindi nito nais na itago ang namamagitan sa kanila. Manliligaw ito sa kanya. He wanted her family to know—her whole family.
“I don’t care. We’ll tell them.”
Her heart swelled. Tila may nakabarang kung ano sa lalamunan niya at nag-init na ang sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya magawang magsalita.
“Kinausap ko na si Adler kagabi. I’ve already told him about us. He’s happy for us. Mula sa simula pa man daw ay malakas na ang pakiramdam niya na hindi aayon ang lahat sa gusto ng lolo mo at stepfather namin. He could see how attracted I was to you. He couldn’t think of marrying you. Nakausap ko na rin si Tito Keith. Kagaya ng inasahan ko, naintindihan niya. He said your Lolo Aurelio would get over it. Malamang na hindi ako ang lalaking gugustuhin niya para sa `yo pero sisikapin kong hulihin ang loob niya.”
Nahirapan siyang pigilin ang mga luha niya. Bakit ngayon lang niya ito nakilala? Bakit ngayon lang ito dumating sa buhay niya. He was not just making her happy. Pakiramdam niya ay ginagawa nitong tama ang lahat sa buhay niya.
Inilapag nito ang gitara at tumayo. Nakangiting nilapitan siya nito. “Tama ka na kailan lang tayo nagkakilala. Pero marami pa tayong pagkakataon para kilalanin ang isa’t isa. Hindi naman tayo nagmamadali. We’ll take it slow. We’ll do it the traditional way if you want. Liligawan kita hanggang sa gusto mo.” Niyakap siya nito. “Let me make you happy,” bulong nito sa tainga niya.
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. She inhaled his clean scent. She again wished she had found him sooner. She wished she met had him before she had been damaged.
PAGKATAPOS ng hapunan, nagtungo sa library sina Glanys at Adam upang kausapin ang lola niya. Adam held her hand. Pinigil niya ang kanyang sarili na alisin ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. It was okay. Wala siyang dapat na ipag-alala. Walang masama sa ginagawa nila.
Kabado siya habang nakaharap sa lola niya. Hindi pala niya kailangang kabahan. Hindi pa man nag-uumpisahang magsalita si Adam ay nakangiti na ang lola niya. Kumikinang ang mga mata nito. Makahulugan ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Tila sinasabi nito na alam nito kahit na wala siyang sabihin. Tila ipinapaalam nito na masaya ito para sa kanya.
“Manliligaw po ako kay Glanys, Lola,” sabi ni Adam sa magalang na tinig. He was smiling charmingly. “Sana po ay payagan n’yo ako. I like her so much. Mas gusto ko pa po siyang makilala. Mas gusto ko pa po siyang makasama. Hindi ko po siya sasaktan at paiiyakin. I’ll take care of her.”
Nilapitan siya ng lola niya. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “Does he make your heart beat faster in a good way? Does he make you happy?”
Sinikap niyang ngumiti kahit na naluluha siya. Her grandmother had been worried about her for so many years. Ngayon niya lubos na napagtanto na masyado itong nag-alala para sa kaligayahan niya. She could clearly see how happy she was because she was finally trying to be happy.
“O-opo,” tugon niya.
Tumango-tango ito. Lalo yatang nadagdagan ang kaligayahan nito. Binalingan nito si Adam. “If you break her heart, I’ll make your life miserable,” banta nito sa nagbibirong tinig.
“I’ll make her happy,” pangako ni Adam sa lola niya kasabay ng marahang pagpisil nito sa kamay niya.
Her heart believed him. She wanted to trust him. Nais niyang maging masaya uli. Hindi man niya tuluyang makalimutan ang mapait na nakaraan, alam niyang posibleng hindi na niya maramdaman ang sakit. Hindi na kikirot ang mga sugat dahil naghilom na ang mga iyon.
Ngiting-ngiti si Adam paglabas nila sa study. “I’m calling your brother later. Kakausapin ko rin siya pagluwas ko. I know he’s overprotective of you, Adler told me. For now, let’s tell your Kuya Eduardo.”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap niya ito. “You’re serious?” He was doing everything right.
Masuyo nitong pinisil ang ilong niya. “Siyempre, seryoso ako. Akala mo lang hindi, pero seryoso talaga ako sa mga bagay-bagay na ganito. Hindi lang ako basta-basta lalaki na may collection ng colored briefs.”
She laughed and it felt so good.
NAMILOG ang mga mata ni Glanys nang mapagbuksan niya ng pinto si Adam nang umagang iyon. Iyon ang unang pagkakataon na nagising ito nang maaga. Tila galing pa ito sa higaan dahil nakasuot pa rin ito ng sando at glittery boxer shorts. Magulong-magulo ang buhok nito. He was smiling widely and he was holding fresh orchids.
“Good morning!” masiglang bati nito sa kanya. “For you,” anito, sabay abot ng mga hawak nitong orchids.
Namamanghang napatingin siya sa mga malulusog na bulaklak ng orkidyas. Some of them were exotic orchids. “Saan mo pinitas ang mga ito?” tanong niya rito, pigil ang hininga.
“Sa greenhouse ng lola mo. The greenhouse is so huge. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagagandang bulaklak.” His eyes were wide with amazement. Hindi na bago sa kanya ang reaksiyon nito dahil ganoon palagi ang reaksiyon ng mga taong nakakapasok sa greenhouse na ipinatayo ng Lolo Andoy niya. Naroon ang lahat ng maseselan na orkidyas nito. Basta na lang pumitas ng bulaklak si Adam para ialay sa kanya.
“Adam, don’t you know that—”
Natawa ito. “Don’t worry, ang lola mo mismo ang nagsabi sa `kin na pitasin ko ang mga ito para sa `yo. Gumising talaga ako nang maaga para maghanap ng wildflowers sa gubat pero baka raw mawala ako. Kaya dinala na lang niya ako sa greenhouse at pitasin ko raw ang lahat ng gusto ko.”
Napatingin siya sa mga mata nito. He was serious. Talagang lalabas ito at maghahanap ng bulaklak sa gubat para may maibigay sa kanya. He had just made her day. Nais niya itong yakapin at pupugin ng halik, ngunit masyado siyang namamangha. She had never experienced this before. No one had ever done this for her before.
Tinanggap niya ang alay nitong bulaklak. “Thank you.”
“You’re welcome,” tugon nito. “Come on, your breakfast is ready. Isasama raw tayo ni Lola Ancia kay Lolo Andoy. I have to gain his approval, too. Sana lang kapag nagparamdam sa `kin ang lolo mo ay hindi gabi. Matatakutin ako sa totoo lang. Sana, wala rin siyang paliparin na kahit na ano. I freak out big-time. I scream a lot when I’m afraid. Baka maubusan ako ng boses. Ayokong mawalan ng trabaho at career. Saan ako kukuha ng panggastos kapag niyaya kita ng date? Paano kita bubuhayin?”
Tawa siya nang tawa. Kung ganoon palagi ang umpisa ng umaga ay wala na siyang mahihiling pa.
“Good morning, Adam,” she said before getting on the tips of her toes and kissing his lips.
“Good morning,” tugon nito nang yakapin siya.
Doon nag-umpisa ang panliligaw ni Adam. Hindi niya akalain na seseryosuhin nito ang panliligaw. Ipinagluto siya nito kahit na hindi ito marunong. Madalas na sunog, o walang lasa, o pangit ang lasa ng mga niluluto nito, ngunit kinakain pa rin niya. Ang importante ay ang effort nito.
Halos gumulong siya sa kakatawa nang magsibak ito ng kahoy minsan. Ginagamit nila ang mga kahoy sa paggawa ng mga kakanin.
Isang gabi ay nagising siya sa kung anong ingay mula sa labas ng silid niya. Pupungas-pungas na binuksan niya ang sliding door patungo sa terrace. Doon nagmumula ang musika na naririnig niya. Lahat ng antok niya ay inilipad ng hangin nang makita niya sa labas si Adam kasama sina Adler at Kiyora, who had their guitars with them. Hinarana siya ni Adam nang gabing iyon.
He was the sweetest guy she had ever met.