“WHO’S Maryse?”
Naramdaman ni Glanys ang bahagyang paninigas ni Adam sa tanong niya. They were out for a picnic. Hindi gaanong mainit ang araw at maaliwalas ang langit nang araw na iyon. Nakaunan ito sa kandungan niya. Nakapikit ito habang masuyong hinahagod ng kamay niya ang buhok nito.
Ilang araw na niyang nais na itanong kay Adam ang tungkol sa babae. Alam niya na mas espesyal sa puso ni Adler ang isang babaeng nagngangalang “Maryse” ngunit alam din niya na naging espesyal din ito sa puso ni Adam. Nais niyang malaman ang ilang bagay tungkol sa babae ngunit nahihiya at natatakot siyang magtanong. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ni Adam. Natatakot siya sa magiging sagot nito. Natatakot siyang tanungin din siya nito tungkol kay Alexander.
Nagawa niyang magtanong ngayon dahil sa palagay niya ay handa na siya. Hindi siya sigurado kung handang-handa na siya, pero naisip niya na mas mabuti kung may alam siya kaysa sa wala. Naisip din niya na kung nais niyang maging matagumpay ang relasyon nila, kailangan nilang sabihin sa isa’t isa ang lahat ng tungkol sa nakaraan nila kahit na gaano pa iyon kasakit.
Kapag nagtanong ito tungkol kay Alexander, sasabihin niya rito ang totoo. Wala siyang itatago.
May mga pagkakataon na inaalipin siya ng takot ngunit pilit niyang pinaglalabanan. Napakarami niyang pangamba. Paano kung hindi siya matanggap ni Adam? What if he thought she was too damaged for someone like him? Paano kung hindi nito matanggap ang nakaraan niya? Paano kung maisip nito na hindi siya ang babaeng nararapat para dito?
He was, after all, a famous rockstar. Madali itong makakahanap ng babaeng buo at walang bahid. Women just threw themselves at him. He could charm anything female.
Ngunit hindi siya magpapadaig sa takot. Pilit niyang pinatatag ang kanyang dibdib. Pinilit niya ang kanyang sarili na huwag mag-isip ng anumang negatibo. She was trying to be happy. Sinisikap niyang buuin uli ang puso niya. Mabilis na naghihilom ang mga sugat na matagal na panahon din niyang ininda.
She had to risk it all if she wanted him in her life. She was already in love with him. She knew she was risking further damage to her heart, but she had to at least try. Madalas niyang sinasabi na hindi na siya naniniwala sa pag-ibig, ngunit umibig pa rin siya. Marahil ay ayaw na talaga niyang umibig dahil ayaw na niyang masaktan, ngunit sa kaibuturan niya ay naniniwala pa rin siya. Umaasa pa rin siya sa “happy ever after.” Naniniwala pa rin siya na may darating na tamang lalaki. At dahil naniwala siya, dumating ang isang Adam.
Nanatiling nakapikit at tahimik si Adam. Hindi niya masabi kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
“You don’t have to tell me about her if you don’t want to,” aniya kapagkuwan. Kung hindi ito komportable, maiintindihan niya. Hihintayin na lang niyang dumating ang araw na magiging handa ito. Hindi nga lang niya maikaila na tila may kurot sa puso niya ang iniakto nito. Espesyal pa rin ba sa puso nito si Maryse? May nararamdaman pa ba ito sa babae mula sa nakaraan nito?
Napangiti ito. Inabot nito ang kamay niya at ipinatong sa puso nito. “I wanna tell you about her. I only paused to make you nervous.” Dumilat ito at naging ngisi ang ngiti sa mga labi nito. “Nagselos ka, ano?”
The relief almost hurt. Mariin niyang pinisil ang ilong nito. “Hindi kaya.”
Hinawakan nito ang isa pang kamay niya at dinala naman sa mga labi nito at pinaghahalikan. “Maryse was my first love,” sabi nito.
“Alam ko na `yan.”
“She’s Tito Keith’s daughter. She’s technically my stepsister. Noong sabihin ni Mama sa `min ni Adler na may isang lalaking handa siyang pakasalan, naging masaya kami para sa kanya. Mama deserved it. Kailangan niya ng lalaking magbibigay ng kaligayahan sa kanya. Someone who could give everything she needed and wanted. Someone who would pamper her silly. Siyempre, noong una, hindi kami gaanong nagtiwala kay Tito Keith. We didn’t let our guard down. Kailangang handa kami kapag nasaktan si Mama. But Tito Keith was really a good man. Minahal niya si Mama. Ibinigay niya ang lahat ng hindi naibigay ng tunay naming ama. Noong una naming nakilala si Maryse, inakala namin na isa siyang tipikal na spoiled brat. Inakala namin na tututol siya sa kasal ng mga magulang namin.
“Mali kami ni Adler sa akala namin. She was the sweetest girl. She was also the kindest and the most selfless. Ang nais din niya ay maging masaya ang papa niya. She was also thrilled to have stepbrothers. She had always wanted an old brother. Kaedad ko siya kaya si Adler ang katuparan ng mga pangarap niya. Naging malapit kami ni Adler sa kanya. Unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya. Alam mo na siguro ngayon na kung may gusto ako ay hindi ako gaanong nag-aaksaya ng panahon. I told her about my feelings. Naisip ko na wala namang masama. We weren’t blood-related. Lahat ng tao ay hindi magkapatid ang tingin sa `min. Naging kami. Our parents were wary. Hindi sila komportable sa naging sitwasyon. I had to move out of the house. Mas pinili kong mag-boardinghouse na lang para sa ikabubuti namin.”
Tahimik niyang pinakinggan ang kuwento nito. Her forefinger was lazily tracing his jaw. Bahagyang nakikiliti ang daliri niya sa stubbles nito.
“Our band was starting to get attention at that time, too. Hindi na lang sa school activities kami tumutugtog. Nagkaroon kami ng ilang mga gigs. Naiimbitahan na kaming kumanta sa mga disenteng bars at clubs. Adler seemed inspired to write new songs. I thought my life was perfect. Nakikiayon ang lahat sa gusto ko. My mother was happy. She found us a very good stepfather. I had a perfect girlfriend whom I loved so much. My band was doing great. Nararamdaman ko na hindi magtatagal ay mapapasok na rin namin ang recording industry. We would conquer the national music scene.
“Then everything changed. Maryse broke up with me. Hindi na raw siya makasabay sa `kin. Hindi na kami gaanong nagkakasama dahil abala ako sa pag-aaral at pagtugtog. I loved her and I didn’t want to lose her, so I pursued her. Niligawan ko uli siya. I did all the cheesy and mushy stuff to get her back. I promised to manage my time very well. I might have promised her I would quit playing in the band if I could. The thing is, I loved music as much as I loved her. I had so many dreams. Ang sabi niya, naiintindihan naman niya ang pagtugtog ko sa banda. Isa iyon sa mga bagay na minahal niya sa `kin. Hindi niya hihilingin na talikuran ko ang isang bagay na nagpapasaya sa `kin para sa kanya. She said there was nothing wrong with me. It was her. Something went wrong with her heart. Kaagad kong naintindihan. She had fallen in love with someone else.”
“Adler,” mahinang sabi niya.
Nakangiting tumango ito. “Hindi naging sila hanggang sa ibigay ko ang basbas ko. Siyempre, hindi ko basta-basta ibinigay. Galit ako, eh. Nasaktan ako. Ano si Adler, sinusuwerte? Hindi ko sila kinakausap. Adler wanted to quit the band but I didn’t let him. He was too good. Sa kabila ng galit ko, alam kong ayaw ko siyang mawala sa banda. Hanggang sa matauhan din ako. Nawala ang galit ko, natira lang ang sakit. Nahihirapan din akong makita sina Maryse at Adler na nahihirapan dahil tila hindi ko sila mabigyan ng kalayaan. They obviously loved each other. They couldn’t be together happy because of me, because they were thinking about my feelings. One day, I finally accepted that Maryse and I were not meant for each other. I told them to go be together already and be happy. I wanted them to be happy. Pareho ko silang mahal at alam kong lilipas rin ang sakit. Bata pa naman ako at marami pang mga babaeng darating sa buhay ko. May mamahalin pa ako nang higit pa kay Maryse. I know I’ll be happy, too, someday. And I am, right now.”
Sinalubong niya ang tingin nito. Wala siyang mabasang pait o kirot. He had gotten over Maryse long time ago. Wala siyang dapat na ipag-alala.
“Ano ang nangyari kina Adler at Maryse? Paano sila nagkahiwalay?” May impresyon siya na minahal at patuloy pa ring minamahal ni Adler si Maryse nang buong-puso at kaluluwa. What went wrong with their love?
“Maryse died,” anito sa malungkot na tinig.
“Oh,” ang tanging nasambit niya.
“Adler and Maryse had a perfect relationship. May mga pagkakataon na nag-aaway rin sila pero bihirang-bihira. Kaagad din nilang naaayos ang lahat ng gusot. Hindi masukat ang pag-ibig nila sa isa’t isa. They were soul mates. They were the love of each other’s lives. Our band went into recording. Nagkaroon kami ng isang album. We started touring around the country. Adler quit after a year. Ayoko sana pero ipinaliwanag niya kung bakit iyon ang gusto niya. He wanted to be the best man for Maryse. Nais niyang tumulong sa negosyo ni Tito Keith. From being a rockstar, he became an office boy. Hindi naman niya tuluyang tinalikuran ang musika. Nagpatuloy siya sa paggawa ng mga kanta para sa `min. Then Ryan Gus, the man responsible for the huge success of Merry Men came into our lives.
“He didn’t want me. He wanted Adler. I was just his second choice. Nasaktan ako siyempre. Nainggit nang todo. But I knew deep within me, Adler was so much better than me. He wrote songs better. He sang better. He played the guitar better. Palagi lang siyang nagbibigay-daan para sa `kin. Because I’m his baby brother. Because he felt like he owed me for giving him Maryse. Hindi ko sana tatanggapin ang alok ni Ryan. Inalok lang naman niya ako in the first place dahil tinanggihan siya ni Adler. Masakit sa pride maging second choice. Kinausap ako ni Adler. Ipinaalala niya sa `kin na pangarap ko ito. I’ve always wanted to sing and shine. I’ve always wanted to be who I am now. It’s not really the fame and popularity. I just want the whole world to hear my music. Hindi ginusto ni Adler ang maging ganito. May sarili siyang paraan para ma-enjoy ang musika. May iba na siyang gustong gawin bukod sa paglikha ng magandang musika. He wants to see me fulfill my dreams. Kaya, heto ako ngayon.”
“P-paano namatay si Maryse?”
“Car accident.” Gumuhit ang kirot sa mga mata nito. “Two years ago.”
Saglit na nahigit niya ang kanyang hininga.
“Adler was going to ask her to marry him that night. Isang buwan niyang pinlano ang marriage proposal niya. She met an accident on her way to see Adler. Isang getaway car ng mga tinutugis na sindikato ang bumangga sa kanya. Noong una, hindi ako makapaniwala na nawala siya nang ganoon na lang. I mean, she was just gone. Adler was devastated. Akala namin ay hindi na siya makakaahon. He started writing sad, painful songs. Mas isinubsob niya ang sarili niya sa trabaho. Ngayon lang siya nagkaroon ng totoong bakasyon mula nang mawala si Maryse.”
“It must have been hard for you to lose her, too.”
“Yes. Very much. Espesyal siya sa puso ko. I loved her, as a friend and as a sister. Pero hindi ko hinayaan na malugmok ako sa lungkot. Hindi gugustuhin ni Maryse na malungkot ako nang matagal. She would want me to continue enjoying life. Hindi niya gugustuhin na baguhin ko nang husto ang buhay ko dahil wala na siya. It has never been the same again since the day we lost her but we’ve tried to be happy in spite of everything. We try to find happiness. Palagi naman siyang nasa puso namin. Hindi siya mawawala roon.”
Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Tahimik niyang hinintay ang pagtatanong nito tungkol kay Alexander. Sa isip niya ay ineensayo na niya ang kanyang mga sasabihin. She was carefully choosing the right words to say.
“So you asked a question and I answered it. Fair lang na magtanong din ako, hindi ba?” anito kapagkuwan.
Huminga siya nang malalim. Inihanda niya ang kanyang sarili. “Okay, ask away.”
“Who was your first kiss?” seryosong tanong nito.
She was taken aback. Hindi iyon ang inasahan niyang itatanong nito sa kanya. Bakit tinatanong nito kung sino ang kanyang unang halik? Nagsalubong ang mga kilay niya. Sino nga ba ang kanyang unang halik? She let herself remember.
She looked at Adam. She stared into his eyes and he stared back. Nagbalik ang pakiramdam niya na nakita o nakilala na niya ito dati pa. Hindi nawala ang pamilyar na pakiramdam tuwing nakikita niya ang magaganda nitong mga mata. Then it occurred to her finally. O may hinala na siya na ito ang lalaking iyon ngunit pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili na makaalala nang lubos dahil ayaw niyang maalala si Alexander? Because remembering him always brought her pain. But not this time.
“A-Adam,” aniya na tila noon lang niya ito nakita.
His whole face was now beaming. “Yes?”
“It was you. You were my first kiss,” aniya sa namamanghang tinig. She had gotten her wish. She had met him before she met Alexander. Kung tutuusin, ito ang dahilan kung bakit nakilala niya si Alexander. Kung hindi siya nito hinagkan, hindi siya tatakbo palayo at hindi niya mababangga ang lalaking unang inibig niya.
“Really? I was?” Bumangon ito at masuyong hinagkan ang kanyang mga labi. It was by far the gentlest kiss he had ever given her. And the sweetest, too.
Natatawang itinulak niya ito. Muli itong humiga at umunan sa kandungan niya. “You remembered from the very beginning,” she stated. Kaya pala ganoon na lang ito makatingin sa kanya.
He laughed. “I remembered you immediately when Adler showed me your picture. I’m glad you remember now. Masakit sa pride na hindi man lang ako nag-iwan ng impresyon sa `yo nang gabing iyon. Ganoon ba ako kadaling kalimutan? I just assumed I was your first kiss. You should have seen your face back then. It was priceless.”
Hindi niya marahil ito makakalimutan kaagad kung hindi niya nakilala nang gabi ring iyon si Alexander.
“Maraming taon na ang nakalipas mula nang mangyari iyon. I was only sixteen,” aniya habang hinahagod ng kamay niya ang buhok nito. Paanong hindi niya ito naalala kaagad? He had been her first kiss. Halos hindi niya mapaniwalaan. “Paano ako nanatili sa alaala mo? Ni hindi nagtagal ang pag-uusap natin. Hindi ko sinabi ang totoong pangalan ko sa `yo. I was not friendly. I didn’t like your music. I used to call it noise.”
Tumaas ang isang kamay nito at inihaplos nito ang likod ng palad nito sa pisngi niya. “You know what I’ve been thinking?”
“What?”
“We are destined to be together. It’s fate. Hindi ko rin alam kung bakit nanatili sa `kin ang alaala na iyon. It was merely a kiss. It didn’t even linger. I’ve met a lot of beautiful women around the world. I’ve kissed so many lips. Some even tried to shove their tongues down my throat.” Natatawang pinitik niya ang noo nito. Natawa rin ito. “It’s true. In revenge, I try to shove my tongue down their throats, too.”
“Kadiri ka naman, eh,” aniya. Natatawa siya ngunit ang totoo ay may bahagi sa kanya ang nagseselos. Marami nang mga babaeng dumaan sa buhay nito. Marami pa itong mga babaeng makikilala sa hinaharap. Mga babaeng maaaring higit pa sa kanya. Mga babaeng mas nararapat marahil dito.
Bago pa man mapuno ng mga negatibong bagay ang puso at isip niya, isinaisip niya ang sinabi nitong para sila sa isa’t isa. They were destined to be together. She wanted to believe him. He was the right man for her. It was the right love at the right time.
Masuyo nitong pinisil ang baba niya. “I can’t explain the effect you had on me even then. Hindi kita nakalimutan, Robin. May mga pagkakataon na inakala ko na nalimot ko na ang babaeng masungit na hinagkan ko noon. Pero tuwing nasa stage ako, hindi ko mapigilang igala ang paningin ko sa crowd upang hanapin ang babaeng mukhang bored sa rock music at nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga. I kept on searching. Hindi ako aware minsan.”
“A-Adam...” Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Her heart was filled with so much love and joy.
“Nang maging sikat ang banda, umasa ako na baka makilala mo ako at magpunta ka sa mga show namin. Umasa ako nang umasa. Pagkatapos ni Maryse, wala na akong seryosong nakarelasyon. I guess I was waiting for you.”
She kissed his lips. “Thank you for coming back into my life,” she lovingly said.
Hindi niya nasabi ang tungkol kay Alexander ngunit hahanap siya ng tiyempo.