11

1928 Words
“THE LONG walk is fuckin’ worth it.” Sinikap ni Glanys na ngumiti imbes na ngumiwi sa narinig niya mula kay Adam. He casually used the F word from time to time. Tila hindi ito aware na hindi siya komportableng nakakarinig ng mga ganoong uri ng salita. She was a lady after all. “Language, Adam,” saway ni Adler dito. Tila walang narinig si Adam. He just started taking his clothes off. Tila balak na nitong maglunoy kaagad sa tubig. Dinala niya ang mga ito sa pinakapaborito niyang ilog. Iyon ang pinakamalayo at pinakamagandang ilog na malapit sa villa. Malawak ang ilog at maraming malalaking bato sa paligid. Marami ring mga puno at ligaw na mga bulaklak. The place was the loveliest. Kung ang ibang mga pinsan niya ay ang talon ang paborito, siya ay ang ilog na iyon. Tahimik kasi doon at tila tumitigil ang pag-inog ng mundo tuwing naroon siya. Nagtutungo siya roon tuwing nais niyang mapag-isa, tuwing hindi na niya kinakaya ang lungkot. Ang lugar na iyon ang piping saksi sa lahat ng pag-iyak niya. Hindi niya gaanong maipaliwanag kung bakit doon niya unang dinala ang magkapatid. She had never wanted to share this place with just anyone before. The place was her haven. Maybe, this was part of her process of trying. “Whoa, hold it!” biglang bulalas niya nang makitang akmang ibaba na ni Adam ang suot nitong briefs. The thing was bright orange in color. Hindi niya alam kung matatawa o maiirita siya.  Nagtatakang nilingon siya ni Adam. “What?” nagtatakang tanong nito na tila normal lang ang ginagawa nito at iniistorbo niya ito. Inosenteng-inosente ang ekspresyon. “If you’re gonna swim, swim in those irritating orange briefs,” sabi niya. “Huwag mong hubarin lahat ng suot mo. May kasama kang babae, hello?” “Pero mababasa siya,” tila batang sabi nito. Bahagya pang umusli ang nguso nito. “Wala akong pakialam. Skinny-dipping is not allowed.” Ano ba namang klaseng tao ang lalaking ito? Gusto ba talaga nitong maligo sa ilog na walang kahit na anong saplot? “Are you going to swim?” Umiling siya. “No.” Bihira siyang maglunoy sa tubig. Kapag naroon siya ay madalas lang niyang pinapanood ang kalangitan at makukulay na paruparo na nakikipaglaro sa mga bulaklak sa paligid. “Iyon naman pala,” sabi nito. Napatili siya nang bigla na lang nitong ibinaba ang panloob nito. Kaagad niya itong tinalikuran. “Adam!” nanggigigil na sabi niya. She hated him. “Ayokong mabasa ang briefs ko. Gagamitin ko pa `yan mamaya, eh.” Ang sumunod niyang narinig ay ang pagtalon nito sa tubig. Halos gumulong si Adler sa kakatawa. Sumuko na lang siya at humiga sa picnic blanket na dala nila. The sky was clear and blue. Tanghali na ngunit hindi nila gaanong nararamdaman ang init. Mananatili siyang nakahiga hanggang sa magsawa si Adam sa tubig. Malinaw ang tubig sa ilog at alam niyang makikita niya ang hindi dapat makita kung lalapit siya roon. Bigla siyang napangiti. Hindi niya masabi kung bakit. Hindi pa siya nakakakilala ng lalaking kagaya nito. Naaaliw at naiinis siya nang sabay. Hindi niya alam kung iisipin niyang nabahiran ang lugar na iyon dahil kay Adam. Ngunit tila maganda ring isipin na may ibang alaala siya sa lugar na iyon. Sa susunod na dalaw niya roon, tila nakikita niya ang kanyang sarili na napapangiti dahil kay Adam. At least, hindi pulos kalungkutan ang nasasaksihan ng lugar na iyon. “That’s Adam,” narinig niyang sabi ni Adler sa kanya. “He can be... Adam.” Ipinaling niya ang kanyang ulo sa direksiyon nito. Nakahiga rin ito sa damuhan at nakatitig sa bughaw na langit. “Exhibitionist ba ang kapatid mo?” tanong niya. Natawa na naman ito. “Quite. He has always been comfortable showing off his body.” “I’m not,” ani Adam. Hindi niya tinangka man lang na lingunin ito. “Ayoko lang mabasa ang briefs ko. Favorite ko `yon, eh.” Hindi niya napigilan ang matawa. She felt so good. No matter how ridiculous she looked, she felt good. Matagal na rin mula nang makaramdam siya nang ganoon. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Tila hindi magkakapuwang ang lungkot habang naroon siya. “Enjoy the water,” sabi na lang niya sa pagitan ng pagtawa. “I’m thoroughly enjoying it,” tugon nito. Narinig niya ang paggalaw nito sa tubig. “Hindi tayo aalis dito hanggang sa tila pasas na ang buong katawan ko.” She was glad he loved her favorite place that much. Adler was quietly staring at the sky. His face was dead serious. Tila hindi na ito aware sa kanila ni Adam. May pakiramdam siya na tila kinakausap nito ang kalangitan. Hinayaan na lang niya ito. Sandali rin niyang tinitigan ang kalangitan bago siya bumangon. May kailangan siyang puntahan. “Saan ka pupunta?” tanong ni Adam sa kanya hindi pa man siya nakakatatlong hakbang. Nilingon niya ito. Hindi siya gaanong malapit sa ilog upang makita ang hindi dapat makita. Itinuro niya ang isang malaking puno na napapalibutan ng mga bulaklak. “Doon lang. Don’t mind me. Just have a good time. Kung nagugutom ka na, sabihin mo lang para maihanda ko ang mga pagkain.” “Okay,” sabi nito bago nito inilubog ang sarili sa tubig. Umupo siya sa tabi ng puno. Masuyong hinaplos ng mga daliri niya ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid niyon. Ang ilan sa mga iyon ay siya mismo ang nagtanim. How are you, baby? Noong mga unang taon ng pagkawala nito, kailangan niya ng lugar na mabibisita. Kailangan niya ng puntod kagaya ni Lola Ancia upang kahit paano ay makaya niya ang lungkot ng pagkawala nito. She chose that tree. She had always pretended he was there. Hindi nagkapuwang ang lungkot sa puso niya. She realized something today, she was tired of being miserable. She was tired of the loneliness. Napatingin siya kay Adam na tila bata na tuwang-tuwa sa tubig. He was smiling widely. His dimples were showing. She wanted to be that happy. Hindi naman masama kung susubukan niyang alalahanin ang mga mahal niya na hindi nalulungkot o nasasaktan. She had to work on that. Hindi habang-buhay ay ganito siya. Pagod na rin siya. She wanted to smile and be happy—for real. Hindi lang para sa kapakanan ng pamilya niya, ng mga taong nagmamahal sa kanya kundi para sa kanya mismo. PALUBOG na ang araw nang makabalik si Glanys sa villa kasama ang magkapatid na Adam at Adler. Nagulat siya nang madatnan niyang naroon si Kiyora. Kasama nito si Zac Clare, ang lalaking dapat na pakakasalan ni Hannah, ang fiancée ng Kuya Jeff Mitchel niya. Naikuwento na sa kanya ng pinsan niya kung paano nito nakilala si Zac. Medyo malaki ang agwat ng edad ng dalawa, ngunit nagkakasundo ang mga ito. Her cousin was in love with him. Ilang beses na niya itong binalaan, ngunit tila hindi nito mapigilan ang sarili nito. Hindi na raw niya kailangang sabihin na hindi basta-bastang lalaki si Zac. Alam daw nito na malaki ang posibilidad na hindi magkakaroon ng katugon ang nararamdaman nito. Gayunman, handa itong makipagsapalaran. Minsan ay kinaiinggitan niya ang pagiging optimistic ni Kiyora. She was unspoiled and she wanted her to remain that way. Ayaw niyang matikman nito ang pait ng pag-ibig.  Nakangiting sinalubong sila nito. She looked so excited and happy. Kumikinang ang mga mata nito at malapad ang ngiti sa mga labi nito. Nginitian din niya ito. Inihanda niya ang kanyang sarili na yakapin ito ngunit dumeretso ito kay Adam. Bahagyang namilog ang mga mata niya nang makitang niyakap kaagad nito si Adam. Puno ng pagtataka ang mga mata ni Adam habang nakatingin sa kanya. Pare-pareho pa silang nagulat nang biglang tumili si Kiyora. “Tama ang sinabi sa `kin ni Hunter. Akala ko, napagkamalan ka lang niya,” anito kay Adam. Inirapan siya nito. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko,” anito sa tinig na puno ng hinampo. “Hindi ko alam kung nasaan ang cell phone ko,” sabi niya. Totoo naman iyon. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang cell phone niya. Nakailang palit na siya dahil palagi niyang nawawala ang aparato. Wala kasing nagte-text o tumatawag nang madalas sa kanya. Madalang niya iyong nagagamit. Marami ring mga lugar sa Mahiwaga na walang signal.  Ibinalik nito ang tingin kay Adam. “I’m a huge fan, Adam!” Sa wakas ay nginitian na ito ni Adam. “Thank you.” “Hindi man lang sinabi ni Ate Glanys na nagba-bakasyon ka rito, na ikaw ang lalaking sinasabi ni Lola. Nakakainis. By the way, I’m Kiyora Castañeda.” “It’s nice to meet a beautiful lady like you.” Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ni Adam. His smile was genuine and not just indulgent. Kiyora had always been adorable. Kahit na sino ay nagugustuhan ito.  “Tell me you’re not marrying Ate Glanys,” anito habang nakalabi. “Marry me instead.” Bigla siyang napaubo. Alam niyang mapagbiro ito minsan, ngunit baka iba ang isipin nina Adam at Adler. At mali ang akala nito na si Adam ang napili ng Lolo Aurelio niya upang makasama niyang habang-buhay. Itatama na sana niya ang maling akala nito nang biglang natawa si Adam. “I’m sorry, honey. Huli ka na dumating, eh. Gustong-gusto ko `tong uptight mong ate. I find her adorable that way. Gustong-gusto ko kapag tila naeeskandalo siya sa mga mumunting bagay na ginagawa ko. I love the—” “Mumunting bagay?” sabad niya bago pa man nito maituloy ang sasabihin sana nito. Kung munting bagay ang paghuhubad nito sa harap niya at ang paggala nito sa bahay sa gabi na ang tanging suot ay dilaw na briefs, ano pa ang malaking bagay? Hindi siya nito pinansin. “Hindi bale, sweetheart,” anito, sabay akbay kay Kiyora. Iniharap nito ang pinsan niya sa kuya nito. “May kapatid naman ako. This is my older brother Adler. He’s single and very much available.” Matamis na ngiti ang ibinigay ni Kiyora dito. “Hi!” “It’s nice to meet you, Miss Kiyora. Nakapanood na ako ng concert mo. You play the violin really well,” sabi ni Adler sa pinsan niya. Lalong naging matamis ang ngiti nito. “I like you already. Sigurado kang hindi ka nakatulog sa show ko?” “You are amazing,” sinserong sagot ni Adler. Napansin niyang bahagyang namula ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi sanay si Kiyora sa mga sinserong papuri tungkol sa ginagawa nito. “I’ll marry you instead of Adam,” anito sa nagbibirong tinig. Natawa si Adler. “You will not marry anyone,” sabad ni Zac na halos makalimutan na niya dahil kanina pa ito nananahimik. “You’re in love with me.” Mula nang maging malapit ito kay Kiyora ay sumasama na ito sa pag-uwi roon.  Inirapan ito ni Kiyora. “I’ll consider falling in love with you if you start believing in love.” Zac just laughed. Nagkalambong ang mga mata ni Kiyora. Tumikhim siya bago pormal na ipinakilala si Zac kina Adam at Adler. Hinayaan niyang magkuwentuhan ang mga ito sa living room habang tinutulungan niya ang mga kawaksi sa paghahanda ng hapag.  Masaya ang naging hapunan nila. Tila hindi gaanong napagod si Adam dahil nakipagkulitan pa ito kay Kiyora. Nakita niyang labis na natuwa rin ang lola niya. Nang gabing iyon, mahimbing siyang nakatulog. Dahil marahil sa pagod kaya ganoon. Walang kahit na anong panaginip ang gumambala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD