NANG mga sumunod na araw ay naging abala si Glanys sa pamamasyal kasama sina Adam at Adler. Minsan ay kasama rin nila sina Zac at Kiyora. Masasabi niyang lalo niyang nakikilala ang magkapatid. Tuwing namamasyal sila ay patuloy sila sa pagtatanong sa isa’t isa.
Tila lalong nadaragdagan ang kakulitan ni Adam sa paglipas ng mga araw, ngunit natutuwa na siya rito. Noong una ay hindi niya maamin iyon kahit na sa sarili niya, ngunit nang maglaon ay nagdesisyon siyang hindi naman masama iyon. Adam was really adorable. He looked so happy and energetic all the time. Tila nahahawa siya sa kasiglahan nito. Madalas, nahihirapan na siyang magpigil ng kanyang tawa tuwing nangungulit o nagbibiro ito. Kapag nasa malapit lang ito, nagiging masaya siya. Kapag nginingitian siya nito ay may kakaibang damdamin ang lumulukob sa kanya.
Adler was polite, kind, and gentle. Hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon na makapamasyal na sila lang dalawa ngunit mas gusto niya ang ganoon. Magiging mabuti silang magkaibigan at ayaw muna niyang isipin ang tungkol sa gusto ng lolo niya at stepfather nito. Ang importante ay mas nakikilala nila ang isa’t isa at mabuti silang magkaibigan.
Isang gabi, naisip niyang mag-research tungkol sa Merry Men. Madali para sa kanya ang makakalap ng mga impormasyon dahil sikat pala talaga ang banda. Nalaman niya kung paano nag-umpisa ang banda. Binasa niya ang biography ng bawat miyembro. She was impressed.
Dating miyembro ng papasikat na local band sina Adam at Adler bago inalok si Adam na maging miyembro ng Merry Men. The band had to split up because of that. Kahit na sino yata ay hindi mapapalampas ang bihirang pagkakataon na magkaroon ng international career.
She listened to their songs. Inasahan niya na hindi niya magugustuhan ang uri ng musika na tinutugtog ni Adam, ngunit nagkamali siya. Dati, kumbinsido siya na maingay ang rock music kaysa musika. Odd, she found the songs very relaxing. Hindi naman pala gaanong maingay. Most of the songs were about heartbreak. The lyrics were good. Maganda rin ang tinig ni Adam. It felt like he was singing from the heart.
Halos hindi niya namalayan na gabi-gabi na niyang pinapakinggan ang mga kanta ng Merry Men. Sa susunod na luwas niya sa Maynila ay bibili siya ng mga album ng mga ito.
Noong una, inakala niya na magiging malapit nang husto sa isa’t isa sina Kiyora at Adam dahil sa parehong hilig ng mga ito sa musika. Kiyora was in the villa to practice her music. She had been invited to do a show in Singapore. Mas gusto talaga nitong mag-ensayo sa villa dahil tahimik at inspirasyon ang magandang tanawin sa Mahiwaga.
Pero mas naging malapit ang pinsan niya kay Adler.
Isang umaga ay nakita niya itong tumutugtog sa hardin kasama ni Adler. Nakaupo si Kiyora sa damuhan habang tumutugtog ng violin, samantalang nakaupo naman si Adler sa isang wooden bench. May hawak itong lapis at isang papel. Nakayuko ito at tila buo ang konsentrasyon nito sa kung anong isinusulat nito sa papel.
Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang magkasama ang dalawa. Madalas na magkasama ang dalawa sa mga practice ng pinsan niya. They spent so much time in the music room. Tuwing umaga ay nasa iba’t ibang parte ng hardin ang mga ito. They didn’t really talk. Tila komportable na ang mga ito na malapit sa isa’t isa habang tumutugtog si Kiyora at nagsusulat ng kung ano sa papel si Adler.
Napansin din niya na palaging lukot ang mukha ni Zac.
Pinapanood niya sina Kiyora at Adler mula sa porch nang bigla na lang may umakbay sa kanya. Kaagad na nanuot sa ilong niya ang pamilyar na amoy ni Adam. She loved his scent. He always smelled clean and manly. Kahit na pawis na pawis ito minsan ay amoy-malinis pa rin ito.
Nilingon niya ito. Nakatingin din ito kina Kiyora at Adler. Sinikap niyang maging kaswal kahit na ang totoo ay hindi siya komportable. He looked cool, casual, and comfortable. Hindi na siya nasanay sa pabigla-bigla na lang nitong paghawak ng kamay niya o pag-akbay. Ganoon talaga ito, kahit kay Kiyora at sa lola niya. Hindi lang niya maintindihan kung bakit tila hindi siya mapakali tuwing nagkakalapit sila. She was perfectly comfortable and at ease with Adler.
“I’m happy to see Adler like this,” anito.
“Really?” Siya ay hindi niya masabi kung natutuwa siya sa nakikita niyang closeness ng dalawa. Kung matatawag ba na normal ang closeness na namamagitan sa dalawa. It was like they were communicating through an unspoken medium—music, maybe. Zac was having bad moods lately, everyone could tell. Kilala niya ang pinsan niya at masasabi niyang hindi nito inilalapit ang sarili nito kay Adler upang pagselosin lang si Zac. Kiyora was genuinely fond of Adler.
And she and Adler were supposed to spend more time together, to get to know each other. There was no progress or whatever between them. Hindi naman sa nagseselos siya sa pinsan niya. She was totally okay with it. She loved spending more time with Adam. Mas naiisip niya ito kaysa kay Adler. She felt guilty because of that.
In fact, she felt a strong urge to rest her head on his shoulder right now.
“Really. He’s composing. He’s been busy. Sinilip ko minsan ang music sheets niya. The song is not about heartbreak or pain.” He sounded so happy.
Tinitigan niya ito. Ilang ulit niyang pinapanood ang ilang mga performance nito na d-in-ownload niya, at hindi pa niya pinagsasawaan ang mga iyon. He was drop-dead gorgeous. Hindi niya akalain na hahangaan niya ang isang katulad nito. He was totally not her type. Hindi ito madalas na nag-aahit. May mga pagkakataon na nangingitim na ang buong mukha nito dahil sa stubbles. Madalang nitong suklayin ang buhok nito. He looked dirty. But he also looked manly, like a rockstar, and gorgeous.
She mentally shook her head. What was happening to her? Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang kanyang paningin. “Adler is a composer? Akala ko ba ay businessman siya?” Totoong hindi niya alam na song composer ito. Ang tanging alam niya ay naging miyembro ito ng banda noon.
“Hindi pa ba namin nasasabi sa `yo dati? He still writes songs for us. Most of our popular songs were his. Hindi lang niya ipinapaalam sa iba ang bagay na iyon dahil ayaw niyang matanong kung paano niya naisulat ang partikular na kanta, o ano o sino ang naging inspirasyon niya. Most of the best songs are about heartbreak and pain, they say. Totoo iyon. Writing songs is Adler’s way of coping with loss and pain. Iyon ang paraan niya para kahit paano ay mailabas niya ang nararamdaman niya. Kaya nga masaya ako na nakikita siya na ganito. Maybe Kiyora reminds Adler of Maryse.”
Narinig na naman niya ang pangalan na iyon. Alam niya na naging napakaespesyal na babae ng Maryse na ito sa magkapatid at nais niyang malaman ang tungkol dito. May mga pagkakataon na ang akala niya ay hindi na niya mapipigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong, ngunit palagi ay nauunahan siya ng hiya.
“Tita Glanys!”
Awtomatikong napangiti siya nang marinig ang pamilyar na tinig ni Hunter. Kaagad niya itong nilingon. Kahit na tila ayaw niyang humiwalay kay Adam, nais din niyang salubungin ang anak ng kaibigan niya. Ilang araw rin niyang hindi nakita ang bata. Niyakap agad niya ito. Hunter filled a certain void in her heart.
Akmang hahagkan niya ito ngunit agad itong umiwas sa kanya. “What?” natatawang sabi niya.
Napakamot ito sa ulo habang nahihiyang nakatingin kay Adam na hindi niya namalayang nakalapit na rin sa kanila. “Binata na po ako, Tita. Hindi mo ako dapat na i-kiss.”
Natawa siya sa sinabi nito. “You will forever be my baby,” aniya, saka pinausli ang kanyang nguso.
“Tita,” angal nito.
“Hindi kita ipagluluto ng favorite spaghetti mo.” Inilapit niya ang mga labi niya rito. Tila napipilitang hinagkan siya nito upang hindi na marahil siya mangulit.
“Hmm... Sarap,” aniya, sabay ginulo ang buhok nito.
“Mas masarap akong humalik kaysa kay Hunter,” sabi ni Adam. Tila aliw na aliw ito sa kanilang dalawang bata. “Come on, try me,” sabi pa nito habang inilalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Bumilis ang t***k ng puso niya nang patuloy sa paglapit ang mukha nito. Tila seryoso itong hagkan siya. Naiilang na lumayo siya rito. “Puwede ba, Adam?” naiilang na sabi niya.
Nagpatuloy ito sa paglapit sa kanya. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hapitin palapit dito. Naitukod niya ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Nanlaki na ang kanyang mga mata dahil napagtanto niyang hahagkan talaga siya nito. Kahit na tila nagsasayaw sa kaaliwan ang mga mata nito ay napagtanto niyang hindi ito nagbibiro.
Pumikit siya nang mariin nang malapit na malapit na ang mga labi nito sa mga labi niya. She waited for his lips to touch hers. She was nervous and eager at the same time. Napamulat siya bigla nang sa pisngi niya dumapo ang mga labi nito. Isang matunog na halik ang iginawad nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit imbes na relief ang maramdaman niya ay matinding pagkadismaya ang lumukob sa buong pagkatao niya.
Marahas niya itong itinulak palayo sa kanya. He laughed aloud. Lalo siyang nairita rito. Bakit ba niya hinayaan ito na gawin iyon sa kanya? At ano ba ang nangyayari sa kanya? She always felt like she was a different person when he was around.
“It’s not funny, Adam,” naiinis na sabi niya. “You’re not funny.”
Nagpatuloy lang ito sa pagtawa.
Hinawakan niya ang kamay ni Hunter na tila tuwang-tuwa rin sa panonood sa kanila ni Adam at hinila ito papasok ng bahay. “`Lika, anak, ipagluluto na lang kita ng spaghetti. `Wag mong pansinin ang isang baliw diyan.”
“What, you want a real kiss?” tanong ni Adam. “Come back here and I’ll give you a hot yummy kiss.”
Hindi niya ito pinansin, patuloy siya sa paghila kay Hunter. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. May isang bahagi ng isip niya ang namangha dahil capable pa rin pala siyang makaramdam nang ganoon. Inakala niya na namatay na iyon pagkatapos mawala ni Alexander sa buhay niya. Aminin man niya o hindi, kinikilig siya.
“Bagay po kayo,” ngingiti-ngiting sabi ni Hunter.
Ginulo uli niya ang buhok nito. “Ano ba `yang sinasabi mo? Paano mo naman nasabi na bagay kami, eh, bata ka pa? Wala ka pa dapat alam tungkol sa mga ganitong bagay.”
“Masaya po kayo kapag kasama n’yo po si Tito Adam.”
Sandali siyang natigilan. Talaga? Nakikita ng iba na masaya siya kapag nasa malapit lang si Adam?
“Ikaw talagang bata ka,” tanging nasabi niya. Hinagkan niya ang ibabaw ng ulo nito. Kung hindi sana naganap ang isang trahedya maraming taon na ang nakararaan, may kalaro na sana ito ngayon. Hindi lang ito ang ipagluluto niya ng spaghetti.
Hindi pa man sila natatagalan sa kusina ay sumunod na sa kanila si Adam at nangulit. Sinikap niyang maging pormal at huwag masyadong magpaapekto rito ngunit wala siyang laban sa kakulitan nito. Hinayaan na lang niya ang kanyang sarili na tawanan paminsan-minsan ang mga biro nito. Hinayaan na lang niya ang kanyang sarili na maging masaya.