Third Person POV Nagkalat pa ang amoy ng init at pawis sa loob ng storage room habang tahimik na inaayos ni Simon ang kanyang sarili. Ang bawat galaw nila ay parang mabigat, parang may bakas ng pangyayaring hindi nila kayang sukatin o ipaliwanag. Si Xalvien, nakasandal sa pintuan, pilit inaayos ang polo niya na may bakas ng kaguluhan sa katawan at isip. Pareho silang hindi makatingin agad sa isa’t isa—hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa sobrang daming nararamdaman na hindi maipaliwanag sa isang titig lang. Ang paligid ay tila napakatahimik. Walang ibang ingay kundi ang mahinang lagitik ng ilaw at ang unti-unting bumabagal nilang paghinga. Ngunit sa loob-loob nila—nagsisigawan ang damdamin, umaapaw ang tensyon, nanunulay sa gitna ng pagmamahal, libog, at isang takot na baka ito na ang hu

