Few days have past since that night at katulad ng inaasahan ko ay yun nga kami na ang buong topic ng mga estudyante ng eskwelahan kung dati ay kilala lang ako bilang vocalist ng banda ngayon ako na ang nililigawan ng isang PolSci student meron ding nag sasabi or nagkakalat ng tsismis na Girlfriend na daw ako nito dahil dun sa eksina namin sa school cafeteria kung nasaan nasampal ko ito sa isiping yun na di malabong makarating yun sa totoong boyfriend ko ay na stress na ako,di ko alam kung paano ko ipapaliwanag dito ang mga nangyari noong araw na yun.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa mga estudyante na nag sasayahan siguro kasi ilang buwan na lang ay graduation na naming mga senior student at sem break narin.
“Ang lalim ng iniisip mo bakla ah,parang ang laki ng problema mo”pamumuna nito na di ko namalayan na katabi ko na pala ito
Umiling nalang ako at muling nag pakawala ng buntong hininga bago ito sinagot “Wala to baks,iniisip ko lang ang mangyayari after graduation kailangan na nating mag hanap ng trabaho after” pag dadahilan ko na medyo totoo naman naisip ko rin yun kailangan ko na tumulong sa mga gastusin sa bahay at sa pag aaral ng mga kapatid ko alam ko di ko obligasyon yun pero bilang panganay ay at least ay tumulong ako dapat.
“Ei diba tutulongan ka naman ng Kuya Dax mo?diba sya pa nga lang nag paaral sayo?ano pa pinoproblema mo day?maswerte ka nga may pinsan kang tumutulong sayo ei” giit nito
“Alam ko pero ewan ko ba at stress parin ako at pressured ako sa mangyayari sakin ngayong malapit naman na tayo mag graduate paano kung di ako maging successful at mabuntis ng maaga na di pa nakakatulong sa magulang ay nabuntis na”sagot ko naman habang nakatingin sa kawalan di ko na namalayan yung mga sinasabi ko
“Girl ikaw?mabubuntis ng maaga?knowing you di ka madaling mauto ng lalaki ni hindi nga kita nakitang lumalandi sa mga lalaki tyaka paanong mabubuntis ka ei manliligaw palang meron ka hindi boyfriend advance mo naman mag isip bakla di mo pa nga sinasagot si Symon”natatawa nitong pahayag na kahit ako ay natawa rin at napatingin dito sasabihin ko na sanang boyfriend ko na Simon ng maalala kung ibang tao ang iniisip naming dalawa
“Di natin masasabi kung anong mangyayari baks mal—---”bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko naman bigla na parang nasusuka ako kaya agad ako napatakbo sa pinakamalapit na restroom at saka nag suka
“Grabe naman yan baks ang aga naman nyan ano buntis ka na agad?”natatawa nitong sabi ang lakas pa ng boses kaya for sure ay may nakarinig naman dito dagdag tsismis nanaman
“Di ako buntis baka may nakain lang ako at di ako natunawan tyaka isa pa malabo mangyari yang sinasabi mo”sagot ko dito at medyo nilakasan ko pa ang boses ko para maitama yung itsitsismis na naman nila
The day went fast uwian na kaya nag paalam na kami sa isa't isa ni Raymond saka ako nag lakad nanaman pauwi ng maramdaman ko naman na parang may nakasunod saakin kaya agad ako napatingin sa likod ko medyo madilim narin pero dahil sa street lights sa bawa kanto ay nakita ko ito si Symon
Nakakunot ang noo nitong tiningnan ako saka nag lakad palapit saakin
“What?akala mo ba sya?sorry to disappoint you sweetheart mali ka ng akala tyaka mag kapit bahay lang tayo di kita sinusundan”mapanuya nitong sabi saka ako nilagpasan
“Wala naman akong sinabi ang dami mong dada”pag tugon ko dito saka nag lakad narin pero di ko ito pinantayan sa paglalakad nasa likod lang ako nito
“Yeah whatever i can see it on your face umaasa kang sya ako,we may have the same name but di ako katulad ng gagong yun”masungit nitong sabi saakin saka mas binilisan ang paglalakad
Di ko nalang pinansin ang sinabi nito at napa buntong hininga nalang sa sinabi nito parang ang laki talaga ng kasalanan ng boyfriend ko sakanya ah ei di naman sila close kung makamura siya parang kilalang kilala niya ito,nang malapit na kami sa kanya kanyang bahay ay napatigil naman ako dahil malayo paman ay natatanaw ko na ang sasakyan nito at siya mismo kaya binilisan ko ng konti ang lakad ko para agad makalapit dito
“Look its your Prince waiting for you how sweet of you guys”bulong nito na narinig ko naman bago ito pumasok sa bahay nila at ako naman ay agad na lumapit dito
“Bakit nandito ka sa labas? baka may makakita sayo doon tayo sa loob ng bahay”pag aaya ko dito saka nauna nang mag lakad papasok sa loob ng bahay namin
“We have to talk mukhang marami kang di sinasabi saakin”sabi nito saakin habang nakahawak sa bewang ko ng pareho na kaming naka pasok sa loob ng bahay
“Asan sina mama?”Tanong ko sa kapatid ko ng mapa daan ito sa sala agad naman ito tumingin saakin at sa katabi ko na kinawayan naman sya
“Wala pa te,may pinuntahan kanina si mama at di ko alam kung saan at di pa sya nakaka balik pero nakapag saing na ako te mag luluto nalang ng ulam”sagot nito sa akin habang nakatingin parin sa amin lalo na sa katabi ko
“Sige ako na mag luluto ng ulam para maka kain na tayo dito narin pala kakain ang kuya nyo”sabi ko dito pero di ko inaasahan ang sunod na sinagot nito bago ito pumasok sa kwarto nito
“Di ko sya kuya at ayuko sya kasabay kumain”walang emosyon nitong sabi saka nag lakad papasok sa kwarto nito na ikinabigla ko kung nito iyon sinabi alam kung noon pa man ay di na nito gusto si Simon pero di ko alam na harap harapan nitong sasabihin iyon dito.
Agad na umakyat kami sa kwarto ko dahil mag bibihis muna ako bago mag luto ng ulam namin ng bigla ito mag salita mula sa likod ko
“Your sister still doesn't like me ha?after almost 6 years of our relationship ganun parin trato nya saakin”sabi nito na puno ng pagkadismaya kaya napatingin naman ako dito
“Pasensya kana sa kapatid ko alam mo naman ugali nun,tyaka balang araw matatanggap karin nun”nakangiti kung sabi dito saka lumapit dito para yumakap sa bewang nito
“I hope so baby”maikli nitong sagot saka ako hinalikan sa noo ko
Pagkatapos ko mag bihis ay agad na kami bumaba at pumunta ng kusina para mag luto ,tutlungan din daw kasi ako nito habang nag uusap kami
“So ano yung pag uusapan natin?”panimula ko dito habang nag titingin sa ref ng pwedeng lutuin pero alam ko na naman na kung ano ang gusto nitong pag usapan
“You tell me baby,may tinatago ka ba sa akin?may hindi ka ba sinasabi sa akin?”tanong nito habang nakahawak sa balikat ko, di ko maiwang mapalunok sa sinabi nito kinakabahan ako kahit wala naman akong ginawang masama dito
“About ba dun sa kumakalat ng chismis sa school?di totoo yun baby tyaka alam mo naman diba na ikaw talaga ang boyfriend ko diba?kaya wag mo na intindihin yun”pagpapaliwanag ko dito saka ito hinarap hahalikan ko sana ito sa labi ng bigla itong tumalikod saakin at seryosong tiningnan ako
“Am i?mga magulang lang natin nakaka alam ng totoong meron tayo and even your sisters doesn't like me so boyfriend mo nga ba talaga ako?”walang emosyon nitong sabi
Di ko alam ang pinaparating nito pero desisyon nya naman kasing itago ang kung anong meron kami kahit pa nga nung una ay di ko matanggap pero sumang ayon nalang din ako dahil alam ko magiging malaking gulo yun pag may nakaalam pero bakit ngayon parang kasalanan ko pa?
“We've been together for almost 6 years baby tyaka diba para naman to sa ikabubuti natin kaya ganito diba?you told me before na kailangan natin itago ang relasyon natin sa ibang tao kasi masisira ang career mo pag nalaman nila ayaw mo rin magulo ang buhay ko diba?”
“Yeah and you agreed to it”
“Dapat ba hindi?Simon ano ba problema natin?kung about lang to sa chismis ay kaya ko naman ipaliwanag yun sayo ei at si—-
Lumapit ito saakin at agad ako hinalikan sa labi na ikinagulat ko sandali lang yun at agad di naman nito pinakawalan ang labi ko at tiningnan ako sa mata
“I want you”puno ng intensidad nitong sabi saakin
“What?”nagulat kung tanong nito di ko alam paano napunta kami sa ganito bakit ganito siya mag salita
“Kung talagang mahal mo ako at boyfriend mo talaga ako ibibigay mo ang gusto ko”
“What do you mean?”
“Lets have s*x”
To be continued……