Xalvien's POV Pagkatapos ng lahat ng nangyari kahapon, pakiramdam ko para akong nilubog sa dagat ng emosyon. Parang isang iglap, nagulo ang tahimik kong mundo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa irony ng sitwasyon na ang taong akala ko ay magiging dahilan ng saya ko, siya rin palang magpapagulo ng damdamin ko. Habang nasa shop ako, pilit kong tinatapos ang trabaho ko para makaiwas makipag-usap. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa pagitan nina Sandra at Simon. At lalo na ang mga tanong na iniwan sa akin ng eksenang 'yon. "Xalv, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Sandra habang nagliligpit siya ng mga baso sa likod ng counter. Napatingin ako sa kanya. Sa kabila ng tila pagod at bahagyang maga niyang mata, nandoon pa rin yung pagiging concerned n

