Jasmin's POV
"Sasabay ako ha " sabi sa akon ni Heidi
"Ahh sige lang tara na "
Katatapos lang ng klase namin.
At ngayon alam na nina Heido ang nangyari kay Caryl pero hindi nanamin sinabi ang dahilan.
"Jas , hindi ako makakasama, sabihin mo na lang kay Caryl , Get well soon" sabi naman ni Angel na nag madaling lumabas ng Room
"Tara na " pag aaya naman ni Jhunrey.
Lumabas na rin naman kami ng Room at dinaanan namin si Digs
Agad nman kaming nag-tungo sa hospital.
At pumunta kung saan naka confine si Caryl
"Oh nanjan na pala kayo "
"Hi po tita "
"Hello po " bati naman nila kay mama
Siya kase ang kasalukuyang nag babantay kay Caryl
"Hello din, sige na at mauuna na ako ha ?"
Saad niya
"Sige po tita"
Pag papaalam naman nila
"Oh , jasmin hintayin niyo na lang na magising si Caryl at pwede na siyang ma-discharge"
Dugtong naman ni mama
"Sige ma" sagot ko na lamang
Hanggang ngayon kase hindi pa din alam ng mama niya na nadito siya sa Hospital
"Tagal naman magising nitong si Caryl! " sabi ni Jhunrey na umupo sa sofa
"Malamang , hinika e" sabat naman ni Heidi na umupo na din
"So ganun ? Kapag hinaka dapat matagal ang tulog?"
"Hoy! Ano ba ? Para kayong tanga e noh , yan lang pag-aawayan niyo pa " singit naman ni Adee.
Natahimik naman ang dalawa tsaka nag-tinginan sa isa't-isa
"Labas lang muna kami Jas ha " pagpapaalam ni Digs
"Ah sige lang ." Saad ko naman.
Lumabas naman silang dalawa at ako naman ay agad na ding umupo sa Sofa.
Joshua's POV
"Sigurado ka ba na tama to?"
Paninigurado sa akin ni Jeffrix .
Nandito kase kami ngayon sa Laboratory , nakiusap kami kay sir JC if pede namin mahiram to .
Tinutulungan ko kase si Jeff sa mga codings na gagamitin niya for competition , siya kase ang napili na representative ng section namin, sa isang araw na kase gaganapin ang I.T Day
"Oo nga , sigurado ako diyan, yan yung nakita ko sa server ni Sir e" sagot ko naman
"Haha siraulo to " saad naman ni Jeff.
Ilang ulit pa niya binago ang codings hanggang sa nag run na ito.
"See!!!! Whhooo! Tama ako diba!"
Halos pasigaw na sabi ko at nagtatalon pa . Okay lang naman na mag sisigaw ako , kase kaming dalawa lang naman ang nandirito
"Nice ! Nice! " pumalakpak pa siya at nakiapag-apir pa sa akin
Nakita ko siyang kumuha ng notes at kinopya niya ng mga nilagay kong Codes
"Kopyahin ko na , pag aaralan ko kase" sabi niya .
"Sige lang pre " saad ko naman
"Teka lang josh ah, iihi lang ako" pag papaalam niya .
Tsaka nag madaling lumabas .
Umupo naman ako sa inupuan niya kanina at tumingin sa monitor, muli kong tinignan ang pintuan kung saan siya lumabas
Hmph , akala niya hahayaan ko siyang manalo? Psh . Akala niya yun.
Kaya naman agad kong pinalitan ang mga codings na nilagay ko kanina lang .
Ako dapat ang representative ng section namin kung hindi lang siya nangongopya sa akin at nataasan niya ako , psh.
Kapal ng apog niya para humingi sa akin ng tulong. Akala niya ha .
Halos lahat ay binago ko . Para nang sa ganun ay mali ang makopya niyang codes.
'Aaaaaaaaakkkkkkkkk'
'Aaaaaaaaaakkkkkkkkk'
Teka ? Ano yung tunog na yun ?
Ang creepy naman
Hinayaan ko na lang iyon at pinag patuloy ang pag iiba ng mga condings .
Hangang sa naramdaman kong nagbukas ang pintuan
Pero patuloy pa din ako sa ginagawa ko
"Inayos ko lang pre , para makopya mo rin nang maayos" saad ko.
Pero hindi naman siya umimik
Nramdaman kong nasa gilid ko na siya
"Ang bilis mo naman pre mag c--"
Natigil ako sa akong sasabihin,
Halos tumayo ang mga balahibo ko sa sobrang takot na nararamdaman ko .
Natumba na ako sa sahig at maging ang upuan ay natumba din
Pa-paanong nangyari to ?! Sobrang naginginig na ako !
"W-wag! Ple-pleaseeee! " nakikita kong lumalapit siya sa akin .
Tumayo ako nag simulang timakbo sa kabilang parte ng kwarto
Nagsimula na ding mag patay sindi ang ilaw .
Nanginginig na ako sa takot!
Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko .
Iniisip na sana ay matapos na ang oras na ito.
Nang lumingon ako kung nasaan siya nakatayo ay wala na siya duon. Pero malakas pa din ang t***k ng puso ko
Agad kong tinungo ang pintuan pero ayaw nitong mabuksan!
Gagamitin ko na sana ang isa pang pintuan pero nagulat ako nang ..... Nasa harapan ko na siy ngayon!!!
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kundi ang sumigaw
"AAAAAAHHHHHH!!!"
Jeffrix's POV
Yes! AHAHAHA siguradong mananalo na ako nito sa laban !
Ngiting-ngiti akong humarap sa salamin at tsaka inayos ng kaunti ang buhok
Tsaka lumabas
Tinungo ko na muli ang laboratory tsaka pumasok
Teka .. Nasaan si Joshua ?
Baka umihi..
Pumunta na ako muli sa ginagamit naming monitor at tsaka itinayo ang upuan
Ano naman kaya ang iniisip nung lalaking yun at itinumba niya pa ito?
Agad ko naman ipinagpatuloy ang pagsusulat mabuti na lamang talaga at tinulungan niya ako dito.
Ilang minuto din ako nag sulat at wala pa din siya
"Nasan na ba si Joshua ? Uuwi na ko e." Saad ko sa aking sarili habang inaayos ang mga gamit ko.
Pero sa huli ay lumabas na ako ng Laboratory at dinala ko na lamang ang kaniyang bag .
Ala-singko na e. Kailangan ko nang umuwi .
Third Person's POV
Ibinilin na lamang ni Jeffrix ang Bag ni Joshua sa Guard house at tukuyan nang umalis
Samanatala lingid sa kaniyang kaalaman ay nasa laboratory pa din ang katawan nito na wala pa ding malay