Chapter 29:That Boy

1090 Words
Jasmin's POV Mukhang hindi lang pala ako ang nakakarinig ng tunog na iyon, dahil maging si Caryl ay luminga-linga sa paligid na para bang hinahanap kung saan ba nang gagaling ang tunog na naririnig namin "A-ano iyon?" Utal-utal na saad niya na halatang may takot "H-hindi ko alam" tanging nasaad ko na lamang . Alam ko .... alam kong nandito nanaman siya ,ayoko lang sabihin kay Caryl sapagkat alam kong lalo lamang siyang matatakot Nagulat naman ako sa sumunod na nangyari . Nag patay sindi ang ilaw ko sa kwarto "Aaaaaaahhhhhh" napatili si Caryl sa nangyari at halos hindi naman ako makagalaw Dahil kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaki ! N-nasa sikod siya ni Caryl! "Jasmin! Anong nangyayari! Jasmin!!" Sigaw nina lola at mama sa labas , siguro ay kinabahan din sila sa pag sigaw ni Caryl. Pinilit kong ihakbang ang paa ko papunta sa pintuan at pinilit na buksan ngunit ayaw mabuksan nito! "Jasmin! Buksan mo !" "Ahhhhhhh" napalingon akong muli sa kinatatayuan ni Caryl sapagkat ngayon ay sinasakal na siya ng lalaking nasa likod niya ! "Ma! Please tulungan niyo kami! Ma !" Buong lakas kong sigaw "Nay! Bilisan mo ! Yung susi!" "Ja--jasmin *cough* t-tulo--" Napatingin akong muli kay Cary Humarap ako sa kanila !, jusko anong gagawin ko ?! "Lubayan mo na kami! Please !!!" Pero nagulat ako dahil ngumisi lamang ang lalaki Nakikita ko ngayon kung paano niya sinasakal si Caryl Hindi! Hindi pwedeng may mamatay nanaman! Kahit na puno na ako ng takot ay sinimulan ko na ang pag takbo papunta sa kinaroroonan nila At ipinikit ko ang aking mga mata . "AAAAAAHHHHHH" Third Person's POV Kasabay nang pagtumba ni Jasmin at Caryl ay siya namang pagbukas ng pintuan nila at pagtigil nang pag patay sindi ng ilaw nila. Agad namang pumunta si Lola Remy at Gng. Rose sa dalawa na nakahiga sa Sahig. Inalalayan nila ang dalawang dalaga na maka upo sa kama Halos maubo ng maubo si Caryl sa nangyari dahil sa pagkakasakal sa kaniya ng lalaking iyon. "Ayos ka na ba ?" Pagtatanong ni Jasmin sa kaniya "Oo, salamat" naghahabol na hininga na sagot ni Caryl "Anong nangyari ? " pagtatanong ni Gng. Rose "Nagpakita nanaman siya Ma" "Jusko" pabulong na saad ni Gng. Rose at napatakip na lamang ang kanyang kamay sa kanyang bibig. "Ibig sabihin totoo nga" napatingin naman si Jasmin sa kanyang lola ganun din naman si Caryl at Gng. Rose "Anong ibig mong sabihin nay?" Naluluhang tanong ng anak. "Kagaya ng sinabi ko nuon , nais kang patayin ng ispiritong iyon" tingin na sabi nito sa apo "Pero.... Hindi po ako ang pinag tangkaan niya ngayon " saad ni Jasmin "Si Caryl po" dugtong pa niya Umupo ang matanda at tsaka humarap sa dalawa "Kung ganun....lahat ng malalapit sayo ay idadamay niya " saad ng nito Para namang naguluhan si Jasmin. "Wait, ibig mo po bang bang sabihin La e , ako talaga ang dahilan?" Naiiyak na tanong ni Jasmin "Hindi naman sa ganoon apo , pero....kaylangan mong malaman kung bakit ba talaga ninanais ng ispiritong iyon na patay---" "Wait lang po" napatigil ang matanda ng magsalita si Caryl "S-sa Tingin ko po, hindi si Jasmin ang dahilan, k-kase po , sa tingin ko , si Jasmin po ang nadamay " at duon ay tuluyan nang umiyak ang dalaga Inalo-alo naman ni Jasmin ang kaibigan ay hinimas himas ang likod nito . Umiyak ng umiyak si Caryl hanggang sa kumalma siya . Binigyan naman siya ni Gng. Rose ng panyo at pinunasan niya ang kanyang mata . "Kase .. Ano po... Y-yung lala--" Hindi na natuloy pa ng dalaga ng pagsasalita sapagkat hinahabol na niya ang kanyang hininga "Caryl! Ayos ka lang ba?!" "M-ma-may h-hi-hika a-ko" saad nito , na siya namang ikinabalisa ng mag-iina "Jasmin! Tumawag ka ng Trycicle" utos ni Gng. Rose At agad ay lumabas si Jasmin para tumawag ng trycicle Agad naman nilang naisugod si Caryl sa pinakamalapit na hospital. Jasmin's POV "Jasmin!" Tawag sa akin ni Adee . "Adee!" Lapit ko naman sa kanya "Kamusta si Caryl?" Nag-aalalang tanong niya. "Ayos naman na siya " sagot ko naman " whoo! Buti na lang at sa akin ka napatawag , sinabi ko na lang sa mama niya na may biglaang project tayong gagawin kaya mag i-sleep over tayo , kumuha na din ako ng mga damit niya ,baka kase mag-alala sila kapag nalaman nila ang nangyari kay Caryl" Nakita ko namang may lalaking pumasok at may dala siyang bag . "Oh ito na yung gamit niyo " saad naman ng lalaki na si Digs. Ang boyfriend ni Adee. "Sige na aalis na ako , baka hanapin pa ako ni mama" saad nito kay Adee "Ahh sige ingat ka " saad naman ni adee at hinalikan siya ni Digs sa noo Si Adee lang kase tinawagan ko. "Sige Jasmin, una na ako" pagpapaalam naman nito sa akin. "Sige , ingat " saad ko naman Kinuha na niya ang bag na hawak ni Digs , na naglalaman ng mga gamit nila . Tsaka tuluyan nang lumabas si Digs ng Hospital. Kami naman ay dumeretso na sa kwarto kung saan naka Assign si Caryl at pumasok na kami. Matapos kase naming Ihatid si Caryl ay bumalik naman agad sina mama at lola sa bahay . Kinuwento ko kay Adee lahat ng nangyari hangang sa naihatid na namin dito si Caryl Halata sa kanya ang gulat dahil nga sa nakita na niya minsan ang lalaking iyon. " pero , may sinasabi si Caryl kanina" "Ano naman iyon?" "Nakita niya kase yung Class picture natin nuong fieldtrip. Tapos , nagulat siya ng makita niya ang isang lalaki duon na nakasama pala sa Picture natin" Saad ko "Kaya nga , sinabi mo na nga kanina, tapos?" "Naniniwala kase si lola na gusto akong patayin ng lalaking iyon , tapos sabi niya kailangan ko daw malaman kung bakit ako gustong patayin nito bago pa daw may madamay na iba" paliwanag ko "Pero , biglang sumingit si Caryl , sinabi niya na .. Sa tingin daw niya hindi ako ang nandadamay dahil ako daw ang nadamay" Dugtong ko "Tsaka , kilala niya yata yung tao duon sa larawan e " saad ko pang muli "Patingin nga " Ibinigay ko naman sa kanya ng litrato na na nakagay sa bag ko Nakita ko din na nanlaki ang kanyang mata "Hindi pwede to! Bakit ikaw lang ang may kopya nito?" Pagtatanong niya "Kung ganun... Sa kopya niyo, wala siya dun?" Pagtatanong ko "Oo, walang nakasama na kahit sino. " saad niya na siya namang ikinilabot ko "Kung ganun, s-sino iyang nasa l-larawan" tanong ko Naku-Curious na kase talaga ako "Sorry Jasmin, pero ... Hindi ako ang dapat magsabi sayo " saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD