Chapter 28:Photo

1060 Words
Third Person's POV Nagising si Angel na luminga linga sa paligid. "Oh , hija . Okay ka na ba ?" Tanong sa kanya ng nurse na nakaupo lamang at may sinusulat "O-opo, s-sino po pala nag dala sa akin dito?" Tanong niya habang tumatayo . "Yung mga kaibigan mo . " saad din naman ng nurse na iniwan ang ginagawa at lumapit sa dalaga na inaayos ang higaan "Ako na diyan hija" "Sa-salamat po" sagot nito . "Kaya mo na ba ? " "Ah, opo , opo . Salamat po , lalabas na po ako " "O sige " At tuluyan na siyang lumabas ng clinic. "Kamusta?" Nabigla naman siya nang pagkalabas na pagkalabas niya ay may biglang nagsalita . Pakiramdam niya tuloy ay tumalon ang kanyag puso . "Psh , anong ginagawa mo dito ?!" Pag tataray na saad niya . "Taray mo naman , siyempre hinihintay ka dito , ako kaya nag dala sayo dito , ano ba nangyari sa yo?" Tuloy tuloy na sabi ni Paul . Para namang nag balik sa isipan ni Angel kung ano ba ang nangyari sa kanya kanina . Napansin nang binata na parang namumutla nanaman ang dalaga . "Ui, ayos ka lang ba ? Gusto mo ba ulit mag pa clinic?" Suhestisyon nito "Ah. Hindi, hindi okay lang ako . Tara na , may klase pa tayo ." Pag aanyaya naman nito . At nag simula na silang mag lakad papataas . Pero lingid sa kaalaman nila ay nakatingin sa kanila ang isang lalaking duguan na walang mata . Jasmin's POV Katatapos lang ng isang subject namin na wala nanamang nagturo . Biglang bumukas ang pintuan at pumasok duon si Angel at si Paul "Ayyyiiiee" pang aasar nang iba . Kabataan naman talaga , makita lang na magkasama ang isang lalaki at babae , e may meaning na agad . Dere-deretso lamang na pumunta dito si Angel at tsaka naupo sa tabi ko , si Paul naman ay ngi-ngiti ngiting umupo .. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya "Wala !, walang nangayari sa amin!" Ha? Ano bang sinasabi niya? "Anong sinsasabi mo ?" Para namang natameme siya at huminahon tsaka nagtanong "Ano ba yung tinatanong mo ?" "Yung nangyari sayo? Bakit ka ba nahimatay ?" Tanong ko sa kanya Para naman siyang baliw na natatawa . "Oyy!" Tawag ko "Ahh, ano . Kase...." At bigla na lamang nanlaki ang kanyang mata . "Kase Jas. May nakita ako" seryosong panimula niya . "Ano yun?" Nako kurious na tanong ko sa kanya. Luminga linga muna siya gilid na para bang tinitignan kung may nakikinig . "Mamaya ko na lang sasabihin sayo . Huwag dito" halos pabulong na sabi niya sa akin. UWIAN Magkasabay kami ngayon na naglalakad ni Angel Kalalabas lang namin ng School "So ano yun ?" Tanong ko sa kanya Narinig ko na nag-buntong hininga muna siya bago sumagot sa akin. "Sa tingin ko , may pinatay sa Lumang Facualty Room" Nagulat naman ako sa tinuran niya "Paano mo naman nalaman?" "Kase..ah basta ! Hindi ko alam , ang hirap kaseng ipaliwanag e" Saad niyang muli na halatang nahihirapang mag-paliwanag " baka nga " Naramdaman kong tumingin siya sa akin at nahinto sa paglalakad "Ibig sabihin ..... Naniniwala ka sa akin?" "Oo kase...." At nag patuloy ako sa paglalakad "Nung unang araw ko sa School , may nakita din ako" Saad ko. "Isa siyang babae , sa tingin ko , dati siyang teacher sa School natin." Dugtong ko "Oo. Nakita ko din yung kasuotan niya ! ... nakita ko siya sa salamin bago ako nahimatay" "Kaya ka ba nahimatay dahil sa sobrang takot ?" Tanong ko "O-oo yun nga ang dahilan" Napa-buntong hininga naman ako "Simula nang lumipat ako sa eskwelahan natin , ang dami nang nagbago sa buhay ko" Saad kong muli Nanatili na lamang kaming tahimik hangang sa nag paalam na kami sa isa't-isa dahil iba na ang daan na tatahakin namin. *knock* *knock* "Sandali at bubuksan ko muna ang pintuan" Saad ni lola. Kasalukuyan kase kaming kumakain ngayon "Ako na po la , tapos na rin naman na po ako " saad ko at tumayo na ako *knock* *knock* " Goodevening p-- ay Jas." "Ui, anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko kay Caryl "Ahh , kase ibabalik ko sana yung Blue Form mo , naiwan mo kanina e, tsaka hihiramin ko na din yung libro natin sa Proba." "Ahh sige , pasok ka muna" Pumasok naman siya sa loob "Ma, La, nandito po classmate ko" "Hi po. Goodevening po" Nakangiting bati nito "Ah , Hi din , naku pasensiya ka na at madumi itong bahay . Kakatapos pa lang kase namin kumain, e kumain ka na ba ? Kain ka na muna" saad ni Mama "Naku, hindi po okay lang po . Salamat po" Sagot naman nito "Ma punta lang muna kami sa taas ah ." Paalam ko "Ah o sige" sagot naman niya na nagliligpit ng pinag kainan namin. "Naku Jas, napadali yata kita sa pagkain mo" saad ni Caryl nang makapasok na kami sa kwarto ko "Sira , hindi noh , tapos na din naman ako kumain" sagot ko habang inilalagau ang blue form ko sa lamesa. Kinuha ko naman ang bag ko para sana kunin ang libro namin sa Proba. Nakita ko naman na tumitingin tingin sa loob ng kwarto ko "Taray , ang laki ng kwarto mo" Ngiti na lamang ang sinagot ko Nakuha ko na ang libro namin at tumayo , samantalang siya ay tumitingin-tingin sa pictures na nasa ibabaw ng cabinet ko Lumapit naman ako sa kanya at tsaka kinuha ang class picture namin. "Nilagay ko din dito yung class picture natin oh" sabay pakita sa kanya ng litrato Kinuha niya naman ito at tsaka tinignan nang nakangiti Pero unti-unti ay napalitan ng gulat ang kanyang ekspresyon "Bakit ? " nabitawan niya kase ang class picture namin. At unti-unti siyang napalakad ng paurong "Bakit ba ?" Naguguluhan kong tanong "Y-yung l-lalaki jan sa litrato , p-patay na siya!" Saad niya na nagugutal sa pag sasalita Muli kong tinignan ang picture namin at nagulat ako sa nakita ko Yung lalaki na nakita ko sa Bench nung Fieldtrip ! Y-yung lalaking nakasama sa class picture namin Nag bago ang hitsura niya ! Naging duguan na siya sa larawan at wala siyang mata ! Hindi ako makagalaw , pa-paanong nangyari to?! Akala ko ba tahimik na ako?! Ano nanaman ba to?! Naiiyak ako, hindi ko alam ang gagawin ,B-bakit ba ako?! "I-itapon m-mo na ya-yan Ja-Jasmin" sabi aa akin ni Caryl, halata ang takot sa boses niya Hindi pa din ako makagalaw , yung lalaking yun, kailan niya ba ako patatahimikin?! Napatigil naman ako ng bigla akong nakarinig na pamilyar na tunog. 'Aaaaaaaaaaaaaaakkkkkk' 'Aaaaaaaaaaaaaaakkkkkk' Hindi! Hindi maaari to! Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD