Chapter 27:Rope

1024 Words
Jasmin's POV Maaga akong nagising at agad ay pumasok na . Pagdating ko sa school ay kapansin pansin nanaman ang tinginan ng mga istudyante sa akin. Siguradong nabalitaan na nila ang nangyari kay Ej. Kaya naman ay agad na akong pumasok sa Room. "Uy, saan ka nagpunta kagabi ?" Pagtatanong ko sa babae na katabi ko "Ahhmm , sa ano , sa .....kay mama!" Saad niya . Halata namang nagsisinungaling siya. Kahit na alam kong Indepndent siya ay hindi ako naniniwalang nanggaling mga siya sa mama niya kagabi . Imposible kaya . Makati pa yun "Ahh okay " sagot ko na lamang . Umupo na ako sa aking upuan at nagdatingan na din ang iba naming mga kaklase . Dumating na din si Ms.Cath at nagsimulang mag-turo . Saveena's POV "Pleaseee. Wag ! Pleaseee ! Wala akong ginagawang masama Pleaseeeeee , Ahhhhhhhhhhh!" "Savee!" Nabigla naman akong tawagin ako ni Jhunrey . Nandirito kase kami ngayon sa Canteen. "B-bakit?" Tanong ko " Seriously? Kanina pa kaya kita tinatanong kung may handouts ka ba sa JavaScript? Hindi ko kase na download yung iba e. " "Ahh, wala e . Hindi din ako nakapag Download nag no-notes kase ako , teka , nasaan sina Caryl ?" Tanong ko . "Nasa Cr . Sige , hahanap lang ako nang handouts ." Sabi niya , bago siya umalis sa upuan niya . Wala na pala akong kasama dito . Tss kase naman , ang creepy naman kase ng napanaginipan ko kagabi . Nasa isang kwarto ako at nakikita ko ang isang lalaki duon na pinapahirapan at pagkatapos ay pinatay , hindi ko lang maaninagan ang kanilang mga mukha . Teka ! Pa-parang sa Lumang Facualty room yuon nangyari ! Hindi ko alam kung paano ako nag karoon ng lakas ng loob para pumunta sa 7th Floor at puntahan ang abandunadong facualty room. Pag akyat ko palang ay nagulat ako sa aking nakita "Ahhhhhhh" Angel's POV 'San ka na ? Tara na , labas na tayo' Aishh! Ang kulit talaga nitong lalaking to ! Hindi naman porket pumayag ako kagabi na makipag - *ehem* date sa kanya e akala niya pwede na niya akong abusuhin! Kaya naman nung papunta pa lang kami ng canteen ay nag paalam na agad ako kina Jasmin na hindi ako makakasama sa pagkain sa kanila . Kailangan kong taguan yung Paul na yun! Umakyat muna ako sa Rooftop at umupo sa mga bench na nanduon *1 new message received* 'San ka ba ? Sunduin kita ' Pwet niya ! AHAHAHA Pinatay ko muna ng cellphone ko , baka kase tumawag e. Ilang minuto na akong nakatunganga duon. Nang mapadako ang aking tingin sa isang kwarto na parang inabanduna na . Nakaramdam naman ako ng kakaibang pakiramdam , lalo na't naalala ko na dito pala nahulog si Genea. Agad naman akong tumayo at nag lakad papuntang hagdan nang magulat ako sa nakasalubong kong babae "Aahhhhh" Parehas naman kaming napasigaw at napa tumba. "Jusko , akala ko kung sino na " Hinihingal na sabi ni Saveena "Ahahhaha akala ko din multo ka na e." Tumayo naman kaming pareho . "Saan ka pupunta?" Tanong ko "Ah, ma-mag papahangin sana" saad niya . "Ah. Okay sige tara , sama ulit ako" ngiting sabi ko . Pumunta naman kami sa pinag upuan ko kanina at tsaka umupo. "Bakit nga pala , hindi ka sumabay sa amin kumain?" -saveena "Ah, kase ..... May tinataguan ako " sagot ko "Hahahahahah si Paul ba ?" Nagulat naman ako sa sinabi niya , nang maalala ko ang sinabi ni Paul kagabi na kina Saveena nga pala siya nag sabi about sa .. You know. "Ano? Masaya ba ha ?" May ngiting nakakloka na tanong niya sa akin "Ha? Yung alin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya . "Wala !. Wala." Tanging nasabi na lang niya . Nagkaroon naman ulit kami ng kaunting katahimikan Nang bigla ay may pumasok na katanungan sa aking isip. "Bakit nilipat sa ibaba yung Facualty Room?" "Ahh, e-ewan ko din e . Hindi ko alam ." -Saveena. "Hmm kase naman nakakatakot naman kase ang kwartong iyan" wika ko " oo nga." Nakita kong tumayo siya at nag simulang mag lakad. Tumayo na din naman ako at nag simulang sundan siya . Nagulat ako nang buksan niya ang pintuan ay nabuksan ito . Hindi pala naka-lock . Pumasok naman siya at pumasok din naman ako . Pinagtambakan ito ng mga lumang libro at ng kung ano-ano pang mga lumang bagay . "Dito nga yun" Bulong ni Saveena na hindi ko naman masyadong narinig kung ano ba iyong ibinulong niya . Nagsimula akong mag-ikot ikot sa kwarto . Grabe talaga, nakakatakot talaga itong lugar na ito . "Aray!" "Oh? Ayos ka lang ba ?" Natumba kase ako, kaya yung mga nakapatong sa upuan na libro ay natumba din sa akin. Lumapit naman si Savee sa akin para tulungan akong tangalin ang mga nakapatong sa akin. Hinawakan ko ang isang lubid upang tangalin ito nang magulat ako sa aking nakita . "Wag! Wag! Wag! Aaahhh" "Hhaa!" "Oh bakit ?!" Pag-aalalang tanong sa akin ni Saveena nang maihagis ko ang lubid! Y-yung Lubid ! G-ginamit siya para ibitay ang isang babae ! "O-okay ka lang ba ha? Gel? Ano?!" Nag aalalang tanong ulit sa akin ni Saveena Lalong hindi ako nakasagot sa kaniya ng makita ko ang isang babaeng duguan ! Na nasa likod ni Saveena! "Aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" Saveena's POV "Ano ba talagang nangyari?" Tanong sa akin ni Jasmin . Nandito kami ngayon sa labas ng clinic , sabi ng nurse hinatayin na lamang daw namin na magising ito . "Hindi ko nga alam Jas. Basta nag sisigaw na lang siya nang hindi ko alam kung bakit" sagot ko naman sa kanya . "Buti na lamang at nakahingi agad ako ng tulong " dagdag ko pa . Matapos kaseng himatayin ni Angel ay agad kong tinext si Paul na puntahan kami sa Rooftop . At siyempre , nanduon nanaman kami sa sitwasyon na pinag titinginan nanaman kami. Akala siguro nila ay may namatay nanaman . Kaya hindi ko din masisisi si Jasmin kung ganyan siya makapag-alala Pumunta na din dito kanina si Ma'am Cath. Sinabi ko na lamang sa kanya na nasobrahan lamang sa init si Angel kaya ito nahimatay. Hindi ko na sinabi sa kanya na nag sisigaw ito na akala mo ay may nakitang multo. "Hindi kaya nakita niya na rin?" Pagtatanong ni Jasmin sa kanyang sarili. "Ang alin?" Tanong ko sa kanya. "Wa-wala, sige alis muna ako " pag papaalam naman niya . Hindi kaya , nakita niya din? iyung nasa panaginip ko? Hindi.. Imposible naman yun...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD