Saveena's POV Dahan dahan naming itinahak ang loob ng gusali nang aming paaralan. Wala kaming makita dahil na din sa kadiliman. "Nasan na ba si Jasmin? Sana naman sinundo niya tayo dito" "Wag ka nang magreklamo Thea , pwede ?" "Hindi ako nagrereklamo!" "Ssssshhhhhh!" Natigilan naman sila ng sa pagtatalo ni Sam nang sawayin naman sila ni Marvin. Psh. Sobrang tatanda na ,mga isip bata pa din. Nasa ikalimang palapag na kami pero wala pa ding Jasmin ang nagpapakita sa amin. Nandito ba talaga siya? Kase kahit sa Room namin ay wala namang ilaw na nakikita , tanging mga ilaw lamang nang aming mga cellphone ang siyang nagbibigay nang ilaw sa aming dinaraanan "Nandito na pala kayo" Jusko! Nagulat naman ako dun, este kami pala , dahan-dahan kaming naglalakad ng biglang nagsalita si J

