Jasmin's POV Tumakbo kami hanggang sa makakaya namin . Matapos na tumawag ang lola ni Nikka sa amin ay hindi na natigil ang pagluha ni Thea "Thea , tigil na okay? Everything will be okay " Pero hindi siya sumagot sa sinabi ni Sam , ni hindi din siya tumingin dito . Maging ako ay kinakabahan, hindi lang dahil sa nawala na si Nikka kundi dahil sa iniisip ko na may kinalaman nga dito si Tito . "N-nasaan po si Nikka?" Humihikbing tanong ni Thea nang nilapitan niya ang isang matanda , sa tingin ko ito na nga ang lola ni Nikka. Sa mukha pa lang nito ay halata na galing ito sa pag-iyak. "Nasa morgue na siya hija , hindi ko alam kung paano nangyari to, iniwan ko siya ng maayos diyan tapos....tapos......wala na ang apo ko" Muli ay tumangis ang matanda. Nanatili lamang kaming nakatayo , h

