Jasmin's POV "Walang darating na tulong , dahil nasa Panganib si Nikka!" Saglit kaming natahimik at nagkatinginan sa isa't-isa "What are you talking about? Nakausap ko na nga si Nikka at hihingi nga siya ng tulong , and just to remind you , tayo ang nasa panganib at hindi siya" Tila walang narinig si Angel sa mga sinabi ni Thea . Ano bang nangyayari sa kanya ? Well tama naman si Thea na nasa panganib nga kami kanina pero sa tingin ko hindi na ngayon. --Flashback-- Nagulat kami ni Thea nang napasigaw si Saveena . "Anong nangyayari ? " "H-hindi ko ala--" Mukhang hindi na kaylangan pang tapusin ni Thea ang kanyang isasagot , sapagkat nakikita na din namin kung ano ang dahilan ng pagkabahala nila . Naririnig ko ang mabilis na pagbuntong hininga ni Thea , siguradong kinakabahan na di

