Jasmin's POV Pumasok kami dali-dali sa bahay , kung saan naroroon ang bangkay ni Angelo. Ni-lock namin agad ang pintuan at pinailawan ang loob nito pero.. "Nasaan na yung bangkay?" Tiningnan namin ang paligid at gaya ng sinabi ni Angel ay wala na nga roon ang bangkay ni Angelo "Sigurado ba kayo na nandito yun?" "Oo naman Saveena, ano bang tingin mo samin gumagawa ng kwento?" Hindi naman siya sinagot ni Saveena at tinignan lang siya nito Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa aking leeg at nakaramdam nang isang malamig at matulis na bagay . "Subukan niyong gumawa ng kahit na anong kalokohan at sisiguraduhin kong mababawasan nanaman kayo" Nanatili naman kaming tahimik maging sina Marvin. Samantalang ako ay kabang-kaba na, siya ba ang lolo ni Angelo? "Pakiusap po , makinig

