Chapter 20:Complicated

1354 Words
Bunny's POV Matapos tumawag si Renz ay parang mas lalong sumakit ang ulo ko , si Brix ? Kaibigan ko siya , sa apat na buwan na nakasama ko siya , alam kong nagkaroon ako ng magandang ala-ala kasama siya . Pero bakit kami nahantong sa ganitong sitwasyon ngayon ?! Naluha ako habang iniisip ko kung paano ba kami napunta sa sitwasyon na ganito, hindi ako sigurado pero mukhang tama ako . Napukaw ng paningin ko ang larawan namin na buong section, ito ang picture namin na mag kakasama nuong Fieldtrip . Nang mailapit ko ito ay nagulat ako sa aking nakita ! Kaylangan kong pumunta nang School! Marvin's POV "Guys , kaylangan na nating mag-ingat" Agad kong sabi nang makapasok ako sa aming Room Bakas naman sa kanilang mga mukha ang pagtataka "Marvin ? Si Thea ? Okay na ba siya?" Tanong sa akin ni Veronica. Halata sa kanyang mga mata ang pagluha at pag-aalala sa kaibigan , pero mas kailangan na naming alalahanin ang aming mga sarili sa mga oras na ito . "Oo , sa tingin ko maayos naman siya dahil kasama siya ngayon nina Jasmin" nakita ko namang umupo siya Teka? Nasaan si Renz? Hindi bale na nga muna , kaylangan ko munang balaan ang mga kaklase ko , dahil sa mga oras na ito , siguradong-sigurado na ako na tama nga ang hinala ko . "Ano ba iyon , Marvs?" Dinig kong tanong sa akin ni Adee. "Guys , kailangan natin mag-ingat " "Mag-ingat, kanino nga ?" -Caryl "Kay Angelo" Pagkasabi ko pa lang ng pangalan niya ay nakita ko ang mga gulat na ekspresyon sa kanilang mga mukha. "Ano?! Hindi ba't pa-patay na siya?!" Napatayo si Mark habang sinasabi niya ito "Oo nga ,patay na siy--" "Oh ?! Kung ganun,?! Bakit tayo mag-iingat sa isang patay na ?!" Naputol ko ang sasabihin ko nang biglang sumagot nanaman si Mark. Pero nagulat ako ng pag-kaupo niya ay nakita ko sa likuran niya ang isang pigura ng isang lalaki. Lalaki na isang duguan!! Nanlaki ang mata ko sa nakita ko , na siya namang napansin ng lahat . At nang tumingin sila kay Mark ay sigurado akong nanlaki din ang kanilang mga mata Dahan dahan na tumayo ang lahat at nakatingin pa din sa likod kung nasaan naka upo si Mark Pinilit kong ibinuka ang aking bibig "Ma-Mark, w-wag ka-kang gagalaw" Dahan-dahan kong sabi Third Person's POV Nagulat ang lahat nang makita nila na napatulala ang tingin ni Marvin sa gawi ni Mark na kanina lang ay sumagot ng sumagot sa kanya Pero mas lalong nagulat ang lahat ng biglang nakita nila kung ano nga ba ang dahilan nang pagkagulat ni Marvin Duon ay nakita ng lahat ang isang lalaking duguan na nakatayo lamang sa likuran ni Mark. "Ju-jusko" kinakabahang bulalas ni Caryl Dahan dahang napatayo ang lahat "Ma-Mark , w-wag ka-kang gagalaw" kinakabahan ding saad ni Marvin Bigla na lamang nag patay sindi ang ilaw na naging dahilan ng pagkatakbo nang lahat papunta sa harapan kung nasaan si Marvin "Aaahh!" Napatili ang ibang mga babae , nakaramdam ang lahat mg kaba at ng matinding takot sa mga nangyayari Biglang namatay ang ilaw at isang sigaw ang narinig nang lahat "AAAAHHHH!" "Si-si Mark " saad ni Genmar na pabulong Halos nagkakadikitan na ang lahat dahil sa sobrang takot "Walang aalis sa pwesto natin , hawak hawak tayo ng kamay" saad ni Marvin na kinakabahan pa din, agad naman silang nag kapit kamay Maya maya pa ay tuluyan nang namatay ang ilaw at nagkaroon ng kaunting katahimikan "G-guys pa-paano si Mark ?" Nauutal na sabi ni Heidi Bigla na lamang nagka-ilaw at nakita nila sa gitna ang lalaking duguan na nakatalikod at maya-maya pa ay dahan-dahang umikot ang ulo nito na hindi manlang gumagalaw ang katawan. Lalong nadagdagan ang takot na nadarama nang lahat , hinihiling na sana ay matapos na ang oras na iyon Lalo silang na-ngilabot nang makita nila ang mukha ng lalaking iyon . Wala itong mata! Dahan dahang papalapit ito sa kanila at unti unti silang napapaatras lahat hanggang sa wala na silang maatrasan at tanging white board na lang nila ang nasa kanilang likuran "MAGBABAYAD KAYO!" Nakakapangilabot ang boses nito , dahilan para mahimatay ang ibang mga babae "Lord please tulungan niyo kami" maimtim na dasal ni Saveena habang nakapikit Halos lahat sila ay nagdarasal na . Ngunit tumatawa lamang ang lalaking duguan habang papalapit nang papalapit sa kinaroroonan nila Hangang sa.... Jasmin's POV "Naku , salamat mga hija at binantayan niyo ang anak ko" Sabi sa amin ng mama ni Thea "Ah , wala po iyon" sabi ko na lamang "Mauuna na po kami , may klase pa po kase kami e" dugtong ko naman "Ahh , okay okay , sige salamat ulit" ngiti na ganti nang mama niya Bago kami tuluyang makalabas ng kwarto , ay agad naman kaming tinawag ni Thea "Jasmin, Salamat ulit . Pati na sayo Angel" Ngiti na lang ang ginanti namin sa kanya , tsaka kami tuluyang lumabas. Agad naman kaming sumakay ng Trycicle at sinabi namin ang pangalan ng school namin At agad naman kaming nakarating at nagbayad sa manong driver . Pero nagulat ako ng makita kong nasa labas ng gate si Bunny at kinakausap ang guard agad naman kaming lumapit . "Sige na kuya, saglit lang talaga " "Naku naman hijo, hindi ka nga naka uniform e , bawal" Bakit kase hindi siya naka Uniform? "Bunny!? " tawag sa kanya ni Angel Tumingin naman si Bunny sa amin , una ay tumingin siya kay Angel na parang nagtataka. "Nandito ka na pala ?! Hayst pinuntahan ka pa naman namin ni Jasmin sa bahay niyo, diba Jasmin?!" Dugtong ni Angel tsaka na tumingin sa akin at binigyan ako ng tingin na parang nagsasabing 'Umo-o ka na lang" "Ahh. Oo nga , sayang yung pamasahe namin" sabi ko naman nang tuluyan na kaming nakalapit sa kanila "Naku , sorry talaga kuyang guard, kaklase po kami namin siya , e nag Over Night kase kami kagabi sa bahay namin , naiwan niya po yung Uniform niya , kaya ibabalik po sana namin sa kanila kaso , nandito na po pala siya" pagsisinungaling ni Angel nang makalapit siya sa mga Guard. Tumingin naman sa akin si Bunny na nagtataka . "Oh? Nasaan yung uniform na isusuli niyo?" Patay kang bata ka , bakit kase iyon pa ang dinahilan niya ? Nakita ko naman na may pinakita siya sa Guard na isang plastik, hindi ko alam na all this time may hawak pala siyang Plastik Bag . Mukha namang naniwala yung guard "So? , pwede na po ba kami pumasok? Duon na lang po mag bibihis sa loob yung kaklase namin?" Tanong ni Angel. Teka? Wag niyang sabihin na Uniform nga ang laman ng Plastik Bag na yun? "Okay sige , pasok." Kaya naman ay agad naming sin-wipe ang I.D namin Tsaka pumasok "Teka? Wag mong sabihin sa akin na Uniform ang laman niyan?" Pang-iintriga ko "Oo nga , Uniform nga" sabay pinakita niya sa akin "Saan mo yan nakuha?" "Sira! Diba umihi ako? E may nakasalubong akong Nurse na dala dala ito. Kung kakilala ko daw ang may-ari. Yun pala kay Brix" saad niya . Siraulong to. "So , nanggaling kayo ng hospital?" Taning sa amin ni Bunny, at tumango lang kami "Ikaw. Bakit ka narito? E diba absent ka?" Pansin sa kanya ni Angel Bigla na lamang siyang kinabaha at nanlaki ang mata "Kaylangan na nating mag-madali!" Sa tono ng salita niya ay parang may mang-yayaring masama Agad naman kaming nagmadaling pumasok ng building at nagtungo ng elevator "s**t! Sa 3 pa !" Natatarantang sabi ni Bunny "Teka? Ano bang nangyayari sayo?" Naguguluhan na tanong ni Angel "Nanganganib si Renz, kaylangan ko siyang balaan" at pinindot niya ang 5th Floor . Bigla akong kinabahan , baka may mangyari nanamang masama, wag naman sana! Bumukas ito sa 3rd Floor , dahil nga napindot ito ni Bunny , pero hindi pa man nakakasarang muli ay binuksan ulit ito ni Bunny "Anong meron?" -Angel Nakita kase namin na parang may pinagkakaguluhan ang mga lalaki sa loob ng CR ng boys , na kung saan bungad ito kapag nag bukas ang mga elvator. Lumabas kami at nakihalubilo naman si Bunny sa nag-kukumpulan hangang sa narinig na lang namin na pag-banggit niya sa isang pangalan kasabay ng kanyang pagluhod. "R-renz ......h-hindi"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD