Chapter 19:Slowly

1063 Words
Marvin's POV "Marvin" rinig kong tawag sa akin ni Ma'am Mila nandito na pala siya . "Ma'am " malungkot na bati ko sa kanya Pinipigilan ko na lang umiyak dahil di ko alam kung ano ang ire reak ko . Narinig ko namang bumuntong hininga si Ma'am Mila tsaka lumapit sa akin. "Bumalik ka na sa School, papunta na dito ang mga parents ni Brix bago dalhin sa purenarya ang katawan niya" saad ni Ma'am Pero nanatili akong tahimik, naramdaman ko na lang na ti-nap ni Ma'am ang aking likod at tsaka umalis "Babalikan ko lang ang mga kaklase mo" dugtong niya. Bago siya tuluyan lumabas ng hospital. Umupo na lang muna ako sa isa sa mga upuan dito . Ang daming gumugulo sa isip ko , pero parang isa lang ang sagot sa mga nangyayari ngayon. Pero may isang bagay pa na gumugulo sa akin. Ang mga narinig ko sa pag-uusap nina Angel at Jasmin. FLASHBACK Pagkarating na pagkarating namin Hospital ay ti-nry pa din ng mga Doctor na i survive si Brix pero hindi niya pa din nakayanan ang kanyang natamo. Napaiyak na ako ng mga oras na iyon. Wala na akong paki kung anong isipin nang mga makakakita sa akin . Sumilip naman ako sa pintuan kung saan nakatabon na nang puting tela ang katawan ni Brix. Masakit lang isipin na kanina lang ay kausap ko siya tapos ngayon.. Wala na siya Hindi nga kaya tama ako? Hindi nga kaya tama ang hinala namin ni Saveena? Bigla ko naman naalala si Thea Kaya naman ay agad akong lumabas ng kwarto na iyon at tsaka pumunta sa Room kung saan dinala si Thea "At sa tingin ko, yung lalaking iyong ang may kagagawan kung bakit namatay si Genea at Jhorene at kung bakit ngayon napahamak si Thea at Brix" Liliko na sana ako nang bigla kong narinig ang usapan nina Jasmin at Angel Kaya naman ay bigla akong na Curios sa pinag-uusapan nila . Sinong lalaki ang tinutukoy niya? "Well. Sabihin na natin na totoo ang sinasabi mo , ano naman dahilan nang multong yan para patayin ang mga kaklase natin?" Duon ay mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Angel Anong multo ang sinasabi nila ? S-sino ba ang tinutukoy nila ?! Anong alam ni Jasmin? Hindi nga kaya s-si .... Hindi ! Hindi pwede to! Pero , pwede nga ba ? Pwede ba talaga na bumalik siya para lang paghigantihan kami? Maari ba yun ? Kase kung oo, kaylangan naming gumawa ng paraan para maging ligtas kami. Dahan dahan akong naglakad pabalik kung saan ako nang-galing kanina at nilabas ang aking cellphone para i-chat si Saveena 'Wag muna kayong uuwi , may sasabihin ako , importante' END OF FLASHBACK Agad naman akong tumayo para lumabas nang hospital , hahabulin ko na din sana si Ma'am Mila para sana sumabay pabalik sa school Pero wala na siya kaya naman ay agad akong sumakay ng Trycicle para bumalik ng School Saveena's POV Bumalik na lang kaming lahat sa Classroom, sumama si Marvin sa ambulansiya at sumama din naman sina Jasmin at Angel sa pag hatid kay Thea. "Ano kayang nangyari kina Brix?" -Genmar " ewan ko , pero sana hindi sila mamatay gaya nina Genea at Jhorene"-Mijo Narinig kong usapan sa likod. Ngayon iniisip na agad nila kung anong pwedeng mangyari kina Brix . Pero hangang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung nagbabalik nga siya para lang gawin ito. Kase napaka Imposibleng mangyari. Habang nag iisip ay agad ko namang naramdaman na nag vibrate ang cellphone ko,kaya naman nakita ko na nag-pm pala sa akin si Marvin ' Wag muna kayong uuwi , may sasabihin ako , importante' Yan ang nilalaman ng message niya . Kaya naman ay agad akong tumayo upang kunin ang atensyon ng lahat . "Guys, wala munang uuwi ha , may pag-uusapan tayo" "Nanaman?" "Ano ba yan!" "Ano ba kaseng nanyayari?!" Mga bulong-bulungan na naririnig ko sa loob nitong room namin "Basta! , hintayin lang natin si Marvin . Siya na mag papaliwanag" At umupo na ako sa upuan ko . Jhunrey's POV Pagkatapos sabihin ni Savee ay umupo naman agad siya. maya-maya ay may nag bukas ng pinto , akala namin ay si Marvin pero si Ma'am Mila lang pala "Okay Class" pasimula niyang sabi at pumunta sa harapan "Hindi ko alam kung anong nangyari at kung paano ko sisimulan pero, patay na si Hementera." Lahat kami sa room ay nagulat , Ano ba talagang nangyari ? Nung nakita namin ang katawan niya kanina nakahiga lamang siya, kung tutuusin nga e mas malala pa ang nangyari kay Thea , dahil nahulog ito sa labas at duguan. "Alam kong nagulat din kayo , pero wala na talaga siya" Dugtong ni Ma'am , nakakagulat , Oo dahil kamamatay pa lang kahapon ni Genea at Jhorene tapos ngayon naman si Brix. "Ma'am? S-si Thea po ? Kamusta p-po siya?" Tanong naman ni Veronica na kakatapos lang umiyak "Okay naman siya . Ngayon ay binabantayan siya nina Fajardo at Abanag" sagot nito . Medyo na guilt naman ako dun, kahit na sila ni Angel-ang sinisisi, ay nagawa pa nilang bantayan si Thea . Napakabuti talaga ni Jasmin pero ni hindi manlang namin siya na pag-tangol nung mga panahon na siya ang dinidiin ng lahat . "Gaya ng sabi ko kanina, kung gusto niyong pumunta sa Burol ng mga kaklase niyo , pumunta kayo dun ng maayos , okay ?" Tumango naman kami at tsaka lumabas si Ma'am na puno ng pangamba ang mukha. Maya maya ay pumasok naman si Marvin at dere-deretso sa harapan "Guys , kailangan na nating mag-ingat" seryosong sabi niya Bunny's POV "Anak, hindi ka nanaman ba kakain?" Tawag sa akin ng mama ko. Pero nanatili lamang akong tahimik. Wala akong ganang kumain at mas lalong wala akong ganang pumasok , bakit pa ? Para makita ko ang kamatayan nang mga kaklase ko? Para saan pa't nakikita ko kung malapit na ba silang mamatay , pero hindi ko naman sila mabalaan. Medyo naluluha na ako , naaalala ko kase ang nangyri kay Genea , at kanina naman ay nag text sa akin si Renz na Wala na din daw si Jhorene. Dapat, dapat sinabi ko sa kanya ! Dapat , dapat pinigilan ko siyang sumama. Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo nang mga luha ko nang biglang tumawag si Renz. 'Bakit?' Agad na bungad ko sa kanya 'B-bunny' nararamdaman kong naiiyak siya 'Anong meron?' 'Bunny si Brix. Wala na siya ' napalunok ako ng malalim . Malaki ang tsansa na tama nga ang hinala ko , bumabalik siya. Bumabalik si Angelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD