Chapter 18:Protection

1052 Words
Jasmin's POV Nandito lang kami ni Angel sa labas ng Room ni Thea , dumating na din kase ang Mama niya . Si Ma'am Mila naman umalis na at bumalik na sa School . Siguro ay para asikasuhin ang buong klase . "Hija , aalis lang kami saglit ha ? Kukuha lang kami ng mga damit ni Thea " Sabi sa amin ng kanyang Mama "Kung pwede kayo muna ang mag bantay , pwede ba ?" Pakikiusap nito . Tumango naman kami ni Angel at tsaka pumasok sa loob . "Ka-kamusta ka na ?" Tanong ko Nilihis niya lamang ang kanyang tingin at tsaka hindi ako pinansin "Alam mo Thea , wag ka nang mag inarte ! Pasalamat ka pinagtitiyagaan ka pa namin e!" Pasigaw na sabi ni Angel. Tinignan ko naman siya nang masama. "Gel!?" Ma otoridad na pansin ko sa kanya. Nakita ko naman na nananahimik siya Naupo naman ako sa gilid nang kama kung saan nakahiga si Thea . "Thea , alam kong alam mo na hindi kami ang may gawa sayo nito" mahinahon na sabi ko Pero nanatili lamang siyang tahimik "Kaya sana, hindi mo na din kami sisihin sa mga nangyayari" Pero nananatili pa din siyang tahimik at nakatingin sa gilid. "The-Thea, na-nakita mo din ba si-siya?" Sinabi ko yun kahit na hindi ako sigurado kung yung lalaki ba na yun ang may kagagawan nito sa kanila Pero , nagulat ako nang unti-unti ay tumingin sa akin si Thea na gulat na gulat "A-anong i-ibig mong sa-sabihin?" Saad niya "Thea, yung Lalaki , yung lalaki, si-siya ba ang may kagagawan nito sa inyo?" Tanong ko na kinakabahan . Pero binaling niyang muli ang kanyang ulo sa dati niyang tinitignan , pero nararamdaman ko na natatakot siya. "Thea sa-sag---" "HINDI!, WALA! Please Jasmin! Umalis na kayo ! Please!" Sigaw niya . Lumabas naman kami ni Angel agad , kesa sa pag sigawin namin siya , e alam naman naming may dinadala siya. "Psh, napakaarte naman nang buntis na yun " mataray na sabi ni Angel "Hayaan mo na siya Angel, kaylangan kong malaman kung anong gusto ng lalaking yun" sabi ko sa kanya. "But, i don't think so na tama ang gagawin mong sabihin kina Saveena ang mga napagdaanan mo sa lalaking yun, I mean , yung koneksyon ng lalaking yun sa iyo at sa mga nangyayari sa Klase natin, Hindi mo ba naisip na , baka mas lalong ikaw ang sisihin nila ? Dahil baka isipin nila na , ikaw nga talaga ang nag dadala ng malas sa Section natin" mahabang paliwanag niya. Oo nga, tama nga si Angel. Baka mas lalong ako ang pag-initan nila , pero? Paano ko naman malalaman kung bakit ito ginagawa ng Lalaking iyon? Naaalala ko tuloy yung sinabi ni Lola , kaylangan ko daw malaman kung bakit gusto akong patayin ng Lalaking yun . Pero....Paano ? Napatigil naman ako sa pag-iisip nang bigla kaming nakarinig ng isang sigaw na nag mumula sa kwarto ni Thea. Thea's POV Pa-paanong ? Paanong nakita din ni Jasmin ang lalaking yun ? Na-nakita din ba niya ? Paano niya nalaman?! Naaalala ko tuloy ang nangyari , hindi ko alam kung paano, pero .. Nakita ko na lamang ang sarili ko nang mga oras na yun na parang may humila sa akin papunta sa Bintana. At sinasakal ng lalaking yun si Br- si BRIX!? jusko ?! Kamusta na kaya siya ?! Kukunin ko na sana ang Cellphone ko sa tabi ng table nang biglang nag patay sindi nanaman ang ilaw . Shit ! Hindi pwede to ! Pinilit kong abutin ang cellphone ko nang biglang... "AAAHHHHHHH!" Ma-may isang duguang lalaki ang nakatayo sa gilid ng kama ko ! At.... At nakagiti siya ! "AAAAAAAHHHHHH!. "THEA ! THEA ! " natigil lahat , pati ang pagpatay-sindi ng ilaw , tumigil na din , maging ang lalaking nakatayo ay wala na din sa kinaroroonan niya. Wala na akong nagawa kundi ang maiyak "Huhuuhuhuu". Nakaramdam na lang ako ng isang yakap "Okay lang yan Thea , okay lang , magiging okay ka lang " si Jasmin, bakit niya ako niyayakap? Pero bakit parang umiiyak din siya ? Maya-maya lang ay kumalas din siya sa pagkakayakap at , nakita ko na umiyak nga din siya, pero . Bakit? Samantalang si Angel ay nakatayo lamang at halatang naguguluhan. "Sa-salamat" saad ko na parang nahihiya , kase naman, since nuong nakaraang hapon , binully na namin siya nina Nikka at ngayon naman , binabantayan niya ako . Ngiti na lamang ang ginanti niya sa akin. "Thea, sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin ang mga nakita mo " parang desperadang saad niya . "Jasmin, sa-sa tingin ko , tama yung sinasabi mo kanina" at saglit kong pinunasan ang aking mga mata " yung, lalaking tinutukoy mo , siya nga ang may kagagawan sa amin nito " At muli ay napaiyak ako , Hinawakan naman niya ang aking buhok at tsaka ako inalo-alo "Sshh, tahan na , makakasama yan sa baby mo" sabi niya na ikinagulat ko nanaman Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kaniya nina Mama? Nabasa niya yata ang nasa isip ko kaya naman ay agad siyang nag-salita. "Sa amin unang sinabi ng Doctor" Kaya naman pala "Thea , may ibibigay ako sayo , isa ito sa mga beeds ng porselas na ito" at pinakita niya sa akin ang porselas na suot suot niya. At makikita din na nabawasan nga ito ng beeds. "Para saan naman ito ?" Curious na tanong ko "Minsan na din kase akong pinagtangkaang patayin ng lalaking iyon at , hindi ko alam kung bakit kaya ibinigay sa akin ito ng aking lola , bilang Proteksyon laban sa kanya" paliwanag niya "At...ibinibigay ko naman sa iyo itong dalawang beeds bilang proteksyon mo at nang baby mo ". Agad naman niya iyong isinuot sa aking kamay "Huwag na huwag mong iwawala iyan" dugtong niya at tanging tango na lamang ang nagawa ko at nagsabing "Salamat" Nanahimik naman kami saglit bago magsalita si Angel "Nga pala, tungkol sa lalaking humahabol sa inyo, ikaw Thea" Biglang tawag niya sa akin "Anong koneksyon mo sa lalaking iyon?". Nanlaki naman ang mga mata ko , oo nagulat ako sa tanong niya , hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano "Kase alam mo , gusto din nang lalaking iyon na patayin si Jasmin , pero walang ideya si Jasmin kung bakit , at dahil sa dalawa na ang nawala sa inyo , sa tingin mo ? Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Dere-deretsong sabi nito. "Hi-Hindi , hindi ko alam ." Yun na lamang ang nasabi ko , paano ko naman sasabihin sa kanila na isang multong naghihiganti ang nagbabalik ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD