Chapter 17:Explanation

1082 Words
Marvin's POV Pagka-babang-pagka-baba namin ay agad namang ipinasok si Brix sa loob ng ambulansya. Nagulat ako nang makita ko na nasa kabila din si Thea at naroon din sina Angel at Jasmin na nakabantay. Ngayon, nangingibabaw talaga ang pag-aalala at takot . Nag-aalala ako para kay Brix at Thea , at natatakot at the same time kase baka mamaya , sila na ang sunod na mawala sa amin. Nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni Brix ang braso ko "Brix, kumapit ka lang , dadalhin ka na namin sa hospital " Pero hindi niya pa din binibitawan ang braso ko . Unti-unti kong nakitang may sinasabi siya. Kaya naman inilapit ko ang aking tenga. "T-tama k-kay~~" pahinang pahina na sabi niya. Hangang sa nakita ko na lamang na nakapikit na ang kanyang mga mata "B-brix?" At niyugyog ko siya ng kaunti . Pang bakla mang marinig pero , naiyak ako nang tinignan ko ang kanyang pulso , hindi na ito tumitibok "BRIXXXXX!" Angel's POV Nandito kami ni Jasmin ngayon sa labas ng E.R , kasalukuyan kaseng ino-operahan sa loob si Thea. "Jas, okay ka lang ba ? Ano bang nangyari? Uupakan ko talaga yang Mariang yan !" Nangangalaiti kong sabi sa kanya "No. It's okay , I'll just realize na hindi dapat ako nag papa apekto sa mga sinasabi nila, kase alam kong wala akong kasalanan ." Sabi niya na unti unti ay parang na re-relieve na siya "Nice , yan dapat ! Hindi ka dapat nagpapatalo ! Lalo na sa hinayupak na babaeng yun, e teka nga pala ? Bakit nga ba tayo sumama pa sa paghatid dito kay Thea ? E diba isa pa yang Hinayupak na yun ?!" Saad ko , kase si Jasmin ang nag pumilit na sumama na kami "Kailangan nating malaman ang totoo, dahil sa pagtingin ko sa kanya . Humihinga pa siya ." "Tss, as if naman may makukuha tayo sa walang kwentang yan" saad ko "Hahaha. Ang rude mo naman masyado Gel." Sabi niya tapos ay, parang naging seryoso naman siya "Kailangan kong malaman kung tama ba ang hinala ko " Ha? Anong hinala ? Anong ibig niyang sabihin ? "Anong sinasabi mo ?" Bigla naman akong napaupo dahil sa curiosity . "I mean ,Yung mga nangyayari sa atin" "Oh? Anong meron ? Bukod sa tayong dalawa ang laging sinisisi ano pa ba ang iniisip mo ?" Napakamot na lang nang ulo si Jasmin na wari mo'y hirap na hirap siyang mag paliwanag "Deretsuhin mo na kase , myghad" naiinip na ako e. "Yung kaninang kinukwento ko sayo ,naaalal mo pa ba ? Yung nakita ko si Genea before siyang mamatay at si Jhorene naman nung After niyang mamatay" O--------kay? , binigyan ko nama siya ng Go-Proceed-Look "Bago ako lumipat sa School natin ngayon, may nagpapakita na sa aking isang lalaki , lagi siya sa panaginip ko at minsan nag papakita na siya sa Personal. Nuong una kase ay lagi akong nababangungot. Tapos ..... Isang gabi, galing akong school at nakatulog , duon ay nanaginip ulit ako at yung sitwasyon dun ay nanduon ako sa pinangyatihan ng pagkamatay nung lalaking yun. Tapos nung mga oras pala na yun nababangungot nanaman pala ako, buti na lang at nasaklolohan agad ako ni mama at lola . Duon ay sinabi sa akin ni lola na , nais ng lalaking yun na patayin ako " mahabang explanasyon niya sa akin . Pero patuloy ko pa din pino-proseso ang mga sinabi niya "Oi,! Ano? Naguguluhan ka ba ? Hayst okey lang , alam ko naman na hindi ka maniniwala e" Saad niya "No,no,no just.....proceed . Then ? Ano namang connection nang nararanasan mo sa nangyayari sa atin at kina Genea?" Wika ko. "Nung araw na mamatay si Genea at nagpuntahan lahat nang istudyante sa Rooftop, nakita ko yung lalaking yun. Nung mga oras na yun na tayo ang sinisisi ng lahat , nakikita ko sa ekspresyon nang kanyang mukha na masaya siya. At....at kanina, n-nakita ko din siya kung saan nahulog si Thea at ganun din ang ekpresyon na nakita ko." Mahabang eksplenasyon niya. "Wait , diba sabi mo ? Gusto kang patayin ng lalaking yun ? E bakit parang hindi ka na niya nagagambala ngayon ?" Pataning na sabi ko "Dahil dito" at pinakita niya sa akin ang isang porselas na nasa braso niya , teka? Parang pamilyar to sakin.?? "At sa tingin ko , yung lalaking yun ang may kagagawan kung bakit namatay si Genea at Jhorene at kung bakit napahamak ngayon si Thea at Brix" pagpapatuloy ni Jasmin kaya naman nagbalik ang atensyon ko sa kanya "Well. Sabihin na natin na totoo yang sinasabi mo , ang tanong.. Ano namang dahilan ng multong yan para patayin angga kaklase natin?" Tila ba natahimik si Jasmin sa aking mga nabanggit . "H-hindi ko alam ..." Yan na lamang ang lumabas sa kanyang bibig "Sa tingin ko. Tanging ang buong Class 103 lang ang makakasagot niyan" dagdag pa niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas ang doctor na nag asikaso kay Thea Jasmin's POV "Sa tingin ko. Tanging ang buong Class 103 lang ang makakasagot niyan" Tama ! Sina Savee maari ko sa kanilang sabihin ang lahat dahil malakas ang loob ko na may kinalaman nga ito saga nangyayari sa akin. Lumabas naman ang doctor na nag asikaso kay Thea kaya namn nilapitan na namin siya "D-doc ? Kamusta na po siya?" "Well , stable naman na ang pasyente" Whoo! Buti naman ! "Pero kailngan niyong tawagan ang guardians niya, para maayos na ang pasyente at para maibalita na ligtas ang kanyang baby" Nanlaki bigla ang mata ko "A-ano po?" Patanong na sabi ko "Anong Baby ,Doc? Sigurado po ba kayo na kaklasse namin ang inoperahan niyo?" Nagulat din na sabi ni Angel "Yes, kung ganun ay hindi niyo pa alam , dalawang linggo nang nag dadalang tao ang pasyente mabuti na lamang at malakas ang kapit ng bata, any way dadalhin na namin siya sa Room niya . At Please, paki contact ang Guardian niya Okay? Now Please excuse me" Hangang ngayon gulantang pa din ako , i-ibig sabihin buntis si Thea ? "Oh, Jasmin, move on . Ano ka ba ?,si Thea yun , kaya hindi naman nakakagulat" saad ni Angel "Sira! Itong isang to! Sige na tawagan mo si Ma'am Mila para matawagan na din natin ang Parents niya . " Sabi ko na lang . Nakita naman naming nilabas ang katawan niyang walang malay at dinala ito sa isang Room at pumasok na din kami duon para bantayan siya Hihintayin na lang namin si Ma'am Mila para masabi ang lahat . Pe-pero iniisip ko kase na , kung may baby si Thea , mas lalong delikado siya ngayon. May hawak na siyang buhay kailangan kong gumawa ng paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD