Jasmin's POV
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko kay Angel nang makakita kami ng isang babaeng nahulog mula sa 2nd Floor , kami lang ang nasa Court kaya kaming dalawa lang nandirito ngayon , marahil ay may Klase ang ibang mga Istudyante .
"Oh my ghad!" Nasabi na lang ni Angel ng makita namin ang katawan ng isang babae na kilalang kilala namin kung sino
"THEA??!" Halos lumuwa ang aking mata , paanong nangyari to ? Sino ang may gawa nito sa kanya .
"Angel ! Tumawag ka ng Guard malapit sa Gate!" Natatarantang sabi ko
At agad namang tumakbo si Angel Papunta ng gate .
Tumingin naman ako sa itaas kung saan nagmula si Thea at labis ko itong ikinagulat
Naroon ang lalaki na laging nagpapakita sa akin.
Ang lalaking walang mata, si-siya ba ?! S-siya ba ang gumawa nito? K-kung ganun, siya din kaya ang Pu-pumatay kina Genea at Jho ? Pero Bakit??!
Bigla na lamang siya nawala sa aking panigin at nakita kong papalapit na ang mga Guard sa kinaroroonan namin
"Angel , aakyat ako sa itaas , tatawagin ko ang iba nating mga kaklase ! Samahan mo muna ang mga guard kung saan man nila dadalhin si Thea "
Tumango na lamang si Angel at agad ay tumakbo ako papaloob .
Pumunta naman ako ng Facualty Room sa First Floor para ipagbigay alam ng mga nangyari at buti na lamang at si Tito Oliver ang nanduon.
"Tito!, tulangan mo kami! T-tumawag ka nang ambulansiya!"
"Te-teka hija, hinay hinay ka lang , bakit ? May nangyari ba"
Napansin niya siguro na natataranta na ako
"Ma-may nangyari po , yun-,yung kaklase po namin , si T-thea ! D-duguan po siya at, at n-nasa baba po siya! K-kaylangan po niya n-nang tulong!"
"Si-sige , ta-tawag na ako ng ambulansiya " at agad naman siyang pumasok muli sa Facualty Room at ako naman ay pinagpatuloy ang pag akyat pero .... Pagkadating ko pa lang sa 2nd Floor ay nanlaki muli ang aking mga mata
"AAAAHHHHHHHHH!"
Adee's POV
Naaawa na talaga ako kay Jasmin kase alam naman naming walang siyang kinalaman sa nangyayari pero siya pa din ang sinisisi nina Maria , at ang nakaka guilty pa , wala manlang kaming magawa na mga kaibigan niya
"Baka maulit nanamana ang nangyari" saad ni Saveena bumalik na pala ulit siya dito sa upuan niya , kanina kase nanduon siya sa tabi ni Marvs.
"What do you mean?" Tanong naman ni Caryl
"Kase , diba? Kaya nga natin hindi pinapansin si Jasmine para mailayo natin siya sa nangyayari sa atin, kase .. Wala naman talaga siyang kinalaman. Pero ang nangyayari siya ang sinisisi ng lahat dahil sa nangyayari " paliwanag ni Savee
Nauunawaan ko naman kung ano ang nais na ipahiwatig ni Savee .
"Pinag kakaisahan natin si Jasmin , gaya nang ginawa natin nuon kay... "
Sabi niya na halos hindi na maituloy ang sasabihin
Naalala ko nanaman kung paano namin pinagkaisahan ang dati naming kaklase , para mapanatili ang isang sikreto na maaring makasira sa buhay namin.
Pero dahil sa pagkakaisahang naganap nuon , tingin ko sinisingil naman kami ngayon
"Buti na lang nanjan palagi sa tabi niya si Angel" saad naman ni Jhunrey
"Oo nga e ,atleast may nakakaramay siya at nagtatangol sa kanya " pag-sang ayon naman ni Rina
Yeah that's Transferee girl , kahit na hindi pa namin siya nakakausap, nakikita ko naman na mabuti siyang kaibigan kay Jasmin, at lalong malakas ang loob niya at hindi umuurong sa laban
Natigil kami sa usapan namin ng biglang tumayo si Marvin at nagsabi sa amin na pinababa daw kaming lahat ni Ma'am Mila
Kaya agad naman kaming tumayo at nagsilabasan.
Nasa 3rd Floor na kami nang biglang nakarinig kami ng isang sigaw , at alam ko kung kanino galing ang sigaw na iyon..
Kay Jasmin yun!!!!
Kaya nagmadali kaming bumaba at nang makarating kami ng 2nd Floor ay bumulagta sa amin si Jasmin na nakaupo na paramg takot na takot at ang katawan ni Brix na nakahiga sa sahig at nakadilat ang mata.
"BRIIIXX!!" Halos lumipad si Marvin sa pagmamadali at pumunta sa kinalalagyan ni Brix , samantalang kami ay gulat pa din na nakatayo
"Buhay pa siya!, bilis tumawag kayo ng tulong!" Natatarantang utos ni Marvin
"Pumunta kayo sa baba! Tawagin niyo sina ma'am!" Sabi ni Saveena na halatang gulat din sa mga nangyayari
Agad namang bumaba ang iba at naiwan naman ang ilan , kami-kami na lang pala nina Saveena,Caryl,Rina,Heidi,Jhunrey,Veronica,Aya, at Maria ,si Renz ay naroroon na din sa pwesto nina Marvin
Nilapitan naman namin si Jasmin at agad na itinayo na gulat na gulat pa din at hindi kumikibo
"Jasmin , okay ka lang ba?" Tanong ko nang maitayo na namin siya , pero tanging tango lamang ang naisagot niya sa amin
"Hay naku! Kung alam ko lang ! Siya din ang may kagagawan nito ! " pagtataray naman ni Maria at inirapang muli si Jasmin
"Ano ba Maria ? Tumahimik ka na nga lang muna ? Wala tayong alam sa nangyari" pagsasaway naman ni Jhunrey kay Maria
Samantalang si Jasmin ay nanatiling tahimik
"Tss hangang ngayon ba naman ?! Siya ang may kagagawan niyan kay Brix! Hindi niyo ba nakita?! Siya lang nandito !"
Paninigaw naman niya
"AAAHHHHHHHHH" nakarinig naman uli kami ng pag sigaw na nag mula naman kay Veronica , naka dungaw siya sa nabasag na bintana
Pe-pero paanong nabasag iyon ?!
Nilapitan namin si Veronica at dinungaw namin ang labas at nagulat kaming lahat mg makita namin ang duguang katawan ni Thea na hawak hawak ng mga Guard . A-ano ba talaga ang nangyayari ?! Jusko !
"IKAW! ANO NANAMAN BA ITO HA ?! MALAS KA ! PINATAY MO SILA!" at nilapitang muli ni Maria si Jasmin at tinulak tulak.
Samantalang si Veronica ay umiiyak at inaalo alo naman ni Aya.
Pilit naming pinipigilan si Maria sa ginagawa niya kay Jasmin , pero si Jasmin ay nayuko lang habang umiiyak kahit na naitutulak siya minsan ni Maria
"Ano ba ?! Maria! Tumahimik ka na nga ! Walang kasalanan si Jasmin!" Saway sa kanya ni Caryl.
"Anong wala?! Siya ang gumawa niyan ! Tinulak niya si Thea jan ! nagagalit siya dahil nabisto na namin nina Thea na siya ang may kagagawan nitong lah-----"
*PAK!*
napatigil kami dahil sa isang sampal na natamo ni Maria pero mas lalo kaming nagulat nang makita namin kung kanino ba nang-galing ang sampal na iyon
Ja-Jasmin
"WALA KANG ALAM ! WALA KANG ALAM! KAYA HUWAG NA HUWAG MO AKONG SINISISI SA ISANG BAGAY NA WALA AKONG GINAGAWA !"
*PAK!*
At sinampal niyang muli si Maria na ngayon ay tulala pa din.
"Jasmin ! Nandito na ang ambu--- bakit ka umiiyak ?!"
Nandito na din pala si Angel , saan naman siya nang-galing?
At nadako naman ang tingin niya kina Marvin at nanlaki din ang kanyang mga mata .
"A-anong nangyari dito?"
At muli ay nilapitan niya si Jasmin
"Jas, nanjan na ng ambulansiya , halika na "
" IKAW ! ANONG GINAWA NIYO KAY THEA HA ?! BAKIT NIYO SIYA TINULAK ?!" Nagulat naman kami nang biglang lumapit si Veronica kay Angel
"Nika ! Isa ka pa e, tumigil ka muna" si Heidi naman ang umawat
Sasagot na sana si Angel nang biglang sumabat si Jasmin
"WALA ! WALA KAMING GINAWA! TIGIL TIGILAN NIYO NA KAMI AT MAS LALONG TIGIL TIGILAN NIYO NA AKO ! DAHIL KAPAG NAPUNO AKO! BAKA HINDI NIYO MAGUSTUHAN ANG JASMIN NA MAKIKITA NIYO !" Makikita mo ang galit sa kanyang mga mata , ang pagkamuhi na kanyang nararamdaman
Nagkaroon kami ng kunting katahimikan , maging sina Saveena ay nanlaki ang mata dahil sa nagawa ni Jasmin
"Ako na ang bababa para ipakuha na din ang katawan ni Brix" dugtong niya na may halo pa ding galit sa tuno niya , kahit na may mga luha pa siya sa kanyang mga mata. At bumaba na siya nang hagdan
"Kung ganun, mukhang alam ko na ang nangyayari, kami nanaman pala ang napagbibintangan dito " seryosong sambit ni Angel
Bababa na din sana siya nang bigla siyang tumigil at humarap ulit sa amin
"If i know, kayo ang mga naunang kaibigan ni Jasmin, bakit hindi niyo siya magawang ipagtangol? Bakit niyo siya nilalayuan at hindi pinapansin. Anong mga klaseng kaibigan kayo ?" Seryoso pa ding sabi niya at pinagpatuloy na niya ang kanyang pag baba.
Natigilan naman kaming lahat samantalang , niyakap muli ni Aya si Nikka na patuloy pa ding umiiyak . At si Maria naupo na lang sa Hagdan , marahil ay hindi makapaniwala dahil sa nagaw ni Jasmin sa kanya .
Maging kami din naman e , hindi din makapaniwala
Mayamaya ay may nagdatingan na mga lalaki upang kunin ang katawan ni Brix ,sumama naman sina Marvin sa paghahatid nang katawan nito sa Baba
Habang kami , naiwan dito at tulala
"Hindi na maganda ang nangyayari" saad ni Saveena
"Imbis na mailayo natin si Jasmin sa kapahamakan ay siya pa ang nailalagay natin ."
Dugtong niya
"A-ano nang mangyayari sa atin ?" Wala sa sariling tanong ko
"Hindi ko alam, hindi ko alam" sagot ni Savee na napaupo na lang sa Sahig at hinawakan ang kanyang ulo.